Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit napakahirap na unawain ang Bibliya?

serialkey07

The Martyr
Advanced Member
Messages
774
Reaction score
33
Points
88
Power Stone
Space Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Mind Stone
Ang bawat isa ay may iba't ibang antas ng kahirapan sa pagunawa sa Bibliya. Kahit sa nakaraang halos dalawang libong (2,000) taon ng kasaysayan ng Iglesya, may ilang mga sitas at talata na kahit ang mga pinakamatatalinong iskolar ng Bibliya ay nahihirapang unawain ang tamang kahulugan. Bakit nga ba napakahirap unawain ng Bibliya? Bakit kailangan na maglaan ng panahon at masusing pagaaral upang maunawaan ng buo at tama ang Bibliya? Bago namin tangkaing sagutin ang tanong na ito, kailangan munang malaman na hindi nakipagugnayan ang Diyos sa tao sa isang mahirap at malabong kaparaanan. Ang mensahe ng Salita ng Diyos ay napakalinaw. Ang dahilan kung bakit napakahirap minsan na maunawaan ang mensahe ng Bibliya ay dahil tayo ay mga makasalanan - at ang kasalanan ang nagpapalabo sa ating pangunawa at nagtutulak sa atin upang baluktutin ang mensahe ng Bibliya ayon sa ating sariling kagustuhan.

May ilang mga kadahilanan na nagpapahirap sa atin na maunawaan ang Bibliya. Una ,ay ang pagkakaiba sa panahon at kultura. Ang Bibliya ay nasulat sa pagitan ng tatlong libo at apat na raan (3,400) at isanlibo at siyam na raang (1,900) taon bago ang panahon natin ngayon. Ang kultura noong isinulat ang Bibliya ay ibang iba sa karamihan ng kultura sa panahon ngayon. Ang gawain ng mga naglalakbay na pastol noong 1,800 B.C. sa Gitnang Silangan ay tiyak na hindi mauunawaan ng mga computer programmer sa Pilipinas ngayong ika dalawampu’t isang siglo (21st century). Kaya nga napakahalaga na sa pagtatangkang unawain ang Bibliya, kailangan nating kilalanin at pagaralan ang kultura kung kailan ito isinulat.

Ikalawa, ang Bibliya ay naglalaman ng iba't ibang uri ng literatura gaya ng kasaysayan, kautusan, mga tula, mga kasabihan, mga hula o propesiya, mga personal na liham at sulat na tumatalakay sa mangyayari sa hinaharap. Ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ay dapat na unawain ng kakaiba sa pagunawa sa mga aklat ng kasabihan. Ang mga tula naman ay hindi dapat unawain na gaya ng pagunawa sa mga sulat tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Ang isang personal na liham, habang may kahulugan pa rin sa atin ngayon ay maaring may aplikasyon sa atin na iba sa aplikasyon ng mga orihinal na sinulatan. Ang pagkilala na naglalaman ang Bibliya ng iba't ibang uri ng literatura ay napakahalaga upang maiwasan ang kaguluhan at maling pangunawa.

Ikatlo, lahat tayo ay nagkasala at lahat tayo ay nagkakamali (Ecclesiastes 7:20; Roma 3:23; 1 Juan 1:8). Kahit gaano pa tayo kasigasig na alisin ang ating mga personal na pananaw sa ating pagbabasa ng Bibliya, hindi maiiwasan paminsan minsan na pakahuluganan natin ang Bibliya ng ayon sa ating nais ipakahulugan. Nakalulungkot, na marami sa maling pangunawa sa Bibliya ngayon ay dahil sa mga nakaugalian ng paniniwala. Sa tuwing pagaaralan ang Bibliya, dapat nating hilingin sa Diyos na alisin ang ating mga personal na pagpapalagay at tulungan tayo na maunawaan ang kanyang Salita ng hiwalay sa ating mga sariling haka haka. Napakahirap nitong gawin sa tuwina dahil ang pagsusuko ng ating sariling pagpapalagay at interpretasyon sa mga talata ng Bibliya ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at ng kahandaang umamin sa ating mga pagkakamali.

Hindi lamang ang tatlong hakbang na ito ang kailangan upang maunawaan ng tama ang Bibliya. Maraming mga libro ang nasulat tungkol sa Biblical Hermeneutics - ang sining at siyensya sa pagunawa sa Bibliya. Gayunman, ang tatlong hakbang na ito ay isang napakagandang pasimula sa pagunawa o interpretasyon ng Bibliya. Dapat nating kilalanin ang pagkakaiba sa kultura sa pagitan natin at ng mga tao sa panahon ng Bibliya. Dapat nating alamin ang iba't ibang uri ng literatura na ginamit sa Bibliya at dapat nating hayaan na ang Bibliya ang magsalita para sa kanyang sarili at huwag nating hayaan na makulayan ng ating sariling pagpapalagay at haka haka ang ating interpretasyon.

Kadalasan, ang pagunawa sa Bibliya ay isang napakahirap na gawain, ngunit sa tulong ng Diyos ito ay posible. Tandaan na kung sumasampalataya ka kay Kristo, nananahan sa “yo ang Banal na Espiritu (Roma 8:9). Ang Diyos na “huminga sa Kasulatan” (2 Timoteo 3:16-17) ay ang parehong Diyos na magbubukas ng iyong isipan sa katotohanan kung magtitiwala ka sa Kanya. Hindi ito nangangahulugan na ang pagaaral ng Kanyang salita ay gagawin Niyang laging madali. Ninanais ng Diyos na pag-aralan natin ang Kanyang salita at saliksikin ang mga espiritwal na kayamanan doon. Ang pagunawa sa Bibliya ay maaaring hindi madali, ngunit ito ay tunay na nagpapala at kasiya siya.
 
mahirap talaga kasi makakaunawa lng doon sa pinagtiwala ng ama hindi lahat.
 
Mahirap po talaga lalo na sa mga hindi mananampalataya.

- - - Updated - - -
 
Last edited:
mahirap talaga..
mapalad yong may malenis na puso..
 
Wala talaga tayong magagawa kung hindi tayo hihingi ng tulong sa Diyos.
 
may tagakita kasi, hindi lahat ng tao pinagkalooban makaunawa ng Bible :)
 
Lucas 8:10 (Isaias 6:9-10)
Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba'y nagsasalita ako sa pamamagitan ng talinhaga. Nang sa gayon, ‘Tumingin man sila'y hindi sila makakita; at makinig man sila'y hindi sila makaunawa.’"

1 Corinto 2:14
..sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal.

(ngunit)

Jeremias 29:13
Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.

1 Juan 5:3-4
...ang tunay na umiibig sa Diyos ang tumutupad ng kanyang mga utos. Hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya.
 
walang mahirap intindihin jan...basta basahin mulang mag isa..mahirapan ka kapad may ibang mag brain wash sa binasa mo.
 
mahirap talaga intindihin ang bibliya pero nakasulat sa propesiya na darating si jesus para ipaunawa sa atin ang bibliya ., may pangalawang messiah po kasi na darating para man ligtas hinati kasi sa tatlong panahon ang bibliya., ang old testament ang father the creator, ang new testament ang son ang reedemer, ang revelation holy spirit new name ni jesus., makikita natin sa revelation 5;1-5 na ang root of david lang ang may kakayahan na maka unawa ng bibliya., kaya sa hebrew 9;28 naka sulat dito na babalik si kristo para iligtas ang mga tao., kaya nung nasa mount of olives si jesus na naka sulat sa matthew 24;3 na kailan sya babalik. hindi po nya sinabi dito na hindi sya babalik pero sabi nya mag ingat tayo dahil madaming mag papanggap na sya na ang kristo. isa lang ito sa mga sign. at ang sabi ni jesus sya ay babalik kapag namumunga na daw ang puno ng igos basahin nyo sa matthew 24:32-35 kaya dito natin malalaman na may pag asa pa tayo ma ligtas kung maituro sa atin ng tama ang bibliya at kapag makilala na natin ang pangalawang pagbabalik ni hesus., sinasabi jan kapag namumunga na ang igos nasa mga pinto na sya at kakatok upang hanapin ang mga hinirang nya., kung may mag preach sa inyo ng bible itanong nyo muna kung sya ang ikalawang kristo na naka propesiya na mag break ng seven seal sa revelation 5:1-5 itanong nyo kung sya ba ang root of david. kung hindi e aakay kayo nyan sa impyerno
 
Amos 8:11-12
Sinabi ng Panginoong Yahweh, “Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom. Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig, kundi sa pakikinig ng aking mga salita. Mula sa hilaga papuntang timog, mula sa silangan hanggang sa kanluran, hahanapin nila ang salita ni Yahweh(Biblia), subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.

Pls. read below link for more details.
http://www.nowtheendbegins.com/one-...rapture-church-bible-closed-book-left-behind/

MARANATHA..
 
Ang bawat isa ay may iba't ibang antas ng kahirapan sa pagunawa sa Bibliya. Kahit sa nakaraang halos dalawang libong (2,000) taon ng kasaysayan ng Iglesya, may ilang mga sitas at talata na kahit ang mga pinakamatatalinong iskolar ng Bibliya ay nahihirapang unawain ang tamang kahulugan. Bakit nga ba napakahirap unawain ng Bibliya? Bakit kailangan na maglaan ng panahon at masusing pagaaral upang maunawaan ng buo at tama ang Bibliya? Bago namin tangkaing sagutin ang tanong na ito, kailangan munang malaman na hindi nakipagugnayan ang Diyos sa tao sa isang mahirap at malabong kaparaanan. Ang mensahe ng Salita ng Diyos ay napakalinaw. Ang dahilan kung bakit napakahirap minsan na maunawaan ang mensahe ng Bibliya ay dahil tayo ay mga makasalanan - at ang kasalanan ang nagpapalabo sa ating pangunawa at nagtutulak sa atin upang baluktutin ang mensahe ng Bibliya ayon sa ating sariling kagustuhan.

May ilang mga kadahilanan na nagpapahirap sa atin na maunawaan ang Bibliya. Una ,ay ang pagkakaiba sa panahon at kultura. Ang Bibliya ay nasulat sa pagitan ng tatlong libo at apat na raan (3,400) at isanlibo at siyam na raang (1,900) taon bago ang panahon natin ngayon. Ang kultura noong isinulat ang Bibliya ay ibang iba sa karamihan ng kultura sa panahon ngayon. Ang gawain ng mga naglalakbay na pastol noong 1,800 B.C. sa Gitnang Silangan ay tiyak na hindi mauunawaan ng mga computer programmer sa Pilipinas ngayong ika dalawampu’t isang siglo (21st century). Kaya nga napakahalaga na sa pagtatangkang unawain ang Bibliya, kailangan nating kilalanin at pagaralan ang kultura kung kailan ito isinulat.

Ikalawa, ang Bibliya ay naglalaman ng iba't ibang uri ng literatura gaya ng kasaysayan, kautusan, mga tula, mga kasabihan, mga hula o propesiya, mga personal na liham at sulat na tumatalakay sa mangyayari sa hinaharap. Ang mga aklat tungkol sa kasaysayan ay dapat na unawain ng kakaiba sa pagunawa sa mga aklat ng kasabihan. Ang mga tula naman ay hindi dapat unawain na gaya ng pagunawa sa mga sulat tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Ang isang personal na liham, habang may kahulugan pa rin sa atin ngayon ay maaring may aplikasyon sa atin na iba sa aplikasyon ng mga orihinal na sinulatan. Ang pagkilala na naglalaman ang Bibliya ng iba't ibang uri ng literatura ay napakahalaga upang maiwasan ang kaguluhan at maling pangunawa.

Ikatlo, lahat tayo ay nagkasala at lahat tayo ay nagkakamali (Ecclesiastes 7:20; Roma 3:23; 1 Juan 1:8). Kahit gaano pa tayo kasigasig na alisin ang ating mga personal na pananaw sa ating pagbabasa ng Bibliya, hindi maiiwasan paminsan minsan na pakahuluganan natin ang Bibliya ng ayon sa ating nais ipakahulugan. Nakalulungkot, na marami sa maling pangunawa sa Bibliya ngayon ay dahil sa mga nakaugalian ng paniniwala. Sa tuwing pagaaralan ang Bibliya, dapat nating hilingin sa Diyos na alisin ang ating mga personal na pagpapalagay at tulungan tayo na maunawaan ang kanyang Salita ng hiwalay sa ating mga sariling haka haka. Napakahirap nitong gawin sa tuwina dahil ang pagsusuko ng ating sariling pagpapalagay at interpretasyon sa mga talata ng Bibliya ay nangangailangan ng pagpapakumbaba at ng kahandaang umamin sa ating mga pagkakamali.

Hindi lamang ang tatlong hakbang na ito ang kailangan upang maunawaan ng tama ang Bibliya. Maraming mga libro ang nasulat tungkol sa Biblical Hermeneutics - ang sining at siyensya sa pagunawa sa Bibliya. Gayunman, ang tatlong hakbang na ito ay isang napakagandang pasimula sa pagunawa o interpretasyon ng Bibliya. Dapat nating kilalanin ang pagkakaiba sa kultura sa pagitan natin at ng mga tao sa panahon ng Bibliya. Dapat nating alamin ang iba't ibang uri ng literatura na ginamit sa Bibliya at dapat nating hayaan na ang Bibliya ang magsalita para sa kanyang sarili at huwag nating hayaan na makulayan ng ating sariling pagpapalagay at haka haka ang ating interpretasyon.

Kadalasan, ang pagunawa sa Bibliya ay isang napakahirap na gawain, ngunit sa tulong ng Diyos ito ay posible. Tandaan na kung sumasampalataya ka kay Kristo, nananahan sa “yo ang Banal na Espiritu (Roma 8:9). Ang Diyos na “huminga sa Kasulatan” (2 Timoteo 3:16-17) ay ang parehong Diyos na magbubukas ng iyong isipan sa katotohanan kung magtitiwala ka sa Kanya. Hindi ito nangangahulugan na ang pagaaral ng Kanyang salita ay gagawin Niyang laging madali. Ninanais ng Diyos na pag-aralan natin ang Kanyang salita at saliksikin ang mga espiritwal na kayamanan doon. Ang pagunawa sa Bibliya ay maaaring hindi madali, ngunit ito ay tunay na nagpapala at kasiya siya.

Ang pagbasa ng Bible ay hinde basta basta, kailangan munang humingi ng paumanhin sa spirito santo at pagkatapos ay magdasal, bago simulan ang pagbabasa nito...:book::book::book::book::book::book::book:
 
Q: Bakit napakahirap na unawain ang Bibliya?

A: Mga Taga-Roma 10:2-3
Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan. Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.
 
mahirap talaga intindihin ang bibliya pero nakasulat sa propesiya na darating si jesus para ipaunawa sa atin ang bibliya ., may pangalawang messiah po kasi na darating para man ligtas hinati kasi sa tatlong panahon ang bibliya., ang old testament ang father the creator, ang new testament ang son ang reedemer, ang revelation holy spirit new name ni jesus., makikita natin sa revelation 5;1-5 na ang root of david lang ang may kakayahan na maka unawa ng bibliya., kaya sa hebrew 9;28 naka sulat dito na babalik si kristo para iligtas ang mga tao., kaya nung nasa mount of olives si jesus na naka sulat sa matthew 24;3 na kailan sya babalik. hindi po nya sinabi dito na hindi sya babalik pero sabi nya mag ingat tayo dahil madaming mag papanggap na sya na ang kristo. isa lang ito sa mga sign. at ang sabi ni jesus sya ay babalik kapag namumunga na daw ang puno ng igos basahin nyo sa matthew 24:32-35 kaya dito natin malalaman na may pag asa pa tayo ma ligtas kung maituro sa atin ng tama ang bibliya at kapag makilala na natin ang pangalawang pagbabalik ni hesus., sinasabi jan kapag namumunga na ang igos nasa mga pinto na sya at kakatok upang hanapin ang mga hinirang nya., kung may mag preach sa inyo ng bible itanong nyo muna kung sya ang ikalawang kristo na naka propesiya na mag break ng seven seal sa revelation 5:1-5 itanong nyo kung sya ba ang root of david. kung hindi e aakay kayo nyan sa impyerno

tama ka bro nadali mo hindi sya ang kristo napag utusan lang sya ng Panginoong jesukristo.:thumbsup:

- - - Updated - - -

konting panahon pa palabas na sya..:dance: paki antay lang..
 
tama ka bro nadali mo hindi sya ang kristo napag utusan lang sya ng Panginoong jesukristo.:thumbsup:

sir percivalmipa sino po ba ang tinutukoy nyo na hindi Cristo?

..may pangalawang messiah po kasi na darating para man ligtas

sir Leumaserilad saan po ba banda sa Biblia nabanggit na dalawa ang Messiah?

..ang revelation holy spirit new name ni jesus.

paano po sir nangyari na Holy Spirit po ang naging new name ni Jesus Christ?

..makikita natin sa revelation 5;1-5 na ang root of david lang ang may kakayahan na maka unawa ng bibliya.,

sir ang Revelation 5:1-5 ay future event po, ibig po bang nyong sabihin na Biblia ang aklat na naroroon? eh ano po yung aklat na binabasa natin dito sa lupa?

..kung may mag preach sa inyo ng bible itanong nyo muna kung sya ang ikalawang kristo na naka propesiya na mag break ng seven seal sa revelation 5:1-5 itanong nyo kung sya ba ang root of david. kung hindi e aakay kayo nyan sa impyerno

:slap:
 
sir percivalmipa sino po ba ang tinutukoy nyo na hindi Cristo?

sir Leumaserilad saan po ba banda sa Biblia nabanggit na dalawa ang Messiah?

hindi po dalawa ang messiah kundi isa lang babalik lang po si kristo hesus
Hebrews 9:28
28 so Christ was sacrificed once to take away the sins of many; and he will appear a second time, not to bear sin, but to bring salvation to those who are waiting for him.

Matthew 24:3-31
3 As Jesus was sitting on the Mount of Olives, the disciples came to him privately. “Tell us,” they said, “when will this happen, and what will be the sign of your coming and of the end of the age?”

30 “Then will appear the sign of the Son of Man in heaven. And then all the peoples of the earth[c] will mourn when they see the Son of Man coming on the clouds of heaven, with power and great glory.[d] 31 And he will send his angels with a loud trumpet call, and they will gather his elect from the four winds, from one end of the heavens to the other.

32 “Now learn this lesson from the fig tree: As soon as its twigs get tender and its leaves come out, you know that summer is near. 33 Even so, when you see all these things, you know that it[e] is near, right at the door.

(iilan lang ito sa nag sasabi na may second coming jesus hahaba kasi pag nilagay ko lahat)

paano po sir nangyari na Holy Spirit po ang naging new name ni Jesus Christ?

Revelation 3:12

12 The one who is victorious I will make a pillar in the temple of my God. Never again will they leave it. I will write on them the name of my God and the name of the city of my God, the new Jerusalem, which is coming down out of heaven from my God; and ( I will also write on them my new name.) si jesus po tong I

Father, Son and holy spirit po si a title hindi po name titulo po yun., kaya sabi ni jesus bago sya na ascend sa heaven ang huling bilin nya go to all nation and baptize them in the name of father(JEHOVA) The Son (JEsus) and Holy Spirit( Revelation 3:12)

sir ang Revelation 5:1-5 ay future event po, ibig po bang nyong sabihin na Biblia ang aklat na naroroon? eh ano po yung aklat na binabasa natin dito sa lupa?

opo future event sya di pa po nasusulat ang bibliya nong mga oras na sinulay yan ni apostle john. kaya nag weep si john sino daw ang worthy na makaka break ng seal ng scroll na may sulat sa dalawang panig ang sabi ng elder kay john wag kang mag weep may isang karapatdapat na mag break ng seven seal at sya ang root of david. si jesus lang po ang may karapatan na mag break ng seven seal ng bibliya. wala na pong iba.,

:slap:
]

bakiy kayo na pa slap bible is a book of prophecy
bakit po kayo na slap dito?
 
Last edited:
]

bakiy kayo na pa slap bible is a book of prophecy
bakit po kayo na slap dito?

Dahil po kasi sa mga sinabi nyo.

Ang sabi nyo may pangalawang Cristo?
may pangalawang messiah po kasi na darating para man ligtas

Ang sabi nyo Holy Spirit ang new name ni Jesus Christ?
ang revelation holy spirit new name ni jesus.,

Kung merong taong mangangaral tungkol sa Diyos kailangan ba talagang tanungin muna kung siya ang pangalawang Cristo?
kung may mag preach sa inyo ng bible itanong nyo muna kung sya ang ikalawang kristo na naka propesiya na mag break ng seven seal sa revelation 5:1-5 itanong nyo kung sya ba ang root of david. kung hindi e aakay kayo nyan sa impyerno

Kahit Christian po na medyo lang nakakaunawa hindi magsasabi ng ganito.

Dapat po malinaw sa nagbabasa o binabahaginan ang tinuturo lalo na kung ang nakikinig at nagbabasa ay hindi pa mananampalataya.

Mateo 15:14
"…kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay."

One more thing pa po, nirerepresent po lagi ang pangalan ni Christ as Capital letter dahil po si Jesus Christ ay God. At sa word na "God" naman po dapat ay capital letter din po kung ang tinutukoy ay ang true God and small letter naman po kung mga mythological goddess.
 
wala naman madali sa umpisa,. but to understand better the bible find a life group which you can share things about bible.
or look for bible study sessions on your community :)
 
Bakit napakahirap na unawain ang Bibliya?

Tandaan po natin na tao lamang po tayo, hindi po natin mauunawaan ang Salita ng Diyos sa sarili lamang nating lakas at karunungan.

Lubhang napakasagana ng kayamanan ng Diyos! Di matarok ang kanyang karunungan at kaalaman! Sino ang makakapagpaliwanag ng kanyang mga kapasyahan? Sino ang makakaunawa ng kanyang mga pamamaraan? Gaya ng nasusulat, "Sino ang nakakaalam sa pag-iisip ng Panginoon? Sino ang maaaring maging tagapayo niya? - Roma 11:33-34

Ngunit salamat sa Diyos dahil niloob Niya na tayong mga naging anak Niya ay niloob Niyang maunawaan Siya.
Sapagkat kalooban ng Ama na turuan ang Kanyang mga anak.
Ito po ay sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu.

Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos. Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. - 1 Corinto 2:10-11

Ang sabi po ng Panginoon Jesus sa aklat ng Juan…

Marami pa akong sasabihin sa inyo subalit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos… - Juan 16:12-13

Ganun din sinabi ni Pablo sa kanyang aklat ng unang Corinto.

Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. - 1 Corinto 2:14

Malinaw pong sinasabi sa mga aklat na ito na ang magpapaunawa sa atin ng mga bagay tungkol sa Diyos ay ang Banal na Espiritu kung mapapasaatin na ito.

Ang tanong paano po mapapasaatin ang Banal na Espiritu ng Diyos?

Basahin po natin ang talata sa ibaba…

Sagot naman ni Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli". - Juan 3:5-7

Tama po dahil ang Diyos ay Espiritu at ang Tagapagtanggol na ibibigay Niya sa atin ay Espiritu(Holy Spirit) kaya't kailangan nating ipanganak muli ngunit hindi po sa laman kundi ayon sa Espiritu.

Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo. - Juan 14:26

Ang pangalawang tanong paano naman po tayo ipapanganak ayon sa Espiritu?

Simple lang po kailangan lang po na buong puso nating tanggapin si Cristo Jesus sa buhay natin bilang Panginoon at Tagapagligtas dahil ang sabi po sa talata sa itaas, ang Espiritu Santo po ay isusugo lamang ng Diyos Ama sa pangalan ng Kanyang Anak na si Jesus.

At ang panghuling tanong, paano naman po natin tatanggapin si Cristo Jesus sa buhay natin?

Bilang si Cristo ay Tagapagligtas natin kailangan nating maunawaan kung bakit Niya tayo kailangang iligtas at kung paano Niya tayo niligtas ayon sa kalooban ng Diyos Ama.

At ito po ay sa pamamagitan ng Gospel o Mabuting Balita sapagkat ito po ang kapangyarihan ng Diyos para sa mga maliligtas.

Hindi ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego. --Roma 1:16

Ito po ang buod ng Mabuting Balita.

Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; - 1 Corinto 15:3-4

Kailangan lang po ng isang tunay na Cristiano na magpapaliwanag sa inyo ng tungkol sa Mabuting Balita mula sa Panginoon.

Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? --Roma 10:14

Kaya't kung gusto po nating madaling maunawaan ang Salita ng Diyos dapat po muna nating tanggapin ng buong puso sa ating buhay si Cristo Jesus bilang Panginoon. Sapagkat paanong ipapaunawa sa atin ng Diyos ang Kanyang mga Salita kung nanatili ang poot Niya sa atin?

Iniibig ng Ama ang Anak, at ibinigay niya rito ang pamamahala sa lahat ng bagay. Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi magkakaroon ng buhay. Sa halip, mananatili sa kanya ang poot ng Diyos. - Juan 3:35-36
 
Back
Top Bottom