Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bohol with Cebu Side Trip 5D4N

jevelgado

Recruit
Basic Member
Messages
6
Reaction score
0
Points
16
may sample itinerary po kayo ng Bohol with Cebu Side trip?

Thanks in advance po! :)
 
kung maaga dating niyo sa bohol (morning flight), i suggest na mag countryside tour muna kayo since whole day siya
kung late na yung dating niyo (hapon), check-in na lang muna kayo sa resort then mag alona beach for dinner
kung mag island tour kayo, mas maganda kung morning after nung 1st night ninyo para hindi maaraw.

countryside tour - may group package na 450 / pax pero ayaw namin na may kasama kaya ang kinuha namin yung may solo na guide 2k+. yung loboc river cruise ay 450 (lunch + cruise). may zipline sa loboc eco park (kalimutan ko na kung magkano). may mga lugar na kelangan ng entrance fee pero di naman kayo lalagpas ng 150 per pax total.

alona beach - lakad + kain. daming choices. hindi ko sure kung magkano bayad sa mga tric kasi may service yung resort namin.

island tour - di kami nag island tour kasi sobrang wasted kami nung mga nakaraang araw​

fastcraft to cebu (supercat) 500 per person + terminal fee na nakalimutan ko na rin :lol: around 3 hours biyahe
city tour na lang siguro kayo sa cebu (diy). medyo nakakalito lang yung mga jeep nila :lol:

pagkababa kasi namin sa cebu pier from bohol, nag camotes island kami for two nights then bumiyahe pabalik cebu city proper at nag hotel. aga kami natulog para gumising ng 1am to prep for travel pa-oslob for whalesharks (south bus terminal - ceres bus - 175 per person - 3 hrs (2am - 5am)
after mag whalesharks, nag tumalog falls kami then balik ulit cebu city nung hapon. the next day, yun na yung lamon galore. :eat:

wala akong mabigay na info sa city tour kasi namili lang kami ng pasalubong sa taboan market at lumamon ng lumamon. :rofl:
cnt lechon, rico lechon, golden cowrie, larsian, everything yummy, stk at isa pang nakalimutan ko :lol:
 
Last edited:
Back
Top Bottom