di mo po nabangit yung tubig na ginamit mo kung mainit, malamig o tama lang yung temp...usually po kasi pag nakabasa po tyo sa instruction na binigay ng nagsulat na WARM WATER o HOT eh akala po ng iba dapat mainit na tubig talaga o nakakapaso na pag hinawakan...tama po yung mga ginamit mo na nabanggit mo at siguro nga may mali sa tubig kaya wala reaction na nangyayari sa mixture mo....ang yeast kasi kung di ako mali eh mga buhay na bacteria yan na kadalasan ginagamit pangpaalsa sa paggawa ng tinapay...kaya kung gagamit tyo ng tubig na mainit eh posible po na wala na talaga reaction na maganap dahit yung bacteria na inaasahan natin eh patay na...ano po ang dapat na tubig kung ganun?...may mga mababasa din po kasi tayo sa iba na ang ginamit nila eh yung LUKEWARM o MAINITINIT o kung tawagin ng nakararami eh maaligamgam na tubig(usually 37¤c o di nalalayo sa body temp ng buhay na tao)...para po sa mga gusto po malaman eh share ko na lang po yung procedure na ginagawa ko....
mga kelangan:
2L/1.5L soda/coke bottle
airline tubing
check valve
small bottle(garapon yung may takip)
airstone
bowl
electric drill w/ 3/16 drill beat(if wala po kahit ibang gamit na pwede makagawa ng pabilog na butas)
1/4kl sugar
2tsp baking soda(17-20p po presyo nito)
1tsp yeast(nabibili po ito madalas sa halagang 5p lang)
set-up
-gamit po yung electric drill with drill beat size na 3/16 ay gumawa po tyo ng butas sa takip ng 2L Bottle natin.
-gumawa naman po tyo ng butas sa takip ng garapon ng 2 butas...
-dahil nakapagbutas na tyo sa 2 caps eh pwede na po natin ilagay yung airline tubing natin...una po icut po natin ng 45 degrees angle yung magkabilang dulo ng tube para madali po natin maisuot sa butas na ginawa natin sa soda bottle cap for atleast 2cm po yung nakapsok sa loob ng takip ang haba...yung kabilang dulo isuot ntin sa 1 butas naman nung cap ng garapon....dapat po yung haba po nung tube sa loob eh half cm po ang space between sa base ng bote pag nakalay na po yung takip..lagyan po natin ng tubig yung bote ng kalahati....
-at ang huli po gamit po ang iba pa pong tube eh isuot naman po natin yung 1 dulo sa pangalawang butas na ginawa natin dun sa takip ng garapon na may haba naman ng atleast 2cm ang nakasuot sa loob at siguraduhin po na di siya aabot sa tubig na laman ng garapon .inbetween po nung tube na huli natin pinasok eh dun po natin ilagay yung check valve at sa dulo po nun eh dun natin ilalagay yung airstone na ilulubog natin sa tank natin.
tanong:bakit kelanggan 3/16 drill beat size ang gamitin pangbutas!
Sagot
![Stick Out Tongue :p :p](/images/smilies/tongue.gif)
ara po di na po natin kelangan gumamit pa ng silicon pangtapal sa gilid ng mga butas na ginawa natin dahil sapat na po yung sikip ng butas na sinuutan natin ng mga tubes para dina sumingaw o magleak yung co2 sa pagitan ng tubes atmga butas..tested ko na din po yan for about 4mnths na po!
ok na po yung setup natin..dito naman po tyo sa mixture na gagawin natin.
-una po gumamit po tyo ng bowl at lagyan po natin ng maaligamgam na tubig gaya po nung nabanggit ko kanina..ibuhos po natin dun yung kalahati nung 1/4 ng asukal at haluin maigi hanggang matunaw yung asukal bgo natin ilagay yung yeast...haluin uiht maigi hanggang mawala po yung buo-buo ng yeast.gawin po natin yung paghalo every minute hanggang 10min po..
-lagyan po natin ng 1/4 muna ng tubig yung 2L Bottle at ibuhos yung natitirang asukal..shake po maigi hanggang matunaw yung asukal saka natin ilagay yung 2tsp ng baking soda(wag na po haluin)..nakakatulong po kasi yung soda para sa mas mbilis na pag react ng mixture natin.
-ibuhos na po natin sa 2L yung unang mixture natin na may yeast kanina..-dagdagan po natin yung tubig sa 2L for at least 3/4 po nung kabuuang laman sa loob kung kulang man pagkatapos natin isama yung unang mixture natin.
-ilagay na po natin yung takip ng soda bottle...
sa expirience ko po eh 1hr lang po at makikita na po natin yung reaction na ginawa natin at unti-unti po mapapansin po na nagkakaron na din ng bubbles dun sa tubig na laman ng garapon then in a few minutes pa po eh may mga bula na din po dun sa airstone na nakalubog sa tank natin...
Sensya na po kung wala ss...cp mode lang po kasi...feedback sa mga susubok!tested ko na ito!