Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Broken Hearted Club (BHC) presents: [Love Advice for Broken Hearts]

Since walang mapag-usapan tungkol sa thread na ito,

Lets have a brain storming...

Para sa lahat

Ano ang batayan ng kababaihan / kalalakihan para hindi mapatawad ang isang tao?
Ano ang gagawin mo para mapatawad ka nito, kahit alam mo na hindi ka mapapatawad?

Ano ang insights nio sa ganitong sitwasyon?

i'll treat this as a problem sir.ninku.

Batayan bakit di ko mapatawad ang taong nanakit/may kasalanan sa akin :
aaminin ko mataas ang pride ko lalo na kung may mga batayan o may punto kung bakit hindi ko maibibigay ang kapatawarang hinihingi niya.
For an example :
this year may may nangyaring hindi ko inaasahang may aagaw kay gf.at si gf.nagpaagaw.
Until now di ko mapatawad ang taong yun lalo na't kaibigan ko pa yun..
Nasira ang tiwala isa yun sa batayan ko bakit hirap mapatawad ng isang tao sa nanakit sa kanya.

Yung pangalawa kung paano ka niya mapapatawad.

Sa totoo lang wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita mong totoo ka sa paghingi mo nang kapatawaran sa taong yun, huwag kang mag-expect na sa isang "sorry, nagkamali ako" eh burado na ang krimen na nagawa mo, tiwala niya ang binigay sayo bukod pa sa pagmamahal niya...

- - - -
pasensya na kung medyo sabaw ang sagot ko dito.
 
Since walang mapag-usapan tungkol sa thread na ito,

Lets have a brain storming...

Para sa lahat

Ano ang batayan ng kababaihan / kalalakihan para hindi mapatawad ang isang tao?
Ano ang gagawin mo para mapatawad ka nito, kahit alam mo na hindi ka mapapatawad?

Ano ang insights nio sa ganitong sitwasyon?

Sabi ko noon kapag niloko ako ng isang taong mahal ko, hindi ko na yun mapapatawad. Walang kapatawaran, kahit ano pa man gawin nyang hingi ng tawad. Pero nun naranasan ko na, biglang nabago lahat. Sabi ko dati, hiwalayan na. Para saan pang magpatawad kung alam ko naman uulit-ulitinlang. Pero nun naranasan ko ng maloko, nagbago ang lahat.

Madali magsalita eh kapag wala ka pa sa mismong sitwasyon. Madaling sabihing tigil na, tapos na, period, mamatay ka, letse! at kung ano-ano pa. Parang ang daling gawin, ang daling panindigan. Pero once you're in the exact situation ng panloloko, pagsisinungaling, papipiliin ka talaga, utak o puso, prensipyo o pag-ibig, ikaw o sya?

Nung nasa sitwasyon akong gustong gumive-up ng utak ko, pero gusto sumigi ng puso ko. Halos mabaliw ako eh, saan nga ba, ano nga ba? Iyak dito, iyak dun. Walang kain, walang tulog. Pero nun sinabi ko sa sarili ko, wait, pause, wait, think, wait, feel. I decided to forgive, though not to forget but to forgive and move on.

Lagi ko nga sinasabing walang perpekto, lahat tayo nagkakasala at nangangailangan ng pagpapatawad. Eventually lalagay din ako sa sitwasyon na ako naman ang hihingi ng tawad. So better to give forgiveness para in case kailanganin ko rin, maibigay din sa akin.

Isa pa, ang hirap kaya mamuhay ng may bitterness. Yung hindi kita patatawarin, manigas ka. Hindi lang naman yun nagkasala sayo yun pinahihirapan mo eh, kundi pari sarili mo. Hindi ka makatulog ng mahimbing, makakain ng maayos, hindi ka rin makapag-move-on ng bongga dahil meron kang hila-hilang mabigat sa likod mo. Nakakapagod kaya yun ganun.

Ang pagpapatawad, hindi naman yan para sa taong pinatawad mo kundi higit lalo sa sarili mong ikabubuti.

Try nyong i-set aside yung kasalanan ginawa sa'yo ng tao, then magpatawad ka. Ang gaan sa pakiramdam.
 
tingin ko ang magiging sagot sa tanong na iyan eh base na rin sa mga naranasan ng bawat isa, wait muna ako sa sagot ng iba..

Nice to see you again ate red, nagustuhan ko yung sagot, malaman at may punto ang nakapaloob dito..
 
Since walang mapag-usapan tungkol sa thread na ito,

Lets have a brain storming...

Para sa lahat

Ano ang batayan ng kababaihan / kalalakihan para hindi mapatawad ang isang tao?
Ano ang gagawin mo para mapatawad ka nito, kahit alam mo na hindi ka mapapatawad?

Ano ang insights nio sa ganitong sitwasyon?

Pagpapatawad...

Yan ang isa sa pinakamahirap na problema sa isang relationship..

Pero kung maiitindihan mo ang salitang PAGMAMAHAL, ito ay matatabunan ng pgkalimot..

I was once na dumaan sa ganitong situation, ang hirap..

Totoo yung parang wala ka sa sarili, balisa, gutom ka pero ni-konting subo di mo man lang malunok, nakakatulog pero kulang na kulang sa tuwing pgdilat ng mata mo yun kaagad ang maiisip mo..

Isa lang ang naalala ko na ginawa ko..

I set aside the problem kumbaga ginawa kong kaibigan ang aking sarili na parang pinapayuhan mg-isa ang sarili..

Kapag my naririnig, nakikita at naaalala binabalewala ko yun para ma-solve ko maigi ang problem..

Eto ang tumatak na tanong sa isip ko???

1. Kapag ikaw ba ay ngpatawad, kung mgkakaron ba kayo ng small or big problem e hindi mo isusumbat na napatawad mo sya sa nagawa nya dati?

2. Kapag ikaw ba ay ngpatawad tatanggapin mo ba kung anu pa ang susunod na magiging problema nyo bukod sa nangyari dati?

3. Kapag ikaw ba ay ngpatawad, tatanggapin mo ang masasabi ng ibang tao sa nagawa nyang pgkakamali?

4. Kapag ikaw ba ay ngpatawad, paninindigan mo ba yung decision na pinili mo?

5.Kapag ikaw ba ay ngpatawad, hindi ba mababago ang pgmamahal mo dati para sa kanya?

Halos lahat to nasagot ko, and I decide not to give up for her..

Isa lang nasabi ko nung pinatawad ko sya..

"Walang problema na hindi nabibigyan ng sagot, lahat ito ay my reason kung bakit nangyayari, kung my NEGATIVE ikaw ang POSITIVE ko sa buhay, wag ka na umiyak kasi puro kagalakan ang nararamdaman ko sa puso ko dahil ngtapat ka ng lubos"
 
My GF just broke up with me last week.. Eto tuloy balik ako sa bahay ng mama ko, nag aapartment na kasi kaming dalawa.. Ang hirap lang, minsan magigising ka sa gabi naluluha ka and ayaw mo paalam sa family mo na nasasaktan ka pa because ang paalam mo okay na okay ka na... Now I know the feeling of "emo" nung una naiirita ako sa mga emo, parang jejemon, well jejemon na din siguro ako..

Pinaka madaling sabihin "marami namang ibang babae diyan", pero napaka hirap panindigan..
 
considered as live in partner na kayo.
By the way anung cause ng paghihiwalay ninyo?.
Ilang taon/buwan na kayo magkarelasyon sir.?
 
Since walang mapag-usapan tungkol sa thread na ito,

Lets have a brain storming...

Para sa lahat

Ano ang batayan ng kababaihan / kalalakihan para hindi mapatawad ang isang tao?
Ano ang gagawin mo para mapatawad ka nito, kahit alam mo na hindi ka mapapatawad?

Ano ang insights nio sa ganitong sitwasyon?

Most of the answers are true so far,
it would depend on the situation and how deep the stabbing occurred. For me like, also kay best friend and ex can't forgive them both. They played a nice role to have me completely fooled so first reaction talaga galit ka and ayaw mo mapatawad yun. Pero as you learn to reflect on things dahan-dahan mo marerealize na may mali ka rin kaya humantong sa ganun na sitwasyon. So from there dun mo marerealize na di lang pala siya ang nagkulang kundi may pagkukulang ka rin. So, dun pa alng kaya mo na magpatawad pero yun lang in my case I don't want to rebuild the bond mas lalo lang ako masasaktan eh.

Yung about sa paghingi ng tawad isn't actually about dun sa humihingi ng tawad pero sa paghihingian mo nito. If he/she is willing to forgive it would be easy. magiging mahirap lang pag di pa siya handa na patawarin pa.
 
agree ako sa bandang dulo ng sinabi mo ms.tearz na sa bandang huli nasa taong hinihingian natin ng kapatawaran kung mapapatawad pa nila tayo o hindi, most of the time or minsan it would take time lalo na kung malalim ang nagawang kasalanan.
 
Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at apulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--
 
Last edited:

Hindi ako naniniwala na walang dahilan. :whistle:

Ang hirap niyan.
LDR na tapos Trust pa ang problema.
Yan ang pinakaimportante e.
Tapos yung isa unfaithful pa.
Mahirap yan para saken.
Kung pagbibigyan ka nya ng second chance, wag na ulitin.
That's the best thing to do, I think.
 
Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at paulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--

pano mo ibabalik?.
So siya yung nawalan ng trust sayo tama ba ms.dark?.last question saan nag-trigger o panu nagsimula ito?
 
My GF just broke up with me last week.. Eto tuloy balik ako sa bahay ng mama ko, nag aapartment na kasi kaming dalawa.. Ang hirap lang, minsan magigising ka sa gabi naluluha ka and ayaw mo paalam sa family mo na nasasaktan ka pa because ang paalam mo okay na okay ka na... Now I know the feeling of "emo" nung una naiirita ako sa mga emo, parang jejemon, well jejemon na din siguro ako..

Pinaka madaling sabihin "marami namang ibang babae diyan", pero napaka hirap panindigan..

Hindi ba kayo close sa family mo at ayaw mong i-share ang nararamdaman mo? Wala ka bang kaibigan na pwede mong buhusan ng sama ng loob mo? Mas makakabawas po ng bigat sa damdamin kung mailalabas mo e. Since nag-post ka dito, medyo naibsan na siguro kasi dito mo lang nailabas.

Wala namang masama sa pagiging EMOtional. Normal lang sa tao na nagpapaka-emo paminsan-minsan, 'wag lang dapat career-in. :lol:

I'm not going to give any advice on how to move on, kasi nakadepende 'yun kung paano mo i-handle ang nararamdaman mo ngayon.

For now, I advice na maging open ka sa isa o higit pang close friend mo, or pwede din namang sa family mo. Para sa akin, iba pa din talaga kung sa family mo ikaw humingi ng tulong. Tell them what you really feel. I know na hindi ka nila pababayaan. They will do everything para maging okay ka, pero syempre, dapat tulungan mo din ang sarili mo. :hat:

Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at apulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--

Hirap nito. Long distance relationship tapos sira ang tiwala? :slap:

Kung ako siguro 'yung nagtiwala ng lubos tapos nasira lang, mahihirapan akong tanggapin lahat ng effort ng taong sumira ng tiwala ko.

But since gusto mong maibalik, I suggest na magkausap kayo in person. Kung imposible (like for example, nasa ibang bansa siya o di naman kaya ay nasa ibang part siya ng bansa at hindi mo alam kung paano siya puntahan) eh try to communicate with him thru phone or social networking sites. Hanapin mo lahat ng options mo. Medyo broad kasi ang iyong pagkakadetalye.
 
Pwede ba dito ang single pero hindi naman broken hearted? Healed na kasi eh. :)
 
Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at apulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--

Aw, yan ang mahirap ginagawa mo ang isang kasalanan ng hindi mo namamalayan na ito ay mali, yun bang di mo maiisip na meron ka palang masasaktan na tao..

Teka saan po ba ito ngsimula???

Alam naman naten na mahirap ang LDR relationship, pero kung ito ay nasasaayos di kayo mgkakaron ng problema??

I think months na din nung nakausap kita sa phone about your problem..

Pwede ba dito ang single pero hindi naman broken hearted? Healed na kasi eh. :)

Uu naman sir, about ba ky Mam Emzie yan???:lol:
 
Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at apulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--

Sissy, I MISS YOU.

Trust? Sa situation mo na sis na LDR tapos may history na ng kasinungalingan, mahirap talaga ibalik ang trust na nasira. Ang hirap kaya ibigay nun tapos sisirain lang ng ganun. :weep:

Pero like what I always say, baket kelangan buuin ng isang bagay na sira na kung pwede naman mag-create ng bago. Yung tipong, leave everything yesterday and start a new today.

Wag ng ibalik pa yun alam naman nating hindi na mababago at maibabalik ng kahit anong sorry. Rather, try to leave everything behind. Wag ng balikan pa. Wag ng isipin pa. Parang everyday freshness na lang ganun.

Paano? Hindi ko rin alam eh. Nasa sa iyo yan kung paano mong gagawin yun. Mahirap? Oo naman. Pero sabi naman kung gusto, marameng paraan.

Willing ka naman magpatawad diba? Hirap na nga lang ibigay kasi nga nakailang-beses na. Pero kahit pa, willing ka pa rin magpatawad. Baket? Mahal mo eh. Hindi ka ba napapagod? Hindi. Hangga't patuloy na tumitibok ang puso mo, patuloy yan magmamahal. Nasa sa'yo na lang kung kanino mo ibibigay yun pagmamahal.

Dalaga ka pa, pwedeng-pwede pang bitiwan ang relasyon na hindi na nabigyan ng katahimikan. Pwedeng mag-move-on at maghanap ng iba. Marame na for sure nagsabi nun sayo, hanap na ng iba. Pero hindi ka ba nagtataka, sa kabila ng pasakit na nararamdaman mo sa relasyon na yun, nananatili ka pa rin masaya sa mga oras na kasama/kausap mo sya. Nakakalimot ka sa sakit. Nakukuha mo pa rin tumawa.

Oo, madali lang naman humanap ng iba. Kapag nakahanp ka ng iba, maiisip mo "buti na lang iniwan ko sya hindi sana ako ganito kasaya" pero kapag nag-stay ka sa kanya, pwede ka rin naman magkaroon ng kakaibang saya.

We can never tell... We make our own decision, tayo ang magdadala sa sarili natin sa lugar kung saan pwede tayong maging mesirable at maging masaya. Nasa decision natin yan.

Pwedeng you stay with the relationship and try hard to make it worthy, or get out of that relationship and make it worthy.

Nasa paniniwala mo yan eh. Hindi naman yan, martyr-martyran lang. Hindi yan yun sige saktan mo ko ok lang. It's about sacrificing on something you believe worthy and you believe na may magiging magandang kahihinantnan in the end.

But wait, two way ang relationship, dapat you BOTH work hard for it. Hindi lang ikaw, o hindi lang sya. Sabay dapat ang lakad, hold hands, walang iwanan or else, may mawawala talaga sa daan...Kung hindi sya, ikaw.

(ang gulo ko na sissy. namiss lang kita. sykpe me anytime ;) )
 
My GF just broke up with me last week.. Eto tuloy balik ako sa bahay ng mama ko, nag aapartment na kasi kaming dalawa.. Ang hirap lang, minsan magigising ka sa gabi naluluha ka and ayaw mo paalam sa family mo na nasasaktan ka pa because ang paalam mo okay na okay ka na... Now I know the feeling of "emo" nung una naiirita ako sa mga emo, parang jejemon, well jejemon na din siguro ako..

Pinaka madaling sabihin "marami namang ibang babae diyan", pero napaka hirap panindigan..

marameng tanong na naiwan sa sinabi kuya.
Anong reason ng pakikipaghiwalay nya sayo? Alam mo ba? At kung mahal mo, baket mo tinanggap ang pakikipaghiwalay? Baket hindi mo ipinaglaban?

Nasasaktan ka sa nangyari, obvious naman sa mga pag-iyak mo tuwing gabi. Pero baket nga po ba? 3rd party? Inassess mo na ba sarili mo, san ka nagkulang? o san ka sumobra? Pwedeng ganyan yan eh. Hindi naman kasi dapat kumulang, lalo na't hindi dapat sumobra, dapat tama lang.

Kapag subrang luwag, nakaka-bore. Kapag naman subrang sikip, nakakasakal.

mag-reflect ka. Wag mo sya hanapan ng mga MALI nya, for sure meron yun pero reflect ka muna sa sarili mo, pero not necessarily mean na sisihin mo sarili mo sa mga nangyari. May dahilan naman kung baket nagawa mo yun mga naging mali mo. Kapag narealize mo na yun, ask yourself, mababago mo ba yun? IF yes, balikan mo sya at hingan ng 2nd chance. If not, try to be a better man first for yourself, bago ka humanap ng relasyon.

Medyo magulo ba sagot ko? If may mali sa nasabi ko, sorry, clueless ako sa story mo kaya malawak yun sagot ko.
 
Thanks sa mga response.. Ang kwento namin "not your ordinary love story", ehe.. I'm 23years old, she is married with a son. She's 10years older than me... Ang weird no? ahaha.. Galit na galit sakin mama ko nung una, pero pinag laban ko siya dahil mahal ko..

Close kami ng family ko pero hindi kasi ako yung type ng tao na madalas mag kwento, I just keep it myself, pero yung broke up yung pinaka masakit sa lahat.. Ewan ko ba kung bakit, sabi ko nga love lang yan, single ka masaya, madaming babae.. Siguro kaya nakakapag kwento ako dito kasi hindi ko naman kayo kilala in person, and sa sobrang ayaw ko ng may nakaka alam sa mga kaibigan at family ko kaya dito na ako nag vent out, haha sensiya na kayo..

Iniwan siya ng asawa niya and with other girl sa abroad, when we met akala ko mga 2years lang ang tanda sakin, nalinlang ako, haha.. ayun sa akin siya nag kkwento ng sama ng loob until I love her na, I really love even her son (ngayon nga parang mas importante pa sakin yung bata na parang ako talaga ang ama), ngayong bumalik from Dubai asawa niya, nakikipag balikan sa kanya, bigyan daw siya ng chance para sa bata, para hindi lumaki ng walang tatay yung bata, since she's a mother, pinag palit niya relationship namin because of that reason.. I understand her side, but it kills me lalo na't almost 2years kami nag live in with her little angel.. Ngayon tuloy hinahanap hanap ko kulit nung bata and yung luto nung GF ko (X pala) and yung pagmamahal nila...

Therefore I conclude, mahirap mag mahal ng girl ng may baby na, kapag nag hiwalay kayo, parang dalawang sakit, yung isa dahil sa kanya, and yung dahil dun sa bata..

Anyway, I came also from a very conservative family, kaya nagallit sila sakin before.. But when I started to work in callcenter, daming nagbago.. And hindi ko pinag sisisihan yun
 
Anong pwede gawin o paano ba mapapabalik ang TRUST ng taong mahal mo lalo n kung Long Distance Relationship kayo?

--Minsan may mga bagay na alam mo ng mali pero pinagpapatuloy at apulit ulit mo pa rin gngawa, pero behind that, hindi mo alam yung real reason kung bakit mo yun nagawa--

Ang isyung kinasangkutan ni mydarksidefy ay isang halimbawa ng LOOP ng sa buhay natin...Uulit at uulit lang kung gugustuhin natin..

Regarding sa tanong mo, you already answer that, tignan mo to

http://www.symbianize.com/showpost.php?p=10630950&postcount=5492

Preview
Same here my trust issues ako before, pero after ko maishare yun dito sa sb naging positive yung tingin ko sa mga bagay bagay.. Tama mahirap ibalik ang tiwala, pero kung gugustuhin mo naman talaga kaya mo pa yun ibalik e.. Kailangan mo na lang tanggapin na ngyari na yung bagay na yun at wag mo ng balik balikan pa kasi the more na binabalik balikan mo yung pagkakamali nya the more na masasaktan ka.. Sa tingin mo ba healthy yun sayo at sa relationship nyo? Syempre hindi di ba? Pinahihirapan mo lang sarili mo.. Palayain mo ang self mo sa pagiging paranoid alisin mo yang hatred sa puso mo dahil sa mga ginawa nya sayo.. Subukan mo ulit sya pagkatiwalaan pero this time bigyan mo ng halaga din sarili mo..
 
Thanks sa mga nag response sa post ko.. Namiss ko rin kayo sobra..

Just want to clarify that this time kc ako yung may kasalanan ako yung nagloko.. alam ni ninku yung kwento na yun.. pero di yun dun natapos ninku naulit pa ulit yung ksalanan ko n yun. To the point na sinabi na nya sa pamilya ko yung mga pinag gagagawa ko.. at sobrang nahiya ako sa mga ginawa ko.. sobra.. and this time brineak na ako ng bf ko na yun at di ko alm paano ko pa sya mapapabalik sa kbila ng paulit ulit n kasinungalingan at panloloko na ginawa ko. Para po sa lahat hindi ako ganito nung nasa pinas pa ako dito ko lang nranasan lahat na hindi ko akalain na magagawa ko pala yung bagay na yun kc khit ako hindi ganon yung pagkakakilala ko sa srili ko. :( Alam ko nmn ang dpat gawin nakakapagpayo ako sa iba pero pag ikaw na nasa gnon sitwasyon hindi mo na maipaliwang bkit ka gumawa ng ganon at di mo matulungan sarili mo. :(
 
Back
Top Bottom