- Messages
- 297
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
- Thread Starter
- #21
Saludo ako sa'yo TS! at good luck dito!
aaminin ko nung una, kung sa akin lang naman e medyo hindi na ako kumbinsido. nakasubaybay nga pala ako nung una kang magpost.
hindi ako kumbinsido sa paggawa ng new form ng language kung naka path ka sa asm at interpreted lang din naman, sabi ko sa sarili-- 'no gain. in performance, readability for maintenance, flexibility base on your lang semantics, etc..'
pero yun pala ang esoteric, at ngayon ko lang nalaman.
dahil sa ilan mong mga sumunod na post ay saka nagkaroon ng linaw.
dito sa forum, asahan mo, bythe time makaka gain ka ng support.
siya nga pala: "purpose beats the standard". tuloy lang yan TS! good luck at maganda ang purpose mo!
edited:
siya nga po pala TS, friendly rem'r lang kung sakaling may magtatanong at mang-iinis na bakit sa Rapid-Q o just another interpreted made yung language na'to, 'wag sana kayong maintimidate na i-port/total-rewrite kaagad sa C-C++/etc.., for the sake of optimization,
mas maganda po ang marating niyo muna ang stable, o hanggang sa matapos muna ang goals.
Mas mabilis mag-design at prototyping sa scripting lang o sa gamay niyo na environment.
Good luck po! supportahan taka, supportahan ang kababayan!
Maraming salamat sa suporta, kabayan
Yes, sa mga marurunong magprogram o programmer talaga, napakasimple lang nito. Ang paggawa ng isang programming ay hindi biro. marami kang stages na dadaanan. Marami na akong nasearch na materials about sa paggawa ng programming languages particularly compiler. Aside sa kaka-explore ng different programming languages, nagkaroon ako ng idea kay Niklaus Wirth (author of Pascal), meron siyang ginawa na tutorial. At isa pang pagkakataon, nang makikilala ko nga si Fabrice Bellard dahil sa kanyang lightweight C compiler na TCC. Sa kanya ko nalaman ang term na obfuscated. Through this, nalaman ko na ang Esolang. At isa sa nagustuhan ko ay Blank kung saan ginawa lang ng author ng magdamag. At open-source. I just studied the language itself but not the source. So sa kanya ako nagkakuha ng konsepto ng stack. Pinaghalo-halo ko na lang lahat ng concepts sa iba't-ibang programming languages.
Actually I have the following aims:
1) As I've said sa blog ko, "It's not the BantasPL I'm promoting here, it's Rapid-Q". At dedicated 'to sa mga estudyante dahil naging guro din ako. Gusto ko silang mamulat na may mga alternatives especially yung mga nagbi-VB6 pa. No offense, dito nagsisimula ang PIRACY. We are aware that VB6 is still commercial kahit wala ng support ang MS. At very rampant ang pagpa-pirate nito lalo sa mga schools at ng mga estudyante. And I'm against sa ganitong gawain. Pero kung authentic naman ang copy, suportado ko naman. Wag lang yung ipipirata.
2) Gusto ko rin mamulat ang mga estudyante na pwede ka rin magprogram sa mga di kilalang programming languages. Mga 10 yrs. ago, hindi pa ganun kasikat ang PHP. Ang sikat pa nun ay ASP at bago matapos ang dekada 90, Perl naman pagdating sa Web Dev't. Pero ngayon, asan na ang PhP??. Ngayon nga, may nakikita ako dito sa symb na Basic4Android na dati di naman pinapansin. Malay mo time will come yan ang sumikat dahil kung tutuusin ang no.1 OS ngayon ay Android, dahil sa mga gadgets yan ang naka-install. Sana lang gawing freeware tulad ng isang produkto nila.
At kahit obsolete na, pwede pa rin gamitin like yung nangyayari sa VB6 at Turbo C. At porke obsolete na, hindi na pwedeng pag-aralan.
3) At isang aim ko nga ay yung IDEA. Mabigyan din ng kaalaman ang mga estudyante sa Esoteric Programming Languages. Pre-requisite sana bago nila pag-aralan ang subject na Programming Languages o Compiler Design. Dahil ito ang pinakamaliit at pinakasimpleng way sa paggawa ng programming language.
Ang final aim ay may-i-re-write ko sa C and to make it open-source. Basta mabuo ko na lahat ng ideas na gusto ko mangyari. Kalaban ko lang time. Ginagawa ko lang 'to during my spare time. Libangan lang ba.
Sinadya ko na di pagsamahin ang Editor (serves as an IDE for BantasPL) at yung interpreter. It's a TRICK. Para independent ang bawat isa. So kung gusto ko baguhin ang interpreter, hindi magagalaw ang Editor at tatakbo pa rin. Ganun din ang sa Editor. So madali mag-throw ng ideas. Hindi bago ang ganitong idea. Halimbawa sa Turbo C o sabihin na nating ang sa .Net. Pwede ka gumawa ng IDE at i-link mo sa command-line compiler niya. at maraming programming languages na ganito. In short, my front-end which is the IDE.
Sa Rapid-Q, pwede ko naman gawing optimized. puro default lang ang ginagamit ko sa ngayon. kaya halos may mga bugs pa kung bubusisiin mo. Ganun pa man, pwede mo nang pag-laruan ang BantasPL. Kaya kung sisilipin mo yung filesize malaki para sa isang text-mode na program. Kaya gusto ko mapaliit pa 'to. Kaya mas maganda talaga magawa sa C para ma-optimize pa.