Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[ASK] Utang ng ex-BF ko

shelooo

Professional
Advanced Member
Messages
158
Reaction score
0
Points
26
Yung mom ng ex-bf ko, willing i-settle yung utang ng anak niya sakin which is dapat 20k pero ni-reduce ko na ng 10k. Sinabi kasi ng ex bf ko non na babayaran niya ako pero until now (yata) eh wala pang trabaho or baka nasa training pa lang or ewan, hindi ko alam since naka block na ako sa kanya at di niya ako ma-update.

Medyo nakokonsensya kasi ako na mom niya ang magbabayad eh yung anak niya yung may atraso sakin. Tatanggapin ko ba or wait ko na lang si ex ang magbayad or hahayaan ko na lang yung nautang ng ex ko?
 
Last edited:
Re: Help?

Sabihin mu sa mama nya "Ang p:x: anak mo po ang dapat mag abot ng bayad"
Ano yung ex mo? disabled, pwd, may ncov. Para di nya maiabot syu ng personal o kaya maipa moneytransfer manlaang sa lbc o western union yung pera?
HIYANG HIYA NAMAN AKO SA NANAY NYA…
Saka Atraso nya eh atraso nya dapat yun. Kakaiba kadin maam eh. Dapat nga tinutubuan mo yun utang nya imbes na bawasan.
MAG PAKA LALAKE KAMO SYA. Madali sa laang ang mag sideline para kumita ng pera.
 
Re: Help?

Naaawa din ako sa mom niya kasi ang sabi magchachat lang sa kanya yung ex ko pag may kailangan at til now hindi alam kung bakit hindi pa nakakahanap ng work. Naghiwalay kami kasi may nakilala siyang babae sa codm/ML at mas pinili niya yon.
Anyways, sinabi ko na sa ex ko na mahiya ka sa mama mo dahil responsibility niya sa akin yon pero no reaction si kuya. Sineen lang ako. Then blocked. Sinabi ko yun sa mom niya at nahihiya na mom niya sakin kaya siya na lang daw magbabayad. Nakokonsensya ako na nasasayangan kasi di naman pinupulot yung pera.
 
Re: Help?

kung hindi mo pa naman need ng money na yon.. sabihin mo na lang sa mommy nya na willing ka pa naman maghintay na anak nya mismo mag bayad ng utang nya.. at lalo kung gipit yung mommy nya.. pero kung need mo GET IT! :)
 
XD sensya po pala medyu rude yung comment ko kanina.
Lalaki kasi ako kaya medyu di ko lang keri ang lalaking tamad.

Eh walang pag-asa yang ex mo ma'am kung sa chat mu laang sya makakausap..
Maigi pa po talaga if nakakausap mo yung mama nya eh sabihin mu na gusto makausap ang anak nya ng personal nang sa ganuon eh matauhan yan.
"Surprise m*f* asan na yung bayad mo!"

Pero set-aside mo yuung feelings mu ma'am kasi alam ko na yaang bawas 50% na sinabi mu eh :lol:
Pag ginawa mu yaan eh talo ka talaga kasi para mu narin sinabi na may feeling ka parin sa ex mo :peace:

Maniwala ka kaya nya yan bayaran. Kahit mag sideline yan makakaipon yan.
Nakuha nga nya mag paload at mag syuta ulit eh.

Eh aku nga last year eh napagastus ng 138k sa hospital bill ng gf ko.
Di nya alam kung paanu ako nakalikom ng pera. Basta alam nya nangitim ako at pumayat ng kaonti :lol:
 
------
Wala pa kasi siyang work. Sa BPO lang siya nag aapply since ang pili niya sa work and yun lang yung may experience siya. Yung feelings sinet-aside ko na, hindi ko babawasan yung 20k kung siya yung magbabayad pero dahil mom niya na magsesettle, binawasan ko na. Para lang din matapos na sana, ang kaso naawa ako sa mom niya na nagwowork (dh) abroad at hiyang hiya sa ginawa ng anak niya sakin since alam niya yung mga ginawa ko para sa anak niya. Gusto ko man siyang puntahan pero Masasayang lang oras ko dahil wala pa din naman siyang maibibigay. (Tsaka baka masapak ko lang siya)

Isa pa, nung sinabi ko na willing si Tita na isettle yung pera, hindi man lang siya nag react. Kahit man lang sabihin niya na wag idamay mama niya.

He's 29 na pala.

Swerte naman ng gf mo sir. Sana all.

kung hindi mo pa naman need ng money na yon.. sabihin mo na lang sa mommy nya na willing ka pa naman maghintay na anak nya mismo mag bayad ng utang nya.. at lalo kung gipit yung mommy nya.. pero kung need mo GET IT! :)
----
Nasa abroad mom niya pero nahihiya talaga ako. Kinda need din the money to pay some bills.
 
Last edited:
Re: Help?

Yes! You are kind enough to lessen it and to make it half pa! As much as possible utang is utang. Buti na lang ex mo na yung anak. You have to take the offer of the mom's ex since there will be no assurance kung kailan ka mababayaran ng ex mo. Just make it in writing din para mas malinaw ang usapan. Good luck!
 
Re: Help?

“sheloo” said:
Yung mom ng ex-bf ko, willing i-settle yung utang ng anak niya sakin which is dapat 20k pero ni-reduce ko na ng 10k. Sinabi kasi ng ex bf ko non na babayaran niya ako pero until now (yata) eh wala pang trabaho or baka nasa training pa lang or ewan, hindi ko alam since naka block na ako sa kanya at di niya ako ma-update.

Medyo nakokonsensya kasi ako na mom niya ang magbabayad eh yung anak niya yung may atraso sakin. Tatanggapin ko ba or wait ko na lang si ex ang magbayad or hahayaan ko na lang yung nautang ng ex ko?

I don’t think your ex will pay for it otherwise he would have done something about it before blocking you in social media. He would have thought of borrowing from her mom first just to settle everything which is the right thing to do. Since his mom is offering to pay for it, take it and better get the whole amount. Then just let your ex feel guilty that he owe his mom money whch he should have settled before. That way, after getting all the money, you can finally put everything behind you and not look back. If your ex still has some decency left in him then he should feel awfully ashamed of himself.
 
I thought so too. But I don't know kung nasa vocabulary niya ang 'guilt', 'shame' and 'decency'. He never apologized on what he did and blamed me on why he cheated. He told me na because of me hindi siya makahanap ng work (naging dependent samin ng mom niya and he blames us) . He is only sorry na pinatagal pa niya ng 5 years yung relationship namin but never the cheating, emotionally, verbally abusing parts or kahit man lang aminin niya sa sarili niya na he only used me.

His mom asked me for my details and will send the money this Sunday. After non, I am done.
 
Last edited:
Re: Help?

I thought so too. But I don't know kung nasa vocabulary niya ang 'guilt', 'shame' and 'decency'. He never apologized on what he did and blamed me on why he cheated. He is only sorry na pinatagal pa niya ng 5 years yung relationship namin but never the cheating parts.

His mom asked me for my details and will send the money this Sunday. After non, I am done.

If that’s the case then the more you should accept her mom’s proposal and get this over with. Hayaan mo na whether those 3 qualities are in his vocabulary or not. The sooner this is done the better for you because after this you don’t have to wonder whether you will get your money back anymore. After this, you will have a clearer mind and nowhere else to look but forward. Thank her mom for the kind gesture since you also need the money kamo and you would also want to put the painful past behind. She’d understand.
 
Re: Help?

Yung mom ng ex-bf ko, willing i-settle yung utang ng anak niya sakin which is dapat 20k pero ni-reduce ko na ng 10k. Sinabi kasi ng ex bf ko non na babayaran niya ako pero until now (yata) eh wala pang trabaho or baka nasa training pa lang or ewan, hindi ko alam since naka block na ako sa kanya at di niya ako ma-update.

Medyo nakokonsensya kasi ako na mom niya ang magbabayad eh yung anak niya yung may atraso sakin. Tatanggapin ko ba or wait ko na lang si ex ang magbayad or hahayaan ko na lang yung nautang ng ex ko?

Normal lang naman na makaramdam ka ng ganyan dahil may pinagsamahan naman kayo ng parents ng ex-boyfriend mo kahit paano. Tsaka wag mo na hintayin ang ex-boyfriend mo mismo ang mag-bayad sayo kasi mukhang malabo na. Nagawa ka ngang lokohin eh, bayaran pa kaya? Tsaka okay na yan na nag-offer ka na ganung amount na lang ang bayaran ng mother ng ex-boyfriend mo kahit na hindi mo naman kailangang gawin, bilang respeto na din, at dahil sa may pinagsamahan din naman kayo, at para matapos na, para makapag-focus ka na din sa sarili mo. Tsaka nahihiya din yung mother ng ex-boyfriend mo sayo dahil na din sa ginawa sayo ng anak niya. Kaya tanggapin mo na yung offer. Para naman yun nga, matapos na.
 
Re: Help?

Kung willing ung Mommy, then she would be strict enough para sabihan si ex.
Kung di mo pa naman kelangan ng pera, I'd wait para ung ex ang magbayad since may assurance ka naman ng Mom niya.
Kasi nakakahiya rin na madamay pa ung Mommy niya, pero kung mag insist si Mommy then just take it. Para tapos na.
 
Re: Help?

Tangapin mo. sure nahiya rin mommy nya sayo kasi dahil sa anak atlis after nun tapos na talaga. yung mommy na mismo mag sasabe sa anak nya na batugan .o kaya pa tulfo mo hahahhahah joke lang
 
Re: Help?

His mom sent me $200 yesterday then sabi maghuhulog daw siya ulit sa kulang pag nakaluwag pero sinabi ko na okay na yung 10k na yon. Nakakadurog ng puso makabasa ng ganon sa nanay na nagpapakahirap sa ibang bansa kaya hindi ko maiwasan na hindi makonsensya.

Thank you sa lahat ng sumagot. Wala na kong balita sa ex ko at wala na kong balak makibalita. Kahit gusto ko siyang ma-karma in the worst way possible pero pag naaalala ko mom niya, naaawa ako.
 
Re: Help?

Hayaan mo na lang sya TS. Wala ka nang mapapala sa ganyang tao. Tulad nga ng sinabi ko sa nakaraang post mo, Walang balak yan mag bago kasi umaasa sa magulang. Kahit noon na ipush mo sya mag trabaho sya pa yung nagagalit sayo. Ang tanda na nyan pero asa pa din sa magulang. Pasalamat nalang tayo at nakawala ka na sa taong yon. Goodluck further! Libre naman joke. Hehe
 
Re: Help?

His mom sent me $200 yesterday then sabi maghuhulog daw siya ulit sa kulang pag nakaluwag pero sinabi ko na okay na yung 10k na yon. Nakakadurog ng puso makabasa ng ganon sa nanay na nagpapakahirap sa ibang bansa kaya hindi ko maiwasan na hindi makonsensya.

Thank you sa lahat ng sumagot. Wala na kong balita sa ex ko at wala na kong balak makibalita. Kahit gusto ko siyang ma-karma in the worst way possible pero pag naaalala ko mom niya, naaawa ako.

I’m glad it worked out for you. If the 10k is good for you then it’s time to close the chapter for good and not look back. You have done your part in the relationship so no regrets. Lastly, only the universe can give him the karma you want so in the mean, the best revenge is to live well.
 
Re: Help?

kung may nakuha ka nag money sa mother nya. wag mo nangtagihan and be thankful lang na mabait si mother kahit na hindi maganda pinagdaanan nyo ng anak nya.

in future magiging mother ka din. at malalaman mo din pakiramdam na ikaw sumasalo sa anak mo. kaya kung makaka anak ka palakihin mo ng tama.
and dun sa Ex mo napaka irresponsible nya kamo. buti nalang hindi mo sya naging asawa or hindi kayo kasal. kung nakataon naka TALI kana tas dun pag nagloko mahirap na yun.

Be thankful na lang. and ready yourself in tomorrow.
 
Re: Help?

Thankful na din ako kahit sobrang sakit ng ginawa niya. Buti na lang walang baby na madadamay. Graduating na 'ko this May kaya dun ako naka focus.

Thank you ulit sa inyo. This will be the last time na gagawa ako ng ganitong thread. Lol.
 
Re: Help?

Oks lang.. Tanggapin mo lang.. Bigyan mo na lang ng terms kung talaga nag dadalawang isip kang tanggapin.
 
Re: Help?

Utang ay dapat bayaran. Ex-GF ko pinabayad ko utang niya na 50k. Nabayaran niya lahat pero installment at inabot ng 2 years. Hirap maningil noon lalo na niloko niya ako.
 
Back
Top Bottom