Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit mahina ang Pinoy movies?

Pag indie movies kasi ts sadyang ginawa para isali sa mga International Film Festival. Tapos pag tagalog movies naman minsan kasi nakakasawa na yung mga artista eh.
 
Last edited:
nakakasawa na kc mga local artist,cla na bida sa teleserye gabi2.!pati sa wide screen cla padin..haha
 
Personal Opinion...
Ang mga Filipino kasi ay Extreme - Extreme ng both ends

parang sa isang classroom tapos ikaw ang teacher
kung magkasama sa isang ang grupo ng slow or tamad na students at sobrang proficient at sipag na students; mahihirapan ka ng sobra!

pag masyadong madali ang discussion ma-bobore ang iba
kung masyado namang challenging ang discussion mawawala ang interest ng iba

so thus, since maliit ang watching population ng pinas
mahirap gawing mentally enticing and on the same time enticing din sa masa ang mga pelikula.

that is why matalino ang pagkakagawa ng for example "Babae sa Septic Tank", or "Unofficially Yours" and the likes

Nakakalungkot lang minsan - yung ibang pelikula; na talagang namang parang nang-iinsulto ng katalinuhan ng audience nya. as in! yun lang ito yung bumebenta dahil ito ang binibili ng masang pinoy.

Pag naglabas naman ng "matalinong" pelikula ang mga "matalinong" audience na sanang aasahan mo na panoorin ito, ay pipiliin naman na hintayin silang lumabas sa torrent or kung saan puedeng madownload ng libre ang peilikula (kasi nga "matalino" sila)

its just a sad sad spiral...

ano ang magandang solusyon?
suportahan ang movie - kung magustuhan mo ang pelikula, panoorin rin sa sinehan.
in the end, ang quality ng mga pelikula ay depende sa mga taong bumibili nito.
 
Pirate is the main issue..kasi alam nila few weeks meron ng kopya at makakapanuod pa lahat ng kasambahay, barkada, pamilya atbp.. hindi ako naniniwala sa kahirapan kaya walang pambili manuod ng sine...hindi naman ako nananiniwala na hindi makapanuod ang pinoy ng sine kasi pag gusto talaga gagawa ng paraan para makapanuod ito...wala na rin masyadong Action films puro loves story na ginawang komplikado pa ibat ibang kuwento...
 
bat nga ba??

di ko din maintindhan yung mga director ilang taon na silang gumagawa ng pelikula ..natural alam nilang sa ilang taon na yon paulit ulit lng yung ginagawa nila ..ipinipilit pa nila yung effects ng pilipinas ehh napakahirap nmang hindi ikumpara ng mga pilipino ang effects ng pilipinas sa mga matataas na bansa....para kasing ang gusto lang nila mag karoon ng "kita" basta makagawa lng o kaya masabing pwede na .....

Punahin ko na din yung mga artista karamihan paulit ulit at alang emosyon akong nadarama ( ako ha .. di kayo xD ) example ng mga nakakasurang eksena...

( pag lumuluha yung artista di ba pinapakita nila sa camera? ung mga umaabos na luha?
eh sa totoong buhay pag umiyak ang isang tao todo pahid ng panyo o anu mang bagay wag lang silang makitang umiiyak )

- kung budget ang pag uusapan tingin ko kaya nmn eh bawasan nila yung kita ng artista at ilagay sa pelikula ( sisikat nmn yung artista pag sumikat yung pelikula ng binudgetan at binigyan talaga ng effort )

- opinyon ko lng nman ito bilang manonood.....wala akong alam sa mundo ng mga showbiz xD inuulit ko opinyon ko lng to xD

- pero sna magaya nila yung mga movie tulad ng " 3 Idiots " - wala akong napansing mga effects dito narrator at mga main character lng ang nag dala lalo na yung BIDA tagos sa puso yung emosyon na naipaparamdam nya...
 
unang una yung mga script writer o yung mga gumagawa ng story


ang papangit masyadong obvious ang ending at common

kahit di sikat ang artista basta ok ang kwento papatok yan

katulad nalang ng mga cartoons kahit di artista gumaganap eh patok pa din

kaya dapat sa story sila mag focus
 
Masyado kasing corny ang pelikulang pinoy, lagi na lang comedy, romantic comedy, at horror comedy.. Hindi rin ito makikitaan ng kaastigan at deeper meaning sa mga pelikula. Hindi kagaya ng mga hollywood films at indie movies na tumatalakay sa magagandang paksa at talagang pinag-iisipan bago gawin. Madalas din ito tumatalakay sa mga issue sa lipunan, mundo at gobyerno. Dinadaan na rin ngayon kung gaano ka-sikat ang artista na gaganap at hindi sa paksa ng pelikula. Kaya napapaface palm na lang ako kapag kumita ng malaki ang pangit na pelikula kaysa dun sa mas may kabuluhan ang kwento.

Kasalanan ito ng mga gumagawa lang para kumita at hindi para sa art.. Kasalanan din ito natin dahil pilit natin tinatangkalik ang mga kalokohan na pelikula kaya patuloy pa rin silang gumagawa. Patuloy pa rin natin kinakain ang bulok at lumang putahe na walang sustansya. Kaya naman hindi ako nanonood kapag walang sense ang pelikula kagaya ng enteng kabisote, you name the others.. Ang huli ko lang yatang matino na napanood na filipino movie na may kwenta ay Asiong Salonga at Ligo na u, lapit na me sama ko na rin ung Magnifico nung minsan sa Cinema one..
 
Last edited:
pero nakakaproud, Filipinos are doing their best para ma-reach ung mga effects, storyline etc. na pang international...
 
dapat kasi mas ibahin nila yung mga genre ng pelikula yung may malakas na impact sa masang pinoy.
ang napanood ko na nagandahan ako yung fengshui.
 
Last edited:
di ako ganong nanonood ng pinoy movies pero hindi din ng american movies.. mas trip ko japanese movies like nobody knows, kiseki, departures.....
 
Napag iwanan na tayo, bat ang ibang asian country mggnda ang movie like korean,thai and bollywood film ng india.
 
Last edited:
Hindi din ako nanonood Pinoy movies. Bukod sa Predictable na ang istorya, heavy drama pa as in puro iyakan na lang talaga, hindi na nakakaaliw. o kaya kapag comedy, oa naman. tapos pag action hindi man lang tinatamaan ng bala yung bida kahit isang daan kalaban, sobrang invincible. at kapag horror naman, hindi nakakatakot, nakakatawa lang. Unlike sa mga foreign movies. Hindi mo alam anong mangyayari sa istorya at sobrang ganda ng effects, which is hindi kayang gawin ng pinoy movies. Yung mga indi film kasi sumasalamin sa realidad e, kaya mas ok pa.
 
mababaw na storya walang pundasyon. Bad acting. Basta maganda/gwapo artista na. Comedy natin masyado slapstick may madapa mabugbog malusot sa drum ng basura yun na ang comedy.
hindi naman lahat .. pero nakakalungkot lang na Karamihan ay ganyan.
 
top 5 reasons:

1. Istorya
2. Istorya
3. Istorya
4. Istorya
5. Istorya

Bilang lang ang masasabi kong magandang movies na gawang pinoy:

"Anak"
"Magnifico"
"Himala"
 
Last edited:
50 pesos nila ang movies na yan tiyak mag boboom ang filipin mobis
 
Back
Top Bottom