Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Bersikulo Dos (Verse Two)

Nasan na?

Nasan na ang dating tayo? Nasan na ang dating masayang alaala? Nasan na dating ikaw? Ang dating ako? Nasan na nga ba?. Hindi ko na matandaan ang araw kung kelan tayo naging masaya? Kelan? Kelan nga ba? Kelan ko ba huling nasilayan ang iyong mga ngiti? Kelan ko ba huling narinig ang iyong mga tawa? Kelan nga ba? Parang hindi ko na din mataandaan kung kelan, hindi ko na alam. Mahaba ang bawat dinaanan ng kung anong meron tayo, at mahaba din ang pinagdaanan ng salitang TAYO.

Kelan nga ba tayo babalik sa simula?

Ilang ulit narin tayong umalis, naghiwalay ng landas, pero ilang beses din tayong bumalik kung asan o ano tayo ngayon. Kahit dumaan pa ang mga araw, buwan o taon, bumabalik parin tayo dito. Walang sawang sakitan, walang sawang sagutan at sigawan, yun na lang ang lumalabas sa ating mga labi, ang dating matamis na ngiti, ngayon napalitan na ng luha, sakit at pighati.

Gumising man tayo sa mga panahong hindi na tayo magkakilalang dalawa, pilit parin pinagtatagpo ang ating tadhana. Nagkalimutan, nakalimutan o kinalimutan ng kusa, yan na lang ang tanging paraan para maitago kung ano tayo noon. Alam ko kahit nakapikit ay mahahanap ko parin ang dati nating mga alaala.

Kagaya ng patak ng ulan, hanggang sa huling bagsak sa lupa ng tubig na galing ng kalangitan, ganito tayo palaging magpapaalam.

Ang salitang "TAYO" ay masasayang na lang? Ang salitang "TAYO" ay maglalaho ng ganoon na lamang? Pwes! Hindi ako papayag, hindi ako susuko sa mga alaalang pilit kong pinanghahawakan, hanggat meron pang natitirang masasayang alaalang pwede kong ibalik sa dating tayo, pipilitin kong ibalik para lang sayo, satin.

Ibabalik nating yung dating ikaw, ako , "TAYO".

Hindi ko man alam kung paano! Pero susubok ako, kahit di umubra sa una, susubok ako sa pangalawa, pangatlo, pangapat o kahit panglima, masabi o maramdaman mo lang ulit yung salitang "MAHAL KITA".

Kahit pa ilang beses tayong masira, ilang beses maghiwalay, ilang beses iniwan o nangiwan, hindi ako sumuko at alam mo yan. Hanggang sa huli na meron akong natitirang nararamdaman, isusugal ko na hanggang sa meron pakong maibibigay, yung dating tanong na NASAN NA? Mapapalitan na yan ng salitang MAHAL PARIN KITA
 
Last edited:
Dahil Hindi ganon kadali.

Hindi ganon kadali ang lahat para satin,
Hindi ganon kadali ang meron tayo,
Hindi ganon kadali ang relasyon na meron tayo.
Sa mundong alam natin na pilit tayong sinisira at pinaglalayo,
Pilit parin tayong kumakapit sa mga pangakong meron tayo.

Kahit alam natin na may mga matang nag aabang sa nalalapit na hiwalayan, pilit tayong kumakapit kahit ito'y panandalian lamang.
Hindi ko alam, hindi mo alam at lalong hindi nila alam kung gano kahirap kumapit sa mga bagay na alam mong malapit ng masira, parang isang matayog na puno na unti unti ng nalalalanta ang mga dahon pero pilit parin nabubuhay at nagbabakasali na may konti pang oras na natitira para sakanya.

Ganito rin siguro tayo, pilit kumakapit, pilit lumalaban kahit walang kasiguruhan, parang isang bahaghari na hindi alam kung san ba ang dulo at pinagmulan. Hindi ganon kadali para sayo, sakin, satin ang mga bagay na ganito, kung pwede lang takasan ay ginawa na natin. Sa mga mapanghusgang mata, sa mga matatalas na pananalita nila, ginagapos nila tayong dalawa pero heto ako handang ipaglaban ka.
Dahil hindi nila alam ang lahat.
Dahil hindi ganon kadali ang lahat.

Hindi ganon kadali ang kumapit sa mga pangakong malapit ng masira, malapit ng bumitaw. Pero heto ako, TAYO, handa parin kumapit kahit may salitang 'MAHIRAP" satin ay pumipigil. Siguro mahirap nga, pero alam ko pilit natin itong kakayanin, pilit natin tong lalagpasan. Dahil kahit mahirap hindi parin ako titigil para abutin ka.
Ipagsisigawan ko sa lahat kung gano ka kahalaga, kahit mabingi man sila, paulit ulit kong sasabihin ang salitang "MAHAL KITA".

Heto ang aking mga tula na iaalay ko hindi lang para sayo kundi para din sakanila.
Kaya't halika aking mahal hayaan lang natin silang mapagod, hayaan natin silang maintindihan ang ating storya ay hindi matatapos kahit ano pa man ang gawin nila.
Hindi na mahalaga ang wakas o ang simula, hindi na din mahalaga kung huli na ang lahat, dahil patuloy lang natin itong dudugtungan.
Kahit patuloy nila tayong paghiwalayin at sirain, tayo'y magtatagpo parin.
Dahil hindi ganon kadali ang pinagdaanan ng salitang "Tayo".
Pero pagkatapos ng isang umaga, may panibagong umaga ulit tayong masisilayan, may panibagong araw ulit tayong pagdadaanan.

Dahil katulad ng pag-agos ng tubig sa ilog, katulad ng mga alon sa dalampasigan, katulad ng bawat patak ng ulan na babagsak sa lupa, iisa lang ang papatunguhan nito,at iisa lang di ang uuwian ko. " SAYO."
 
Last edited:
Marka

Di ko alam bakit kalungkutan at hindi masaya ang nararamdaman ko nung iniwan mo ko sa mga panahong mas kelangan ko ang tulad. Bakit hindi masaya nako dahil nakatakas nako sa masasakit na nakaraan ko sa piling mo, bakit kalungkutan lang ang nararaman ko? Dahil ba di ko matanggap na may mahal kana? O dahil mahal parin kita?

Siguro.
Pero hindi ko din alam kung bakit, walang akong alam kung bakit humantong ulit ako sa ganitong desisyon, kung bakit humantong ako sa ganitong sitwasyon.

Mahal ba kita? O Mahal parin kita?
Ano nga ba ang pagkakaiba? Siguro wala pero di ko maintindihan kung bakit ang isang katulad mo ay nagmarka sa puso't isip ko.
Nakakalungkot dahil pinipilit kong mabura na ang mga alaalang iniwan mo, mga pangakong binitiwan mo, mga salitang sinabi mo, pero di ko magawa dahil pilit parin umaasa ang pusong ito na darating ang araw na may magbabago.

Pero teka ano pa bang mababago sayo? Sating dalawa? Dapat ba ikaw ang magbago? O dapat ako ang magbago?
Siguro parehas tayo.
Kelangan ko ng kalimutan ang mga bagay na nagpapaalala sayo, kelagan ko ng bitawan ang mga pangakong sinabi mo, masakit pero yun lang naman ang paraan para pakawalan na ang sakit ba naidulot mo sa puso ko, sa buhay ko at sa pagkatao ko.

Hindi ko alam kung babalik pa ba ko sa nakaraan, o iiwan ko na ito ng tuluyan, di ko alam sa totoo lang, pero ano bang magagwa ko? Siguro wala. Hihintayin ko na lang mapagod at makalimot ang puso't isip ko, baka sakaling dumating yung araw na hindi na kita kilala o nakalimutan na kita.

Mapapagod nga kaya ang aking puso?
O patuloy parin itong aasa?
Pano ko ba sasagutin ang sarili kong katanungan?
Sa totoo lang hindi ko alam.

Gusto ko ng tumakas sa katotohanan na wala na yung dating ikaw, dating tayo, na wala ng hinaharap o pag asa kung ano man meron ako at ikaw.
Patuloy lang mag mamarka ang sakit, patuloy lang itong magmamarka sa sakit ng nakaraan, at hindi ko alam kung kelan ito matatapos.
Sa pagpikit ng aking mga mata sana makalimutan na kita mg ganoong kadali, sana wala nakong maalala sa mga bakas ng kahapon.
At sana sa pag alis ko, ito na ang huling masasaktan ako, dahil pagod nako, pagod nako sa mga pangako, pagod nakong umasa, pagod nako sa lahat ng sakit, hanggang sa huli gusto ko ng ngumiti, maging masaya.
At ang mga marka ng kahapon ay lilimutin ko na.


 
"'Mawawala rin ba?"

Yung kilig.
Yung kaba.
Yung lito.
Yung bilis nang tibok ng puso ko pag nandyan ka na.

Mawawala rin ba?
Darating din ba yung mga araw na hindi na ako malilito kung saan ba ako nararapat lumugar, kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhang sasaluhin mo.
Sa totoo lang hindi ko din alam.
Sa ngayon, dito nalang muna ako.
Sa pagitan ng magulong ako at magulong tayo.

Dahil ang totoo, hindi naman talaga ako umaasa sa kahit na ano, wala akong nakikitang hinaharap o kung saan nga ba tayo tutungo pero masaya ako dahil ikaw ang kasama ko.

Masaya na ako sa ganito.
Pangako, hindi na ako magtatanong. Sa mga bagay na alam ko din ang dapat maging sagot.
Alam ko, Hindi nako nalilito, alam kong. . .hanggang dito lang ako.
Pero sabi nila, lahat ay pwedeng magbago.

Maghihintay ako, hindi ko alam kung saan; kung sa araw na mawala ang kilig, yung kaba, yung lito, yung bilis ng pagtibok ng puso pag nariyan ka. . .o sa panahong magkakaroon na tayo ng lugar; hindi yung nasa pagitan lang tayo ng magulong ako o magulong tayo, kung may hinaharap bang para sa'ting dalawa, kung tatalon ba ako kahit walang kasiguraduhang sasaluhin mo, o sa sagot kung mawawala rin ang lahat ng ito.

(Ayoko sana, dahil sa'yo lang ako nakaramdam ng ganito.)

Maghihintay ako...sayo.

Sa araw na hindi kailangan ng mga tanong."









 
Laro tayo!

Maglaro tayo ng taya tayaan at ikaw ang taya, para ikaw naman ang hahabol sa akin.
Gusto ko maglaro tayo ng langit ng langit lupa para ikaw nman ang mag hahantay sakin sa lupa.
Gusto ko maglaro tayo ng penpen desarapen, para maubos yung mga daliri sa kamay mo na nakahawak sa puso ko nang makalaya na.

Gusto ko maglaro tayo ng bangsack, para kahit papano ako naman ang sasaksak sayo, bagay na di ko nagawa nung nakita kong may kasama kang iba.
Gusto ko maglaro tayo ng agawang base at sisiguraduhin ko mapapasa akin ang base mo, para kahit papano may nakuha ako mula sa'yo, ako na lang kasi lagi nagbibigay.

Gusto ko maglaro tayo ng bahay bahayan, ikaw ang manlolokong nanay at ako ang martir na tatay, para makatotohanan.

Sa kabila ng lahat ng larong gusto ko, ikaw...gusto mong pinaglaruan ang pag-ibig, kaya heto ako ngayon, inihahanda ang sarili sa araw ng pagkatalo.

Pero tandaan mo, hindi sa lahat ng pagkakataon panalo ka. Hindi lahat ng pagkapanalo nanalo ka, minsan wala ka lang talaga kwenta kalaban kaya isusuko na lang. At hindi mahalaga ang pagkapanalo kung alam mong may nasasaktan ka na.
Matalo man ako sa laro mo, panalo naman ako dahil mawawala ka na sa buhay ko.

Hindi madaling mawawala ang sakit, pero alam kong kakayanin ko na wala ka sa buhay ko.
Hindi ikaw ang dahilan ng paghinga ko at kaya kong mabuhay sa mapaglarong mundong ito na wala sa tabi mo.

Kaya ikaw, kung nasasaktan ka na, dapat alam mo kung dapat bang kumapit o bumitaw na.
Kapitan mo ang mga ala-ala pero bitawan mo na siya kapag ang sakit sakit na.



 
Kung Pwede Lang.

Heto kananaman.
Pilit umaasa.
Pinaparamdam at pinapakita mo sakanya kung gaano mo siya ka mahal, pero deadma siya
Deadma siya kasi balewala kana lang sa buhay nya. Masaya na kasi sya sa piling ng iba. Masaya na sya kung anong meron sya ngayon at kung anong meron sakanila ng taong bago nya.

Ngayon ako naman.
Ako naman ang magpaparamdam sayo.
Ako naman ang magpapahiwatig ng nararamdaman ko.
Ako naman ang maglalakas loob
Na iparinig sayo
ang sigaw ng damdaming ng puso ko.
Lagi na lang siya, siya na lang palagi ang minamahal mo.

Siya na parati mung tinititigan ng sekreto. Siya na palihim mo paring minamahal.
Sya na palihim mo parin pinapangarap.
At siya ng laging bukang bibig mo
Kailan naman yung ako, yung tayo.

Sa tuwing tinititigan mo siya, sa tuwing nararamdaman ko na wala akong halaga, sa tuwing nararamdaman ko na mas masaya ka sakanya, Kitang-kita ko kung gaano ka kasaya sa piling nya, masakit kasi ang dahilan ay hindi ako, kundi sya.

Hindi mo lang alam kung ilang beses kong isiniksik ang sarili ko sa buhay mo, yung makasalubong ka lang sa daan at mabati mo
Na kahit kaibigan lang ang dahilan ng ngiti mo
Para sakin buo na araw ko.

Na sa tuwing nararamdaman ko na mas masaya ka sakanya, na alam kong mas mahal mo sya, lungkot, at selos ang aking nadarama.
Hinihiling ko na sana ako ay siya
Ngunit impossible kaya tinanggap ko na.

Sana malaman mo at maramdaman mo na nandito lang ako.
Ako na isa sa mga lalaking kaibigan mo
Ako na kahit anong gawin
Ay di mo parin pansin.

Sa dami ba naman na may gusto sayo,
Sino ba naman ako para mapansin mo,
Sino ba ako para mahalin mo.
Ako’y hamak na kaibigan mo lang,
na ang tanging gusto ay ikaw lamang.

Sana kung mabasa mo ito,
Ma isip mo na may nagmamahal din sayo
Hindi man ang pinapangarap mo
Pero isang taong tapat na umiibig sayo.

Kaya wawakasan ko na at
Ipababatid sa mga salitang aking inisip
na baka kaibigan lang ang turing niya sayo,
dahil ang tadhana ay tayo.

Dahil sa susunod na salitang isusulat mo
sana naman ang paksa ay tayo
Hindi siya at ikaw , kundi ikaw at ako
Sagot mo’y hihintayin ko. Kahit gano pa katagal ang abutin ng paghihintay ko.

_____________________
 
Pano nga ba?

Hindi ko alam kung pano sumulat tungkol sa masayang alaala
Ang alam ko lang isulat, yung madidilim at masasakit na alaala. Mga bagay na masakit, malungkot. Nangiwan, iniwan, umasa, naasa, paasa, pagluha, naghabol, humabol nasaktan, nanakit at umiyak. Tungkol sa buhay at relasyong wala ng saysay at patutunguhan.

Hindi ko na alam pano sumulat tungkol sa mga masasayang bagay na nangyari at mangyayari. Pano ba? Pano ba maging masaya?
Sa totoo lang hindi ko alam, pero pilit kong sinusubukan, sinubukan kong tignan ang mga bagay sa positibong paraan, pero dumating parin ako sa puntong masakit na alaala parin ang aking nakikita at nararamdaman.

Hindi ko na alam pano ba sumulat ng magandang alaala, pano ba maging masaya?
Maging masaya ng may kasama?
Hindi ko na maisulat at maipakita kung gano kaganda ang bawat umaga, kung gano ba talaga ito kahalaga. Kung ano nga ba ang bawat dahilan ko bakit ako bumabangon sa umaga.

Hindi ko na maisulat, maipakita o mapadama kung gano kaganda ang bawat kislap ng iyong mga mata, mga ngiting nakakatunaw, mga tawang matamis, mga tawang nakakapagpakalma na para bang ok lang lahat. Yung pakiramdam na sa piling mo parang palaging komportable lang ako.

Ikaw yung nagpakilala, nagparamdam at nagpakita sakin na may rason pa para sumaya, pakiramdam na hindi ko maintindihan, tila ba naguguluhan. Yung dating ako na tamad intindihin ang bawat bagay sa mundo, yung dating ako na walang ibanh inisip kundi sakit at malungkot na pangyayari, yunh dating ako na masasabi kong gago, masasabi kong masaya na, at yun ay dahil sayo.
Hindi ko alam kung pano ba sumulat ng magagandang alaala.
Pero ngayon alam ko na simula nung makilala kita.
 
Ask me why?

To everyone who has ever asked me or will ever ask me why I chose her…

I chose her not because she's smart, but because she’s strong, strong willed, strong at heart, strong in her effort and love for me.

I chose her because she makes me laugh, even when I don’t think I can, even when I don’t want to, even when I feel like I don’t know how to, even when I have lost my motivation to.

I chose her because she always brings me back to Earth when I seem to have drifted elsewhere. I chose her because she is humble in his accomplishments.

I chose her because she loves to share her love for music, the cool way, animals, family, friends, and me. I chose her because she's not at all what I dreamt of. SHe’s so much more than that.

SHe’s not perfect, none of us are, but she’s perfect for me because she reminds me every day how much I mean to her, how cool she thinks I am, how much she loves me.

I chose her because we can be out true selves around each other and that is exactly who we love. I chose her because most of the time we goofy with each other, life is entirely too short to be serious all the time, but we know when it’s time to be serious.

I love her because in his arms is where I find peace, because her smile is absolutely unforgettable, her laughter is most beautiful thing I’ve heard, her eyes are filled with the most genuine kindness, her kisses literally erase all my anxiety and worry.

I chose her because I wouldn’t want to experience life changing things without her or with anyone else. I chose her, because, I did.

~





 
Na feel kita ts. Nakaka inspire din magsulat lalo na't may dinaramdam :) Hehe
 
Para sa taong umasang mamahalin sya ng taong mahal nya.

Para to sa taong pinaasa, sa taong umasa, sa taong walang ibang ginawa kundi umasa sa taong mahal nya.
Hindi ko alam kung hanggang kelan kakapit, hanggang kelan aasa sa mga matatamis na salita, sa mga pangakong bibitawan, kung bibitaw ba o kakapit pa, kung mahal mo pa o mahal kaba.
Madaming tanong na hindi mo masagot.
Madaming tanong na hindi mainitindihan.
Naguguluhan o wala ka lang talagang naiintidihan.
Nagmamahal ka ng taong kelan man wala kang balak bigyan ng puwang.
Nagmamahal ka ng taong kahit kelan walang balak pagbigyan ang iyong kagustuhan.
Hindi ka makakapasok sa mundong kanyang ginagalawan.
Tandaan mo na malayo ang mundo at sa buwan.
Parang ikaw at sya, kahit kelan hindi magtatagpo ang langit at lupa, at kahit kelan hindi mo maabot ang mga tala.
 
You're the same girl i met.

"You're not beautiful, you're not.
you're not those super models
or highest paid actresses, you're not.

from the moment of your birth,
you're being ignored by your parent.
you have no friends.
no one looks after you.
you're invisible.

you're not beautiful, you're not.
you're not the music that people
always wanted to hear and yet
you play the melody that tickles the Earth.

you're not beautiful, you are not.
you don't wear make-up or sophisticated clothes—
you're simple, you're straight-forward.

you're not beautiful, you're not.
you don't speak of love and pleasure—
you speak of the truth
and we all know people always hate the truth.

you're not beautiful,
you don't have the quality
to be called beautiful
and yet in my eyes—
you're ethereally beautiful.

though you are not beautiful,
I write of you.
though you are not beautiful,
I speak of you.

it takes a fool to fully understand
that you are capable of changing the world.
it takes a fool to fully understand
a beauty, a poem just like you.
I love you."

~

 
To the girl i fall in love.

Maybe I will not be your Romeo and you will not be my Juliet because, i know our story will never be movie or a book with a romantic scenes.
I know the fact that we will never love each other and you will never love me. But still I want you to be the girl of my life, the girl that will lean on my shoulder and just watch your favorite TV series whole day.
The girl who will be my movie marathon partner.
I want you to be the girl who will be by my side when I am acting and throwing tantrums like a toddler and being short-tempered.
The girl who will do weird things together and make people look at us and judge us on what they see.
I will only see you, because you're my only one, and you will only see me with a smile on my face that nobody can replace.

I want to write our own story about you and I, coz i know that you will fit in my story like a perfect manuscript with a bunch of love twist.
I want to ask you nonsense and silly questions and you will answer a nonsense answer too and we will start tickeling each other. I know it because you exerted effort to know every little thing about me.

I will hug you whenever you are tired not because of us, but because of different factors such us your dumb ass friends.
I will ask you what happened to your day and tell you that I thought of you the moment I woke up and thanked God for another day that I will have a chance to be with you again.
I expect our relationship not to be perfect because we both are not. We will learn from the fights that we are going to have and endure some sh*t complications.

Definitely sh*t ones"
I will not neither want to be your world nor your world , because that might be the selfish reasons why our exe's left us.
Instead, I want you to be in my world where unicorns and some badass anime or even deadpool that don’t exist, but rainbows appear often after the rain.
I want us to replace each other’s trace of cold misery and the flaws of our past with the warmth of our love.
I want you to meet my parents, Co'z they are the main reason why I am a good person but definitely not the reason why I have a badass side.
And i want to meet your parents or hopefully my future in-laws.
And Finally, I want you to fall in love with me just like how I will fall for you.
To the moon of my life, my sun and stars.

To my everything.
~
 
May tagalog ka pa ts? Sapul ako sa mga linya mo eh. :) Naka inspire yung poems mo ts as a kapwa writer hehe
 
Back
Top Bottom