Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapan natin dito yan!!!

TS ako n sasagot d2 : in this case punta k sa municipyo kung saan nakaregister birth cert mo taz maginquire k kung pano ang proceso ng R.A. 9048 (Petition for Correction of Clerical Erro in the Certificate of Live Birth) kunin mo mga requirements then pag nakuha mo n balik k taz magbayad.. d2 sa ofis 3 mos proceso nun..

- - - Updated - - -

pwede ng irpocess sa Civil Registrar yan.. pero my publication p rin.. ung 10000 n sinasabi mo mahal masyado. pwede naman ikaw mismo magpapublish e.. Refer to R.A. 9048 and R.A. 10172 of the family code of the Philippines. salamat.
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

Wow! buti napadaan ako sa thread mo TS. Baka po matulungan nyo po ako sa aking problema. Ganito po kasi yun. Negative po nung kukuha sana ako ng NSO para sa birth certificate ko po, tapos pinahanap ko po sa lugar namin kung saan ako pinanganak (LCR) kung may record po ako doon. Sinabi po na wala po talaga akong record sa kanila. Ano po ba ang dapat kung gawin. May hinawakan akong birth certificate pero photocopy po yun. Wala na po kasi mga magulang ko kaya nababahala na po kasi ako kung ano po yung gagawin ko. Sana matulungan nyo po ako sa aking problema. :thanks: po. Nice thread po ts.

Sabi mo nakakuha ka ng photocopy of your birth certificate pero wala yung original?
Did you refer sa place of birth or even place of registration sa birth certificate mo? Baka nandun yung original copy.
In that case, pwede ka magpa-reconstitute or rather request ulit ng original copy ng birth certificate mo.
Tatawag ka lang sa NSO, follow their instructions then papadala na sayo kagad birth certificate mo in around 2-3 days.

If wala parin sa NSO record mo, pwede ka magpa-late registration.
Just ask the NSO nalang for their instructions.
 
Re: Birth certificate, marriage contract problems? Pag usapa

Sir, tanung nman po, yung misis ko kc yung current passport niya yung birthdate niya ay 1985, pero nung kumuha siya ulit ng BC sa NSO yung record niya sa BC ay 1984, kya yun na lang sinunod sa marriage contract nmin panu po ba dapat gawin para palita ang birthdate sa passport pra maging 1984?
 
Sir pa ask ln po kasi problemado napo ako sa bc ng eldest ko...gusto ko napo san asya ipalipat sa surname ng papa nya kaso po my husband suddenly passed away..ngyon po walang any documents na na aknkowledge sya bilang anak..last 2009 lng di km nkasal...meron pa po bng paraan na magamit nya ang surname ng ama nya in legal way?
 
Last edited:
Hello. Nagawa din po ba kayo ng Fake death certificate? Magkano po?
 
good day po. :)

Tanong ko lang po kung ilang araw ang processing ng marriage contract from day 1 of request? :pray:

Thanks po.
 
Help po sir.. nakasal po ako civil..and separated na kami after 5 yrs.. pag check ko sa nso walang record ng marriage..plano.ko sana.magpakasal ulit ok lng kaya? Thanks..
 
TS may prob po kasi ako regarding sa Birthdate ko mali po yung Bdate ko sa BC from NSO. kumuha po ako ng Certified BC from NSO kasi nag-apply po ako ng passport sa DFA. napansin konalang na mali yung details nung nakita ko na sa passport. hindi ko na napaayos that time kasi kulang nako sa oras and paalis nadin ako abroad kaya hinayaan ko nalang. and now ikakasal na ko d2 sa abroad and yung maling bdate padin magagamit ko..

My question is my chance pa po bang mai-tama yung bdate ko sa passport and sa magiging Marriage Contract ko?
 
Advice po anu dapat gawin. Yung sa BC ng tatay ko walang name at last name middle name lang meron.
 
sir ask ko lang po my problema po kasi sa birth cert ng mother ko sa original po tama nmn po ang spelling ng name nya josephine pero pag po nkuha kme sa NSO ang nalbas po ay mali naging josehipine na po pano po ggwin ko? salamat po
 
Yes sir meron pa po. ipa correct niyo lang po sa LCR (Local Civil Registry) sa munisipyo kung saan po kayo pinanganak :)

Friendly reminder po, correction of entry po yan hindi court hearing :)

Cheers!

- - - Updated - - -

Hi! Guys,

Im back to this thread. pwede ko po sagutin lahat ng tanong niyo pero hindi ko po alam ang updated rules here in symbianize? :) ang alam ko 2 consecutive post lang po ang pwede. medyo matagal na po akong member dito guys at matagal na din ako hindi updated sa forum rules dito sa symbianize. message niyo na lang po ako para dun sa ibang nag post ng problems. ayoko kase ma ban itong account ko pag nag reply ako sa lahat ng tanong niyo. pa update na lang ako sa mga bawal guys :)

Thanks!

- - - Updated - - -

Sir, tanung nman po, yung misis ko kc yung current passport niya yung birthdate niya ay 1985, pero nung kumuha siya ulit ng BC sa NSO yung record niya sa BC ay 1984, kya yun na lang sinunod sa marriage contract nmin panu po ba dapat gawin para palita ang birthdate sa passport pra maging 1984?

Sir pa ask ln po kasi problemado napo ako sa bc ng eldest ko...gusto ko napo san asya ipalipat sa surname ng papa nya kaso po my husband suddenly passed away..ngyon po walang any documents na na aknkowledge sya bilang anak..last 2009 lng di km nkasal...meron pa po bng paraan na magamit nya ang surname ng ama nya in legal way?

Wla na pong way mam kase patay na ang father nya at sabi nyo rin po na wala nang any documents na ina acknowledge sya.

- - - Updated - - -

Hello. Nagawa din po ba kayo ng Fake death certificate? Magkano po?

Sir hindi po ako gumagawa nyan. Bwal po yan sir :-)

- - - Updated - - -

Hello. Nagawa din po ba kayo ng Fake death certificate? Magkano po?

good day po. :)

Tanong ko lang po kung ilang araw ang processing ng marriage contract from day 1 of request? :pray:

Thanks po.

1 day process lang po yan sir pag kayo ang pipila :-) and basta agahan nyo lang po ang pag pila.

- - - Updated - - -

TS may prob po kasi ako regarding sa Birthdate ko mali po yung Bdate ko sa BC from NSO. kumuha po ako ng Certified BC from NSO kasi nag-apply po ako ng passport sa DFA. napansin konalang na mali yung details nung nakita ko na sa passport. hindi ko na napaayos that time kasi kulang nako sa oras and paalis nadin ako abroad kaya hinayaan ko nalang. and now ikakasal na ko d2 sa abroad and yung maling bdate padin magagamit ko..

My question is my chance pa po bang mai-tama yung bdate ko sa passport and sa magiging Marriage Contract ko?

Yes sir mitatama pa po yun. Ang una nyong gwin mag file po kayo ulit ng updated na authenticated na birth certificate nyo sa NSO then pumunta po kayo sa LCR (Local Civil Registry) kung saan po kyo pinanganak na municipality. Tpos doo nyo po ipa correct ang birthdate nyo. Pag meron na po kayong finality or yung anotated birth certificate, pwde nyo na po ipaayos sa DFA ang passport nyo. Friendly reminder po, hindi po court hearing o korte ang pag correct sa birth date, pasok po sya sa correction of entry (RA9048) , baka kase sabihin sa munisipyo sir eh korte at hingan kayo ng malaking pera :-)
 
Last edited:
Advice po anu dapat gawin. Yung sa BC ng tatay ko walang name at last name middle name lang meron.

Supplemental nman po ang case nyo sir. Pumunta po kayo sa LCR (Local Civil Registry) ng munisipyo kung saan po ipinanganak ang tatay nyo, sabihin niyo po mag aapply po kayo for supplemental. Wag niyo pong kalimutan mag dala ng mga ID's , baptismal or lahat ng pagkaka kilanlan ng tatay niyo dhil kaylangan po yun sa requirements. Dun po bibigyan kayo ng affidavit at ng annotated birth certificate. Pag natapos na po kayo sa process sa munisipyo, sasabihin po nila na dalhin nyo sa NSO (PSA) ang affidavit at annotated birth certificate pra duon ifile :-)
Maliit lang po babayaran nyo dyan sir sa munisipyo, mga nsa 500 pesos dhil sa affidavit.
 
:thanks: po sa answer. :)
 
sakin ts anu kaya magandang gawin? malabo xa at late registered pwede bang matangal yng remark na late registered at pwede ba xa mapa linaw kc dina mabasa pangalan ko at iba pang mga info sa NSO BC ko? !!!! dami kc requirement pag kukuha ng passport na late registered at malabo... yon lang po ty ts
 
Hi! Sir, re- endorsement naman po sa case nyo. Pmunta po kayo sa Local Civil Registry sa munisipyo kung saan po kayo ipininganak. May ibibigay po sa inyo na re endorsement papers na dadalhin nyo sa NSO (PSA) East avenue for re endorsement. Mabilis lang po yan sir, 15 days po.:-)

PS: hndi na po matatanggal yun late registered n nkasulat sa bc nyo sir.
Cheers!

- - - Updated - - -

:thanks: po sa answer. :)

Your welcome sir :-)

Cheers!
 
Last edited:
Meron pala netong Thread na to.. tagal ko ng naghahanap ng sagot sa prob ko baka dito masagot.

TS. yung saken gusto ko sana ilagay yung name ko as a biological father ng anak ko..
kase yung BC ng anak ko eh wala ni isang pangalan ko na nakalagay. (may galit kase saken ung family ng asawa ko)
at pwede ko pa po bang isunod sa last name ko yung anak ko?
ano po pde kong gawin may nag sabi saken kailangan ko pa daw ng Abugado? :pray::pray::help::help::praise::praise::praise:

dagdag ko lang. 3 years old palang ung anak ko at Magkasama po kame ngayon ng asawa't anak ko pero di kame kasal ng asawa ko.
 
Last edited:
bookmark muna TS, salamat sa ganitong Thread, you are of help talaga! :clap:
 
Hi! Sir, RA9255 nman po ang case nyo. Admission of paternity, Pmunta po kayo sa Local Civil Registry sa munisipyo kung saan po ipinanganak at naka rehistro ang bata. Sabihin niyo admission of paternity, ipapa apelyido sa inyo ang bata. Nasa tatlong bwan po ang process nyan bago magka kopya ang NSO (PSA) ng authenticated na birth cert na nabago na...

FYI sir theres no need po ng abogado at court hearing. Huwag niyo pong kalimutan mag dala ng authenticated copy ng birth certificate nyo, ng anak nyo at ng misis nyo..pati po certificate of no marriage kaylangan nyo din po as a requirement.

Mag ingat po kayo sa mga taong manloloko sa city hall. Dhil kalimitan sinasabi nila na need p ng abogado at court hearing pra maka kick back sila :-)

Dont tell them n tnuruan ko po kyo sa case nyo dhil pag nlaman ng cityhall na may tga NSO nag help s inyo or pinagyabang nyo, ipepending nla document nyo pag nabuking sila sa kasinungalingan nila..pero mrmi prin nman maayos na empleyado...im not saying all na buwaya lhat..nsa 1500 po ang estimate na bbyaran nyp dyan..nka dpende dn po yan sa cityhall :-)

Salamat sa detalyado niyo problem sir. Kaya diko na need mag tnong kung kelan ipinanganak ang bata or.kung kasal ba kayo.

PS: Need nyo pong mag asawa pumunta dun dhil sa mga pipirmahan na documents.

Cheers!

- - - Updated - - -

bookmark muna TS, salamat sa ganitong Thread, you are of help talaga! :clap:

Hi! Sir, thank you din po. Happy to help our fellow symbianizers :-)
Mag start din ako mag create ng fb page for NSO related consultation.

Cheers!
 
Last edited:
ts, tanong ko lang pano o anong gagawin ko sa BC ko kasi may mali syang isang letter sa surname ko di kasi ako makakuha ng id sa SSS eh kelangan ng authenticated BC..salamat
 
ts, tanong ko lang pano o anong gagawin ko sa BC ko kasi may mali syang isang letter sa surname ko di kasi ako makakuha ng id sa SSS eh kelangan ng authenticated BC..salamat

Hi! Sir, sa case nyo nman po ay R.A. 9048 o correction of entry. Kumuha or mag file po muna kayo ng authenticated copy ng birth certificate niyo sa NSO (PSA) then pumunta po kayo sa Local Civil Registry sa munisipyo kung saan po kayo ipininganak. Duon nyo po sabihin ang ipapaayos nyong letra sa pangalan :-)

PS: dalhin nyo po lahat ng credentials niyo like ID's, school records etc. Na makakapag patunay na mali nga ang name niyo sir sa ginagamit nyong name.

Cheers!
 
Last edited:
Back
Top Bottom