Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Carpe Diem.

Chapter 1

Linggo.

Kasama ko no'n si Ralph papuntang Megamall. Tanghaling tapat. Medyo mainit.

Wala naman talaga kaming balak bilhin, pero may gusto lang kaming puntahan. Happy happy. Weekends e.

Sana nga pwedeng magpagod saka magpahinga ng sabay. Gago kasi 'tong si Rap. Pinaglakad ako.

Ralph - " Onti na lang pre. Pramis ko sa'yo, 'di ka magsisise. "

" Oh talaga lang ah. "

Ralph - " Tiwala lang. "

Mas madalas pang makahanap ng chikabeybs 'tong si Rap kesa makahanap ng trabaho e. Madalas talaga, sa kanya yung wallet ko.

Minsan lang ako gumastos para sa sarili ko. Tarantado kasi 'tong si Rap. Pero tropa naman e. Parang insurance kung sakaling mabanatan ako.

Dumating kami bandang alas-dos dun sa meet-up place nila nung babae.

Di naman talaga ako dapat kasama dito sa kung-ano-mang-tawag-nila-dito. Rendezvous? Tama ba spelling? Hirap ipronounce.

Wala daw sigurong tiwala sa kanya yung babae kaya daw magsama ng isa pa. Tinanong ko si Rap. Maganda ba yan? Oo daw. Andito ako ngayon.

Ralph - " Kinakabahan ako pre. "

" 'Wag mo nang ipaalala. "

Ralph - " Naalala mo nung first time natin makipageyeball? "

" Pahamak ka e. Sabi sa'yo, mga pangit lang nakikimeet-ups e. "

Dalawa lang naman ang nasa isip ko 'pag atat o pumayag makipagkita yung tao. Either proud sila sa sarili nila o insensitive lang sila.

Di naman sa masama akong tao. Pero minsan talaga, 'di mo rin maiiwasang maging realistic. Maging cynical.

One time kasi dati, sumakay ako ng bus bandang Quiapo. Ilang beses ako nakakita ng matandang nakikipagrambulan sa mga buwis-buhay na pasahero.

Survival of the fittest, ika nga. Hindi naman nauubusan ng matitinong tao, pero umoonti pa rin sila. That's life, siguro. That's life.

" Ano bang kulay ng damit niya? "

Ralph - " Dark orange ata. Nakasunglass. Matangkad, mahaba ang buhok. "

" Ah. "

Nakapoloshirt si Ralph, pero 'di mukhang nasasakal kahit nakasara yung dulong butones sa leeg. Kulay green at black, dark jeans, brown shoes.

Di naman ako yung imi-meet e. Sinimplihan ko na lang yung get up ko. Red na Tshirt, black shorts saka white flat shoes.

Ilang saglit pa nung may natanaw akong kapareho nung description niya dun sa babae.

" Pre, eto na ata yung — "

Ralph - " Andyan na ata siya pre. Teka lang ah. Hintayin mo ko dito. "

" Ge.

Umupo ako do'n sa parang bench na pahaba, malapit sa mga palaruan. Madaming tao. Lahat naman siguro, gustong magpahinga kahit 1 araw lang sa 1 linggo.

Nilapitan ako ng isang batang babae.

Bata - " Ku-ya-ti-ga-nan-mo-to-oh. "

Pinakita n'ya saken yung picture ng babae, kasama siya. Nakangiti silang pareho, parang kumakain ng cake. Birthday party siguro.

Bata - " Na-ki-ta-mo-po-ba-si-a-te ?"

" Ate mo 'tong nasa picture? "

Bata - " Ooooo-po-ku-ya. "

" Hindi e. Nasa'n ba daddy mo? "

Bata - " Sa-ba-hay-po. "

" Edi .. nawawala ka? "

Bata - " O-po. "

Nakakapagtaka lang kasi 'di umiiyak yung bata. Nung ako dati, nung bata ako, nawala din naman ako sa isang supermarket. Guess what. Nakakahiya.

" Sa'n ba ka'yo huling nagkita ng ate mo? "

Bata - " Sa foodcourt. "

" Osige, sumunod ka saken. "

Bata - " Ku-ya. "

" Baket? "

Napansin ko yung mukha niya. Mukhang nagmamakaawa. Parang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Baka sindikato 'to, sabi ko sa isip ko.

Bata - " Pa-gud-na-ako-eh. "

" Halika dito. *bubuhatin yung bata* Yaaah. "

Pumunta kami sa foodcourt kahit mukha akong batang tatay dahil sa buhat buhat ko siya. Mukha naman siyang disente, baka nga sabihin kidnapper ako e.

" Ano bang sabi sayo ng ate mo ? "

Bata - " 'Wag daw .. ako la-la-yo. "

" O, ba't napunta ka saken? "

Bata - " Kasi po, yung ano e. Yung bo-la, ni-ha-bol-ko. Ta's .. ta's ni-ku-ha nung ba-ta. Ta's wa-la-na-si-aaaa-te. "

" Anong pangalan mo? "

Bata - " Clementine. (Klementayn) "

" Okay. Clem, anong kulay ng damit ng ate mo? "

Clementine - " Red po. "

" Mahaba ba ang buhok? Matangkad? "

Clementine - " Ma-ha-ba po. Ta-pus, ma-tang-kad-din po. "

" Magaling. Sige sige, hahanapin natin siya. "

Clementine - " Si-gi-po. "

Matagal tagal din kaming naghanap. Paikot ikot dun sa stage, dun sa foodcourt. Ilang tao na yung dumating saka umalis pero andun pa rin kami.

" Sigurado ka ba talaga? "

Clementine - " O-po. "

" Hmmm .. magpatulong tayo sa guard, buti pa. "

Pumunta kami dun sa sinabi ng guard na lugar para magpareport ng Lost and Found. Di naman bagay 'tong napulot ko, pero importante. Sa ate niya.

Nakita ko na yung pintuan nung kwartong sinasabi nung guard nung pumunta sa hagdan yung bata.

" Hintayin mo ko, oy. "

Nakita ko siya do'n. Kasama yung ate niya. Kinakamusta yung bata, mukhang nag-aalala.

Clementine - " Yung bo-la-ka-si-a-ti-eh. Naki-ta namanako-ni ku-ya-eh. "

Ngumiti lang ako.

Maigsi yung buhok ng babae. Matangkad ako sa kanya ng onte. Nakaskirt, ta's pang office na damit. Siguro kakawithdraw lang.

Ngumiti din siya saken.

Tatanungin ko na sana yung pangalan niya nung biglang ..

Ralph - " Brad. "

Lumingon ako kay Rap. Hanep. Kasama niya na yung nakaorange na damit na hinahanap niya saka yung kasama nito. Maigsi din ang buhok, yellow na Tshirt ta's jeans.

" Sensya. Nawala kasi 'tong batang .. "

Nawala na agad yung magkapatid.

Ralph - " Baliw ka na brad. "

Tatawa yung dalawang babae.

" Siya, siya. Tara na. Gugutom na ko e. "

Ralph ( pabulong ) - " Pre, ikaw muna taya. Naiwan ko ata wallet ko e. "

Pero dala niya talaga yung wallet. Iniwan niya lang yung laman.

Kumain kami dun sa kainan na may unlirice. Bukod kasi sa matakaw 'tong si Rap, gutom na din talaga ako. Pinaglakad ba naman ako e.

Pinaupo ni Ralph yung matangkad na nakaorange pero 'di tinabihan nung kasama niya. Edi tinabihan na lang ni Rap yung ka-eyeball niya, ta's ako sa isa.

Ralph - " Di ko pa pala sayo napapakilala. Lee, eto si Kassandra ( yung mineet niya ) tapos eto si Maui ( yung kasama ). "

" Hi. "

Tumungo lang ako. Pabait effect.

Kassandra - " Hi. Nice to meet you. *kakaway* "

Maui - " Hello. *makikipagshake hands* "

" Uhm .. basa ata kamay ko. "

Ralph - " Bastos 'to. Kamayan mo. "

Edi kinamayan ko na lang din siya.

Maui - " Di naman e. Di masyado. "

Tatawa kaming apat.

Ralph - " Ganyan talaga yan. Palibhasa kasi — "

" Sige ituloy mo. "

Kassandra - " Suntukan na. "

Maui - " Manalo may kiss sayo sis. "

Kassandra - " *tatawa* Kuh-rek! "

Ralph - " Pre, patalo ka na kahit ngayon lang. "

Ta's tatawa na naman kami.

Mga 20 mins. pa kaming nagusap usap. Tungkol sa ganito, ganyan, ta's kulang na lang talaga e alamin ni Ralph yung kulay ng suot ni Kass.

Alam kong alam mo naman yung tinutukoy ko.

Umorder kami ng pagkaen. Light meal lang yung kinain nung dalawa, ganun din ako. Si Ralph? Sinulit yung libre.

Parang gawa sa diamond yung bituka slash sikmura niyan e. Yung tipong paluwa na yung pagkain sa katawan namin, sa kanya nararamdaman niya pa lang.

Kass - " So .. nakakailan na 'to si Ralph? "

" Mas madami pa sa inextra rice niya. "

Kass - " *tatawa* E halos maubos na yung stock nila oh. "

Ralph - " Naniniwala ka dyan? Bait bait ko o. Try me. "

" Ako na nagsasabi sa'yo, miss. Mag-ingat ka d'yan. Kahit sindikato naloloko n'yan e. "

Ralph - " Eto talaga. Parang 'di tropa e. "

Maui - " Try me nga daw sissy. "

Kass - " We'll .. see. E ikaw, Lee? "

Ralph - " Naku. Birhen na birhen yan, kulang na lang manermon sa simbahan e. "

Kass - " Sis, goodboy daw. "

Maui - " Sa una lang yan. "

Hindi naman sa ayokong magkasyota, pero minsan talaga 'di rin gusto ng panahon.

Sinusubukan mo namang maglapit kayo. Gumagawa ka ng paraan. Kaso may divine intervention. O kaya magdadalawang isip ka.

Iniisip ko na lang, mangyayari din naman sakin yung gusto ng nakararami. Siguro, 'di ngayon pero malay mo. Bukas. O mamaya.

Ralph - " Lalim ng iniisip mo pre. "

Nakita ko yung kamay ni Maui na kumakaway sa harapan ko, yung tipong ginagawa ng mga bata 'pag may nakatulala.

Maui - " Baka may maitim kang binabalak d'yan ah. "

" Wala, wala. Napaisip lang. "

Kass - " Ba't ba ayaw mo magkagerlfrend, Lee. You look cool naman. May height. You're not so boring din naman. "

" Ewan. Sana nga magkameron na. "

Tumawa na lang ako. Di ko rin naman alam yung sasabihin ko e. Wala naman akong nagugustuhan sa ngayon. No thanks na lang muna.

Maui - " Andito naman ako. *paawa effect* Charot. "

Kass - " 'Lam mo yan. "

" 'Kaw ba Kass. Nakakailan ka na. "

Maui - " Naku. "

Kass - " Madami dami na rin. Ayaw nila mag-stay sakin e, 'di I let them go. "

" Ganun lang kadali? "

Kass - " Not really. E wala naman akong magagawa. Babae ako e, dapat 'di ako nagmamakaawa. "

Ralph - " Ako, Kass. I'm willing to stay, you know. "

" Hmm .. "

Maui - " Mahina talaga 'pag mabait ka. "

Kass - " I know right. "

Ralph - " Ba't naman? "

" 'Lam mo na. Mas gusto nila yung matigas yung ulo e. "

Kass - " You have a point. "

Maui - " Kaya dapat tigasan mo din yung ulo mo, Lee. "

Ralph - " Pre, tigasan mo daw. "

" Makikita mo din. Easy ka lang. "

Tapos tatawa kaming lahat.

Natuloy yung kwentuhan 'gang sa umabot ng 1 oras. Umalis kami sa foodcourt ta's nag-gala gala na lang kami.

Naglalakad kaming apat papunta sa top floor - si Ralph, sa tabi ni Kass. Ako, sa likod ni Maui. Bigla kong nakita yung bata kanina.

Nakaupo siya dun sa bench habang kumakain ng ice cream ta's kasama niya yung ate niyang 'di siya kinakausap.

Pupuntahan ko sana sila nung bigla akong hinatak ni Maui.

Maui - " Lee, andun na sila o. "

" Saglet. May — "

Paglingon ko, nasa malayo na yung dalawa. Naglalakad, pauwi na ata.

" Tara na nga. "

Ta's kumapit si Maui saken. She wants to play the fun part, then I go with that 'fun' part.

Ginabi na kami no'n sa kakalaro, kakausap, kakalandian, kakalakad. At naubos talaga yung pera ko.

Nasa terminal na kami nung nagsalita si Ralph.

Ralph - " Hatid na natin sila brad. Gabi na e, delikado sa daan. "

" Feeling ko delikado sila sayo e. "

Kass - " Ang sweet naman ni Ralph. "

Tumawa ng palihim si Maui.

" Ge na. Hatid mo na yan, Ralph. "

Kass - " Ikaw, wi? "

" Ako na bahala sa kanya. "

Maui - " Gora na, sis. Gagabihin kayo. "

Ralph - " Tara na, Kass. Gagabihin talaga tayo. "

Nauna nang umalis yung dalawa.

Naiwan kami ni Maui nung niyaya ko siyang maglakad pa onte.

Maui - " Wala kang balak? "

" Depende sa kung anong balak yang tinutukoy mo. "

Maui - " *tatawa onte* Umuwe, I mean. "

" Ah. 'Kala ko yung isa. "

Maui - " Anong isa? "

" Ihatid ka. Baket, may iba pa ba. "

Maui - " Malay mo meron pa. "

Pumasok kami sa 7-11 para bumili ng pagkaen. Ta's naupo muna kami do'n.

" Wala ka bang boyprend. "

Maui - " Wala pa. "

" Wala pa. Bakit naman. "

Maui - " Di ko pa naman kelangan. "

" 'Kailangan' ba talaga dahilan mo? "

Maui - " Ewan. 'Lam ko namang pareho lang tayong walang tiwala sa tao e. "

" Pa'nong 'walang' tiwala. "

Maui - " E ayaw mo nga kong sabayan kanina e. And buti, di mo rin ako sinabayan. I just feel weird kanina. "

" Well, there it is. "

Kakagat si Maui sa sandwich ng onte ta's magsasalita ulet ako.

" How do you look at relationships ba. "

Maui - " Oh, just FUBU. Pag nakuha na nila yung gusto nila, they just leave. "

" That's .. bad. "

Maui - " It's not like i'm saying anything wrong naman. It's what I see, then it's what I say. "

" You could be right. Keep talking. "

Maui - " Siguro kasi dito sa Pinas, we give so much value about love. About relationships. "

" You never really cared ba? "

Maui - " I know you're not dimwit naman, others might not understand me. Pero 'di talaga effective yung relationship 'pag walang lust.

Desire. Walang passion. It'll always be a factor. One of the reasons you fought for someone. I don't care if you call me a slut,

or poksquared but hey, it's the truth. Or for most of the time, especially if you are blessed with looks. "

" May hugot ka. "

Maui - " Don't mention it. "

" I can't agree with you totally, but I'm with you. If there's anything wrong, it's because nadidisregard nila yung love when they go to 'that' passion. "

Maui - " Sex. "

" That's it. "

Maui - " Taboo ba? No worries, it's not like there's someone who'll eavesdrop. "

Tumahimik kaming dalawa ng ilang minuto.

Maui - " Thank you, by the way."

" So, that means you'll never get into a relationship na? "

Maui - " Sana nga alam ko yung sagot d'yan e. "

" Count me in. "

Medyo tumagal pa yung usapan namin. 11 PM na no'n ta's gabi na talaga. Night life, night life.

" I should bring you home na. "

Maui - " Do you really need 'to? "

" Kesa isipin ko kung nakauwi ka na ba o hindi pa. "

Maui - " Well, do what you want. "

" Just makes me feel worried. "

Maui - "One thing lang, Lee. Just .. don't attach yourself to me. I like you, really do but nothing more than that. Okay? "

" Yes, sir. "

Sumakay kami sa bus.

Around 12:30 na nung makarating kami sa kanila.

Maui - " Kass is just few streets away. If you'll ask. "

" Not really. Anyways, I should go. 'Twas really nice to meet you. "

Maui - " Likewise. "

" 'lright. Goodnight. "

Kumaway lang ako ta's umuwi na 'ko.

Umaga no'n, 2 AM.

Di ako makatulog.

Di ko alam kung baket, pero may iniisip pa rin ako e. Di ko makalimutan.

Yung babaeng kasama nung bata. There's something from her na I want to know. Para akong hinahatak nung pagkatao niya. Ewan. Nakatulog ako.
 

9 AM.

Monday.

As usual, late na naman ako ng gising. Malamig pa rin yung umaga kahit mag-sa-summer na. Di na ko nagbukas ng fan, pero nakakumot pa rin ako.

Wala akong kasama sa bahay, self supporting na lang ako. Nasa abroad kasi sila Pa, kasama si Ma saka sila Tita. Isang anak lang naman ako, kaya nagpaiwan na ko.

Nagpapadala naman sila sa credit card ko, pero 'di ko yun ginagamit. Sakto naman yung kinikita ko, 'di rin naman ganun kalaki yung gastos ko kada buwan.

Di naman sa nag-iipon ako, pero 'di ko lang talaga alam minsan yung pagkakagastusan ko, maliban sa isa. Si Ralph.

Di na ko kumain ng breakfast, ta's dumiretso na ko sa shower. As expected, 'pag malamig, matagal bago mo buksan yung shower.

Magiisip ka muna ng 5 to 10 minutes sa buhay mo, sa binabalak mo, sa gusto mong gawin, pero mostly yung motivation para buksan yung tubig.

Minsan mapapabilang muna ako ng 1 to 3, minsan tinatiming ko sa opening ng kantang pang sayawan. If all else fail, it's s-s-show-er time.

Tumalon talon agad ako nung binuksan ko yung shower knob ba yon. Basta bukasan ng shower.

Pag ganitong panahon talaga, mapapasayaw ka ng nakapikit sa bathroom e. O yun yung ginagawa ko. Effective naman, try nyo.

30 minutes pa yung lumipas, nung kumatok si Ralph sa pinto.

Ralph - " Pre. Tara na. "

" Saglet lang. Lapit na. "

Maya maya lang, lumabas na 'ko. Ta's nag-abang na kami ng sasakyan.

Ralph - " Late na tayo. "

" Di pa naman gano'n ka-late. "

Lumipas yung 2 minuto na walang nagsasalita. Ang tahimik ni Ralph.

" Pre, okay ka lang? Musta kayo ni Kass kaga— "

Ralph - " Na-ekis ako pre. "

" Ek .. is? "

Ralph - " Tangina pre. Bading pala yon. "

" Pa'no mo nalaman. "

Ralph - " Niyaya ako sa kwarto e. Sabik na sabik pa naman ako. Ang sexy e. Tapos .. letse. Ayoko na. "

" O? Ba't di sakin nabanggit ni Maui. "

Ralph - " Ang sabi niya daw sa kaibigan niya, alam ko daw na hybrid siya e. "

" Kasi, kasi. Masaket? "

Ralph - " Nanakbo ako, no. "

Sumakay kami nung may tumigil sa harapan namin. Badtrip si Ralph e kaya naniga ng nag-aabang.

Natawa na lang ako habang nagmumukmok siya sa gilid, katabi nung bintana ng bus.

Di ko siya makausap nung nasa biyahe kami. 'Kala mo talaga brokenhearted, e nananakam lang naman talaga.

11 AM.

Nakadating na kami sa tinatrabahuhan namin.

Service crew kami sa isang fastfood chain. Minsan dumadive kami sa bathroom, minsan tagalinis lang ng kinainan. Madalas, maintenance lang talaga.

" Hirap talaga ng trabaho natin pre. Di ka ba nagsasawa. "

Ralph - " Wala naman tayong choice. Wala naman talagang madaling trabaho. "

" Nagsalita. "

Ralph - " Dalawa lang naman yan. Kung 'di ka masisigawan ng customer, masisigawan ka ng boss mo. "

" O tapos nagrereklamo ka naman lage. "

Ralph - " E yun lang naman yung magagawa mo e. "

Madalas sa madalas, sakto lang yung dami ng tao dito sa branch samin. Di kami napaparush pero 'di rin kami makapetiks. Sabi ko nga, sakto lang.

3 PM.

Medyo ginutom kami dun sa huling batch ng mga estudyanteng kumain. Niyaya ko si Ralph mag-meryenda. Yosi break na rin.

Ilang tawid saka lakad lang nung marating namin yung kinakainan namin lagi.

Ralph - " Sana weekends na ulit, no. "

" May kikitain ka na naman. "

Ralph - " Di naman. Makikipagfriends lang. "

" Tigilan mo na yan, Ralph. Yung matangkad yang estudyante kanina, no. "

Nataon kasing medyo dumami talaga nung time na yon, bali tumao muna kami dun sa counter. E sa linya n'ya napadpad yung babae. Patnubayan nawa.

Ralph - " Friends friends lang naman kami. "

" Sa tissue mo na naman ba nilagay yung number mo? Naku, 'pag ikaw talaga nareklamo n'yan, yari ka. "

Ralph - " Nahuli na ba 'ko? Kaya nga ako andito pa e, diba. Talaga 'tong kaibigan kong 'to. Ang hina mo sa pangchichiks e. "

" E ang hirap mo kasing hanapan ng trabaho. "

Ralph - " Sorry na. "

" Puro ka kasi pambababae e. "

Ralph - " Tara na nga. Umorder ka na. Libre kita. "

" Talaga? "

Ralph - " 1 extra rice. "

" Tado. "

11 PM.

Pa-out na kami no'n nung nakita ko si Yul.

" Pre. "

Yul - " Oy, Lele. "

" Sa'n galeng? "

Yul - " D'yan lang sa tiangge-an. Bumili lang ng — "

Ralph - " Oooooy. Kitamo nga naman 'tong pare kong 'to oh. "

Yul - " Oy, Rap! Buhay ka pa pala. "

Ralph - " Gag' talaga 'to. Bubuo pa ko ng dinastiya oy. "

" 'Lam mo Yul, kagabi, kinwarto ni Ralph yung — "

Ralph - " Oo. Pre, ang sexy. Pero tara na. Gumagabi na o . "

" De, di yun sexy. Yung — "

Ralph - " Ang kulit neto. Tara na. "

Yul - " Sa'n ba plano niyo? "

" D'yan, kila Nanay Bot. "

Ralph - " Sagot ko na isa. "

Yul - " Case? "

" Bote. Tch. Ako na nga ulet. "

Yul - " Akin na pulutan. "

Nauna na pala maglakad si Rap.

Ralph - " B'tsi na. Ano pang hinihintay n'yo. "

12 na no'n, pero parang tanghaling tapat pa lang yung mundo saming tatlo.

Kababata ko 'tong si Yul e. Pero siguro twice or thrice a month na lang kami magkita mula nung nag-asawa siya.

Panigurado yari 'to kay Miriam 'pag uwe.

Ralph - " 'Lam mo ba pre .. *hik* dapat talaga iniwan .. ko na .. tong si Ley dati pa e. "

Yul - " Oh. An..yare. "

Ralph - " Kumag na 'to, nililibre .. *hik* ako lagi e. E nagtatampo .. 'pag tinatanggihan. Odi .. *hik* ayun. Di ko na .. maiwan. "

" Hoy. Di yon. Libre. "

Ralph - " Okay lang .. yan pre. *uubusin yung kalahating laman nung bote* Gan'to talaga mga kaibigan. Nag .. *hik* tutulungan. "

" Eto hirap .. sayo e. Pag nalalasing ka, bayad agad lahat .. utang mo e. "

(Dudura si Yul sa gilid tapos magsisindi ng yosi na mabango. Yung amoy chocolate, 'black bat/butt' ata yung tawag nila.)

Ilang minuto pagtapos no'n nung may narinig kaming sumisigaw.

??? - " AAAAAAAHHHHHHHHH!! "

Boses babae. Edi napalingon kami dun sa kalsada sa gilid nila Nanay Bot.

May babaeng nananakbo, hinahabol ng 5 lalake.

??? - " TULOOOOOOOONG!!"

Lumapit samin yung babae. Medyo hinihingal, madungis, magulo yung buhok.

??? - " Ku .. ku .. kuya .. tulungan .. "

Bago pa matapos ng babae yung sinasabi niya, natanawan na naming tatlo yung 5 lalake. Parang mga binata lang, 20 to 25.

Hindi sa nanghuhusga ako, pero mukha talaga silang mga adik.

Ralph - " Mga .. iho .. anong .. *hik* problema niyo. "

Hoodlum 1 - " Ibigay n'yo lang samin yang babae, walang problemang mangyayare. "

Yul - " Mga pare, baka .. pwedeng daanin yan sa usapan. "

Hoodlum 2 - " Pwede naman natin 'tong gawing sakitan. "

Ralph - " Ay put— "

" Sabihin n'yo kung anong gusto niyo. Hindi namin ibibigay 'tong babae. "

Sumenyas yung naunang magsalita. Edi nagkarambulan na.

Nahampas si Ralph ng bote sa paa, ta's medyo napasama yung braso ni Yul. Nagkaroon naman ako ng sugat sa mukha.

Pero naligtas namin yung babaeng muntikan na ma-rape.

??? - " Sa .. sa-la-mat .. salamat .. "

Tapos umalis na yung babae.

" Pre .. (kay Yul) okay ka lang? Baka yariin kami ni 'riam niyan ah. "

Ralph - " E anlaki .. ng pasa mo sa *ehem* braso e. "

Yul - " Malayo naman sa bituka pre. "

" Kahit na. "

Ralph - " Ta'ntado talaga yung mga yun e. Mga bata yun ni Erning e. "

" Kilala mo? "

Ralph - " Oo naman. "

Yul - " Ba't parang 'di ka nila kilala. "

Ralph - " Bago lang siguro. "

Umuwi kami ni Rap ng mga 2 AM, si Yul dumaan pa sa ospital. Mukha talaga kaming napa-away, pero wala naman kaming dugu-dugo. Onti lang.

" Papasok ba tayo bukas? "

Ralph - " Papasok kang ganyan? "

" Pwede naman. "

Ralph - " Ako, mukhang artista pa ren. Ikaw? "

" Mukhang mapapatay kita. "

Ralph - " Easy. 'Kaw din naman pang-Haliwood e. "

" Talaga? "

Ralph - " Oo naman. Kaso sa credits lang. "

Biglang tatakbo si Ralph sa bahay nila.

Ralph - " BUKAS NA LANG LEE! *tatawa ng malakas* "

" TADO KA TALAGA! "

9 AM.

Puyat pa rin ako. Nakatulog naman agad ako, pero alam mo naman siguro yung feeling na male-late ka na, pero di ka makatayo.

Yung kapit ng kama, yung yakap ng kumot, yung haplos ng unan, yung mainit na pakiramdam. Mahal na mahal ka talaga ng higaan.

(malakas na kalabog ng pinto)

Biglang may sumigaw sa labas.

Ralph - " Pre, gising na! Late na naman tayo! "

(kakalabog ulit yung pinto na silver na may screen)

Pinilit kong bumangon. Unang subok, bigo. Umaga talaga yung pinakamahirap na parte ng araw. Yung pagbangon. Sa kahirapan. Ay, mali.

Nakatatlong subok ako bago naka-alis sa kadena ng sarap ng paghiga. Nilamig yung katawan ko.

Gan'tong gan'to yung feeling nung iniwan ako ni Jane 6 months ago. Masakit. Iniwan ako sa ere. Walang pormal na breakup. Aba matinde.

Ralph - " Dalian mo oy! "

" OO NA. OO NA. KIKILOS NA. "

11:45 na kami nakarating. Ma-a-undertime na naman yata kami.

Lyn - " Lee, patulong daw dun kila Nuno. Magbubuhat ata. "

" Sige, sige. "

Nuno. Yung nakakabwiset na tao dito sa pinagtatrabahuhan namin. Lakas kasi maka-utos, pamangkin kasi ng boss.

Medyo may posisyon siya, taga-inventory, taga-check ng sales, madami. Nakapagtapos 'daw' kasi. Pero sa totoo lang ..

Nakita ko siya kasama yung dalawa ko pang tropang nagbubuhat ng mga gamit. Si Rem saka si Lou.

Nuno - " O? Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? KILOS! "

Di ako nagsalita.

Nagtinginan kaming tatlo ta's ngumiti ng palihim at tinuloy yung pagbubuhat slash paglilipat ng mga gamit.

Nuno - " Etong dilaw, d'yan yan. Rem, ilagay mo yan sa 3rd floor. Lee, late ka na naman. Linisin mo lahat ng karton. "

And I was like, what the hell?

Madaming karton yun, siguro lagpas forever. Exaggerated, pero tatamarin ka talaga dun sa itsura. O tamad lang talaga ako.

Nuno - " Tinitingin tingin mo? May reklamo ba? BILIS! ABA. Bagal bagal .. "

" TEKA LANG PO BOSS. "

Rem - " Lee .. "

Nuno - " Aba, kelan ka pa natutong bumahing. "

Lou - " May .. pilay po kasi siya, ser. "

Nuno - " Osige, pagpapahingahin kita. Pero sa bahay n'yo, uuwi ka na ngayon. Ganun ba gusto mo? "

" Di po, ser. "

Nuno - " SASAGOT PA TALAGA. KILOS! MADALI! "

Ramdam ko yung buhay nung panahon nung mga Espanyol. Polo y servicio, parang ganun. Minsan talaga, nasa paguutos lang yung dahilan.

Parang mga estudyanteng mas natututo 'pag masayahin yung professor. Sarap talaga hampasin ng blackboard 'tong kupal na 'to.

3 oras ako dun sa kwartong yon, nag-aayos. Naglilinis. Nilagay ko yung mga natiklop ko sa parang wheelbarrow, yung panglipat ng mga box ng juice.

Palabas na ko sa kwarto no'n, dumaan ako sa backdoor. Onti lang yung tao, sabi ko. Medyo nabadtrip pa 'ko kasi naipit sa pinto. Di magkasya.

Pinilit ko itulak, ayaw talaga. Nung huling tulak ko, biglang lumusot na parang ang laki ng pinto.

Tinulak ko na ulit yung wheelbarrow nung biglang may nabangga ako. Di ko alam kung ano, pero tinumba niya yung tiniklop ko. Mga 3/4 ng toreng karton.

Sinilip ko kung ano yun.

May tao, natumba. Nadaganan nung mga karton. Di ko makita yung mukha niya, pero babae.

Yung ate ni Clementine, yung batang nawala sa mall nung Linggo.

Imbis na mag-alala ako, nanggigil ako.

Ba't kasi sa dinami-daming lugar, e andun siya? Anong ginagawa niya do'n? Di niya ba alam kung ga'no ko katagal inayos yon?

Gusto kong magwala nung oras na yon. Medyo mawawala na ko sa tino. Pagod, puyat tapos letseng taga-utos pa.

Inalis niya yung mga karton sa katawan niya. Nakita ko yung mukha niya. Para siyang nagulat. Sinasabi ng mukha niyang 'Di ko sinasadya'.

Alam mo yung feeling na gusto mong magwala pero di mo magawa? Yung tipong sa sobrang bagal ng internet, gusto mong sapakin yung screen ng laptop.

Pero wala kang magawa kundi magalit sa sarili mo. Sa isip mo. Hindi sa di mo kaya, pero may halaga sayo yung gusto mong saktan.

Mahal mahal ng laptop, sasapakin mo lang yung monitor? Kahit pa may pambili ka, 'di mo rin gagawin yon kung nasa matinong pagiisip ka.

10 segundo na pala akong tulala sa mukha niya. Di ko namalayang tumayo na siya ta's tumakbo.

Ang nakita ko na lang yung kulay black niyang damit at yung buhok na maigsing tumatalbog, parang kunehong tumatalon talon.

1 AM .

Napa-OT kami ni Rap.

Nakatulog siya sa bus, pero 'di ko magawa.

Iniisip ko pa rin yung ate ni Clem.

Hinahanap hanap ko yung presence niya.

Parang yung feeling 'pagkaubos nung chocolate. Pagkatapos mong kumuyakoy. Pagalis sa higaan. Yung saya sa carnival.

Parang may kinuha siya saking 'di ko namalayan. Hinayaan ko naman.

Hinde. Di ko hinayaan. Pero nagkusa.

Wala talaga sigurong magagawa.

Sinubukan kong kumbinsihin yung sarili ko na wala yon. Wala yon. Parang one night stand lang.

Hanggang sa bumaba na lang kami at umuwi ni Rap na walang usap usap.

Nakakamiss kahit wala siyang ginawa. Nakakamiss yung katahimikan niya. Para siyang higaan ko sa umaga.
 
Chapter 2

Lumipas yung 1 buong linggo namin ng mabilis, kasing bilis ng ini-skip ko sa kwento.

Same routine lang naman kami lagi ni Rap. Siguro naiiba lang ng babaeng kinukuhanan ng number.

Nagkita na naman sila ni Tessy, yung suki do'n sa kaka-dalaw kay Ralph. Sabi ko nga, nagayuma e. Ewan ko sa kanila.

Medyo nagkatampuhan ata silang dalawa kasi parang 'di sila masyadong nagpansinan e.

Sa counter ko nun si Tessy, ta's sa kabilang counter si Rap.

" Rap, palit nga muna tayo. Onti lang naman na 'tong pila ko e. "

Nakuha niya naman agad yung gusto kong sabihin, ta's nakipagpalit agad siya.

As usual, sinulatan niya na naman yung tissue dun na kasama sa dine-in na inorder ni Tessy.

Nung Friday naman, niyaya kami ulit ni Maui, pero yung mga babaeng tropa niya na daw. And wala na si Kass.

Pumayag naman si Ralph. Gusto niya daw mag unwind. 1 month kasi niyang sinuyo yun si Kass ( sa gabi ) sa cellphone.

E tawag lang naman ng laman yon.

Anyways, sabado no'n nung nagkita kita kami sa isang bahay.

Medyo malaki, may 2nd floor, siguro lagpas 50k kada buwan yung sweldo ng nakatira dito. At isang tao palang yun ah.

Kasama ko si Rap no'n, ta's pinindot ko yung doorbell malapit sa black na gate.

( doorbell rings )

Pagtapos ng ilang segundo, may lumabas sa may screen na pinto, ta's may kumahol na aso. Di ko 'lam sa'n banda pero malayo samin.

Lumapit samin yung tao. Si Maui, may kasamang babae. Naka-blue na maigsing damit si Maui, kita pusod, ta's pekshort na white. Di pa naman kita.

Pero yung kasama niya, naka-yellow T-shirt na may nakasulat na 'I am Me', naka-pekshort din na jeans. Ayoko na tignan kasi malapit na sila e.

Tinignan ko si Rap. Kulang na lang maglaway.

??? - " Hello, boys. "

Maui - " Hey, Lee. Glad you came. "

Binuksan nila yung gate ta's pumasok na kami.

Maui - " Nga pala, Jennifer. This's Lee, then Ralph. Vice versa. "

" Nice to meet you. Lee. "

Tumungo ako pagkatapos bumati dun sa kasama ni Maui, ganun din si Ralph.

Magkaheight si Jennifer saka Maui, around 5'5 siguro. Di sila mukhang teenagers, pero 'di rin sila mukhang nanay.

Mukhang pang-club, yung mga mahilig pumarty sa Metrowalk saka sa Padis.

Jennifer - " Just call me Jen, for short. "

Nakapasok kami sa bahay.

Malawak yung bahay kahit andaming furnitures saka appliance, pero kita mo lahat ng parte pagpasok mo pa lang.

Medyo dim-lighted na (siguro kasi sa party) ta's tumutugtog na rin yung mga party party na soundtrip. Karamihan US tracks, hindi kanta ni Psy.

Matao na rin kahit pa'no, lalampas na rin siguro ng kinse. May 5 lalake na do'n, ta's yung iba babae na. Sana.

Jen - " I'll check you later, guys. Just .. enjoy. Okay? "

Maui - " See ya, sis. "

Naiwan kaming tatlo dun sa entrada, gitna ng living room saka sa dining room.

Maui - " Come with me. I'll introduce you two. "

Una niya kaming pinakilala sa Living Room, dun sa mga nakaupo sa dalawang malaking sofa, na may coffee table sa gitna. 2 lalake, 5 babae.

1 on 2 sa kabila, 1 on 3 sa kabila.

Sunod niya kaming pinakilala dun sa mga umiinom malapit sa counter ng mga drinks. 4 na babae yon, nagtatawanan.

Ta's yung huling pinakilala niya samin, yung mga tropa niya talaga.

Maui - " Girls, meet Lee and Ralph. This is Veron, Lyka, Chloe and Ivy. "

" Hi. Mukhang .. nag-eenjoy kayo ah. "

Lyka - " Oh, sure. Why not. "

Chloe - " Hi, Lee. Hi, Ralph. *kakaway tapos ngingiti* "

Ivy - " Why don't you take a shot for us? *lalagyan ng wine yung shotglass, puno* "

Veron - " Here, here. You too, Ralph is it? You take one, too. "

" Baka naman may vetsin yan ah. "

Chloe - " You'll never know if you'll never try. "

Tapos tatawa silang 5 - kasama si Maui.

" Okay, okay. Just .. treat us good if ever. "

Ivy - " We'll never know. *kikindat* "

Tatawa sila saglit, mga 0.5 seconds. Imaginine mo yung ganung kabilis na tawa. Ha! End of story.

Pero 'di ko alam kung bakit naging plural yung 0.5 seconds kahit less than 1 siya.

Sh-um-ot kami ni Rap, tig-isang baso kami. Mapait yung umpisa, pero matamis yung dulo. Walang epekto yung lasa kay Rap. Panes.

Chloe - " Cheers! "

Ta's tatagay ulit silang apat.

Lumipat kami sa kabila, dun sa dining room.

Onti lang yung tao do'n, tsumitsibog lahat.

May snacks, taco, may kanin din saka ulam.

Ralph - " Nahanap ko din yung paraiso. "

Pumwesto na si Ralph do'n, tinabihan yung babaeng maigsi yung buhok, naka strapless na violet. Medyo Avril yung itsura niya, medyo lang.

Ralph - " Pwedeng .. tumabi? "

??? - " Nakaupo ka na nga e. "

Ralph - " Sabi ko nga. "

Walang imik yung babae.

Ralph - " Alam mo ba .. "

??? - " I don't like you. Please, just .. ugh. *rolls eyes* "

Umalis yung babae, ta's hinabol ni Rap ng tingin. Tumingin siya saken.

Ralph - " Pagkain lang talaga yung nagmamahal saken. "

Maui - " She's Avian, by the way. Kakabreak-up lang kasi nila ng ex niya. "

" Astig. "

Ralph - " Ge na, Lee. Yaan mo muna kami magsolo ng pagkain na 'to. "

Maui - " Have as much as you want. Lee, can I talk to you for a minute? "

" Ge lang. "

Lumabas kami ni Maui ta's pumunta kami sa backyard. May nag-iihaw, may naka-upo sa siso, ta's meron ding .. nasa sulok. Nagme-make out.

" Andami pala talagang tao. "

Maui - " Well, the party's yet to start. Here's Michelle (yung nasa siso), those .. freakin' PDA-ers are Joshua and Celine. "

" Sino— "

Maui - " .. and this. Michael, my boyfriend. "

Kung nasa US 'to, isa siya dun sa mga matatawag na jerk. Isa dun sa mga nakavarsity jacket na malaki yung katawan ta's mukhang bully.

Hindi ako judgmental, okay.

" E diba— "

Michael - " Brad. *magpapagpag ng mittens ta's tatanggalin* Michael. "

" Sabi nga ni Maui. Lee. "

Michael - " Nag-eenjoy ka ba? "

" Not bad. Daming chicks. "

Michael - " *tatawa* Wala pa yung mga allstar e. Hintayin mo, irereto kita. "

" Great! "

Maui - " Mikee, not again. "

Michael - " 'Wag ka nang mainggit, Moo. Ikaw lang ang makakakita. "

Maui - " Tch, bummer. "

Michael - " Ganyan talaga si Moo, ang bilis magisip ng kung ano. "

" Ladies are ladies. "

Michael - " Now you're talking. *isusuot ulit yung mittens* Nice to see you, pre. Moo, later. "

Maui - " Later, Ki. "

Nilapitan namin yung nasa siso, si Michelle.

Michelle - " What? "

Maui - " Lee. "

Michelle - " .. "

Naghihintay ako ng sasabihin niya e. Para kasing intimidating yung dating niya.

Siguro real-life Erza Scarlet yung itsura niya, (manuod ka ng Fairy Tail just in case) medyo maliit lang onte saka blonde.

Kung ayaw mo naman/di mo alam yung description ko, may pagka-Marian siya, yung mataray mode. Ang layo talaga ng Anime sa reality.

Michelle - " Fine. "

Maui - " *bubulong sakin* One word woman yan. "

" Uhm .. Lee. "

Michelle - " Wi? *iwewave yung daliri pakanan, parang signal ng 'Get Out'* "

Maui - " 'Kay. *sigh* "

Lumayo kami ni Maui bago niya sabihin yung dahilan.

" Anyare? "

Maui - " Lumagpas ka e. Sayang. Bihira pa naman yung nakakarinig ng 3rd word niya. "

" Anung meron ba sa 3rd word niya? "

Maui - " Dunno. She's weird like that, but she's kind. She'll help you at times before you even know it. "

" Hmm .. "

Binalikan ko si Michelle, ta's lumapit ako sa kanya. Tinignan niya ko ta's ang hula kong nasa isip niya :

Michelle - " What the hell? "

Ay, three words na.

Bigla siyang nagsalita.

Michelle - " Please. "

" Sorry. "

Lumingon siya sa kaliwa.

" Lee. "

Umabot ng 10 segundo bago siya sumagot.

Michelle - " Introduced. *ta's uulitin niya yung senyas niya kanina* "

Maui - " Weird, no? "

" Not bad. "

Maui - " Let's go upstairs. "

" Meron pa do'n? "

Maui - " You'll never know if you'll never try. "

Umakyat kami upstairs, yung pabilog na hagdan. Pero hindi masikip ah. Yung malaki, yung nakadikit sa pader ta's may mga painting sa gilid.

Nandun kami sa deck, taas ng living room. Kita namin yung mga nasa baba.

" Why here. "

Maui - " Why here? C'mon, Lee. "

Lalapit siya sakin, yung lapit na nakaharap sakin ta's yung mukha niya, parang 1:35 sa orasan na analog.

Sinubukan niya kong halikan do'n, pero nilayo ko siya. (Sayang, no)

Maui - " Tch. Lee. "

" 'Wag. Andito yung syota mo. "

Mahirap matempt. Yun yung alam ko. Lalo na't medyo 'di pa ko nakakamove-on kay Jane. Vulnerable, parang sisiw sa kalsada. Di alam sa'n pupunta.

Bigla kang sasaniban ng espiritu ni Uncle Sam. Sisigaw siya ng 'Liberation' ta's hahampasin ka ng kung anu-anong ideyolohiya.

Except walang WatchDogs dito. Sana nga.

Bigla niya kong hinalikan, parang yung nakita naming dalawa kanina dun sa backyard.

Malambing yung paghalik niya, parang bulak yung lips. Nadala na ko.

Umusog kami paunti unti dun sa pader bago yung hallway ng 2nd floor. Hinanda ko na yung sarili ko sa bugbugan.

Tumagal din yung 'pasaglit' naming dalawa, walang pakealam sa mangyayari. Siya yung naunang lumayo. Tiningnan niya ko sa mukha.

Maui - " Let's .. go back. "

Wala naman siyang lipstick saka di naman siya wild kaya parang wala lang nangyari.

Nakita kami ni Michael na bumababa ng hagdan habang pinapasok niya yung iniihaw niya kanina.

Nagulat ako sa mukha niya. Pakiramdam ko, ihahampas niya sakin yung bagong ihaw na steak.

Michael - " H-hey. "

Kalmado pa rin yung mukha niya. Magandang senyales. Wala na sana yung kaba ko nung nakita kong nakakapit sakin si Maui.

" Uh .. Mike. "

Maui - " Oh, Ike. Medyo sumakit kasi yung paa ko, so I asked him na pakapit muna. "

Michael - " Why go upstairs? "

Maui - " Just showed him your house. He's amazed, though. "

Michael - " Oh, I see. Kitakits na lang sa kainan. Medyo nakarating na yung mga inimbita ko e. "

Maui - " Okay. See you there. *kikindat* "

Bumulong ako kay Maui.

" Why? "

Maui - " Don't mind it. Just making out lang naman. "

Nagulat ako nung tinawag ni Michael yung pangalan ko. Narinig niya ata. Patay.

" Yow? "

Michael - " Thanks. For assisting her. "

Umupo kami ni Maui dun sa sofa na walang tao. Andun kami sa living room. Kaming dalawa lang. Dim light.

" Di ka ba natatakot? "

Maui - " Takot sa'n? "

" Kay Michael. Mukha naman siyang .. "

Maui - " I saw your eyes kanina. I know you think he's not. "

" First impressions. "

Maui - " Then i'm just standing with my first impression to you. "

" Mukha ba kong .. "

Maui - " No. *sight* You're hot. And he's .. like not so hot. Just .. don't ruin my eye on you. 'Kay? "

" Sige. "

Maui - " Know what, Lee. Minsan wala naman talagang masamang ginagawa yung tao. It's not like lahat ng mali e masama.

It's .. what d'you call this. Look, our government. They do all the shit out there yet they're not ashamed of themselves.

Look at you. You're not hurting me, just helping me. If it's wrong in their eyes, fine. *mataray na irap*

Di sa ginagaya ko yung 'mali' nila, pero everyone will say something. Hindi ka sasaya kung lagi kang makikinig. "

" Talagang antapang mo. "

Maui - " Everybody should. It's not like life's a comfortable zone. Just let your problems come. Mapapagod din sila kakaharang. "

" But you're unstoppable. "

Maui - " Oh, really. *tutungo ng 3 beses na mabagal* Sounds like a bribe to me, am I right? "

" N-not really. "

Maui - " I'll let you off for now. Let's have it next time. "

Nagumpisa yung party.

Madaming tao. Parang 5 section sa Highschool na pinagsama sama para sa Movie Review, o kaya naman parang simbahang puno ng tao.

Tuloy pa rin yung kain ni Ralph sa dining room kahit andami ng tao. Lumipat kami dun sa dulo, malapit sa kusina.

Umupo ako, ta's umupo siya sa tabi ko. Siya kumakain, ako hinde.

Ralph - " Brad. *lulunok ta's sisipsipin yung sauce sa daliri* Apir nga tayo. "

" Gago. "

Ralph - " 'To naman. Nakarami ka na ba? "

" Ng? "

Ralph - " Number. Babae. Ang hina neto. Yun nga yung pinunta natin dito e. "

" Oh talaga? Isang babae lang sayo, tumba ka pa e. Pagkain ata pinunta mo dito e. "

Ralph - " Nako. Kung andito ka kanina. 10 babae, sinusubuan ako. "

" Maniwala ako. "

Ralph - " Ay, nako. Ako na nagsasabi sa'yo. Wala e. Kumakain lang ako, nilapitan agad ako. "

" Aba matinde. "

Ralph - " Ikaw lang talaga mahina dito e. "

" Pwe. Kaya pala wala kang dating kay — "

Ralph - " O'na. O'na. Magmove on ka naman. 10 chicks naman yung kapalit nun pre. Tignan mo, babalikan din ako no'n. "

" Sabi mo e. "

Ralph - " Si Maui ba, talagang may syota na? "

" Oo. Yung may-ari ng bahay na 'to. "

Ralph - " Mayaman pala talaga gusto ni Maui. "

" Ewan ko. "

Ralph - " Alam mo, kung tinuloy mo yung pagkanta mo dati, malamang artista ka na e. "

Inisip ko yung nangyari kanina. Dahil dun sa ginawa niya, iniisip ko tuloy na pineperahan niya lang si Michael. O feeling ko lang talaga.

Magulo talaga yung babae e, kaya mahirap magassume. Either way, basta nag-eenjoy naman ako, gaya nga ng sabi niya, 'di ko kelangan mangamba. Sa ngayon.

Sumigla yung party nung dumating na yung DJ tapos dun siya pumwesto sa taas, yung parang terrace kung sa'n kami ni Maui kanina pumuslit ng halikan.

Umulan ng alak, ng babae, ng sayawan, ng mga manyakan, ng halikan, yung usok ng sigarilyo. Smells like teen spirit.

Parang rambulan talaga dun sa gitna, dun sa malapit sa hagdan, yung malawak na area sa living room na sentro ng bahay.

May mga gumawa ng kakaibang bagay, meron ding mga gumawa ng eksena. Nakakadiri man yung iba, kahihiyan man sa sarili nila, basta nagenjoy ka, go lang ng go.

Seize the day, young man. We're burning daylight.
 

4 AM.

Medyo paalis na yung iba, nakahilata na yung iba.

May mga sumulok, may mga natulog, may mga nasobrahan sa kalasingan 'di na nila alam yung ginagawa nila.

Si Ralph, nakahiga dun sa damuhan ng backyard, kasama nga yung 10 babaeng sinasabi niya.

Para siyang pinagtitripan nung sampung 'yon, at kung ako yung tatanungin mo, may kawirduhan yung ginagawa nila sa kanya.

May tumawag sakin, nasa likod ko. Lalake.

Michael - " Lee? "

" Sup. "

Michael - " Mukhang nag-eenjoy yung isang yon ah. (tinutukoy niya si Ralph) "

" Onga e. "

Michael - " Pre, may trabaho ka ba? "

" Oo, sa fastfood. "

Michael - " Pwede ka ba magleave ng kahit 2 araw lang? "

" Depende, kung importante. "

Michael - " Good. Papabantay ko kasi sana sayo yung kapatid ko. "

" Bahay? "

Michael - " De, pupunta kasi siya sa lola niya. Medyo kelangan lang talaga. "

" Ilang taon ba yan. "

Michael - " Bente. "

" May sakit? "

Michael - " Wala naman. Di lang ako komportable. Lagi ko kasing sinasamahan yun. Kaso, busy talaga ako bukas. "

" Osige, sige. "

Michael - " May kasama pala yung bata. "

" Ba .. ta. "

Michael - " Di ko na kapatid, pero inalagaan nila Dad e. "

" Sige sige. Text mo na lang ako mamaya. "

Michael - " Mga 10 sana, naka-alis na kayo para di kayo gabihin. Salamat pre. "

" No problem. "

Medyo iniisip ko kung sino yun. Parang ang gay naman kung lalaki yung sasamahan ko. Malamang pilay o kaya disabled sa ibang parte.

Baka bulag. Oo, siguro. Baka 'di nakakakita.

Pinuntahan ko si Ralph, nakahiga kasama nung 10 babaeng hinihimas himas yung tiyan niyang puno ng pagkaen. At alak.

Sinenyasan niya kong mauna na, kaya umalis na ko.

Nasa gate na 'ko no'n nung may sumitsit sa gilid. Lumingon ako.

Maui - " Lee. "

" Maui. "

Maui - " Anong sinabi sayo ni Michael? Nakita ko kayo kanina e. "

" Nanghingi lang ng pabor. "

Maui - " Ahh. Pwede malaman? "

" Nagpabantay lang ng kapatid niya 'daw'. Parang babysitter, ganun. Babiyahe kasi siya. "

Maui - " Sinabi niya nga sakin yun. "

" Sa'n daw punta niya? "

Maui - " Sa North Carolina ata. "

" Mukhang busy nga talaga siya. "

Maui - " Ilang araw daw kayo? "

" 2 lang siguro. "

Lumapit sakin si Maui ta's hinawakan yung 2 balikat ko.

Maui - " Mukhang matagal akong mawawalan ng bantay, no. "

" Siguro. "

Lalapit yung mukha niya sakin tapos bubulong.

Maui - " Hihintayin kita. "

Makikita ko si Michael sa malayo kaya papalayuin ko agad siya saken.

" Si Mike. "

Michael - " Moo! "

Maui - " I'm here, Ki. "

Michael - " Oh, Lee. You .. going home na? "

" Oo, kelangan ko pang gumising mamaya e. "

Michael - " I see. Ingat. Salamat ulit pards. "

" Sige sige. "

Michael - " Yung .. tropa mo? "

" Patay na ata d'yan sa loob. "

Michael - " *tatawa* Sige sige, kami na bahala sa libing. "

" Salamat. De, pakialalay na lang ah. "

Michael - " Kami bahala. "

Muntik ko nang masabing mag-ingat din siya, not to mention na 'di naman niya sinabi saking aalis siya.

Nakakakaba 'pag may tinatago ka talaga. Dapat consistent yung paglilihim. Onting mali mo lang, madudulas ka talaga.

10 AM.

Tumunog yung phone ko.

Si Michael.

7 missed call, 1 text message.

Ang kakaiba do'n : Yung isang text yung kay Michael. Yung 7 missed call, galing sa ibang number.

Wala namang cellphone yun si Ralph. Iniiwan niya lagi yung napakalaking cellphone niyang parang kalahati ng 1/4 illustration board.

Anyways, wala rin naman akong load kaya pumunta na 'ko dun sa address na sinabi niya.

Hiniram ko muna yung motor ni Mang Lito.

Lito - " Oh, Tep. "

" 'To, pwede pahiram nung motor? "

Lito - " Anong motor ba. "

" Yung .. "

Inisip ko kung yung mabilis o yung parang scooter lang.

Ayoko namang gabihin kami, pero ayoko ding mabangga kami.

Lito - " Yung mabilis na kunin mo. Kung 'di ka naman siguro disgrasyado, malamang dedbol ka na e. "

" Salamat, tiyo. "

Lito - " Ku, dapat iyong iyo na yan, tinatambak mo lang saken. Kumusta na pala si Nestor? "

" Magkasama pa rin po sila ni Mama. "

Lito - " Ganun ba. Kamo tulungan nila si Bening. "

" Si Tiyo Bening? "

Lito - " Oo, na-istroke daw sabi ni Tiya Sinay mo. "

" Kelan pa ho? "

Lito - " Nitong linggo lang. "

" Talagang tumatanda na si Tiyo, diba ho. "

Lito - " E lahat naman tayo mamamamatay. "

" Unahan lang, 'no tiyo. "

Lito - " Ta'ntado. 'Wag kang makipagunahan. Mag-enjoy ka habang bagets ka pa. "

" Naman. "

Lito - " Ako nga nagsisise e. Ba't kase naakit ako dito kay Rita. 'Ku, kung 'di lang talaga 'ko napikot? Ako na nagsasabi sayo. Kalahati ng maganda sa mundo, syota ko. "

" Ba't 'di ho kayo nakipaghiwalay? "

Lito - " Yun din yung tanong ko sa sarili ko dati e. Di ka ba sinermunan dati ni mareng Ana? "

" Ng ano po? "

Lito - " Ako dati, laging sinasabi sakin ni inay, 'Nakung bata ka! Kung pwede lang talagang mamili ng anak!', tawang tawa talaga ako sa itsura niya e. "

" Sinabi din sakin yan ni Ma dati. "

Lito - " Aba'y manang mana ka ke pareng Nestor dati e. Nahampas ka pa nga ng tubo, kakakanta ano? "

" Tiyo talaga. Matagal na yon. "

Lito - " *tatawa ng saglet* 'Lam mo kase, 'di naman parang pagkuha ng kutsara't tinidor yang pagpili ng asawa. Hindi ka pwedeng pumili. Pakuhain kita ng kutsara

sa lalagyanan, pa'no kung isang milyon yun. Pipili ka pa ba ng disayn na hilig mo? "

" Pwede. Yung matitripan ko siguro, yung tingin kong makakapareho sakin. Yung parang ako. "

Lito - " Sa pagaasawa, hindi ganun. Isa pa, 'pag kukuha ka ng ulam sa lalagyan, diba minsan tinatanggal mo yung taba sa laman? Jusme. Hindi yan pwede

pag nag-asawa ka na. Dapat tinatanggap mo yung buo, package kumbaga. "

" Tiyo, pa'no pag yung nakuha mo e hindi sakto sa gusto mo? "

Lito - " Ganyan din naman yung pakiramdam ko kay Rita dati. Pero etong sinasabi ko sayo : ibabad mo sa pulang tubig yung berdeng halaman, mamumula din yun. "

Tumigil siya sa pagsasalita, parang hinihintay yung sasabihin ko, yung isasagot ko bago siya nagpatuloy.

Lito - " Wala talagang imposible, Tep. Kulang lang sa tiwala yung tao. Palaging pwedeng mong maging paborito yung baboy kahit vegetarian ka. Nasa pagpili lang yan. "

" Edi ibig sabihin po, napamahal na rin sa inyo si Tiya Rita? "

Lito - " Sa totoo lang, kahit ngayon 'di ko pa rin talaga siya gusto. Lalake ka, lalake ako. Alam mo yung gusto natin, diba? Pero pag tumanda ka, mapapaisip ka din e.

Hindi habangbuhay, pwede kang sumiping. Kahit lalaki ka, pag tumanda ka na, pigil na yung kilos mo, dadating sa puntong wala na. Nakanganga ka na lang.

Pero yung taong mag-aalaga sayo, yung handang punasan yung suka mo t'wing maglalasing ka, yung hindi ka iiwan sa kama kahit ang lakas mo humilik.

Hindi kami binuo ng pagmamahalan, Tep. Lalong hindi rin ng tawag ng laman. Hindi ko rin alam kung pa'no, pero swerte ako sa kanya. Andito ako. "

" Bilib din ako kay Tiya Rita. "

Lito - " Naknampating. Ako ata tinitira mo Tep e. Ge na nga, kunin mo na yang motor na yan. "

" *tawa* Di naman ho, tiyo. Bilib din naman ako senyong dalawa. Nasa'n nga pala si Tiya? "

Lito - " Andun kila Baby, nakikibalita na naman. "

Sinuot ko na yung helmet tapos tinadyakan ko na yung motor.

Lito - " Mag-ingat ka, iho. "

" Salamat ho, tiyo. "

Lito - " O siya, siya. Patnubayan kang kabataan ka. "

Medyo natagalan pala ako sa kakakwento kila Tiyo, inabot na ko ng 11:30 bago ako nakarating.

Nakita ko yung babantayan ko sa gate, 2 babae pala.

Isang bata .. isang .. dalaga.

Si Clementine saka yung nakabangga sakin dun sa backdoor.

Prumeno ako sa tapat nila ta's tinanggal ko yung helmet ko.

Clementine - " Ku-ya? "

" Oh. Ako yung maghahatid senyo. "

Clementine - " A-te-sya-daw-yung-ma-ha-ha-tid-sa-teeeen. "

??? - " Sakay na. "

Pagtapos ng 2 kanto, sinubukan ko silang kausapin.

" Clem? "

Clementine - " Po? "

" Anung .. pangalan ng ate mo? "

Nakatalikod ako sa kanila kaya di ko alam kung sinong sasagot pero alam kong pinigilan nung ate si Clem magsalita.

" Clem? Nagugutom ka ba? "

Tumingin ako sa sidemirror. Nakita ko yung ate niya na sinenyasan siyang 'No' tapos nakita ko rin siyang nakatingin sakin. Sa sidemirror.

Napangiti ako.

" Pwede ba tumigil muna tayo sa sunod na gas station? Medyo nagugutom na kasi ako e. "

Clementine - " Si-ge-po. "

Tumingin ulit ako sa side mirror. Mukhang 'di naman umangal yung ate niya.

Pinark ko muna yung motor ta's pumasok na ko dun sa bilihan.

Sumama sakin si Clem pero naiwan yung ate niya. Sa labas. Di naman sa nagbabantay ng motor, pero parang umiiwas talaga saken.

" Ganyan ba talaga yung ate mo? "

Clementine - " Min-san-po. "

Naglakad lakad kami dun sa isle ng mga snacks saka tinapay tapos pumunta kami dun sa stand ng sweets.

" Oh. Gusto mo neto? "

Pinakita ko sa kanya yung chocolate bar.

??? - " Bawal siya n'yan. "

Andito na pala yung ate niya.

" O .. sorry. "

Clementine - " Pe-ro-gus-to-po-yan-ni-a-te, ku-ya. "

" Talaga? "

Medyo pinagalitan ng ate niya si Clem, pero kinuha ko na rin yung chocolate.

" Hawakan mo muna 'to Clem ( chocolate bar ), baka mamaya magutom din yang ate mo mamaya. Mahaba pa yung daan, baka walang next stop. "

??? - " Meron yun do'n. "

" Malay naten kung sarado ba o hinde. "

??? - " 24 hours open. "

Kumukuha pa ko no'n ng pagkain dun sa hilera na yon, ta's napansin kong tumingin tingin din yung ate ni Clem ng pagkain.

" Clem, pa'no kung naubos yung pagkain dun sa 'next stop' na sinasabi ng ate mo? "

Walang sumagot.

" Clem? "

Wala pa ring sagot.

Lumingon ako.

Wala na si Clem.

Tinanong ko yung ate niya ta's sumenyas siya ng 'Di ko alam'.

Hinanap namin siya. Maliit lang naman yung store kaya 'di siya mawawala. Well, sana.

Pumunta ako dun sa stand ng mga tinapay, wala siya.

Sa ibang stand naman pumunta yung ate niya.

Hanggang sa magsalubong kami dun sa stand ng mga snacks.

Yung salubong na muntikan na kaming magbanggaan. Malapit yung mukha niya sakin, yung mata e halos tumagos na sa mata ko.

Mukha siyang nagulat.

Clementine - " A-te. "

Napalingon kami.

Umalis na kami dun sa kainan ta's tumuloy na kami sa biyahe.

3 oras na yung lumipas nung nagpa-gas muna ako.

Medyo malayo pa. Parang probinsya e.

Di rin naman ako pwedeng makipagkarerahan kasi may bata. Mahirap talaga 'pag may dinadalang importante.

Ilang minuto pag-alis namin dun sa gasolinahan nung narinig kong may kumulo yung tiyan sa likod ko.

Clementine - " A-te, gu-tom-ka-naaaaa. "

??? - " Hindi no. "

" Clem, pakainin mo na yung ate mo. May sandwich pa ko dito. "

Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko yung sandich tapos inabot ko sa likod.

Tumingin ako sa sidemirror.

Nung una tumanggi yung ate niya, pero kinain niya din yun pagtapos ng 6 segundo.

Tagal no. Binilang ko pa yon. Panes.

Mag na-9 PM na yata nun nung mapansin kong tulog na si Clementine tapos mukhang inaantok na rin yung dalawa.

" Kumapit kayo. "

??? - " Anong gagawin mo? "

" Bibilisan. Makakatulog ka na d'yan e. "

??? - " Hindi .. no. "

" Dali na, kapit na. "

??? - " Ayoko nga. "

" Bahala ka. "

Hinarurot ko yung motor since medyo onti na lang yung sasakyang nakikita ko saka mukhang diretso na lang yung highway. Maliwanag din naman yung daanan.

??? - " Hoy, dahan dahanin mo naman! Papatayin mo ba kame? "

" Malalaglag ka talaga 'pag di ka kumapit. "

Mas binilisan ko pa yung pagtakbo.

??? - " Tch. "

Kumapit siya sa balikat ko, parang arms forward na itsura.

" Hindi ganyan. Malalaglag si Clem sa ganyan. "

??? - " Nakakapit naman na ko. "

" Pag nalaglag si Clementine, ikaw bahala ah. "

??? - " *galit na tono* Sa'n ba dapat. "

" Sa bewang. "

Ngumiti ako onte.

??? - " No. "

Binilisan ko pa, yung tipong pinupunit na nung hangin yung balat ko. De, joke lang.

??? - " Eto na! "

Feeling ko malapit na kami no'n nung naglakas loob na ko.

" Pwede ka na bang magpakilala? "

??? - " Asa ka. "

" Kung sakaling dun na kayo, 'di na rin naman tayo magkikita ulit diba? "

??? - " Oh, ano naman. "

" Atleast nalaman ko man lang yung pangalan mo. "

??? - " Hinde. "

" Grabe ka naman. May nagawa ba kong mali sa'yo? "

Di siya umimik.

Nakarating kami dun sa lugar bandang 10.

Bumaba sila ta's kinalong ko si Clementine papunta sa bahay habang kumatok yung ate niya.

Pinapasok agad sila nung matanda, siguro lolo nila.

Matandang lalake - " Iho, bukas ka na bumiyahe. Makitulog ka na muna rito. "

" Ay, salamat ho. Okay lang naman ho ako. "

Matandang babae - " Aba'y sino ba 'tong gwapings na ito? Dito ka na makitulog, kahit paumaga lang. "

" Salamat po talaga pero — "

??? - " 'Wag ka nang maarte. Pumasok ka na.

Matandang lalake - " Magagalit si Riza n'yan. Halika na. "

Ngumiti ako sa kay Riza. Bumuntong hininga siya, parang nagsasabing 'Sayang' tapos pumasok na siya.

" Sige na nga po. "

Ta's pumasok na ko sa loob.
 
Chapter 3

Malaki yung bahay nung lolo 'ata' nila Clem at Riza.

Siguro lahi talaga nila yung pagiging mayaman.

Maraming painting do'n sa pader, tapos may malaking lumang cabinet din na may mga trophy. Karamihan e gold. As in gold talaga.

Natuto din naman ako mag-appraise kahit pa'no saka alam ko naman yung ginto sa hinde. Talagang lumapit pa 'ko para lang tignan yun.

Karamihan dun sa mga trophy e nakapangalan sa lalake. Siguro side ng father ni Riza yung bahay na yo'n.

Pangalawa kong napansin yung mga medal saka certificates na ando'n. Medyo napangiti ako nung nakita ko yung pangalan ni Riza.

Nakuha niya yung mga certificates nung Highschool saka College. Achiever siya kung tutuusin tapos siguro grumaduate siya with honor.

Nagulat ako nung may nagsalitang matanda. Yung lola niya.

Lola ni Riza - " Matalino talaga yang si Riza, ano. Manang mana sa tatay. "

" Onga po e. Kaso medyo .. "

Nagdalawang isip ako sabihin yung pagkakakilala ko sa kanya.

Lola ni Riza - " Mataray talaga yang dalagang yan. Pero .. mabait naman yan. Halika. "

Pumunta kami sa kusina.

Maliit lang yung kusina nila, andun na rin yung kainan. May lamesang kahoy tapos kahoy din yung mga upuan.

Medyo astig nga kasi ramdam mo talaga yung probinsya dito. Hindi amoy usok, hindi rin amoy tae ng kalabaw.

Yung amoy ng probinsya. Yung umagang kasing lamig ng pasko. Yung mga kuliglig lang maririnig mo. Lasing lang ata ako.

Pinaupo niya 'ko dun sa isa sa mga kahoy na upuan, tapos inabutan niya 'ko ng kape.

Lola ni Riza - " Naka-inom ka 'no. Naku, mag-ingat ka iho. "

" Salamat ho. "

Lola ni Riza - " Hindi naman talaga masungit dati si Riza. Makulit nga yan dati, parang yung batang artista dati. "

" Aiza ho? "

Lola ni Riza - " Yun. Aisha? Aira. "

" Aiza po. Aiza Seguerra. "

Lola ni Riza - " Yung batang makulet. Ginagaya niya yun dati. Kumakanta, sumasayaw, lahat kami tawa ng tawa sa kanya. "

Nanahimik lang ako. Tumuloy siya sa pagsasalita.

Lola ni Riza - " Lahat yun nawala nung nagkasakit siya. Naapektuhan yung boses niya. Nanghina siya. "

" Nagkakasakit din ho pala yon? "

Lola ni Riza - " Ay naku, yun din yung pinagtaka namin. Ala e mas malakas pa ata sa kalabaw yung batang iyaon.

Siguro kasi kaya nawawala yung pagod namin 'pag kumakanta siya, siguro iniipon niya e. Ayun, sumabog

na lang na parang bomba. "

" Pero gumaling naman po siya diba? "

Lola ni Riza - " Dahil yun kay Clementine. "

Hininaan ni Lola yung fan dun sa kusina bago umupo ulit ta's nagkwento. Mas tumahimik yung paligid. Para kaming nasa space.

Mga 30 minuto pa no'n nung nakita kami ni Riza, naalimpungatan yata.

Riza - " La, hindi ka na bumabata. 'Di ka pwedeng napupuyat. "

Lola ni Riza - " Minsan lang naman ako makakausap ng kagwapong binata. Di rin naman na nabata ang Tatang mo. "

Riza - " La .. "

Lola ni Riza - " Osiya, siya. Sige na iho. Ubusin mo na yan. Tandaan mo yung sinabi ko sa imo, ha. "

" Sige po. Salamat po ulit. "

Lola ni Riza - " Siya, sige. "

Nahiga ako onte sa sofa no'n. 'Di ako makatulog. Mahirap. Parang 'di ako mapakale.

Tinignan ko yung relo ko. Malapit na mag-alas tres.

Sabi nila, devil's hour daw yun. Hindi naman talaga, pero mabubwisit ka kasi mahihirapan ka matulog.

Yung nalaman ko kasi, ang sabi do'n, nagiging active daw yung utak pagdating ng alas tres.

Di ko alam yung dahilan kung baket, pero totoo naman yun — siguro kasi sa sarili ko nangyayari e.

Bigla akong nanlamig. Medyo pinulupot ko yung mga binti ko saka yung katawan ko.

Nakaramdam din ako ng sakit ng ulo saka pagkahilo. Medyo malakas siguro yung tama sakin nung alak pati nung pagkaen.

Makapal kasi yung taba nung barbeque na nakain namin ni Ralph e.

Di ko namalayan, nakatulog na ko.

Gumising ako ng bandang alas-siyete. Sabi ko, matutulog agad ako sa bahay pag-uwi.

Sinubukan kong bumangon, 'di ko magawa. Bigla na lang bumagsak yung basang panyo sa mukha ko na nasa noo ko pala.

Clementine - " Ku-ya-gi-sing-na. "

Lolo ni Riza - " Inaapoy ka daw ng lagnat, sabi ni Clem. "

" Salamat .. Clem. "

Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko sa likod nila si Riza. Inirapan ako ta's lumabas sa pintuan.

" Pa'no mo naman nalamang nilalagnat ako? "

Clementine - " Sa-bi-po-sa-kin-ni-a-te-Ri-za, may-sa-kit-kadaw-po-eh. "

Napaisip ako.

" Pakisabi sa kanya .. ano .. salamat. "

Tapos tinapik ko yung ulo ni Clem.

Lolo ni Riza - " Makakauwi ka ba? Magpahinga ka muna. Isipin mong nagbabakasyon ka muna kahit saglit. "

" Salamat po talaga sa lahat. "

Lolo ni Riza - " Bihira lang kasi kami madalaw ng hindi namin kamag-anak, kaya talagang mapag-alaga kami. "

Mga 2 oras pa no'n akong nakahiga nung nilapitan ako ni Riza.

Riza - " Inom. "

Inabot niya sakin yung baso na may lamang likido na hindi ko alam kung ano yun.

Riza - " Bilis, aba. Hindi mo ko yaya. "

Binangon ko yung katawan ko, ta's dun ko nalaman na medyo namanhid yung kalahating katawan ko, bandang ibaba.

Ininom ko yung binigay niya saken. Parang herbal tea. Medyo matamis, pero ramdam mong gawa sa dahon. Talagang dahon.

Riza - " Higa. "

Humiga na lang ulit ako, ta's ngumiti ako ng onti sa kanya, yung tipong senyas na ' Easy lang, okay? '

" Ako ba talaga ang may sakit o ikaw? "

Riza - " Sasaktan talaga kita. "

" Nagtatanong lang naman. "

Kinuha niya yung panyo sa noo ko, tapos pinalitan niya ng bago. Mainit na maligamgam ulit, ta's medyo gumaan yung pakiramdam ko.

" Ga'no katagal pa kong hihiga dito? "

Riza - " Depende. "

" Pa'nong depende. "

Riza - " 'Pag magulo ka, pipilayan talaga kita. "

" Eto na e. Tatahimik na e. "

Riza - " Cleeeeeem. "

Lalapit si Clementine, hawak hawak yung teddybear na kulay dilaw.

Riza - " Pakikuha nga yung itak d'yan sa likod ng pinto. "

" Hoy, anung gagawin mo. "

Riza - " Wala. "

" Hoy. Ayokong maputulan ng paa. Namanhid lang naman 'to, 'di pa paralisado. "

Inabot ni Clementine yung itak na mahaba kay Riza.

Riza - " Mamahinga ka na. "

Tumayo siya tapos lumabas siya, kasama si Clementine.

Medyo walang tao dun sa parang living room na malawak, maliban sakin. Kung pwede lang makipagkaibigan dito sa gagamba sa taas ko, gagawin ko e.

Lumipas yung ilang minuto, 'di pa rin ako mapakali. Sumilip ako sa bintana.

Nakita ko siyang nagsisibak ng kahoy, tapos andun din yung lolo saka lola niya saka si Clementine.

Mukhang nagbibiruan sila. Napangiti din ako — nung nakita kong nakangiti si Riza. Kakaibang scenery yun e. Parang once in a blue moon?

Hinde. Parang one day sa never. Parang zero to thousand. Parang next to nothingness. Or almost impossible.

Gusto ko sanang picture-an yung segundong yun. Kaso nakita niya 'ko e. Parang tutubing lumipad yung ngiti niya nung nilapit ko yung kamay ko.

Medyo natawa ako nung nakita ko siyang umirap agad.

Humiga ulit ako, nagpahinga. Tanghalian na ko nagising. Ang bilis ng oras, kasing bilis ng paglaho ni Jane. Ng ngiti ni Riza.

Sabi ko sa sarili ko, pagkakain ko, aalis na agad ako.

Sinubukan kong bumangon. Hindi ko kaya. Medyo nilalagnat ata ako. O parang malamig lang talaga.

Kahit naman siguro alam mo kung may sakit ka o wala, alam mo yung pakiramdam na 'hindi okay'.

Nakakainis. Nakakainip. Nakakainit ng ulo. Ulo sa taas, ha.

Madami kasing bagay na bawal 'pag may sakit ka e. O kahit wala naman. Ayoko na lang isipin yun.

Clementine - " Ku-ya-ka-in-na-daw-po-sa-bi-ni-a-te-Ri-za. "

Riza - " Sabi ni LOLO, hindi ako. "

Sumunod pala siya kay Clem. Nanigurado siguro.

Simple lang yung pagkain nila. Kahit malaki yung bahay nila, 'di sila sobra kung maghanda. S'yempre, madalas siguro 2 lang yung mag-asawa dun e.

Sakto lang yung kinain ko, pero pinilit ako nung 2 matanda na kumain ng madami para daw gumaling agad ako.

Di ko napansin na iba na pala yung damit ko. 'Gang short.

" Ah .. eh .. sino po .. yung .. "

Tumingin ako sa damit ko.

Riza - " Ako. Problema? "

" Wa .. la. "

Riza - " Si Lolo nagpalit ng ilalim mo, 'wag kang ano. "

" Ahhhh. "

Pagkatapos naming kumain, naghugas si Riza ng pinagkainan namin.

Gusto ko sanang tumulong e, kaso natatakot ako. Pero sinubukan ko na rin anyway.

" Baka pwede ako tumulong? "

Riza - " Mas makakatulong ka kung lalayuan mo 'ko. "

" Sigura— "

Riza - " OO. Shu, shu. Alis. "

Pinuntahan ko na lang si Clementine na nakaupo dun sa hagdan malapit sa gate.

" Hello, Clem. "

Clementine - " Ku-ya. "

" Pwede magtanong sa'yo? "

Clementine - " O-kay-lang-po. "

" Bakit .. ang sungit ng ate mo? "

Clementine - " Ma-ba-it-na-man-posi-ate-eh. "

" Alam ko naman yun. Parang tinatago niya lang kasi. "

Clementine - " I-ni-wan-po-kasi-ka-mi-ni-pa-pa-nung-duma-ting-ako-eh. "

" Nam .. babae? "

Clementine - " Sa-bi po ni ma ma, u-mu-wi-daw-po-sa-i-bang-bahay. "

" Ahhhh. Kaya pala. Edi si kuya Michael mo lang yung nagaalaga senyo? "

Clementine - " O-po. Ku-ya, pwe-de ako-na-man-mag-ta-nong? "

" Sige lang. "

Clementine - " May gus-to-ka-po-ba-kay-a-te? "

Nagulat ako.

" Baket naman? "

Clementine - " E sa-bi-ni-a-te, hin-di-ka-naman-magta-ta-nong-pag-a-yaw-mo-e. "

" Ganun ba. "

Tumingin ako sa likod. Nandun pa rin si Riza, naglilinis ng dining room.

" E ang sungit sungit naman ng ate mo e. "

Clementine - " *ngingiti* Gus-to-mo-sa-bi-hin-ko-kay-a-te? "

Biglang tumakbo yung bata.

" Hoy! Hoy! "

Nakita ko si Clementine na may sinasabi kay Riza. Patay.

Di na lang ako umalis sa pwesto ko.

Maya maya, nilapitan niya na 'ko.

Riza - " Hoy. "

" Oh. "

Riza - " Totoo ba? "

" Yung? "

Riza - " Sinabi ng bata. "

" Ewan. "

Riza - " Sagutin mo ko ng maayos. Sasapakin kita. "

" Oo na. "

Riza - " Hmp. Payag na 'ko. "

" Payag .. sa ano? "

Riza - " Sa gusto mo. "

" Gusto ko? Sinasagot mo na agad ako? "

Riza - " Anung tayo na? Sampalin kaya kita? Sabi ni Clem, gusto mo daw akong kausapin. "

Medyo namula ako. Pahiya onte, never makakabawe.

" Ahhh .. nag-uusap naman na tayo. "

Riza - " O, tapos na? "

" Ba't ba ang sungit mo talaga? Kani-kanina lang, ang saya mo pa eh. "

Riza - " Akala mo lang yun. "

" Umupo ka nga dito. Ang hirap mo tingalain e. Tumatangkad ka kahit .. *pahinang boses* 'di naman dapat. "

Riza - " May binubulong ka ba? "

" Wala. Umupo ka na po. "

Pinagpagan ko yung pwesto sa tabi ko, ta's nilagay ko na rin dun yung jacket ko.

" Isa lang talaga yung tanong ko e. Ba't ang sungit mo. "

Riza - " Sino ka ba. "

" Lee. "

Riza - " Lee. Baduy ng pangalan. "

" Sige, lait pa. "

Riza - " E kalait-lait naman kase. "

" 'Kala mo ganda ng sa'yo. Parang pulitika. "

Riza - " Hoy. *hahampasin yung braso ko* "

" Ano nga palang sakit mo dati? "

Riza - " Ewan. Bwisit yun. Parang ikaw. "

" Ba't ba kasi galit na galit ka saken. Yung past life ko ba, ako pumatay sa'yo? "

Riza - " Kung nakalimutan mo nang naaalala ko pa, diba muntik mo na kong sigawan dun sa mall? "

Yung time na nagaayos ako, yung panahong nabwiset ako dun kay Nuno. Yung nadaganan siya ng mga karton. Natawa ako.

Riza - " O? Ba't natatawa ka? "

" E .. naalala ko yung itsura mo nun e. "

Riza - " Ang yabang mo. Ang yabang mo talaga. "

" Sinasabi ko lang yung totoo. "

Riza - " Che. Ikaw na nga tinulungan, ikaw pa galit. "

" Weh? "

Riza - " Haynako. "

" Malay ko ba. Kaya pala biglang tumulak yung karton. Sorry naman. Salamat pala. *ngiting paawa* "

Riza - " Ewan ko sa'yo. "

" Di ko naman kasi alam ba't andun ka e. Andaming lugar sa mall, ba't ando'n ka. *tatawa* "

Riza - " E .. umiiwas ako sa tao e. "

" Anong tawag mo saken. "

Riza - " Hayop. "

" Sus. "

Tumagal pa yung kwentuhan namin ni Riza, 'gang sa maging 'medyo' komportable na siya sakin.

'Di ko alam kung pa'nong komportable kasi ang hirap mag-assume e. Babae pa naman yun, tinotoyo paminsan minsan.

Para kasing lasing yung mga yan. Alam nila minsan yung ginagawa nila, ta's biglang magbabago bigla na parang walang nangyari.

Medyo hapon na no'n.

" So galit ka sa tao? "

Riza - " Hinde. Medyo. "

" Kunyare, tao ako. Pero tao naman talaga ako ah! "

Riza - " Che. Hinde. "

" Osige. For now, kunyare tao ako. Kakausapin mo ba 'ko? "

Riza - " Si .. guro. "

" Baket? "

Riza - " Hindi sa pinupuri kita, pero kahit pa'no naman .. nagtiyaga ka e. "

" Nagtiyaga. "

Riza - " Hindi naman lahat ng tao kayang sakyan yung toyo ng babae. "

" Tingin mo kaya ko? "

Riza - " Siguro naman. "

" Pa'no ba yung 'tiyaga' para sa'yo? "

Riza - " Gusto ko kasi, nagrereach out sakin yung tao e. O parang gano'n. "

" Ahhh. Napakasenyora talaga ng ugali. "

Riza - " Sige subukan mo pa't ihahampas ko sa'yo 'tong paso. "

" Di na nga e. Wala bang taong nagrereach out sa'yo? "

Riza - " Madalang. Ambilis kasi nila sumuko. Onting pagpag ko lang, umaalis na agad. Hindi naman ganun yung mundo. Walang shortcut. "

" Para kasing ayaw mo ng kaibigan. "

Riza - " Sumusugal lang naman ako. Atleast 'pag merong nagtagal, alam kong totoo. In time naman, ako din yung nagrereach out minsan. "

" Ahhh. Give and take. "

Riza - " Not really give and take, but closer. "

" Closer. Parang tayo. "

Riza - " Anong tayo? *kukunin yung paso ta's iaambang ihampas saken* "

" Biro lang, 'to naman. "

Bandang 4:30 na nung pinuntahan kami ni Clem.

Clementine - " Ku-ya-pa-abot-nung-ra-ru-an-ko. "

Riza - " Sa'n mo ba nilagay? "

Clementine - " Ni-ha-gis-ko-ta-pus-di-na-bu-ma-leeeek. "

Riza - " Tara. "
 

Nauna silang dalawa tapos sumunod na lang ako. Medyo maayos na yung pakiramdam ko, ta's nagagalaw ko na din yung paa ko.

Siguro yung lagnat ko na lang talaga yung natitira.

Nakita ko sila malapit dun sa puno ng mangga, si Riza umaakyat tapos inaabot yung parang pusa na stuff toy.

" Malaglag ka diyan, hoy. "

Riza - " Inaakyat ko 'to palagi, no. Gaya mo ko sayo. "

" Bahala ka diyan, 'di kita sasaluhin 'pag nalaglag ka. "

Malapit nang makuha ni Riza yung stuff toy habang ini-stretch niya pa yung braso niya.

Riza - " Di na, no. Malapit ko na 'tong .. maku— "

Biglang bumitaw yung sanga ng puno, ta's napakapit si Riza dun sa maliit na isa pang sanga.

Andun siya, nakabitin.

" Ang kulit kasi nito. Sabi sa'yo e. "

Riza - " Nakakapit naman ako e. Kayang kaya ko— "

Nabali yung sangang kinakapitan niya.

Medyo malayo siya sakin nun kaya tinakbo ko, kahit masakit ng onte yung sa tuhod.

Nasalo ko siya, kaso medyo masakit yung pagkakabagsak niya saken.

" Ang .. kulit .. kasi. "

Riza - " Ugh. "

Pinahiga ako ng lola nila dun sa kwarto ni Riza.

Kulay skyblue yung pader, ta's malinis yung kwarto. Hindi siya masyadong girly, pero hindi rin macho yung dating.

Unisex kung tutuusin. Medyo malaki yung kama, may table lamp sa taas ng drawer, merong CR sa loob, 2 aparador tapos meron ding TV.

Riza - " Ba't kasi sinalo mo pa ko. "

" Ganun ako mag-reach out e. "

Riza - " Sus. Di naman masakit yung pagbagsak ko, 'wag ka ngang maarte d'yan. "

" Masakit kaya. "

Riza - " Ang arte mo. Parang 'di ka lalake. Magtrabaho ka kaya para naman tumigas yang buto mo. "

" Nagtatatrabaho naman ako no. Service crew. "

Riza - " Buti may bumibili pa rin dun sa inyo? 'Ku, kung ako yun, nako. "

" Madaming tao do'n. Bawal ka do'n. "

Riza - " Che. Teka, kukuha kita mam'ya ng pagkaen. UTOS yan ni lolo, 'di ko gusto yan. "

" Sa-bi mo e. "

Riza - " Magpahinga ka na. Babalikan kita mamaya. "

Nakatulog ako no'n.

Kasama ko si Jane, may pupuntahan kami. Hindi ko alam kung sa'n.

Jane - " Be. "

" Ows. "

Jane - " Masaya ka pa ba? "

" Saan? "

Jane - " Sa nangyayari sa buhay mo. "

" Oo naman. Kasama nga kita o. May mas isasaya pa ba ko. "

Jane - " Ganun ba. "

" Ikaw? "

Jane - " Di ko alam, Lee. Naguguluhan ako e. "

" Na .. guguluhan. "

Jane - " Alam ko namang mahal mo ko. Andyan ka pag kailangan kita. Tinutulugan mo ko kahit 'di ko sinasabi. Kung tutuusin nga,

okay na okay ka talaga. Kaso .. minsan talaga 'di ko lang din maintindihan yung sarili ko. "

Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.

Jane - " Lee. Sobra mo kong napasaya. Higit pa sa hinihiling ko nung maging tayo. Siguro .. iba lang talaga yung gusto sa kailangan. "

Muslim si Jane, at alam ko yun. Nung una, wala naman talaga kaming pakialam sa kung ano mang relihiyon yung meron ang isa't isa.

Jane - " Lee. Eto na yung huling beses na sasabihin ko yung pangalan mo. Gusto ko, magsimula ka ulit. Yung bagong ikaw. Pero

'wag mong tanggalin yung ugali mo. Hindi ko hinihiling na 'wag mo kong kalimutan, pero sana kahit pa'no napasaya kita. Kasi napasaya mo ko. "

" Tingin mo ba .. sasaya pa 'ko kung wala ka na? Ikaw yung ngiti ko. Yung kaligayahan ko. Yung maipagmamalaki ko. Yung tanging meron ako. "

Napayuko ako.

Jane - " Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. "

" Kung mahal mo talaga 'ko Jane, ba't ayaw mong tumakas? Ba't ka magpapakasal sa taong hindi mo naman ginusto? Magtanan tayo, magpakalayo layo.

Wala akong pake. Ang mahalaga, masaya ta— "

Jane - " Hindi tayo pwedeng maging makasarili sa lahat ng panahon, Lee. *iiyak* "

" Nasa'n na yung pangarap nating dalawa dati? Yung pangarap na binuo nating sabay? "

Jane - " Masyado tayong nag-iisip ng malayo. Akala natin nangangarap pa tayo, pero niloloko na natin yung sarili natin.

Sinusunog lang natin yung sarili nating katawan. Tumatanda na tayo. Sana alam mo yung mali at tama. "

" Hindi naman galing sa hinaharap yung pangarap natin, Jane. Galing yun sa nakaraan natin. Sa pagsasama natin. Wala ka bang tiwala? "

Jane - " 'Di mo talaga ako maiintindihan. *tatalikod* Hindi ka dapat kinokontrol ng 'pangarap' mo. Ikaw dapat ang kumokontrol sa kanila.

Ayokong magkasamaan pa tayo ng loob. Ayokong masira yung nakangiting mukha mo sa puso ko. Hanggang dito na lang .. talaga .. tayo. "

Hindi na 'ko nakapagsalita nung mga oras na yon. Namanhid na lang yung bibig ko. Yung mukha ko. Nabulag na ko sa katotohanan.

Nakakalungkot yung sandaling yun ng buhay ko. Para akong iniwan ng kaluluwa ko. Ng anino ko. Yung pakiramdam na maiwan kang nag-iisa sa loob ng klase.

Tapos lahat sila, lahat ng nasa paligid mo, kahit ilang daang beses yung buti ng ginawa mo sa kanila, sila pa rin yung nagiging masaya.

Heto ka, nagiisa. Iniwan. Dahil sa paniniwalang hindi pwedeng tanggihan. Dahil sa paniniwalang tradisyon. Dahil sa paniniwala mong hindi kayo maghihiwalay.

Nanaginip pala ako.

Nakita ko si Riza sa tabi ko.

Riza - " Gising ka na pala. Nananaginip ka no. "

" A .. ta. "

Pinunasan ko yung onting luha malapit sa mata ko.

Riza - " O, eto yung pagkain mo. Baka magpasubo ka pa ha. "

" Baka lasunin mo pa 'ko kung sa'yo pa. Tawagin ko na lang si Clem. "

Riza - " Tulog na po yung bata. "

" Nubayan. Ang aga naman. "

Riza - " Probinsya po, malamang. "

" Ang init naman nito. Pa'no ko kakainin yan. "

Riza - " Aba, edi hipan mo. Yung paa saka katawan mo naman yung nabagsak, hindi yung mukha diba. "

" Napaka mo talaga. "

Riza - " Gumaganti lang ako. "

Kumain ako no'n nung umupo si Riza dun sa upuan.

Riza - " Dapat umuwi ka na lang agad e. Edi sana .. di ka pa napilayan. "

" Edi sana napilayan ka no? "

Riza - " Oo ta's talagang isusumpa kita. Balat sa pwet. "

" 'Kaw na nga 'tong sinalo, 'kaw pa yung galit. "

Riza - " Wala bang naghahanap sa'yo ngayon? Ate? Kuya? Nanay? "

" Wala. Self supporting. "

Riza - " Ahhhh. Syota? Merong minalas ba? "

Naalala ko si Jane. Di na lang ako umimik.

Riza - " O, ba't natahimik ka. "

" Wala. Wala. "

Riza - " 'Wag mo nga 'kong dramahan diyan. "

Umiling na lang ako ta's humiga ulit.

" Ge na, matutulog na ulit ako. Masarap yung pagkain, pakisabi kay lola. "

Riza - " Bastos 'to! *hihina yung boses* Ako nga .. nagluto niyan e. "

" Ilang oras bago umepekto yung lason? "

Riza - " O, sinisimulan mo na naman ako ah. "

" Sinasabi ko lang yung totoo. "

Riza - " Hoy ha! "

" Layas na. Matutulog na 'ko. "

Binato niya 'ko ng kung-ano-man-yon. Medyo maliit lang pero matigas yun. Parang maliit na bolang plastic siguro.

" Nananahimik na 'ko ah. "

Riza - " Kaya pala. "

Bumangon ako ta's pinuntahan ko siya. Tatakbo sana siya nung namanhid ulit yung paa ko tapos natumba ako sa kanya. Bumagsak kami sa sahig.

Medyo masakit yung bagsak ng tuhod ko saka braso pero pinilit kong hindi sumigaw. Nakita naman ni Riza yung sakit.

Riza - " Yan, yan. Babawi pa kase. "

" E ikaw e. Natutulog na 'ko, nangbibwiset ka pa. "

Riza - " Sino ba kasi nagsabing bumangon ka d'yan? Feeling mo superman ka e. "

Patayo na siya no'n nung hinawakan ko yung kamay niya.

" Maya ka na umalis. Di ako .. makatayo e. "

Riza - " May paa ka naman. "

" Dali na. Kahit ilang minuto lang. Dito ka muna. "

Riza - " Ginawa pa talaga akong nurse niya. "

" Please? "

Nag-isip siya ng ilang segundo.

Riza - " Saglit lang ha. "

Sumandal muna ako sa kanya, tapos humiga na muna ako do'n.

Nakasandal siya sa pinto, ta's nakasandal yung likod ko sa gilid niya.

Nakaharap siya sa bintana nung kwarto, ta's kitang kita do'n yung puno saka yung buwan.

" Liwanag, no. "

Riza - " Sakto lang. Walang ulap. "

" Kung sakali ba Riza na magkagusto ako sa'yo. Okay lang? "

Riza - " Wala kang pag-asa. Inuunahan na kita. "

" Kung sakali lang naman. "

Riza - " Hmm .. siguro depende. Kung manliligaw ka man at kung tingin ko naman may dahilan para sagutin ka, pwede siguro. "

" Hindi ba malungkot yung ganun? "

Riza - " Yung ano? "

" Yung may dahilan bakit nagustuhan ka ng tao. "

Riza - " Bakit naman. Mukha naman siyang reasonable. "

" Para kasing nagpapagoodshot ka lang sa magulang mo bago ka manghingi ng kung anong pabor. "

Riza - " Ang tanong, pag nagpagoodshot ka ba, sigurado ka talagang susundin nila yung hihilingin mo? "

" Hmm .. not bad. "

Riza - " Ba't ba, parang umiiwas ka nung pinag-usapan natin yung syota. "

" Hindi naman ah. "

Riza - " 'Wag mo kong lokohin, Lee. Malinaw ang mata ng babae kahit matanda na. "

Kinwento ko sa kanya yung paghihiwalay namin ni Jane.

Riza - " Bading ka pala e. "

" O talaga. "

Riza - " Sana pinilit mo yung magulang niya. Natakot ka din sa huli e. Kung talagang sigurado ka na, wala kang pakealam sa mababangga mo. "

" Ayoko rin namang ipilit yung kaligayahan ko kung 'di ko naman sigurado na sasaya pa rin siya. "

Riza - " Kung talagang gusto ka niya, pwedeng mabago yung isip niya 'pag nalaman niyang pinaglaban mo siya. Kahit mukhang manhid kaming mga babae,

we appreciate every little thing you do. Kahit yung pagbukas ng pintuan, yung pagtext sa umaga, yung pag-goodnight, lahat yan counted.

Isipin mo, parang investment lang yan. Parang part ng memory mo. At times, mawawala talaga minsan pero nagiging useful yan kung

sakaling kailanganin mo. Act like a man, dude. "

Hindi ako umimik.

Riza - " Hindi sa sinasabi kong hindi ka nag-effort kay Jane. Sakin nga, nag-eeffort ka e. Pero dapat tatagan mo yung sarili mo. 'Wag kang matakot.

Pag natakot ka kasi, para kang batang pinikit yung mata. Sinusuko mo na agad yung importante sa'yo ta's hinahayaan mong kunin ng iba.

Atleast man lang, kung 'di mo na talaga kaya, pahirapan mo muna sila kahit konti. "

" Nasaktan ka na ba? "

Riza - " Ba't kelangan ko pang malaman, e andami ko naman nang narinig saka nakita. "

" Hindi mo rin naman masasabi yan hanggang 'di mo pa nararanasan. "

Riza - " Yun yung hirap senyo. "

" Bakit naman? "

Riza - " 'Pag ba may nagsabing umutot, kelangan aamuyin mo muna bago ka maniwala? "

" Baho. Umutot ka no. "

Riza - " Ihulog kita dito. "

" Teka .. nangangalay yung likod ko. "

Riza - " Mahiga ka sa sahig. "

" Andamot naman nito. Dali na. Patulog lang ako, ta's kahit iwan mo na 'ko. "

Riza - " O'na. Naku, talaga. "

Inabot ko yung unan sa kanya ta's pinatong ko dun sa bandang tuhod niya.

Riza - " Nahiya ka pa, no. "

" Kelangan. "

Humiga ako.

" Yan. Mas .. okay na. "

Riza - " Ako naman mangangalay dito. "

" Nung ako ba, napilayan, nagreklamo ako? "

Riza - " Sige, salita pa. Iiwan talaga kita dito. "

" 'To naman, di na mabiro. "

Medyo tumahimik yung kwarto. Nakatingin pa rin siya sa buwan, ta's nakatingin naman ako sa kisameng kulay skyblue.

Parang langit din, pero madilim lang ng onte.

Riza - " Kamusta na ba yung lagnat mo? "

" Medyo maayos ayos naman na. "

Riza - " S'yempre, magaling yung nurse. "

" Gumaling lang talaga ako .. "

Riza - " Nagbabalak ka ba talagang bumawe? "

" Di naman masyado. May itatanong ako sa'yo. "

Riza - " Kanina ka pa nagtatanong e. "

" Yung karton lang bang nahulog sa'yo yung dahilan ba't galit na galit ka saken? "

Riza - " Ang totoo niyan .. "

Bago ko pa marinig yung mga sumunod na sinabi ni Riza, napansin kong ibang init na pala yung nararamdaman ko.

Hindi na init dahil sa lagnat kundi yung init nung kwarto. Yung init ng braso ni Riza. Yung nagtanggal ng malamig kong mundo.

Hindi ko alam kung niloloko ko lang yung sarili ko. Mahirap siguro talaga yung gan'to.

'Pag galing ka kasi sa lagnat, 'di mo alam yung malamig na natural sa malamig dahil sa sakit mo.

Pero isa lang yung sigurado ako : nakalagpas na ko sa lagnat. Sa sakit ko. Sa sakit na binigay niya.
 
Chapter 4.

Nagising ako nung kinaumagahan dun pa rin sa pwestong 'yon.

Natutulog si Riza na nakasandal pa rin sa pinto. Nakapikit, nakatakip yung bangs sa kanang parte ng mukha.

Dahan dahan akong bumangon no'n para 'di siya magising. Medyo maayos na yung binti ko saka nakatayo naman ako ng maayos.

Sinubukan kong ilusot yung kamay ko dun sa leeg niya tapos dun sa binti niya. Hindi siya nagising.

Binuhat ko siya tapos sinubukan ko siyang ilagay dun sa kama. Ilalapag ko na siya no'n nung kumapit yung kamay niya sa likod ko.

Patay.

Maingat kong inalis yung kamay niya tapos tinakpan ko na lang siya ng kumot na green. Mukhang mahimbing talaga yung tulog niya.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Clementine sa labas, papasok sana sa loob.

Clementine - " Si ate po? "

" Na .. tutulog pa sa loob. Gigisingin mo na ba? "

Clementine - " O-po. Ka-ka-in na daw-po-ka-me-sa-bi-ni-lo lo. "

" Ah. Maya maya mo na gisingin. Pag-alis ko na lang. "

Clementine - " A-a-lis-ka-na-po? Pa-no-na-si-a-teeee? "

" Ewan ko. Magkikita pa naman ulit tayo siguro. "

Clementine - " Pa-no-po-pag-hin-di-na? "

" Edi .. ewan ko. "

Hindi ko rin alam kung babalik pa ba 'ko dito o hindi na.

Ayoko sabihing babalik pa ko dito. Hindi ko naman sigurado yung nararamdaman ko kay Riza.

Ang alam ko lang, tinulungan niya 'kong umusad, may iniwan siyang parte sakin, at siya yung 'bawal' na gamot ko.

Sa isang banda, ayoko rin namang sabihing 'di na talaga ako babalik sa lugar na 'to. Sa kanya.

Ayokong sayangin yung pagkakataon, yung simula ng 'pwedeng' panibagong chapter ng librong 'to.

May mga panahon talagang 'di ka makapili kung tutuloy ka ba o hinde.

Parang yung paggising sa umaga ta's tinatamad kang pumasok pero 2 absent na lang, considered as 'dropped' ka na sa subject na yon.

Gusto mong subukin pareho, pero 'di mo magawa.

Lolo ni Riza - " Oh, iho. Mabuti't magaling ka na. Tara na't mag-almusal. Si .. Riza? Gising na ba? "

" Ah, 'di pa ho. Sabi ko po kay Clementine, 'wag muna gisingin e. Mukha kasing napuyat. "

Lolo ni Riza - " Ganuon ba. Aba'y mukhang napuyat si Riza, ano? "

" Siguro ho. Uhm .. mauuna na nga po pala ako. "

Lolo ni Riza - " Ayaw mo ba munang mangag-agahan? "

" Di na ho siguro. Sobra na po yung tulong na binibigay n'yo. "

Lolo ni Riza - " E mukhang 'di ka naman papapilit. Matanong ko lang. Babalik ka pa ba? "

12 PM.

Nakauwi na 'ko sa bahay. Ganun pa rin yung naabutan ko. Tahimik na sala, nakakalat na dyaryo, maduming sahig pero wala namang hugasan sa lababo.

Naalala kong may ice cream akong inuwi nung huling uwi ko kaya kinain ko agad yon. Medyo natakam ako sa kung anong matamis.

Naisip ko din si Ralph. Buhay pa kaya yung kumag na 'yon? Wala na kong balita sa kanya simula ng party.

Di rin daw siya nauwi sa kanila. Sabi ko kay 'Te Helen, baka inisa-isa yung babaeng kasama niya. 10 babae, bale 10 araw.

Sanay naman na yung nanay ni Rap sa ganung gawain niya. Kung tutuusin nga, pinipilit na nilang mag-asawa si Rap para daw maging responsable.

Sana nga. Para 'di na ko ginagawang sponsor ng mokong.

Medyo inantok na rin ako ilang minuto 'pagtapos kong maubos yung kinain kong ice cream.

4 PM.

Naka-leave pa rin naman ako nung araw na yon. Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan ko munang gumala.

Kailangan ko pa ng onting oras para mag-isip. Ayoko munang magpadala sa nararamdaman ko. Pero ayoko ring pakawalan 'to.

Niyaya ko si Yul uminom dun sa isang malapit na bar. Onti pa lang yung tao kaya sabi ko sa kanya, 'di ka madadali ni kumare.

Yul - " Oh, balita. "

" Wala naman. Papagoodtime lang. "

Yul - " Baket? Problema? "

" Babae pre. "

Yul - " Ha. Para namang bago sayo yan. Sanay ka na dapat d'yan ah. "

" Iba 'to pre e. "

Yul - " Pang-ilan na yan? 'Pag sa'yo nanggagaling, parang recorded na e. "

" Pangalawa, kung sakale. "

Yul - " Sigurado ka bang nakalampas ka na kay Jane? "

" Oo naman. "

Yul - " Pre, hindi sa hinuhusgahan kita. Pero isipin mo yung 6 na taon niyong magkasama. Hindi biro yon. 5 taong mag-asawa nga,

nagkakasawaan agad e. Kayo pa kayang mag-syota pa lang? Parang ano lang yan e. Parang bakal na nakalubog sa ilog ng limang taon. "

" O, ba't naging bakal? "

Yul - " 'Sing tigas ng ulo mo. "

" Ikaw pagbabayarin ko ng bill. "

Yul - " De, pre. Malalim na kasi yung marka ni Jane sayo. Parang yung mga napapanuod natin sa teleserye. Yung tinatago pa nila yung

lihim kahit pwede namang sabihin na nila? Imbis kasi na nawawala na yung tinik, mas pinapalalim pa nila. Parang pakong

mas binabaon. Parang ngiping mas lumalalim. Pagdating ng panahon, 'pag tinanggal mo yan? Tangina. Ang sakit. "

" Nagpabunot ka lang ng bagang pre e. "

Yul - " E tarantado ka pala, masakit nga e. Ta's niyaya mo ko uminom. "

" Sensya na. "

Yul - " Tatanungin kita ng seryoso. Kung babalikan ka ni Jane, tatanggapin mo pa ba siya? Hindi naman sa hinuhusgahan kita pre,

pero ayoko rin namang makasakit ka, kung 'di ka pa nakakamove-on talaga, ganun. Sino ba namang gustong gumamit ng kutsara saka

tinidor na may dumi pa? Sino bang gustong gumamit ng toilet bowl na may lamang 'di pa naflush? Pwede naman gamitin, pero pangit

tignan diba? "

Bago ako makasagot, naalala ko yung nakaraan namin.

Highschool pa lang kami no'n nung naging kami.

Kilala siya nun sa school. Sikat, hindi nawawala sa honor, mabait saka kilalang leader ng mga organization.

Ako naman, simpleng makapasa lang. Hindi naman late pero before 10 minutes bago magklase palage.

Hindi ako kilala do'n sa school, siguro yung mga nakakarinig lang sa kanta ko. Nasa 'standard' lang ako, no more and no less.

Hindi ko naman talaga gusto si Jane dati. Ni hindi ko nga siya kilala, hanggang sa malipat ako ng section sa isang 'di inaasahang exam.

Nakakuha ako ng pinakamataas na score sa section namin dahil absent yung 5 pinakamatalino sa room na tine-train sa labas ng school.

Medyo OP ako nung una kaya talagang halos sinuka ko yung huling taon ko sa Highschool. Walang tropa, walang kilala, walang pag-asa.

Hanggang sa makilala ko si Jane.

Pinakilala siya sakin nung Professor namin sa Arts, dahil nga magaling ako kumanta 'dati'. Nagkataon din namang magaling din kumanta si Jane.

Madalas kaming nagdu-duet, nagpe-perform, tapos napadalas din yung sama ko sa kanya 'pag nag-aaral siya kaya medyo nadala ako nung kasikatan niya.

Aaminin kong medyo tumino talaga ako nung sumama ako sa kanya. Tumaas yung grades ko, kahit alam kong kaya ko naman talaga.

Still, nakatulong pa rin siya magmotivate sakin. Dumami pa yung mga pagkakataong magkasama kami hanggang sa asarin na kami ng mga kaklase 'niya'.

Nung una, wala lang talaga sa'kin kasi wala naman talaga akong pakiramdam no'n. Siyempre nga, 12 years old pa lang ako nung namuhay na 'ko mag-isa.

Kinaya ko namang mabuhay ng mag-isa, ba't kelangan ko pa ng kasama? Iniisip ko, dagdag bayarin lang yan. Gusto ko sakin lang yung sustento.

'Gang sa makilala ko si Ralph.

Tinuruan n'ya 'ko maging tarantado. Sa totoo lang, bad influence talaga siya. Nung una nga, halos masapak ko na yun sa kakakulit sakin.

Niyayaya ako lagi maglaro, magbasketball, uminom, makipagpustahan, sumugal.

Lahat ng bisyo sa mundo pati paninigarilyo, natutunan ko sa kanya. Pero 'di naman siya naging problema samin ni Jane.

Dumating din yung time noon na may kaagaw na ko kay Jane, si Omar. May itsura, oo, disente, presentable, masipag din naman, kaso medyo weirdo.

Alam mo yung mga estudyanteng nerd ta's pinipilit makisocialize sa mga 'cool' kids? Ganun. Medyo trying hard siya maging nakakatawa, pero 'di ko na lang pinapansin.

Siya rin yung taong 'di mo gugustuhing tanungin kasi laging more than 10 words yung irereply niya sa'yo. Mr. Elaborator, kung babansagan.

Nagkataon lang talaga na kapanalig siya ni Jane, at medyo mataas yung pwesto ng pamilya nila.

Boto yung pamilya ni Jane sa kanya, boto yung buong school saming dalawa.

" Jane. "

Jane - " O, Lee. 'Di ka pa umuuwe? "

" Hinihintay kaya kita. "

Jane - " May .. ano kasi e. Meeting pa kami. "

" Ganyan ka naman lagi e. "

Jane - " Diba may pinagawa satin si Sir Rey? Tapos mo na ba yung sa'yo? "

" Saka na yun. Hintayin na lang kita. "

Jane - " Di, okay lang. Una ka na. "

" Ang arte naman neto. "

Jane - " Una ka na nga. Okay lang, pramis. "

" Ge. Ingat ka. "

Wala siyang sinabi.

Yun yung panahong nag-training ako sa labas ng school. Voice lessons saka personal training para sa Quiz Bee. Kami kasi ni Jane yung panglaban.

Ako sa Math saka Science, siya sa English saka yung Journalism niya.

Halos 2 months na ko nun palagi sa labas ng school, nagte-training tapos siguro twice a month lang kami magkita.

Medyo kinabahan ako. Iba yung feeling e. Nakakakaba. Yung pakiramdam na kung 'di man maluwag yung bulsa mo, e medyo naalog na ta's malalaglag na yung cellphone mo.

E nasa backride ka pa naman. Kelangan ko makasigurado, sabi ko sa sarili ko.

Tinanong ko si Ralph.

Ralph - " Ako na nagsasabi sa'yo, unahan mo na yan. "

" Pa'no? "

Ralph - " Sa school niyo. Kilala naman kayong dalawa. "

" O tapos? "

Ralph - " Ligawan mo sa harap ng madaming tao. Boto naman senyo yung mga professor. Nilagay n'yo naman yung school mo sa trono. Suportahan ka namin. "

" Ano ba gagawin? "

Ralph - " Maghanap ka ng mga kasabwat mo. Ta's pasagutin mo siya ng 'Oo' sa harap nila. Kelangan 'di ka mabasted ah. Tatawanan talaga kita. "

" Mahina ako sa mga ganyan pre. "

Umisip si Rap no'n ng madaming kalokohan para lang makapagplano.

Hanggang sa dumating yung araw kung sa'n kelangan ko siyang pasagutin. 'Di ko rin alam kung bakit, pero 'di ko naman talaga kelangan ng dahilan.

Ayokong mawala si Jane sakin, sapat na yun.

Naaalala ko pa nung nasa gitna kami. Madaming tao. Parang event nga sa school e. Medyo hapon na nun. Naguwian na rin yung iba.

" Jane. "

Jane - " A-a-ano .. 'to. "

" Jane, alam ko namang matalino ka. Alam ko namang alam mo. "

Jane - " Seryoso? "

" Kelan ba hinde? "

Jane - " E puro ka biro e. "

" Ikaw lang yung birong hindi nakakatawa. "

Jane - " E ano? "

" Nakakakilig. "

Naaalala ko pa yung ngiti n'ya no'n. Parang inaasahan niya talaga na hinde. Either way, napangiti ko siya.

Nung araw na ding yun naging kami bilang 'magsyota'.

Ang sinabi niya lang sakin, buti nagsalita agad ako kasi daw nandun na siya sa dulo ng pag-asa.

Matagal na pala niyang iniisip na umiwas sakin. Natatakot daw siya. Baka 'di na daw siya tanggapin ng pamilya niya.

Sabi ko lang, sasamahan ko naman siya kahit sa'n. Basta andito lang ako.

Yul - " Pre? "

" Ay .. oh. "

Parang hinila ako ng boses ni Yul pabalik sa katotohanan. Sa pangkasalukuyan.

'Di ko alam kung bakit pero para parin akong minumulto ni Jane sa isip.

Yul - " Lasing ka na ata pre. "

" Di pa. Medyo .. naisip ko lang ulit si .. "

Yul - " O, kitamo. Pa'no ka magmamahal ulit niyan, e ayaw mo pang umalis sa pintuan niya. "

" Ewan ko rin, pre. Minsan 'di ko na rin maintindihan yung sarili ko e. "

Hanggang sa umuwi na lang kami.

Gusto kong ayusin yung sarili ko. Gusto ko nang umalis dun sa kadena. Sa preso. Dun sa bilibid kung sa'n ako nahinto.

Naiimagine ko yung sarili ko dun. Nilipasan na ng panahon, parang ermitanyong walang magawa kundi magmukmok dahil iniwan na ng parola.

Gusto kong kausapin si Jane, sa huling pagkakataon. Para man lang mawala na lahat ng nararamdaman ko.

Para matanggal lahat ng bara. Lahat ng sama ng loob. Lahat ng pag-asang natitira sa puso ko. Ikakasal na siya, Lee. Yun yung pinipilit kong isipin.

Tinawagan ko si Jane pagkauwi ko.

4 na ring. Lima. Sinagot niya.

Jane - " Lee. "

" .. hello. "

Jane - " Akala ko ba — "

" Pwede ba tayong mag-usap? "

Jane - " .. para sa'n pa. "

" Please. I really need to talk to you. "

Jane - " .. sige. "

Later that day, nagkita kami dun sa cafeteria malapit sa school. Dun sa dati naming school kung sa'n naging kami.

Talagang tinutulungan ko lang yung sarili kong mahulog sa panaginip, mahulog sa kalokohang 'di naman dapat.

Around 9 pm na nung nakita ko siyang pumasok.

" 'Musta. "

Jane - " .. "

" Sorry. Awkward. "

Jane - " I told you. We don't really need to talk. "

" No. I know, you don't need to. But 'I' need to. I need this. "

Jane - " .. "

" Jane, I need you. "

Jane - " You know what's my decision naman diba? "

" I .. know. "

Jane - " I .. "

*tatakpan yung mukha ng kamay tapos magsasalita ulet*

Jane - " You're just making it harder for us. "

" I hope I really can make it harder for us to let go. But no, you wouldn't stand. "

Jane - " Lee, please. Just .. "

" Jane. All this time, I stood up for you. I never really cared into anything but you. But for just one stupid tradition? "

Jane - " Fine, Lee. I'll tell you something. My dad owes their family a lot. This guy? The one I choose? He's really annoying.

Sinasaktan niya 'ko. At ayoko talaga sa kanya. Pero intindihin mo din ako, Lee. 'Di mo naman alam yung pakiramdam na may pamilya.

Ayoko sanang pagkumparahin yung sarili natin, pero magkaiba tayo. Yun yung totoo. Minahal kita kahit magkaiba tayo, pero hindi tayo

pwedeng magsama. Tanggapin mo na, Lee. Hanggang DITO na lang tayo, sa lugar kung sa'n naging tayo. Hindi na tayo aabot sa altar. "

Inangat ko yung kamay ko sa mukha ko papunta sa buhok, yung motion kapag nadedepress ka. Yung naubusan ka ng pasensya.

" Akala ko matapang ka, Jane. Ilang beses kong sinubukan kalagin yung kadena mo, at hindi ko sinukuan yung 'tayo'. Sana man lang

sinubukan mo ding kumalag dun sa pagkakakapit sa'yo. Pero hindi. Kumakapit ka din pala. I really don't want to end this, but I've got no choice.

I don't want to hang around like a fool, begging for you to hold on. I .. just know you wouldn't nga pala. Sinubukan ko lahat Jane, para lang

hindi tayo mawala. I've tried to do things I never thought I would. In the end, i'm just hopeless. You have something to believe in, well

I have something to believe in to. Believe to the fact that you're gone, with the wind, clinging to that sh*t safe zone like a child.

Jane, I need you. I need you to let me go. I can't think of any better way. One way or another, we'll just haunt each other. Goodbye. "

Iniwan ko siya dun sa cafeteria, kasama nung mga alaala namin nung kami pa. Wala talaga sigurong mas madaling paraan para makalimot

maliban sa mamuhi ka sa kanya. Hindi ko naman gustong masaktan ko siya, pero ayoko rin namang masaktan din ako. Ayokong mag-asawa siya na

naghahabol pa ko sa kanya. Mabuti na yung klaro kesa malabo kahit masakit sa mata.

Tumawag si Yul sa cellphone ko.

Yul - " Ano pre. Anyare. "

" .. medyo napasama. "

Yul - " Mas mabuti na yan kesa yung umaasa kayo. "

" .. kelangan ba talaga? "

Yul - " Oo naman. "

" .. sakit pre. Parang tattoo na tinanggal sa katawan e. "

Yul - " Pero masarap sa pakiramdam diba. Para kang nag-ahit ng maduming balbas. "

" .. nagpapatawa ka ba. "

Yul - " Gago 'to, seryoso ako. "

" .. sabi mo e. "

Yul - " Ano nang plano mo? "

" Magpalipas muna ng panahon. "

Yul - " Diba may bago ka nang babae? "

" Ewan. Gusto ko muna mag-isa. "

Yul - " Kung gusto mo munang mag-isa, bakit mo sinabi sa kaniya na babalik ka do'n ngayon? "

" Kay Riza? Di naman maniniwala 'yon. "

Yul - " Pre sa totoo lang, 'di naman masamang magmahal ka ulit. Alam ko namang kaya ka lang 'di makaalis kay Jane, kasi natatakot kang sumabit.

'Wag mong pigilan yung sarili mo, pero sabihin mo muna sa kanya. Teka, 'lam na ba niya? "

" Oo. Sinabi ko sa kanya. "

Yul - " Yun naman pala. Maiintindihan ka no'n. Kung 'di man, iintindihin ka niya. Isipin mo, pa'no kung naghihintay siya dun sa pangako mong babalik ka.

Binigyan mo na ng pagkakataon si Riza, baka pwede ka namang magbigay ulit ng pagkakataon.

Hindi kay Riza, pero sa sarili mo. Yun e kung talagang masaya ka sa kanya. "

" Masaya naman ako sa kanya nung una pa lang. Natatakot lang ako na baka maulit. "

Hindi na sumagot si Yul. Bastos talaga kausap sa telepono yun. Dapat iisipin mo na yung mga sinasabi mo e last words, kasi bigla niyang binababa.

Napaisip ako no'n. Anong ginagawa ko dito? Ba't 'di ko pa balikan si Riza? Ta's maging masaya? Makalimot na dun sa kung ano man yung nakaraan na.

10 PM na. 2 oras na lang, invalid na yung pangako ko.
 

Naalala ko yung sinabi niya sakin, yung dahilan kaya galit siya sakin.

" May itatanong ako sa'yo. "

Riza - " Kanina ka pa nagtatanong e. "

" Yung karton lang bang nahulog sa'yo yung dahilan ba't galit na galit ka saken? "

Riza - " Ang totoo niyan, hinde. "

" O, e ano yung dahilan? "

Riza - " Kilala na kita, dati pa. Highschool. Tanda mo pa? "

" O .. o. "

Riza - " Kung tama ako, si Jane yung babae dati diba. Yung inakyat mo ta's hinarana sa gitna? "

" Anung section ka ba dati? "

Riza - " Di naman ako officially enrolled, pero bumibisita lang ako sa school no'n once a week kasi andun yung tutor ko. "

" Ahhhh. "

Riza - " Nakilala lang naman kita kasi ikaw daw yung tinuturuan nung tutor ko. Ta's pinarinig niya sakin yung mga kanta mo. Yung pag-piano mo.

Pinakita niya rin sakin yung mga results ng exams mo. Proud na proud nga siya sa'yo e. Nabwisit ako sa'yo dahil do'n. "

" O, inaano ba kita dati. Di nga kita kilala e. "

Riza - " Dapat kasi, isasama na ko nila tita sa North America dati 'pag naperfect ko yung last exam ko. E .. nabwiset ako sa papel mo e. "

" Napressure ka? "

Riza - " As in. Alam mo bang ilang araw akong nagreview para lang dun sa reward, tapos .. "

" Ilan yung mali mo? "

Riza - " Isa. "

" Sayang! Ba't minali mo pa? Ano ba yung tanong? "

Riza - " Kanta yun e. Parang kung sino yung singer nung classic na kanta. "

" O, ba't nagkamali ka. "

Riza - " E pag iniisip ko yung kantang yun .. ikaw yung naaalala ko e. Kinanta mo yun, diba. "

" Pa'no mo naman ako nakilalang ako talaga 'to. "

Riza - " All this time, I held this grudge in you. "

" Ang sama mo naman. Sorry na. "

Riza - " Way, way too late. It's useless naman na. No need to apologize. Pero bwiset ka talaga nung araw na 'yon. "

" Why'd you want to go to NA by the way? Ayaw mo ba dito? "

Riza - " I thought I would pursue my skills there e. I'm a violinist by the way. "

" Wow. Astig. "

Riza - " But then, you ruined my opportunity. "

" Alam mo ba, as much as I love singing, I do enjoy listening to violins better. Dun kasi, walang lyrics. Parang painting, walang caption.

Di katulad ng kanta na may tono saka lyrics, do'n pigil yung emosyon e. Parang may gusto kang sabihin pero 'di mo masabi. "

15 minutes bago mag 11, sabi ng relo na parang inoorasan ako.

Oo nga pala, may kelangan pa kong puntahan.

Naalala ko yung tunog ng violin. Kelangan kong puntahan si Riza. Para masabi ko yung 'di ko masabi. Yung pinipigil kong damdamin.

Tumayo ako sa higaan ta's kinuha ko na yung helmet ng motor nung biglang may kumatok.

Si Ralph 'to, sabi ko sa sarili ko. Medyo matagal din kaming 'di nagkita. Manghihingi siguro ng pera.

Nilabas ko na yung wallet ko kung sakale tapos binuksan ko yung pinto.

Maui - " Hey. "

" H-h-ey. Ba't naparito ka? "

Maui - " 'Di mo ba 'ko namiss? "

" Ha? Hindi naman. "

Maui - " Oh. E ba't hawak mo yung helmet? Sa'n ka pupunta? "

" Somewhere. Why? "

Maui - " I'm bored. I just .. "

Pumasok siya sa bahay, tapos nilapitan niya 'ko. Hinawakan niya yung kwelyo ko ta's tinanggal yung 2 pinakataas na butones ng polo shirt ko.

Maui - " Mike's away, so I get bored. "

" No, Maui. I need to go. "

Maui - " Is it very important ba? Don't worry, we'll take this .. just for a little moment. "

" I really should keep going na. Sorry Ma—"

Bigla niya kong hinalikan ta's tinadyakan niya yung pinto pasara. Tinulak niya ko sa sofa no'n, ta's napahiga na lang kaming dalawa.

Naisip ko bigla si Riza.

Mali 'tong ginagawa ko. Hindi ko dapat 'to ginagawa.

Sinubukan kong ilayo si Maui sakin, pero halos daganan niya na 'ko no'n.

" This is wrong, Maui. We shouldn't be doing this. "

Maui - " C'mon now, Lee. There's no emotions involved naman, diba? We're fine as good. "

Ta's hinalikan niya na naman ako.

Tinignan ko yung orasan. 11 PM na.

" It's enough na. I need to .. go. "

Maui - " Is it Riza ba? "

" .. yeah. "

Maui - " Then I'd better tell her na lang about what we're doing on the party, and tonight. "

" You can't do tha— "

Maui - " I WILL. And I won't hesitate. It's your loss, not mine. Don't dare me, Lee. Just .. enjoy. Let's have some fun lang. "

" Why're you doing this? To me? "

Maui - " I told you once. I like you. And I SHOULD have you. You're mine now. "

Ta's hinalikan niya ulit ako sa labi. Niyakap niya 'ko ng mahigpit. Kinuha niya yung 2 kamay ko tapos nilagay niya sa likod niya.

Umupo siya sa puson ko saka niya tinanggal yung jacket niya.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong tignan. Wala akong magawa. Ang iniisip ko na lang nung panahong yun, ililihim ko na lang kay Riza.

Nilapit niya ulit yung mukha niya hanggang sa maramdaman ko na yung hinga niya sa kaliwang pisngi ko. Nakaharap ako no'n sa pinto.

Ramdam ko na yung init ng katawan niya pero nanlamig yung mundo ko. Hindi ganito yung mundong gusto ko.

Minsan, hindi mo rin talaga mapagpapalit yung tawag ng laman sa sinisigaw ng puso mo. Iba pa rin talaga.

Lalaki naman ako, nanunuod din ako ng mga rated X, tumitingin din naman ako sa FHM at nagpapantasya din naman ako sa mga babae.

Pero dadating yung time na 'di mo kayang gamitin yung imahinasyon dun sa babae, lalo na kung mahal mo.

Mahirap. Para kang naputulan ng paa. Para kang nawalan ng lakas. Kahit anong gawin mo, 'di mo maisip kung pa'no.

Para kang writer na nauubusan ng idea, ng emosyon, ng mga pwedeng masulat o kaya mailagay. Di ka makapag-isip ng matino.

Di mo siya kayang hubaran sa isip mo. Di mo siya kayang bastusin. Kahit saktan. Kahit isip pa lang, 'di mo na magawa.

Ganun talaga siguro, dapat may respeto. Kahit pa liberated ka o napaka-imaginative, dapat ginagalang mo yung pagkatao niya.

At hindi yun ginawa sakin ni Maui.

Siguro nga mali yung pagtitiwala ko sa kanya ng sobra. Siguro nasobrahan lang ako dun sa iniisip ko.

Sabi nga saken, 'di daw dapat matukso yung lalake sa babaeng maigsi yung short saka damit.

Kung ganun daw kasi, natutukso din yung kamay niyang sapakin yung mukha ng lalakeng ganun.

Iniwas ko yung pag-iisip ko ng masama kay Maui, pero sinayang niya yung benefit of doubt.

Maui - " Lee. It's your turn na. C'mon now. Take it off. "

" Let's .. stop this na. I can't take this anymore. "

Maui - " Stop the what? You're acting weird, dude. "

Bigla siyang bubulong sa tenga ko ng kung ano mang pwedeng tumerno dun sa 'Talk Dirty' na kanta.

Maui - " Okay. If you don't want, I'll take charge. "

Ta's nilagay niya yung kamay niya sa balikat ko hanggang sa subukan niya ulit akong halikan.

Umiwas ako.

Maui - " Lee! Stop wasting my time! "

Bigla niyang hinawakan yung ulo ko (sa taas) ta's nakipag-make out ulit siya nung biglang may kumatok.

Tatayo sana ako, magsasalita para sumagot nung pigilan niya 'ko ta's tinuloy niya lang yung ginagawa niya.

2 beses pa ulit yung katok bago kusang bumukas yung pintuan.

Napatingin kaming dalawa sa labas.

" Riza! Riza! You're taking it wrong! "

Riza - " SHUT UP, Lee. You don't need to talk. I KNOW I should not have trusted you. Ugh, foolish me. "

" Riza! Let me explain, please. "

Hinabol ko siya no'n, walang suot na damit. Naka-jeans, naka paa, ta's tumakbo siya palayo.

Wala akong magawa. Alam kong kasalanan ko talaga. Di ko na rin alam yung gagawin ko. Gusto ko na lang mawala na parang bula.

" Riza. Come back, please. Let me .. *habol hininga* speak .. *habol hininga* please. "

Nasa harapan niya na 'ko no'n. Naabutan ko siya. Tumigil siya sa paglalakad tapos nakita kong medyo paluha na yung mata niya.

Riza - " Ang baboy niyong dalawa. Don't you see yourself with that woman? I knew it all along. She was just using kuya. Then you?

Of all people, the very first person I trusted from a long time? Lee, you disappointed me. I mean it. You DISAPPOINTED me. "

" I know what I'll tell you won't make it better. But please, hear me first. I didn't want to hurt you, but she forced me to. She told me

that .. that she will tell you awful things about me. Or anything na ikakasira ko sa'yo. And I was so scared. Riza, you're very impor— "

Riza - " The way I see it? Lee? You're just making up those damn reasons. So what if she tells me something? D'you think i'll believe in her?

I thought I made it clear to you. That you're the only one I ever trusted. Well, unlucky me, I was fooled. You know what? Do what you

want with her. Anyway, I'll tell kuya to break up with her and leave you two disgusting, immoral people together. You got now what you want. "

Sinubukan kong pigilan siya nung dumaan siya sa gilid ko, pero tinulak niya lang ako.

Riza - " DON'T. Ever touch me. Nor call my name. You don't even deserve to get into a conversation with me. Go away. "

Wala na kong nagawa.

Gusto ko na lang ulit bumalik dun sa dating buhay. Mas gugustuhin ko pa ata yung mapagalitan ni Nuno saka mapagbuhatan ng kamay

kesa yung gan'to. Ang sakit, sobrang bigat sa pakiramdam. Para kang tinusok ng cue stick sa bibig ta's lumapas sa pusod.

Para kang nanganak ng 10 wheeler truck. At 'di lang isa, quadruplets pa. Walang simile o metaphor yung papantay o magdedescribe sa sakit na nararamdaman ko.

Sinubukan kong tawagan si Ralph.

'Di pa rin daw siya nauwi sa kanila, sabi ng nanay niya. Pinahanap na daw siya sa mga pulis, 2 araw na.

3 araw akong nagkulong sa bahay. Walang ginagawa kundi uminom, maglasing, matulog, magreklamo sa lahat ng bagay.

Minsan nga, ayoko na rin mabuhay. Ayoko na lang din gumawa ng mabuti. Kung may mabuti man akong nagawa.

Ayoko na lang din tumulong sa kapwa. Wala e. Ganun din naman. Andaming halang na bituka sa gobyerno, ba't ako yung naghihirap.

Sasabihin na naman nila, 'Di ka naman bibigyan ng problema ng Diyos na hindi mo kayang lampasan'.

Fvck you. Kung mahal talaga ako no'n, 'di niya 'ko bibigyan ng problema. Ikaw ba gusto mo bigyan ng HIV/AIDS yung asawa mo?

Hindi diba? Yung problema talaga, galing yan sa baba. Sa kalaban. Sa mainit na lugar. Yung dahilan ba't nilayuan ako ni Riza.

Ilang araw akong 'di pumasok, 'gang sa hanapin na kami nung boss namin. Ayoko sumagot.

" Yul. "

Yul - " Oh. "

" Patayin mo na lang ako. Pwede ba yon? "

Yul - " Pwede naman. Akin na lang bank account mo? "

" Sige, ta's magpakalayu-layo kayo ni Miriam. "

Yul - " Tado. Ano na ba nangyare sayo? "

" Sakit pre e. "

Yul - " O? Tinira ka ng bakla? "

" Iniwan ako ni Riza. "

Yul - " Bakit naman? "

" Nakita niya kami ni .. Maui. "

Yul - " Yung ka-eyeball n'yo dati? Nakitang? Nagmimilagro? "

" Oo. "

Yul - " Tsk tsk. Gago ka kasi. "

" Alam ko. "

Yul - " Ba't mo naman kasi pinatulan? "

" Pre, tinakot ako e. Sasabihin niya daw kay Riza. "

Yul - " Mahirap nga kalaban yan. Bukod kasi sa desperada, parang wala namang mawawala sa kanya. "

Di ako umimik.

Yul - " Anong sabi ni Riza nung nakita kayo? "

" Edi nadismaya. Ano pa ba. "

Yul - " Bigyan mo muna ng panahon saka oras. Lilipas din yan. "

" Di ba pwedeng suyuin ko na lang? Mag-sorry ako, mag-effort, handa naman akong gawin kahit ano. "

Yul - " Alam ko naman pre na mabuti kang tao. At mabuti din nama yang intensyon mo, pero sa ngayon, walang halaga lahat ng gagawin mo sa kanya.

Tandaan mo rin sana na hindi naman parang plus minus yung pag-ibig. Di porke gumawa ka ng mabuti, mababawasan yung kasalanan mo.

Vice versa. Recorded yan lahat, puro dagdag walang bawas. Nasayo lang yan kung ano yung dadagdagan mo. "

" Wala na ba 'kong pag-asa? "

Yul - " Yun ang 'di ko masasagot. "

" Pero laging pwede ko namang dagdagan yung mabuti kong nagawa sa kanya diba? "

Yul - " Oo naman. Diba nga, sabi ni Ralph, real numbers lang naman talaga yung counted. Wala namang negative na bilang sa totoong buhay.

Kaya 'wag kang matakot sumubok ulit. Walang bakang matigas ang 'di lalambot sa mainit na mainit na kumukulong tubig. "

" Pa'no kung huli na yung lahat? "

Biglang tumunog yung dial tone.

Sana naman hindi pa huli yung lahat, sabi ko sa sarili ko.

Pinalipas ko muna yung ilang araw. Nagquit na ko sa trabaho ko. Marami naman na 'kong pera sa bangko, gusto ko munang magbakasyon.

3 araw na 'ko no'n dun sa tinutuluyan kong hotel. 3 days, 3 nights sa club at mall magdamag, alak babae sugal tulog.

3 PM.

Ika-apat na araw ko na no'n nung sinubukan kong tawagan si Riza.

" Hello? "

Umabot ng 4 na tawag, 30+ na beep bago niya sinagot yung cellphone.

Riza - " WHAT? "

" I .. need to talk to you. "

Riza - " I told you. You don't need to explain yourself. "

" I feel like— "

Riza - " No, you don't have to. Let's just forget each other, okay? "

" Riza. Just give me one last chance. Dun sa dating gasolinahan na pinag-stop-over natin. 8 PM. Hihintayin kita. Kahit 'di ka pumunta,

okay lang. Maghihintay ako, Riza. Please, just this one last chance. "

Pinatay niya na yung phone.

Pagkababa ko no'n, may nakita ako sa malayo: si Ralph.

Suot niya pa rin yung suot niya nung nasa party kami ni Mike.

Magulo yung buhok niya, parang 'di naligo. Gusgusin. Kung 'di lang talaga dahil sa damit na medyo disente pa kahit pa'no, aakalain mo talagang pulube 'to.

Ralph - " .. L-l-l-ee. "

" Rap? "

Ralph - " T-t-tulu-tulu-ngan mo a-a-ako. "

Bigla siyang nawalan ng malay.

Dinala ko siya dun sa kwarto ko sa hotel. Nung magising siya, pinaligo ko siya, pinakain, ta's pinagpalit ng damit.

" Anyare ba sayo? "

Ralph - " Tanda mo pa nung naki-party tayo? "

" Oo naman. "

Ralph - " Yung 10 babaeng yon, nilagyan yung katawan ko ng 10 piraso ng drugs. Capsule. Ewan ko. At hinahunting nila ako. "

" What the. "

Ralph - " Lee. Natatakot ako. Papatayin nila ako 'pag 'di nila nakuha yun. Pag nakita daw nila ako, ooperahan nila ako. "

" Shit. Dito ka muna. Hahanap ako ng pwede nating paglipatan. "

Lumabas ako, lumibot sa paligid, naghanap hanap ako ng pwedeng rentahan ni Ralph. Madaming bakante, pero 'di ligtas.

Nakapagpalit na ko ng tangke ng motor kakaikot dun sa lugar malapit sa hotel pero wala talaga akong makita.

7 PM na pala.

Bumalik ako sa hotel.

Sinalubong ako ni Ralph dun sa pinto.

Ralph - " Ini-isa-isa nila yung buong floor. Lee, kelangan ko nang umalis dito! "

" Teka, teka. Andun yung wallet ko! "

Ralph - " Hihintayin kita dito sa labas. Dalian mo. Natatakot talaga ako, Lee. "

" Hintayin mo ko dito. Magtago ka. "

Ralph - " Sige sige. Tiwala ako sayo. "

Umakyat ako dun sa 4th floor tapos kinuha ko yung wallet ko saka yung susi ng motor dun sa drawer ta's umalis agad ako.

Nakasalubong ko yung grupo ng mga parang Yakuza, at alam kong sila yung naghahanap kay Ralph.

Isa sa kanila yung nagsalita.

??? - " Nakita ko yan dun sa party. Tropa yan nung tableta. "

Tumakbo agad ako, ta's hinabol nila ako. Bandang gate na no'n nung ihahagis ko sana yung susi kay Ralph.

Nakita ko siya, nakataas yung dalawang kamay. May nakatutok na baril sa ulo niya. 3 tao yung nasa likod niya, isa yung nakahawak sa kanya.

Ralph - " Lee .. Lee .. "

Kitang kita ko yung takot sa mukha niya.

Sinubukan kong makipagnegosasyon.

" Ano bang gusto niyo? Bibilhin ko kung ano man yung nasa loob niya. Magkano ba? "

Nagsalita yung may hawak ng baril.

??? - " Brad, hindi lahat nabibili ng pera. Oras, dugo at pagod ang ginamit namin para lang mapuslit yan dito. "

Ralph - " Lee .. "

Tumingin ako sa relo ko.

8 PM.

Di ko na alam yung gagawin ko. 'Di ko rin naman sigurado kung pupunta si Riza, pero pa'no kung maulit yung 'di ko pagtitiwala sa kanya?


- The End



Kung pinagtiyagaan mong basahin 'to, salamat kahit nakakabwiset yung ending, no. Para kang pinaasa. Salamat ulet. :)
 
Nobela haba? salamat T.S. nag enjoy ako sa binasa kong nobela mo?.
 
Back
Top Bottom