Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ayoko ng magaral , ito ang gnawa ko . :(

TS, alam mo ba na sobrang hirap ang walang tinapos... kaya dapat ituloy mo na ang pag-aaral, tapusin mo na at maghanap ka ng trabaho tsaka ka magpapetiks petiks...:D, kasi nakakaawa naman parents mo. Kasi nagkakandakuba na yang mga yan mapaaral ka lang at maibigay lang sayo ang magandang kinabukasan...:)
 
Honeslty naiines ako sa mga taong ayaw pahalagahan ang pag-aaral .. given na ang firewood ayaw pa sindihan .. samantala yung iba naghahanap pa ng firewood pero laging bigo.
firewood = chance, opportunity

masarap mag-aral, totoo yan. hindi ako ganun katalino, pero masasabi kong ang sarap mag aral. walang tatalo sa buhay estudyante. Ang problema lang naman ng student eh kung pano ipapasa ang ganito, pano ipapasa ang ganito. Unlike kapag nagwowork ka na, mula budget hanggang sa personal problems mo iisipin mo pa.Buti sa school kapag hindi ka nakapagpasa ng project pwede ka pang humingi ng extension, but sa work? nako katakot takot na sermon ang aabutin mo, kundi memo, suspension or termination.
 
naku! tinamaan ako nito ah. hehe! :D

naranasan ko rin 'to, dalawang beses pa nga, pero ang ginawa ko, imbes na magtambay eh naghanap na lang ng work, atleast nabili ko yung mga gusto kong bilhin kahit walang allowance . At ang sarap kaya ng feeling ng nakabili ka ng gamit sa sarili mong sikap noh, pero mas iba pa rin yung feeling na makapagtapos ka ng pag-aaral at makapagtrabao ng relax.

Kaya ngayun june, back to school na ako. haha! :)

Pray ka lang dude, iga.guide ka ni Lord. :thumbsup:
 
hehe ok lang yan, kung ayaw mo na talaga eh edi itigil mo na, pero sana sa pagtigil mong yan e may gawin kang kapaki pakinabang at hindi magpariwara, dahil kaw rin, walang mangyayare sa buhay mo nyan, salamat sa storya.. ;)
 
alam mo TS mapalad ka kasi may magulang kang nagsusuporta sayo...


kaso naiinis ako (hindi sayo kundi sa mga ginawa mo)


wala akong concern sayo kung ayaw mo nang mag-aral, kung makapagtapos ka o hindi whatsoever.


pero mali yung ginawa mong paglilihim sa mga magulang mo regarding your matter.


pinaniwala mo sila na nag-aaral ka, naghihirap sila sa perang binibigay nila sayo mapa-aral ka lang. tapos wawaldasin mo lang? alam mo bang maraming batang hindi pinalad na makasama nila ang magulang nila habang lumalaki sila? may mga namatay ang magulang, may mga pinabayaan lang. kaya walang oportunidad mag-aral. matutuwa pa siguro sila sayo kung sinabi mo na lang na ayaw mo na.

baka kaya ayaw mo lang mag-aral kasi hindi mo trip yung mga subject ng course mo?

maraming estudyanteng ganiyan eh. walang matinong desisyon kung ano talaga ang course nila. kaya ayun, tinatamad mag-aral. yung iba palipat lipat ng course


good luck na lang sayo TS sana maging masaya ka sa desisyon mo ng walang halong pagsisisi (except dun sa part na naglihim ka sa mga magulang mo tungkol sa hindi mo na pagtuloy sa school )

:thumbsup:
 
sayang effort ng parents mo para pag-aralin ka. TANDAAN: walang lihim na hindi nabubunyag.
 
kaya mo yan TS! same tyu naranasan ko na yan magkaron ng lost of interest sa skul d sya masaya kaya go na lang sa studies sabihin mo na pala sa magulang mo TS! naranasan ko na yan...mas maganda ikaw na magsabi kesa sa tumawag pa dean nyu sa bahay.. paktay ka deha sir kung magkataon na sa iba pa nila malalaman...
 
nauunawaan kita parehas tau.at least nasabi mo problema mo t.s
 
one time, maiisip mo rin na gusto mo na mag aral. kaso pag matanda ka na. pag nagkaanak ka tpos ganyan ang gagawin ng anak mo. matutuwa ka?! kayod ka ng kayod para di tumulad sayo anak mo tpos sa huli, gagawin ng anak mo ang ginawa mo sa magulang mo. sakit nun ah.

sa ngayon di mo maiisip ng seryoso ang ganyang sistema pero tatanda ka rin. nasa huli ang pagsisisi. kabataan nga naman.

ts, malamang wala kang malalapit na kaibigan sa skwelahan mo kaya ganyan ka mag isip. kasi kung may mga kaibigan kang puspusan kung mag aral, baka magbago pananaw mo. masarap pumasok sa eskwela tpos marami kang kaibigan na gustong makatapos. pakinggan mo ang pananaw nila sa pag aaral baka sakaling magbago pananaw mo. aaminin ko, nakakatamad ring pumasok sa eskwela pero pumapasok ako. nakakatamad mg review para sa mga long, short quizzes at exam. tapos sabayan pa ng thesis, nakow, ang sakit sa ulo. pero pumapasok ako kasi nachachalenge ako, pinapakita kong di ako BOBO.

sa pag aaral. marami ring happenings dyan. lalo na pag malapit na matapos ang semester tapos pasado ka sa lahat ng subjects mo, inuman na yan kasama ng mga kaklase mo. tapos pag may thesis na kayong ginagawa, sa tingin mo ba lahat ng gumagawa ng thesis ay puspusan sa ginagawa nila?! marami akong kilalang grupo sa skwelahan ko ng inuman session ang ginagawa sa thesis nila, at isa na ang grupo ko dun pero natapos pa rin namin at nakapasa kami sa programing thesis namin and take note. normal na estudyante lang kami. di kami mga halimaw sa computer.

kaya ts, mag isip isip ka. bata ka panaman siguro. ano bang gusto mong trabaho? kung ang trabahong hinahanap mo e di na kelangan ng college graduate e wag ka ng mag aral, mag trabaho ka nalang para may pakinabang ka sa sarili mo lalong lalo na sa magulang mo. kaso hirap ka sa promotion nyan kasi undergraduate ka kaya wag ka na mangarap sa promotion. tip ko sayo, magcall center ka, kahit under graduate ka at mahusay ka naman sa english, gaganda ang career mo at madami pang tsiks dun. kung mayaman kayo,no need ng magtrabaho, umasa ka na lang sa magulang mo at sumipol sipol ka na lang.
 
Last edited:
Sundin mu yung nararamdaman mo..siguro na stress kana,syempre tao din naman tayo diba?napapagod..pero wag mung kalimutan ang pag iwas sa mga gulo na may maaapakan kang tao..enjoy lang TS..wisdom and love guide you..
 
TS., ang masasabi ko lang, pag isipan mo mabuti kung ano ba ang gusto mo sa buhay mo. Para at least pag alam mo na kung saan ka patungo, dun ka magfocus. Pray for guidance. Be honest with your parents. Good luck!!
 
gudlock sa buhay... Alway remember ang mga tamad na nangangarap ay dadanas nang kabiguan at kapighatian pero ang mga masipag na nangangarap ay magtatamasa nang kasaganahan
 
tsk tsk, sayang ang panahon, nung nag aaral pa ako, kinailangan ko pa magtrabaho para makatapos sa kurso ko, dahil sa hirap ng buhay. at ayun sa awa ng diyos, natapos ko 3 course, electronics, computer tech, at ece.

got it for 7 yrs., granted na mostly minor and some major subjects had been accredited.

pero sa katulad mo na may pampaaral ang magulang, i think you should grab that opportunity, di sa lahat ng panahon, nariyan ang magulang mo.

ok heres the story,
may friend ako nung college na bulakbol, galing siya sa may kayang pamilya,
halos every semester nag shift siya ng course, he got i think 7 course shifting, sad to say, wala siyang natapos kahit isa. ngayun patay na both parents niya, he's the only son, at ngayun, natitinda na lang siya sa mga dumaraang bus, nabenta na niya pati yung minana niyang bahay, lupa, sasakyan, nakatira na lang siya ngayon sa eskwater, pag minsan dumadalaw dito sa tindahan ko.

minsan napag usapan namin yung past life, and dun ko naramdaman na nagsisisi talaga siya sa nagawa niya nuon, kung sana pinagbuti niya ang ipinagkaloob sa kaniya noon, di sana ganito ang buhay niya ngayun.
 
Ganito din halos sitwasyon ko ngayon. Pero konti lang bagsak ko. Minalas lang na matapat sa mga terror na prof yung mga subject kong bagsak. Baka di na ko payagan mag-enroll sa Summer or sa October. Sinabi ko na sa ermats ko yung nangyari pero di ko pa sinasabi sa erpats ko, magagalit saken sigurado yun, baka di na ko pag-aralin.

Buti ikaw TS mabait parents mo, nakakainggit ka. Mukang mas supportive ang parents mo kesa saken. Pinilit lang akong kunin ang course na to pero kahit papano nakaabot ako sa 4th year, nagpa-enroll ako ngayong sem. Bale 4 subjects bagsak ko pero baka madagdagan pa ng 2 pag nag-submit ng grade yung iba kong prof.
 
do u have any problem with yourself ?

try to seek medical advice TS

i think there's something wrong with u or ur family na hindi namin alam..

ikaw magsisi sa huli itaga mo sa bato that's what i did nung high school pa ako
pero ngayon gustong gusto ko mag aral

alam mo naman ang buhay ngayon pag high school natapos mo napakahirap

swerte ka nga may nagpapa aral sayo ! mahiya ka naman sa magulang mo
bawas kapal mukha naman ui !!

pektusan kita ehh hehehe .. ayusin mo buhay mo hanggat maaga pa
 
TS tanungin mo sarili mo.. Kaya mo nabang mabuhay incase wala na ang parents mo? Palagi mo isipin walang tao na tatagal ng hundred years dito.. Madali lang maubos ang pera, kahit pa mayaman kayo ngayon, di mo masasabi na next year ganun pa rin.. Computer shop ba kamo? sandali lang gayahin yan at guess what 10 pesos nalang po per hour ang rentals ngayon at aircon pa. Sa tindi ng competition at dami ng nangangailangan hindi ganun kadali makipagsabayan.. Marerealize mo din to kapag your on your own:sigh:
 
syang ts, ako nga kahit wlang baon pumapasok, kahit gutom ang sikmura ko,
pero ikaw nkaya mung sikmurain na mag-gala-gala (no offense ha)


nakakaingit ang mga magulang mu ts, hanggat masipag sila sa pagsuporta syu kayanin mu,


pero kung buriong kna tlga try mung huminto kahit isang sem lang,bka maburiong kadin habang nasa bahay lng.
 
Last edited:
Alam mo, ang swerte mo nga eh. Buti ikaw napag-aaral ka ng parents mo. Kayang kaya ka nila supportahan. Tapos binaliwala mo lang ng ganun. Ako, gustung-gusto ko talaga ituloy pag-aaral ko kung may pagkakataon lang talaga. Kaya lang kakaiba kasi talaga family namin. Ang stepdad ko kasi iba ang priority nia, at hindi kami un. (Siguro nga kami ata un last priority nia e. xD) At dahil dun kailangan ko ng umuwi ng Japan, nasasayang ng nasasayang un panahon ko. :lol: Anyways, maganda siguro kung sabihin mo na lang un totoo sa parents mo. Pano nga kung biglang hanapin un class cards mo diba? Hindi naman tayo palaging sinuswerte e. :)
 
Back
Top Bottom