Ewan ko lang kung heart broken ba ako o hindi, basta malungkot ako dahil hindi ko pa siya nililigawan.
I mean, naligawan ko na siya pero parang binusted niya ako. Halos 6 years ko na siya naging crush at bestfriend ko siya (since first year high school). Alam naman ng buong klase na may pagtingin ako sa kanya at sigurado na alam niya rin ito. Kahit na ganoon, naging bestfriend kami.
rin
Ano ibig sabihin nito? Kung alam naman niya na ganoon ang pagtingin ko sa kanya... bakit pinili pa rin niya na maging bestfriends kami? Naging malapit talga kami, kala ko nga kami na eh sa tuwing hahawakan niya kamay ko.
At ngayon di na kami masyado nag co-communicate dahil busy kaming pareho sa pag-aaral at alam ko na mas importante ang pag-aaral kaysa pagkakaroon ng gf. Ang gusto ko lang naman na magkaroon ako ng assurance na sana kami ang magkakatuluyan sa huli, pero ngayon naguguluhan ako. Kailangan ko na ba siyang i-give up? Kailangan ko na ba mag move on? Ano dapat kong gawin?