- Messages
- 31
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Re: Pahingi po ng advice sa mga magaling sa sa pagibig hehe
mahal mo? Ano mahal mo? Kung mahal mo ih sogo mo.!,,
may friend ako, may bf siya medyu matagal na sila mga 2yrs na din. Naikuwento lang nya sa akin toh, gusto ko lng mahingin ang opinyon ninyo
yung friend ko at yung bf nya, mag kaiba sila ng mga gusto o hilig, kaya madalas napag aawayan nila yun. Sabi nya, ayaw daw ng bf nya na pinapakialam sya pag dating sa pamilya niya kahit mag bigay ng opinyon ayaw din ng lalaki. Madalas din pinag aawayan nila yung pera. Kunyari yung friend ko gusto manuod ng sine, ayaw nung lalaki kasi sayang daw sa pera. Pwede nmn mag download nlng. Minsan, gusto ng friend ko kumain sa labas o mag mall kaso si lalaki ayaw kasi nag titipid. Pag ganun, iniintindi na lng daw nya pero sympre medyu nagtatampo kasi gusto naman din nyang maidate man lng din sya. Sobra pa namang napaka moody at matampuhin ng friend ko, pag hindi napag bibigyan o nasusunod nag tatampo o nagagalit agad. Aminado naman sya sa ugali nya na yun. Kaya minsan nasasabihan nya ng masakit nasalita ung bf nya.
Ung friend ko malihim yun, iilan lang ang napag sasabihan nya ng sama ng loob, kahit sa bf nya hindi sya gaano ng oopen up. May pangako pa nga daw sila sa isa't isa na walang lihiman. Kaso pano daw nya sasabihin sa bf nya kung lagi nman daw siya yung mali.
Parang kada sagot nya may balik na tanong sa knya yung lalaki.
Nakikita naman nyang mahal siya nung bf nya kaso nasasakal na daw siya parang sobrang hirap na daw intindihin yung relasyon nila ngayun.
Hinihingi nya ang opinyon ko kung kelangan nya bang mag bago para sa bf niya. Para mag kaintindihan sila at sundin ang mga gusto nito kahit ayaw nya o itigil nalang nila.
Para kasi sa akin, kung mag babago siya alang alang sa relasyon nila dapat si lalaki din kasi hindi lang naman siya ang nasa loob ng isang relasyon, dalawa sila. Sabi nga sa napanuod ko sa fb dapat ang dalawang nag mamahalan marunong mag "compromise".
Dapat magkasundo sila sa kung anong ayaw nang isa. At kung ginawa na nila ang lahat at hindi parin sila naaayos baka iyon na yung time para mag hiwalay talaga sila.
Guys, any advice sa friend ko
mahal mo? Ano mahal mo? Kung mahal mo ih sogo mo.!,,