- Messages
- 297
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
- Thread Starter
- #121
Hi ts. Ginamit na nga ng kaibigan ko yung pl mo kasi programming language tester. Sabi nya maganda daw at hindi tulad daw ng iba. Pampataas daw ng IQ. Pinapasubok daw nya sa anak nya para matuto daw mag-program. Keep up the good work daw.
Anyways, as of now ang basic functionality ng aking programming language (nag-lipat na ako sa Java) ay "Strings, Integers, Arithmetic, at Variables" at ang mga Function naman nya ay "Print, Input, If, at For". Based sya sa Basic language at syempre, iibahin ko rin ang syntax nya.
Any suggestions?
I suggest, dapat may exclusive thread ka for your project. At dapat focus ka sa isang project para may direction ka. But before that, ilatag mo muna ng maayos kung ano, bakit at paano yung project mo. Maganda rin maihayag mo ng maayos kung ano yung layunin mo. Pilitin mo rin maging unique o kakaiba yung ginagawa mo para may distinction dahil ang dami ng programming languages na meron ngayon at halos ganun din ang purpose, iniba lang ang linguwahe. Nagpapasikatan lang ang mga gumagawa in favor para sa kanilang produkto o mga magiging produkto ng iba. Sa case ng BantasPL, iisa lang ang nasa isip ko ng gawin ko 'to, pang-ESTUDYANTE. Lalo halos ng kabataan o mag-aaral ngayon na nag-aaral ng kompyuter, sa aking opinyon, ay hindi na nag-iisip. Mabibilang sa daliri sa iisang kamay ang nag-iisip talaga. Makikita na rin dito. Kaya sa aking opinyon din, ay walang dating pag-nakita nila ang code ng BantasPL. Sa mga simbolo pa lang ay sasakit na ulo nila Challenge na rin para sa akin bilang author ng BantasPL kung paano maging kaaya-aya sa mga estudyante ang linguwaheng ito. Hindi maging kaintindi-intindi, kundi maging kahamon-hamon sa isip nila.
Salamat kamo sa kaibigan mo. Sana'y makatulong pa sa paghasa ng IQ ng kanyang anak ang BantasPL. At siyempre, maraming salamat din sa'yo sa pagtangkilik ng thread na ito at sana'y mabahagi mo pa ito sa'yong mga kaibigan lalong-lalo na sa mga mag-aaral.
Last edited: