Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit mahina ang Pinoy movies?

Boring, paulit-ulit lang ang artista dito sa atin.. kung ano ang pelikula last year ganun din ang artista.... hahaha! kung ano ang pelikula last year ganun din ang pelikula iniba lang ang title... :lol:
 
may problema din dito yung mga nanood kasi kahit alam nila paulit ulit lang basta may love team na sikat sa movie manood sila kaya ung mga film maker nakikiuso nalang din basta kasi teenage love team patok agad ito sa mga kabataan lalo na ngayon nauso un story galing sa wattpad sigurado dadami na gagawin nilang movie galing sa wattpad na story

isa pa sa ayaw ko malimit sinisingit pa nila yung mga Ads kagaya nalang ng pag may scence na magluluto may magic sarap pa nalalaman pati mga sabong panglaba sinasama na din sa movie :lol:

mas pinapanood ko pa din talaga korean drama :salute:
pero proud pinoy po ako hehe d lang gusto mga movie natin opinion ko lang po ito mahilig kasi ako manood ng movie
 
Last edited:
Mahina ang Pinoy movies because Pinoy film producers are afraid to gamble. They know that most of the masa like the Romantic-comedy genre. The feel good ones. And also because film making is about big budget and its still a business so the main purpose is to gain profit. I know there are many writers and directors that would like to create a decent film with no cheesy plots pero syempre di din papatok so di i aaprove. That's why sa indie nagagawa nila gusto nila kasi they are not commercialized. They work for art and passion. Not to generalize naman, I'm sure there are still plenty of Pinoy movies that are great but mas madami parin ang belat. :(
 
Boring, paulit-ulit lang ang artista dito sa atin.. kung ano ang pelikula last year ganun din ang artista.... hahaha! kung ano ang pelikula last year ganun din ang pelikula iniba lang ang title... :lol:
agree ako sayo sir. at ilan pa sa mga dahilan ay napaka popCorn at OA na ang mga bagong pelikula ngaun. best example na dyan ung The Gifted(napanood ko lang kc gusto panoorin ng gf ko pero kahit sya na OAhan nung natapos namin), Diary ng Panget(sana d nalang ginawang movie naging literal na panget nga ang labas), Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo(napaka nonsense d naman tumutugma title sa story..) marami pa pero huwag na nakaka badtrip lang :slap: dko naman nilalahat pero karamihan ganyan tsk!! bat kaya d nila magawa ung katulad ng Teachers Diary thai movie simple but great movie. Hello Ghost korean movie comedy at maganda ung twist nakakaiyak. Walang gaanong ka BooM! special effects ang mga yan at d gaano ginastusan pero PANALO.
 
Last edited:
Basta pansin ko mga pinoy movies ngayon eh panay:

Kabaklaan
Kabitan
Basta maisalpak lang yung mga love teams at para may masabing pelikula sila kahit walang kwento :lol:

Good luck sa MMFF malamang walang kakwenta kwentang palabas na naman sa December yan.
 
alam na agad ang ending pag pinoy movie. parang nag iba lang ang cast pero ung storya siya pa rin.
 
agree ako sayo sir. at ilan pa sa mga dahilan ay napaka popCorn at OA na ang mga bagong pelikula ngaun. best example na dyan ung The Gifted(napanood ko lang kc gusto panoorin ng gf ko pero kahit sya na OAhan nung natapos namin), Diary ng Panget(sana d nalang ginawang movie naging literal na panget nga ang labas), Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo(napaka nonsense d naman tumutugma title sa story..) marami pa pero huwag na nakaka badtrip lang :slap: dko naman nilalahat pero karamihan ganyan tsk!! bat kaya d nila magawa ung katulad ng Teachers Diary thai movie simple but great movie. Hello Ghost korean movie comedy at maganda ung twist nakakaiyak. Walang gaanong ka BooM! special effects ang mga yan at d gaano ginastusan pero PANALO.

kanya kanyang taste yan, panget sayo para sa iba maganda
ikaw ba ang mas tama o sila ? to each his own sabi nga nila.
sumasabay lang ang mga tao kasi kung ano uso, pana panahon
talaga...:D
 
kasi stories ng mga pinoy, kung hindi pare parehas, e ginaya lang, at alam na agad ang mangyayari, ngayon naman kinopya na sa ebook, lalo na sa wattpad stories, hindi kasi sila marunong mag isip ng ibang stories,. asa nalang sa iba.. at low budget,.
 
Low budget, same story line, puro love story, puro ads tulad kay Vic sotto, at pangit ang effects
 

obviously, they're just in it for the money... not for the sake of art.
ang masa kasi ang nagdidikta dyan eh.

demand = supply

and honestly, what the masses crave really SUCKS kaya ayun, nagkalat yung mga sobrang corny na teen-flick movies na 99% of the time eh pinagbibidahan ng mga sikat na teen loveteams na talaga namang pinu-push ng networks behind them since "sikat" nga sila pati na rin yung mga kabit-themed na mga pelikula. sa comedy films naman, it's either a vic sotto-movie or a film directed by the one and only wenn deramas na kaalyansa ng star cinema/abs-cbn :slap: at kung papansinin niyo kalat na kalat pa ang mga product endorsements sa mga pelikulang yan kaya para ka na ring nanood ng mga commercials habang nanonood sa sine. 2 in 1.

pero honestly, may kakayahan naman talaga tayong gumawa ng magagandang pelikula eh.
kaso in order to do so, kelangang lumabas out of the norm... kelangang umiwas sa trend kaya ang mangyayari, hindi masyadong tatangkilikin ng masa since iba nga ang mga pelikulang ito sa mga napapanood normally.


hindi na 'ko nanonood ng pinoy films pero the last pinoy film that i watched was On The Job and i loved it.
nandito pa nga siya sa digital movie collection ko at wala akong balak burahin. worthy siya ng isang 730MB na spot sa HDD ko :lol:

kaya naman talaga eh. kaso nakadepende pa rin talaga sa mga tumatangkilik.
kaso, i don't think mababago pa ang kalagayan ng filipino movie industry... unless magbago instantly ang taste sa pelikula ng nakararami satin... then dun lang tayo for sure makakapanood ng mga mainstream filipino quality movies.
 
actually tayung mga madaming alam sa movies alam natin walang ilalaban ang pinas sa mga ibang bansa. kahit yung effects ng blade mas maganda pa sya mesa sa tiktik the korni chronicles
pansin ko kasi malakas ang hatak ng romance sa kabataan books/tv series/movies, lalo na kay daniel padilla daming girls/gaybells may gusto dun, kaya dami nyang haters na lalaki, so di magbabago ang industry sa romance genre ewan ko lang sa other genre (based on my experience syempre sa school namin)

try nyo magsulat sa wattpad baka yung sinasabi nyong magandang kwento gawan ng film.
 
Puro love story at comedy na non sense.. Mga horror lang pnanood ko dti..
 

obviously, they're just in it for the money... not for the sake of art.
ang masa kasi ang nagdidikta dyan eh.

demand = supply

and honestly, what the masses crave really SUCKS kaya ayun, nagkalat yung mga sobrang corny na teen-flick movies na 99% of the time eh pinagbibidahan ng mga sikat na teen loveteams na talaga namang pinu-push ng networks behind them since "sikat" nga sila pati na rin yung mga kabit-themed na mga pelikula. sa comedy films naman, it's either a vic sotto-movie or a film directed by the one and only wenn deramas na kaalyansa ng star cinema/abs-cbn :slap: at kung papansinin niyo kalat na kalat pa ang mga product endorsements sa mga pelikulang yan kaya para ka na ring nanood ng mga commercials habang nanonood sa sine. 2 in 1.

pero honestly, may kakayahan naman talaga tayong gumawa ng magagandang pelikula eh.
kaso in order to do so, kelangang lumabas out of the norm... kelangang umiwas sa trend kaya ang mangyayari, hindi masyadong tatangkilikin ng masa since iba nga ang mga pelikulang ito sa mga napapanood normally.


hindi na 'ko nanonood ng pinoy films pero the last pinoy film that i watched was On The Job and i loved it.
nandito pa nga siya sa digital movie collection ko at wala akong balak burahin. worthy siya ng isang 730MB na spot sa HDD ko :lol:

kaya naman talaga eh. kaso nakadepende pa rin talaga sa mga tumatangkilik.
kaso, i don't think mababago pa ang kalagayan ng filipino movie industry... unless magbago instantly ang taste sa pelikula ng nakararami satin... then dun lang tayo for sure makakapanood ng mga mainstream filipino quality movies.

/thread
Its over, lets go HOME!!
 
..cguro dahil sa idea o concept ng pelikula, kumpara s mga indi movies, unpredictable at macucurious k tlga. ◕‿-
 
Kulang sa effects. Expected kung ano ang ending.
 
Back
Top Bottom