Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Ako po si Jessie, nais ko po sana isangguni kung ano po ang dapat kong gawin dahil nahaharap po kami sa problema tungkol sa kapatid kong si Jennifer na kinuha ng DSWD R-3 dahil po wala kaming Legal adoption at ang pinanghahawakan lang po namin ay ang kasulatan ng nanay na ipinauubaya niya ang bata sa mga magulang ko na pirmado niya at ng tatlong testigo na ngayon ay nakapanig na sa mga tiyahin ko, ang 3 testigo lamang po ang nagdala sa amin ng bata at hindi po ang tunay na ina kaya't hindi po namin personal na kilala ang tunay na ina, tanging ang mga testigo lamang ang aming kakilala.
Ang birth certificate maging ang iba pang papeles ng bata tulad ng petisyon papuntang italy po ng bata ay simulated at nakapangalan sa apelyido ng tiyahin kong nasa Italy. 7 taon gulang na po ang bata at ngayon. Isang araw pa lang ng pagkapanganak nito ay nasa amin na itong pangangalaga ngunit ang pangalan ay nairehistro sa apelyido ng aking tiyahin na nasa Italy sa kagagawan ng aking tiyahin at ng aking Ina(na ang akala ay mapapabuti siya sa puder ng aking tiyahin) na noon ay magkasundo pa. Nangyari lang po na ngayon ay magkaaway ang aking Ina na nasa italy nadin at ang aking tiyahin. Hindi po namin na gusto ibigay ang bata sa kanila sa kadahilanang ang pagkakaperahan lang nila ang bata sa pamamagitan ng sustento ng gobyerno ng italy para sa bata dahil ang asawa ng tiyahin ko ay wala ng trabaho. Nagsumbong din sa amin ang aking ina na tinangka siayng pasukin ng aking tiyuhin sa kwarto nuong siya ay naninirahan pa sa mga tiyahin ng may kabayaran sa italy. Ngayon po ay kinuha na nga ang aking kapatid ng DSWD at dinala sa Lubao Pampanga. Ano po ba ang maari naming magawa upang maiayos namin ang kalagayan ng bata at maisagawa ng legal na adoption sa kanya? Wala po kaming hangad na masama sa bata dahil siya po ay talagang mahal na mahal namin. Ako po ay buong pusong nagsusumamo sa inyo dahil kami po ay di naman mayamang pamilya upang tapatan ang kakayanang gumastos ng napakalaking halaga katulad ng ipinagmalaki sa amin ng tiyuhin ko. Nagmamakaawa po ako sa inyo. Sana po ay mapayuhan ninyo po ako sa dapat naming gawin. Maraming salamat po!
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Actually, wala ako problems sa nabanggit mo na mga certificate pero eto ung situation ko... government employee ung mother ko tapos namatay siya nung July 28, 2012 tapos alam mo na pag government employee, may GSIS un at registrado ang mother ko dun at ang sabi ng father ko, may makukuha daw kami na share (money) galing GSIS. May mga requirement na kinakelangan para makuha namin ung pera at lahat naman kami na mga magkakapatid at isang legal adapted daughter in law ay hindi kinulang sa mga requirements kaso nga lang, ang father ko, hindi pa nakuha ang authenticated BIRTH CERTIFICATE dun sa BOHOL kc dun siya ipinanganak at kc ngayon kasalukuyang nakatira kami sa mindanao. Ang mahirap ay pupuntahan pa nya ang bohol para kunin ang authenticated birth certificate dun. So ginawa ko, tinulungan ko father ko makontact ang mga government employee dun, nakontak naman namin at makukuha raw ang authenticated birth mga 1 week later kaso lang hanggang ngayon, wala pa rin, di pa umabot sabi ng father ko. Bakit nagkaganun? kelangan ba talaga ang authenticated birth certificate? kung ganun, bakit ngayon di pa umabot eh ang sabi nila aabot daw. ano gagawin ko or namin? please help. Thank you in advance.
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

good pm po sana matulungan nyo po ako .....

ang problem ko po kasi is ang nakalagay na surname sa nso birth certificate ko is surname ng Mom ko nung dalaga pa siya...

but ang ginagamit ko at lahat ng legal papers ko is surname ng Dad ko......
.
bale nauna po kasi ako ipanganak bago po sila ikasal.......

panu po ma replace ang surname ng mom ko para maging surname na ng dad ko ang nakalagay sa nso birth certificate ko....

pwede po ba yon i consider as late registration of marriage ng mga parents ko???

need help po kasi gagamitin ko po ang nso sa pagkuha ko ng passport..... :thanks: po talga sa makakatulong.....

sana mabilis nyo po ako masagot sa aking katanungan ... :thanks: again
 
Last edited:
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

up ko lang po ang katanungan ko sa taas ko...
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

ako problema po gender ko.ang mali imbes na lalaki ako naging babae po hope sana matulungan po
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Hi po, question po. Nung ipinanganak ako hindi pa married ang parents ko at nakasunod ako sa apelyido ng mother ko. Yun pala, sinulatan ng Tiyuhin ko ung live birth certificate at idinugtong yung apelyido ng father ko. Ikinasal sila nung 3 years old na ako. Yun na ang ginamit kong apelyido hanggang magwork ako. Nung hingin sa akin lately ung birth cert ko na authenticated ng NSO nalaman ko na nakasunod pa pala ako sa apelyido ng mother ko. Hindi pala nila nabago.

Deceased na ang father ko at di ko malaman kung anong magandang hakbang ang gagawin ko para maging legal na apelyido ng father ko ang lumitaw sa bc ko. dapat ba akong mag pa late register? Walanag ibang pinakasalan ang father ko kundi ang mama ko ayon sa cenomar.

Please help me. May baby na din kasi ako at magulo na rin middle name nya dahil dito.
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Hei! Guys!,

Im Back na po. medyo busy lang talaga. sasagutin ko po ang mga questions niyo :) isa isa lang po.
May tanong lang ako about sa forum rules and posting. diba bawal lumagpas ng 2 consecutive post?

Cheers!
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Hi, Good PM mga kabaro..

Ask ko lang po.. Mag aapply sana ako ng Passport. Ok na lahat mga requirements, NBI,BIRTH SECPA, 3valid ids like Driver license,philhealth,postal. kaso yung birth ko lang is Late registered Pwede na kaya ito? last kasi nagtanong ako dito malapit sa amin na passport assistance Hemisphere travel and tours hindi daw valid yung mga requirements ko unless kong meron daw ako mga Old ID like School ID? or TOR eh ang problema sa tagal nang panahon nawala na yung mga ID ko sa school at problema ko pa yung TOR ko kasi hindi ko makuha dahil may balance pa ako malaki hindi ko kasi alam ano nangyari sa birth ko bakit negative sa NSO kaya napilitan tuloy mag pa late registered :weep:
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Hello sir,

good day po sa inyo, bale may problem po yung girlfriend ko po, 22 years old na po siya and graduating na sa college this march, ang problem lang po niya is yung birthcertificate niya, nakalagay po kase sa brith certificate niya is november 16, 1994, eh yung true birthday niya is November 16, 1990, ngayon may balak po kase siya pumunta ng ibang bansa dahil yung ate niya kukunin siya dito. magkano po kaya ang aabutin para mapaayos yung birth certificate niya para mapalitan yung 4 ng 0, tapos anu anu po kaya yung mga papeles na lalakarin? at sino sino po ang dapat kausapin, thanks ng marami po, lubos na gumagalang,

Sleep04
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Hi. Ask ko lang po, im planning to process bc ng baby ko para magamit nya surname.ng father nya, how long po bago ko makuha ung nso copy ng.annotated bc niya? I need it kase to process his passport. May advance endorsement po ba for annotated birth certificate? Thank you!
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Bro WizzyWig,

Ask lang sana po ako tungkol sa BirthCert po. Yung birthcert po kasi ng nasa Local Civil Registrar ay naiba pag dating sa NSO birthcert

EX. JUAN DELA CRUZ - FROM LCR Records
JUAN CRUZ - FROM NSO Records.

Nawala po yung DELA. Salamat po! :)

At pano po ba ang procedure neto para maayos at magkano ang magagastos. SALAMAT TS! :)
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

How much is the fee in filing a petition?

The C/MCR and the District/Circuit Registrar (D/CR) are authorized to collect from every petitioner the following rates of filing fees:

* One thousand pesos (Php 1,000.00) for the correction of clerical error
* Three thousand pesos (Php 3,000.00) for the change of first name--ito hinihingi ng tga municipyo nmin
-alin po dito ang babayaran ko para sa correction?
jay-vee reyes ang pina pa correct ko sa municipyo --ito record ko sa nso my dash(-)
ang gingamit ko name since elem-t0 college is jayvee reyes tlga
 
ask lng po about sa annulment??or devorce..magkano paaus??thanks
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

magtatanong po ako, ung middle name ko kasi MACALINGLANG,yan din po yung nakalagay sa BC ko. nalaman ko na magkaiba pala kami ng mga kapatid ko ng middle name, sa kanila BAYNA ang nakalagay sa BC nila,pero iisa lang ang nanay namin, tapos po kelan ko lang nalaman at nakita sa MARRIAGE CONTRACT nila ng tatay ko na ang apelyido sa pagkadalaga ng nanay ko eh PURISIMA at kelan ko lang din nalaman na WALA pa lang BC ang nanay namin. napaka gulo po talaga, di ko alam san po ako mag uumpisa na baguhin lahat. ngayon po kinasal na ako august this year lang. ano po ba dapat kong gawin para maitama lahat ng mali na naka record sa mga BC naming magkakapatid? at ano pong requirements para magkaron nanay ko ng BC? wala rin kasi syang school records at id na valid. sana matulungan nyo po ako.. please lang, thanks in advance :)
 
Last edited:
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

Good day poh.problem ko poh yung marriage contract ko iba nakalagay na bday ko.hindi ko magamit tuloy sa pgkuha ng passport.anu poh ba pde gawin?.thank you & Godbless!
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

ask ko lng po yung wife ko kasi late yung registration nya pero dati nung kumuha kmi ng NSO BC nya wala nman kami nging problema.pero ngyon po kasi kukuha cya ng passport nya then sa travel agency cya ng apply ng application ng passport pra less hassle.kaya lang ng pniresent nya yung NSO BC nya sabi expired n daw yun.kaya pinakuha ulit cya ng bago sa NSO pero iba na po yung nirerelease ng NSO na B.C nya ngyon .yun daw po yung una registration w/c is mali yng 1 letter ng last name and iba yng place of birth ..at kylngan p daw nya ayusin yun sa probinsya nila.sabi ko n lng sa wife ko na dumeretso n lng sya sa DFA at yung luma nya BC ang ipresent nya since authenticated din nman ng NSO yun at yun yung ginagamit nya ngyon at tama yun sa lahat ng ID nya and sa marriage contract nmin.

question ko po
*my expiration ba ang authenticated NSO birthcertificate?

*kung yun po bang luma ang ggmitin nya w/c s authenticated din nman ng NSO i hohonored po b yun ng DFA?d po bakaya mgkakproblema yun?

urgent n lng po kasi yung pagkuha nya ng passport eh.kung aayusin nya p daw sa probinsya nila yung BC nya aabutin dw ng 3 months bgo maupdate sa NSO.

wait ko po reply..salamat...
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

hi . gud day poh .. help naman po , simula bata ako wala akong birth certificate ngayong malaki na ako kailangan ko na para sa paghahanap ng trabaho . taga bulacan na po kami ngayon .. saan pa po ba pwedeng kumuha ng birth certificate ? anu-ano po ang mga kailangan sa pagkuha ? :help:
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

wala pa ata c ts..
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

t.s tanung ko lang kung magkaka problema po b ako kapag nagayos ng passport. Kasi ung nasa bC ko eh, ''de la Torre'' tapos yung sa nbi ko ''dela torre'' bale may space po yung 'dela magkar0n kaya ng problema bout dun or ok lang.. Sana po masagot nyu t.s. Salamat.
 
Back
Top Bottom