- Messages
- 47
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
yon, kala ko my next pa , sarap basahin.. more info pa about dito, hehehe pagpasensyahan niyo na.. isa lang po akong pinoy na gustong magbasa, gusto kong malaman ang info sa side ng bawat isa.. sana healthy at iwasan po natin ang mga bad words healthy arguments lang po, anyway, isa po ako sa 16 million na bumuto kay Lolo Digong. Wala po akong alam sa laws, articles, RA, mga ganyan. Ang naobserbahan ko lang kasi nuon, yung time na kinuha ang Death Penalty subra subra ang pagtaas ng krimen. dumami mga addict, rapist, robbers, at kung ano-ano pang mga krimen. Sorry wala akong maipakitang Data or some sort of.. So nang umupo si Digong, nakita ko mga addict samin natatakot na at di na gumagamit. So sa opinyon ko lang ha? tama ang desisyon ko na ibuto siya, dahil.. tayong mga pinoy, kailangan natin ng simpleng disiplina.. Pero open din ako sa mga gustong ipahiwatig ng kabilang grupo.. healthy arguments ang gustong basahin yun lang po..
Welcome Kaibigan. Ok naman yang si Tatay Digong kaya lang grabe yong pressure nya ngayon. Marami pressure ngayon galing right, left, kalaban sa pulitika at sino-sino pa. Ok naman yong taktika niya na war on drugs, pero, talagang marami siyang masasagasaan. Dapat sana binago na lang niya ang sistema gawin niyang Revolutionary Government yon mabisa pa ata. Kasi sa nakikita ko, daming umaalma, may human rights, LP, pati pa yong makakaliwa na mga kasama niya ay umaalma na rin. Lahat may kanya kanyang agenda, nahihirapan talaga siya para iimplementar yong mga programa niya.
Sa tingin ko, kung sana maitatag niya ang Revolutionary Government mas mapapadali ang trabaho, gaya ng pagbasura sa Konstitusyon at mapalitan ito ng Federal Law. Tapos maiiwasan na yang mga reklamador na human rights group na yan, LP, at kung ano ano pa. Magiging parang Singapore pa tayo na disiplinado. Talagang mahirap kasi matanda na rin si Tatay Digong tapos may mga sakit pa yan sa mga kasukasuan. Ngayon, kinakalaban na naman siya ng Europa tapos niyang pumirma ng climate change pact, nag-iba agad ang pakikitungo sa kanya. Mahirap, talagang mahirap! Pero keep-up the good work Tatay Digong!
P.S. Kung talagang matutuloy yong Revolutionary Govvernment sana lang ang gawin nyang Vice ay si Bongbong, kasi Bongbong naman talaga ang nanalo sa eleksyon.
Last edited: