Bayaran
Medyo dumidilim na
malapit nang mag gabi
nakita na kita,
tumingin ka sakin at ngumiti
unang beses palang to
pero parang hindi.
hinawakan mo agad kamay ko
tumahimik ako ng sandali
nag usap tayo tungkol sayo
pero umiiiwas ka naman
kung titignan kay parang ginto
pero sa loob malambot ang laman
natapos na ang usapan
dumiretso na tayo sa sakayan
pumasok na gusali ng lambingan
at umupo na sa higaan
naka tingin ako sayo nun
iniisip kung baket.
baket saganito humantong
pano natiis ang panlalaet
tinabihan na kita
naganap na ang naganap
tumingin ako sayong mata
pero di ka naman makaharap
"Di na ko mangungulit
ayoko ng makialam
pero pag di mo na kaya yung sakit
nandito lang ako para iyong masandalan"