Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Creation or Evolution: Why Evolution Is True—Resource

Status
Not open for further replies.

Stormer0628

Symbianize Angel
Advanced Member
Messages
2,145
Reaction score
5
Points
28
Why Evolution Is True
A Resource for Those Who Want to Examine Evolution Closely


View attachment 289297

=========================================================================​


EDITORIAL REVIEW: Why evolution is more than just a theory: it is a fact


In all the current highly publicized debates about creationism and its descendant "intelligent design," there is an element of the controversy that is rarely mentioned—the evidence, the empirical truth of evolution by natural selection. Even Richard Dawkins and Stephen Jay Gould, while extolling the beauty of evolution and examining case studies, have not focused on the evidence itself. Yet the proof is vast, varied, and magnificent, drawn from many different fields of science. Scientists are observing species splitting into two and are finding more and more fossils capturing change in the past-dinosaurs that have sprouted feathers, fish that have grown limbs. Why Evolution Is True weaves together the many threads of modern work in genetics, paleontology, geology, molecular biology, and anatomy that demonstrate the "indelible stamp" of the processes first proposed by Darwin. In crisp, lucid prose accessible to a wide audience, Why Evolution Is True dispels common misunderstandings and fears about evolution and clearly confirms that this amazing process of change has been firmly established as a scientific truth.
 

Attachments

  • cover.jpg
    cover.jpg
    15.4 KB · Views: 11
  • Why Evolution Is True - Jerry A. Coyne.rar
    1.2 MB · Views: 370
Babasahin ko later yung nasa attachment.

By the way, ang daming katanungan regarding sa article na yan. Alam natin na evolution is the best answer for now sa science.

Eto yung katanungan ko:

Di ba paraves is flying dinosaur under reptile? Ang bird ay under ng aves.
Paano nag-evolve ang flying reptile into aves?
Or paano nag-evolve ang mga reptiles into amphibian, mammals etc?

Sa human evolution naman, kung nag-evolve tayo mula sa primates supposedly naadopt na natin ang environment. Bakit tayo nagkakasakit?
 
Last edited:
mabasa nga :) mukhang interesting :) salamat po sa pag share nito
 
That is why we really need a good, easily accessible primer about evolution. Sabi nga ng author, kahit sa field ng biology andaming biologists na mali ang idea about it kung hindi man outdated na ang nalalaman. This field is among the busiest in the sciences today, considering the large amounts of data coming from such places as China, South America, and now even North America. Kahit na Christian ka, it helps to know what evolution really is rather than entertain wrong ideas about it.

May compilation ako ng online resources about evolution. Some of them are really good, coming from uber reputable institutions too. Free education: what more can one ask, haha. Eto sila:

Berkeley: Evolution 101
Evolution 101: Introduction to Evolution and Evolutionary Biology
The Complete Human Evolution Evidence Database
Understanding Evolution: 17 Misconceptions and Their Responses
Correcting the Myths About Evolution
Ten Consequences of Human Evolution
12 ELEGANT EXAMPLES OF EVOLUTION
Defending science from religion – creationism vs. evolution

I'll see if I can add more to this list, though the first three alone seem to cover the field comprehensively.

Kahit yata sa book parang may part na inaddress yung specific question mo. I'm just starting to read it actually. :)


- - - Updated - - -

mabasa nga :) mukhang interesting :) salamat po sa pag share nito

Welcome.

There's also a list of online resources for some quick reference right before this post. Just help yourself to it.
 
Yeah, maganda talagang idiscuss sa mga bata ang Evolution. Ang maganda sa evolution ay may process na pinagdadaanan.

For example:
Ang DNA natin ay similar sa DNA ng mga primates. Kaya malakas ang theory ni Charles Darwin na nag-evolve tayo from primates.
 
Last edited:
Yeah, maganda talagang idiscuss sa mga bata ang Evolution. Ang maganda sa evolution ay may process na pinagdadaanan.

For example:
Ang DNA natin ay similar sa DNA ng mga primates. Kaya malakas ang theory ni Charles Darwin na nag-evolve tayo from primates.

Well, since you mentioned it, I might as well open a closely related topic, one that I was really looking forward to post in another thread to add to a series of posts that I believed modern humans should really be not ignorant about, all of which involve topics critical to the nature of their existence and their proper place in it.

The Topic: Modern Humans All Came from AFRICA—No Exception
The topic I'm talking about involves one just recently concluded study—the most extensive (and explosive) of its kind in recent times—that confirms modern humans evolved in Africa roughly 200,000 years ago. It involved three separate teams of geneticists survey DNA collected from cultures around the globe, many for the first time, and conclude that all non-Africans today trace their ancestry to a single population emerging from Africa between 50,000 and 80,000 years ago.

“I think all three studies are basically saying the same thing,” said Joshua M. Akey of the University of Washington, who wrote a commentary accompanying the new work. “We know there were multiple dispersals out of Africa, but we can trace our ancestry back to a single one.”

The relevant materials could be found here:


And on a more personal level, here's another direct offshoot of those recent studies, one that I'm sure would warm the heart of a certain Asi tao nga ba, este, Taulava :lol: . Perhaps this study fully explains his close affinity to the islands (aside from the maternal connection, of course):

First Inhabitants of Vanuatu Came from the Philippines and Taiwan

Ah, let's clarify, since Asi is from Tonga:

ANU study reveals origins of Vanuatu and Tonga's first people after centuries of debates
 

Attachments

  • Theobald_2010_Nature_all.pdf
    859 KB · Views: 22
Last edited:
sana nagkaroon din ng pakpak ang tao ano, para makalipad din tayo tulad ng nangyari sa evolution
 
magsama kayo ng tatay mong si Charles Darwin hahaha
 
Gusto ko lang pong ishare itong nabasa ko sa isang website mga kaibigan :)

"Ano ang mga depekto ng teorya ng ebolusyon?"

Ang mga Kristiyano, maging ang mga hindi Kristiyano ay laging nagtatanong kung tama ang teorya ng ebolusyon. Ang mga nagpapahayag ng pagdududa tungkol sa teorya ng ebolusyon ay laging tinatawag na ‘hindi siyentipiko’ o ‘makaluma’ ng mga nasa kampo ng ebolusyon. May mga pagkakataon na ang popular na pananaw sa ebolusyon ay tila napatunayan na nila ng walang pagdududa ang kanilang paniniwala at walang makikitang butas ang siyensya upang pabulaanan ito. Sa katotohanan, may ilang siyentipikong depekto sa teorya ng ebolusyon na nagbibibigay ng dahilan upang pagdudahan ito. Ipagpalagay na ang mga katanungang ito ay hindi makakapagpabulaan sa ebolusyon, ipinakikita naman nila na ang teorya ay ganap na mapapasubalian.

Maraming kaparaanan kung paanong ang teorya ng ebolusyon ay mapapabulaanan gamit ang siyenya, ngunit ang mga kritisismong ito ay tiyak: May hindi mabilang na halimbawa ng katangian ng genes, sistema ng ekolohiya, katangian ng mga enzymes at iba pang katotohanan na napakahirap na gawing pangsuporta sa teorya ng ebolusyon. Ang mga detalyadong paglalarawan ng mga ito ay sobrang teknikal at lampas sa nasasakop ng ganito kaiksing pagbubuod. Sa pangkalahatan, tiyakang masasabi na hindi pa nakapagbigay ang Siyensya ng kapanipaniwala at hindi mapapasubaliang mga sagot kung paanong ang ebolusyon ay nagaganap sa antas ng molekula, lahi, o kahit sa ekolohiya.

Ang mga depekto ng teorya ng ebolusyon ay maaaring hatiin sa tatlo. Una, ang pagkakasalungatan sa pagitan ng ‘punctuated equilibrium’ at ‘gradualism.’ Ikalawa, ang problema sa pagpapaliwanag ng ‘microevolution’ patungo sa ‘macroevolution.’ Ikatlo, ang kaparaanan kung paanong ang teoryang ito ay naaabuso sa paggamit nito para sa pangangatwirang pilosopikal.

Una, may pagkakasalungatan sa pagitan ng ‘punctuated equilibrium’ at ‘gradualism.’ May dalawang pangunahing posibilidad kung paanong ang ebolusyon ay maaaring maganap. Ang depektong ito sa teorya ng ebolusyon ay hindi matatanggihan dahil ang dalawang ideya ay sinasabing may kaugnayan sa isa’t isa ngunit may mga ebidensya na nagpapakita na hindi sila sumusuports sa bawa’t isa. Ipinahihiwatig ng ‘gradualism’ na nakaranas ng isang kalagayan ng mutasyon sa parehong antas ang mga organismo na nagresulta sa isang ‘maayos’ na transisyon mula sa sinaunang anyo hanggang sa mga bagong anyo. Ito ay orihinal na pagpapalagay na ginagamit sa teorya ng ebolusyon. Sa kabilang banda, ipinahihiwatig ng ‘punctuated equilibrium’ na ang mutasyon ay naimpluwensyahan ng kakaiba at hindi sinasadyang pagkakataon. Kaya nga, ang mga organismo ay makararanas ng mahabang panahon ng mabagal na ebolusyon na ginagambala ng maiiksing bugso ng mabilis na ebolusyon.

Masasabing kinokontra ng rekord ng mga fossils ang ‘gradualism.’ Sinasabi nito na biglang lumabas ang mga organismo at nagpakita ng mabagal na pagbabago sa mahabang panahon. Ang mga pagaaral sa rekord ng mga fossil ay napalawak na sa nakalipas na mahigit na isang siglo, at habang natatagpuan ang mga fossils, mas lalong napapabulaanan ang teorya ng ‘gradualism.’ Ang hindi mapagkakatiwalaang reputasyon ng ‘gradualism’ sa rekord ng mga fossil ang naging dahilan ng teorya na tinatawag na ‘punctuated equilibrium.’

Ang rekord ng fossil ang maaaring sabihing sumusuporta sa ‘punctuated equilibrium,’ ngunit muli, may malaking problema. Ang pangunahing pagpapalagay tungkol sa ‘punctuated equilibrium’ ay nagaganap ito sa napakakaunting species, na mula sa parehong malaking populasyon. Makakaranas ang mga ito ng ilang mutasyon na makabubuti sa kanilang lahat sa lahat ng pagkakataon. Madaling makikita kung gaano ito kaimposible. Pagkatapos, ang ilang mga miyembro ay kumpletong hihiwalay mula sa pangunahing populasyon upang ang kanilang bagong genes ay maipasa sa susunod na henerasyon (isa pang hindi kapanipaniwalang pangyayari). Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga may buhay, ang ‘kahangahangang aksidenteng ito’ ay kailangang mangyari sa lahat ng panahon.

Ang mga nagaaral sa siyensiya ay nagdududa din sa mga benepisyo na maaaring ibigay ng ‘punctuated equilibrium.’ Ang paghiwalay ng ilang miyembro mula sa isang mas malaking populasyon ay magreresulta sa pagpaparami sa isang maliit na grupo lamang . Ang resultang ito ay magpapababa ng abilidad sa pagpaparami, pagkakaroon ng abnormalidad sa genes at iba pa. Sa esensya, sa halip na sumuporta ang pangyayari sa tinatawag na ‘survival of the fittest,” ito ay pipinsala sa mga organismo.

Sa kabila ng pagaangkin ng iba, ang ‘punctuated equilibrium’ ay hindi isang mas maaayos na bersyon ng ‘gradualism.’ May magkakaiba silang pagpapalagay tungkol sa mekanismo sa likod ng ebolusyon at sa paraan kung paano kumikilos ang mga mekanismong iyon. Wala sa dalawang paliwanag ang kasiya-siya kung paanong ang buhay ay naging napakalawak at balanse. Ang totoo, walang kapanipaniwalang opsyon ang magagamit sa pagpapaliwanag sa teorya ng ebolusyon bukod sa dalawang ito.

Ang ikalawang depekto ay ang problema ng nagpapatuloy na ‘microevolution’ patungo sa ‘macroevolution.’ Ipinakikita ng mga pagaaral sa laboratoryo na ang organismo ay may kakayahang bumagay sa kapaligiran nito. Kaya nga ang mga bagay na may buhay ay may kakayahan na baguhin ang sariling nilang ‘biology’ upang iangkop ang sarili sa bagong kapaligiran. Gayunman, ang mga parehong pagaaral ay nagpapakita na ang mga pagbabagong iyon ay may hangganan at hindi nababago ang mismong organismo. Ang maliliit na pagbabagong ito ay tinatawag na ‘microevolution.’ Maaaring magresulta ang ‘microevolution’ sa mga malalaking pagbabago gaya ng matatagpuan sa mga aso. Ang lahat ng aso ay miyembro ng parehong species at makikita kung gaano ang pagkakaiba-iba sa kanila. Ngunit kahit na ang pinaka-agresibong pagpapalahi ay hindi nagpabago sa kaanyuan ng aso o naging ibang hayop man ito. May limitasyon kung gaano magiging maliit, malaki, o marami ang balahibo ng aso sa pamamagitan ng pagpapalahi. Sa pageeksperimento, walang dahilan upang ipalagay na ang isang species ay maaaring magbago ng anyo at maging ganap na isang bagong specie.

Ang pangmatagalang ebolusyon, o tinatawag na ‘macroevolution,’ ay tumutukoy sa mga malalaking pagbabago sa organismo. Gingawang Chihuahua o German Shephard ng ‘microevolution’ ang isang asong gubat. Ginagawa namang baka o bibe ng ‘macroevolution’ ang isang dating isda. May napakalaking pagkakaiba sa proporsyon at epekto sa pagitan ng ‘microevolution’ at ‘macroevolution.’ Ang depektong ito sa teorya ng ebolusyon ay maliwanag na makikita sa mga eksperimento na hindi sumusuporta sa kakayahan ng maraming maliit na pagbabago ang pagbago sa anyo ng isang species at gawing isang panibagong species.

Ang panghuli ay ang depektibong aplikasyon ng ebolusyon. Hindi ito isang depekto sa teoryang pang siyentipiko, kundi isang kamalian sa paraan kung paanong ang teoryang ito ay inaabuso para sa hindi pangsiyentipikong layunin. Mayroon pa ring napakaraming katanungan tungkol sa komposisyon ng buhay na hindi nasasagot ng teorya ng ebolusyon. Ngunit sa kabila nito, marami ang ginagamit ang teoryang ito ng pinagmulan ng buhay mula sa biolohikal patungo sa isang metapisikal na pagpapaliwanag. Sa tuwing aangkinin ng isang tao na pinabubulaanan ng teorya ng ebolusyon ang relihiyon, espiritwalidad o ang pagkakaroon ng Diyos, ginagamit nila ang teoryang ito sa hindi nito dapat paggamitan. May kinikilingan man o wala, ang teorya ng ebolusyon ay laging ginagamit na kasangkapan ng mga taong tahasang tumatanggi sa Diyos upang labanan ang relihiyon.

Sa pangkalahatan, napakaraming matibay na ebidensya sa siyensya na kumukwestyon sa teorya ng ebolusyon. Ang mga depektong ito ay maaaring masolusyunan ng siyensya o maaaring wasakin nito ang teorya ng ebolusyon sa bandang huli. Hindi namin alam kung alin sa dalawa ang mangyayari, ngunit ito ang aming natitiyak: ang mga depekto ng teorya ng ebolusyon ay malayo pang malutas at tunay na maaari itong pabulaanan gamit ang mismong siyensya.
 
okay.

MGA KATANUNGAN:
  1. naintindihan mo ba ang konsepto ng ebolusyon? kung naiintindihan mo, talakayIn mo ng buo. kung hindi, ano ang karapatan mo para magbigay ng opinyon sa isang bagay na di mo naiintindihan?
  2. ano ang basehan mo maliban sa bibliya para maglatag ng opinion sa syensya ng ebolusyon?
  3. nauunawaan mo ba na ang bibliya ay di kinikilalang batayan para sa anumang bagay sa larangan ng syensya?
  4. nalalaman mo ba at nauunawaan ang mga pinakabagong tuklas sa larangan ng syensa na nagpapatunay na ang bibliya ay pawang kathang isip lamang ng mga may akda nito?
 
Hay naku, mga atheist na nagdudunong dunungan lang, nakapag.aral lang kung ano ano na kinocopy paste. Wag mong sabihin tanggap mo na distant relative mo ay unggoy.
 
^ May problema sa copy paste? Teka, alin nga ba sa unahan ang copy paste wala naman di ba?

Tanggap na tanggap ko na related ako sa unggoy. Dahil yun ang totoo. More than 98% ng DNA ng tao ay katulad ng sa chimps at bonobo. Alin ang pinaniniwalaan mo, kamag-anak mo anghel, gawa ka ng superbeing na fiction lang? At nagmula ka sa incest for the past 6,000 years?

Naisip mo ba kung ano ang isang dahilan kung bakit lubhang napag-iwanan na ang Pilipinas sa syensa sa buong mundo? Dahil sa atin na laganap ang kamangmangan na pinapakalat ng relihiyon, marami ang mali ang idea sa ebolusyon, halimbawa, dahilan para ang kabataan ay mawalan din ng interes sa mga subject na makakatulong sana sa career nila at sa bansang ito. Kaya ayan, masaya na tayo kuha ng kahit anong course ang mga kabataan, paggraduate sa call center ang bagsakan. Kumpara mo sa mga estudyante ng Tsina, India, Singapore, Korea kung saan walang religious hang-up ang mga magulang na pinamamana nila sa mga anak nila at dahil dito ay malayang nakakapag-explore ang isip ng mga bata at magkaroon ng natural na interes sa syensya gaya ng biology, at ngayon ang mga citizens nila ang makikita mong namamayagpag sa mga pangunahing industriya na nakatutok sa genome studies, ang lumilitaw na bagong major field sa buong mundo. Halimbawa, bakit nagpapatayan ang pioneers ng CRISPR gene editing tool, kung saan kaya ng piliin ng mga magulang ang klase ng sanggol na isisilang nila, kung saan ang mga nabanggit na bata ay mula't-mula pa lang ay nakalalamang na sa ibang sanggol na kasabayan nila dahil halos sila ay superhuman na? At sino ang mga lahi na involve sa field na ito? Andiyan ang Europeans, Japanese, Chinese, Indians, pero Pinoy? Ayun baka may tagalinis ng kubeta or laboratory equipment man lang sa mga kompanyang involved sa nasabing industriya.

Diyan tayo magaling, ipamukha sa mundo na hanggang aliping saguiguilid lang ang kayang ipagmalaki ng lahi natin. Minulat sa aliping pag-iisip, lumaking alipin ang pag-iisip at inalisan na ng pakpak ng ambisyon para makipagtagisan sa larangan ng karunungan at abilidad sa harap ng ibang lahi sa buong mundo.
 
Last edited:
I agree, talagang napaiiwanan talaga tayo ng panahon lalo na sa kaalaman at syensya.

Sorry for off-topic:
Nasaan na ba ng Pilipinas ngayon? Nastuck na tayo sa 80's era na kung saan ay walang progress dahil sa kulang tayo sa kaalaman. Mostly sa mga textbooks ay mali-mali. Ang worst ay binibrainwash pa habang bata pa. Sinu ba may hawak ng private schools? Di ba sectarian din? Kumbaga walang pagbabago dahil kung anu naging sistema nung panahon ng Kastila ay walang pinagkaiba ngayon.

Ang masakit na katotohanan mostly sa ordinary citizen ng Western Country lalo na ang America ay nakakaimbento sila ng mga improvise devices dahil marami silang resources lalo na't may knowledge. Dito kaya daming naghihirap dahil sa kamangmangan. Bakit maraming mangmang? Kulang sa knowledge? Bakit kulang sa knowledge? Bata pa lang ay binibrainwash na sa kaalaman.



Nakita ko na ipinost mong picture sa isang thread na kung saan ay nung sumali sa religion sabay kinuha yung utak. Hahahahaha
 
Last edited:
okay.

MGA KATANUNGAN:
  1. naintindihan mo ba ang konsepto ng ebolusyon? kung naiintindihan mo, talakayIn mo ng buo. kung hindi, ano ang karapatan mo para magbigay ng opinyon sa isang bagay na di mo naiintindihan?
  2. ano ang basehan mo maliban sa bibliya para maglatag ng opinion sa syensya ng ebolusyon?
  3. nauunawaan mo ba na ang bibliya ay di kinikilalang batayan para sa anumang bagay sa larangan ng syensya?
  4. nalalaman mo ba at nauunawaan ang mga pinakabagong tuklas sa larangan ng syensa na nagpapatunay na ang bibliya ay pawang kathang isip lamang ng mga may akda nito?

Share ko lang po.
Alam mo po ba na masamang tao ako tao dati.
1. Nag babasag ako ng kahit na ano kapag nagagalit ako.
2. Isang salita palang nabanggit ng mga kapatid or magulang ko laban sa akin sa akin sampo na po.
3. Kung hindi ako naka kilala sa Panginoon ng totoo baka napatay ko na yung kuya ko, at baldado na yung mga kapatid ko at baka sinunug ko na rin po
bahay namin dahil mabilis mag init ang ulo ko.
4. yung lola at lolo ko noon kapag pinapalo ako binabato ko ng bato sila pati yung bahay namin.
Kung hindi ako naka kilala kay Jesus at naka pakinig ng mga salita niya sa BIBLE hindi ipinanganak yung anak ko ngayon.
5.Baka binubogbug ko yung asawa ko.
6.Dati po pala akong lasinggero.
7. Baka nag shahabu na ako at mariwana at kung ano ano pa...
Marami pa po.
Ngunit dahil sa Panginoong Hesu Kristo at sa kaniyang salita sa BIBLIYA binago niya yung buhay ko.
hINDI KO PO ito sinasabi upang mag yabang. Gusto ko lang pong makita ninyo kung ano ako dati at dapat kung
hindi ko tinanggap si Hesu Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas.
Hindi ko po ibig iparating na ako ngayon ay perpekto na sa paggawa ng mabuti.
Hindi po ako mag sasalita ng pabor sa Diyos kung hindi ko na prove na na Buhay siya at gumagawa ng hindi natin mapaniwalaang pangyayari sa buhay ko.
Salamat po sa pag basa :)
 
^ Ano ang kinalaman ng nakaraan mo sa topic?

- - - Updated - - -

Look, I know you might have a good reason for your belief, but you have to consider that the exact reverse also actually happens: presumably good people who became corrupted once they entered the faith. For example, I don't think those priests who found themselves facing massively church wealth-draining sexual charges in Granada, Spain, or Boston, USA—or anywhere else, actually—started as evil people until they found out some dark secrets in their church that unleashed their own repressed evil.

I'd like to discuss with you how the source of your initial troubles could be traced to your religion itself, especially if it's a matter of conflicted personality, and it's just that you needed a stronger influence to guide you and there's nothing around you found except your religion itself. In another thread perhaps, and I'm sorry this is in English considering you said you prefer talk in our language. It's just I'm kind of in a rush right now. I'll try to do better in this regards next time.

- - - Updated - - -

I agree, talagang napaiiwanan talaga tayo ng panahon lalo na sa kaalaman at syensya.

Sorry for off-topic:
Nasaan na ba ng Pilipinas ngayon? Nastuck na tayo sa 80's era na kung saan ay walang progress dahil sa kulang tayo sa kaalaman. Mostly sa mga textbooks ay mali-mali. Ang worst ay binibrainwash pa habang bata pa. Sinu ba may hawak ng private schools? Di ba sectarian din? Kumbaga walang pagbabago dahil kung anu naging sistema nung panahon ng Kastila ay walang pinagkaiba ngayon.

Ang masakit na katotohanan mostly sa ordinary citizen ng Western Country lalo na ang America ay nakakaimbento sila ng mga improvise devices dahil marami silang resources lalo na't may knowledge. Dito kaya daming naghihirap dahil sa kamangmangan. Bakit maraming mangmang? Kulang sa knowledge? Bakit kulang sa knowledge? Bata pa lang ay binibrainwash na sa kaalaman.



Nakita ko na ipinost mong picture sa isang thread na kung saan ay nung sumali sa religion sabay kinuha yung utak. Hahahahaha

Good, good major thought.

Dami ko tawa sa mga pics pinopost natin. Dami pa ako nakastock, antay lang ako on-target sa topic. Hahaha.
 
Last edited:
Na merong Buhay na Diyos na lumikha sa lahat.
Share ko lang to sir yung nabasa ko mula sa (Gotquestion.org/tagalog).

Gusto ko pong humingi ng kasagutan mula sa inyo o sa ibang magbabasa about sa nabasa ko na to.
Salamat po :)


Ang tanong kung mayroon nga bang tiyak na argumento kung mayroong Diyos ay matagal ng pinagdedebatehan sa kasaysayan at may mga lubhang matatalinong tao sa magkabilang panig ng argumentong ito. Sa kasalukuyan, ang mga argumento laban sa pagkakaroon ng Diyos ay naging mas agresibo sa pag-aakusa na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay nahihibang at hindi maayos ang pangangatwiran. Iginiit ni Karl Marx na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay may sakit sa pag-iisip na siyang sanhi kung bakit hindi sila nakakapag-isip ng tama. Isang doktor sa pag-iisip na si Siegmund Freud ay sumulat na ang taong naniniwala sa isang Diyos na Manlilikha ay nahihibang at kumakapit sa ganitong paniniwala upang mapunan ang kanilang hinahanap o tinatawag na “wish-fulfillment” isang dahilan na diumano ayon kay Freud ay maituturing na hindi makatwiran. Ayon naman sa isang pilosopo na si Frederick Nietzsche, ang pananampalataya ay pagtanggi sa pagkilala sa katotohanan. Ang mga pangungusap na ito mula sa tatlong kilalang tao sa kasaysayan (kasama ng iba pa) ay ginagaya ngayon ng mga bagong henerasyon ng mga ateista na nagpapahayag na hindi katanggap-tanggap ang paniniwala sa Diyos.

Ito nga ba ang totoo? Ang paniniwala nga ba sa Diyos ay hindi makatwiran at hindi katanggap-tanggap na posisyon upang panghawakan? Mayroon bang lohikal o makatwirang argumento para sa pagkakaroon ng Diyos? Kung hindi gagamitin ang Bibliya, magkakaroon ba ng argumento para sa pagkakaroon ng Diyos upang pabulaanan ang mga pahayag ng kapwa mga luma at bagong mga ateista na makapagbibigay ng sapat na batayan upang maniwala na may isang Dakilang Manlilikha? Ang sagot ay oo. Bukod dito, upang maipakita na matibay ang argumento na mayroong Diyos, ang argumento ng mga ateista ay ipinapakita ng mga argumentong ito na mahina.

Upang gumawa ng isang argumento ukol sa pagkakaroon ng Diyos, dapat tayong magsimula sa pagbibigay ng mga tamang katanungan. Simulan natin sa pagtatanong ng pinaka-payak na katanungan ng pagkakaroon - bakit tayo naririto; bakit naririto ang mundo; bakit naririto ang sansinukob sa halip na wala? Sa pagpuna sa argumentong ito, isang teologo ang nagsabi, “Hindi itinatanong ng tao ang tungkol sa pagkakaroon ng Diyos, ang kanya mismong pagkakaroon ay naghahanap ng kasagutan mula sa Diyos.”

Sa pagsasaalang-alang sa mga katanungang ito, may apat na posibleng kasagutan kung bakit tayo naririto:

1. Ang realidad ay isang ilusyon.
2. Ang realidad ay sariling likha.
3. Ang realidad ay umiiral sa kanyang sarili (eternal).
4. Ang realidad ay nilikha ng isang umiiral sa Kanyang sarili.


Kung gayon, alin dito ang pinakatotoo? Simulan natin sa una: ang realidad ay isa lamang ilusyon. Ito ang pinaniniwalaan ng ilan sa mga relihiyon sa Silangan. Ang pananaw na ito ay matagal nang pinasubalian ng pilosopong si Rene Descartes na nakilala sa kanyang pahayag na, “Ako ay nag-iisip, samakatwid, ako ay ako.” Ayon kay Decartes na isang matematiko, kung siya ay nag-iisip, kung gayon siya ay “siya.” Sa ibang salita, “Ako ay nag-iisip, samakatuwid ako ay hindi isang ilusyon.” Ang mga ilusyon ay nangangailangan na makaranas ng ilusyon, bukod dito, hindi mo maaaring pagdudahan ang pagkakaroon ng iyong sarili ng hindi mo pinatutunayan ang iyong pagkakaroon; ang argumentong ito ay pagtalo mismo sa sarili. Kung kaya ang posibilidad na ang realidad ay isang ilusyon ay hindi mapapanghawakan.

Ang ikalawa ay ang pananaw na ang realidad ay sariling-likha lamang. Nang mag-aral tayo ng pilosopiya, natutunan natin ang “analitikal na maling pahayag,” na nangangahulugang mali ang pakahulugan. Ang posibilidad na ang realidad ay sariling-likha ay isa sa mga ganitong pahayag dahilan sa simpleng rason na ang isang bagay ay hindi maaaring mauna sa kanyang sarili. Kung iyong nilikha ang iyong sarili, ikay ay naunang umiral bago mo nilikha ang iyong sarili, ngunit hindi ito maaari. Sa ebolusyon, ito ay tinatawag na “spontaneous generation,” isang bagay na nagmula sa wala o isang posisyon ng iilan, kung meron mang makatwirang tao na magsasabi na hindi ka magkakaroon ng isang bagay mula sa wala. Maging ang ateistang si David Hume ay nagsabi, “Hindi ko pinatotohananan ang isang walang kuwentang pananaw na ang anumang bagay ay lalabas ng walang pinagmulan.” At dahil hindi maaaring magkaroon ng isang bagay mula sa wala, ang alternatibo na ang realidad ay sariling-likha ay hindi rin mapapanghawakan.

Ngayon, may dalawang natitirang pagpipilian - isang eternal na realidad o realidad na ginawa ng isang eternal: isang eternal na sansinukob o isang eternal na Manlilikha. Binuod ang dalawang pananaw na ito ng isang teologo mula sa ika-labingwalong siglo na si Jonathan Edwards:

“Mayroong umiiral.”
“Ang wala ay hindi maaaring lumikha ng mayroon.”
“Samakatwid, ang isang kailangan at eternal na “mayroon” ay umiiral.”


Pansinin na dapat tayong bumalik sa katotohanang “mayroong” isang eternal. Ang ateista na nagsasabi na ang naniniwala sa Diyos at naniniwala sa isang eternal na Manlilikha ay dapat bumaliktad at yumakap sa eternal na sansinukob; yun na lamang ang natitirang pwede niyang piliin. Ngunit ang tanong ngayon ay, saang direksyon patungo ang mga katibayan? Ang mga ebidensya ba ay nagtuturo sa mga bagay bago ang isip o ang isip bago ang bagay?

Sa kasalukuyan, lahat ng pilosopikal na ebidensya maging ang siyensya ay nagtuturo palayo sa isang eternal na sansinukob at patungo sa isang eternal na Manlilikha. Isang tapat na siyentipiko ang umamin na ang sansinukob ay may pasimula, at anumang mayroong pasimula ay hindi eternal. Sa madaling salita, anumang bagay na may simula ay may pinagmulan, at kung ang sansinukob ay may simula, ito ay may pinagmulan. Ang katotohanan na ang sansinukob ay may simula ay binibigyang-diin ng mga ebidensya tulad ng “second law of thermodynamics,” ang “radiation echo” ng “big bang” na natuklasan noong 1900s, ang katotohanan na ang sansinukob ay lumalawak pa at maaaring mabakas ang isang pinagmulan, at ang “theory of relativity” ni Einstein. Lahat ng mga ito ay nagpapatunay na ang sansinukob ay hindi eternal kundi may pinagmulan.

Higit pa rito, ang mga batas na nakapalibot ay sumasalungat sa kaisipan na ang sansinukob ay ang pinagmulan ng lahat dahil sa simpleng katotohanan: ang kalalabasan ay kahalintulad ng sanhi. Kung ito ay totoo, walang ateista ang makakapagpaliwanag kung paanong ang isang walang buhay, walang layunin, walang kabuluhan at walang moralidad na sansinukob ay aksidenteng nakalikha ng mga nilalang (tayo) na may personalidad at pilit na naghahanap ng layunin, kahulugan at moralidad. Sa mga ganitong bagay, mula sa pananaw ng pagsasagawa, ay lubos na mapapasubalian ang ideya na sa natural na sansinukob nagmula ang lahat ng mga bagay. Kung gayon, ang konsepto ng eternal na sansinukob ay masasabing mali.

Nabuo ni J. S. Mill, isang pilosopo (hindi Kristiyano) ang puntong ito: ayon sa kanya “Hindi mapapasubalian na tanging ang may Isip lamang ang maaaring lumikha ng may isip.” Ang makatwiran at rasonableng palagay lamang ay may eternal na Manlilikha na Siyang responsable sa realidad na ating nalalaman. O kung atin itong ilalagay sa isang lohikal na pagpapahayag:

“Mayroong umiiral.”
“Hindi magkakaroon mula sa wala.”
“Samakatwid, may “Isang” kinakailangan at eternal.”
“Ang tanging dalawang opsyon ay may eternal na sansinukob at eternal na Manlilikha.”
“Pinabulaanan ang konsepto na may eternal na sansinukob ng siyensya at pilosopiya.”
“Samakatwid, may Isang eternal na Manlilikha na umiiral.”

Isang dating ateista na nagngangalang Lee Strobel, ay nakaabot sa pananaw na ito maraming taon na ang nakalilipas. Ayon sa kanya, “Napakahalaga, na aking napagtanto na upang manatiling isang ateista, kinakailangan kong maniwala na mula sa wala ay makagagawa ng lahat; ang walang buhay ay magbubunga ng buhay; ang di-tiyak ay magbubunga ng tiyak; ang kaguluhan ay magbubunga ng impormasyon; ang kawalang-malay ay magbubunga ng kamalayan; at ang walang-kadahilanan ay magbubunga ng may kadahilanan. Ang mga ganitong hakbang ng pananampalataya ay napakahirap upang aking tanggapin, lalo’t higit sa kaliwanagan ng pagkakaroon ng Diyos.” Sa ibang salita, sa pangkalahatan, ang paliwanag ng Kristiyanismo ay higit na matibay kumpara sa paliwanag ng mga ateista.

Ngunit ang susunod na katanungan na dapat mabigyang kasagutan ay ito: kung ang eternal na Manlilikha ay umiiral (at ating ipinakita na Siya nga ay umiiral), anong uri Siya ng Manlilikha? Atin bang maipapaliwanag ang mga bagay tungkol sa Kanya mula sa Kanyang mga nilikha? Sa madaling salita, mauunawaan ba natin ang pinagmulan sa pamamagitan ng mga bagay na nagmula sa Kanya? Ang sagot ay oo, maaari, dahil sa kanyang mga sumusunod na katangian:

“Siya ay dapat supernatural o likas na higit sa karaniwan (dahil Siya ang lumikha ng oras at kalawakan).”
“Siya ay dapat na lubhang makapangyarihan.”
“Siya ay dapat na eternal (umiiral sa Kanyang sarili).”
“Siya ay dapat na nasa lahat ng dako (dahil Siya ang lumikha ng oras at kalawakan at hindi Siya limitado nito).”
“Siya ay walang hanggan at hindi nagbabago (dahil Siya ang lumikha ng panahon).”
“Siya ay Espiritu dahil Siya ay hindi sakop ng kalawakan/pisikal.”
“Siya ay personal (ang impersonal ay hindi makalilikha ng personalidad).”
“Siya ay walang katapusan at nag-iisa dahil hindi maaaring magkaroon ng dalawang walang hanggan.”
“Siya ay iba't iba ngunit may pagkakaisa dahil ito ay likas na umiiral sa Kanya.”
“Siya ay pinakamarunong sa lahat. Isang may kamalayan lamang ang makalilikha ng nilalang na may kamalayan.”
“Siya ay dapat na may layunin sapagkat sadya Niyang nilikha ang lahat ng may layunin.”
“Siya ay dapat na moral (walang moralidad ang iiral kung walang nagbigay ng moralidad).”
“Siya ay mapagkalinga.”

Kung totoo ang mga bagay na ito, atin ngayong tanungin kung mayroong relihiyon sa mundo na naglalarawan sa ganitong Manlilikha. Ang sagot dito ay oo: Ang Diyos ng Bibliya ang perpektong tinutukoy dito. Siya ay supernatural (Genesis 1:1), makapangyarihan (Jeremias 32:17), eternal (Awit 90:2), nasa lahat ng dako (Awit 139:7), walang hanggan/ hindi nagbabago (Malakias 3:6), Espiritwal (Juan 5:24), personal (Genesis 3:9), kinakailangan (Colosas 1:17), walang katapusan/nag-iisa (Jeremias 23:24; Deuteronomio 6:4), magkakaiba ngunit nagkakaisa (Mateo 28:19), pinakamarunong (Awit 147:4-5), may layunin (Jeremias 29:11), moral (Daniel 9:14), at mapagkalinga (1 Pedro 5:6-7).

Ang huling argumento tungkol sa pagkakaroon ng Diyos ay kung paano pangangatwiranan ng mga ateista ang kanilang posisyon. Sapagkat kanilang iginigiit na ang posisyon ng mga mananampalataya ay mahina, nararapat lamang na ibalik sa kanila ang ganitong katanungan. Ang unang dapat maunawaan ay ang kanilang pahayag na, “walang diyos,” na siyang kahulugan ng salitang “ateista,” isang malabong posisyon na nagugat sa isang pilosopikal na pananaw. Bilang iskolar sa sekular at pilosopo, sinabi ni Mortimer Adler, “Ang isang positibong panukala sa pagkakaroon ay maaaring mapatunayan, ngunit ang negatibong panukala sa pagkakaroon - ang pagtanggi sa pagkakaroon ng isang bagay - ay hindi maaaring mapatunayan.” Halimbawa, maaaring sabihin ng isang tao na may pulang agila at ang isa naman ay magsabi na walang pulang agila. Ang una ay kailangan lamang magpakita ng isang pulang agila upang patunayan ang kanyang pahayag. Samantalang dapat suyurin ng ikalawa ang buong sansinukob at literal na puntahan ang lahat ng lugar upang masigurong walang pulang agila na imposibleng gawin sa loob ng maiksing panahon. Ito ang dahilan kung bakit matatanggap ng isang matalino at tapat na ateista na hindi niya kayang patunayan na walang Diyos.

Pagkatapos, mahalagang maintindihan ang isyu tungkol sa bigat ng ipinapahayag na katotohanan at ang dami ng ebidensya na kinakailangan upang magarantiyahan ang ilang mga konklusyon. Halimbawa, kung may maglagay ng dalawang baso ng lemonada sa iyong harapan at sabihin na ang isa ay mas maasim kaysa sa isa, dahil ang epekto ng mas maasim na inumin ay hindi ganoon kaseryoso, hindi mo na kinakailangan ng maraming ebidensya upang pumili. Gayunman, kung ang isang baso ay dagdagan ng asukal at kung ang isa baso ay lagyan ng lason sa daga, siguradong nanaisin mo na magkaroon ng maraming ebidensya bago ka pumili.

Sa ganitong posisyon nakatatag ang isang taong magdedesisyon sa pagitan ng ateismo at paniniwala sa Diyos. Yamang ang paniniwala sa ateismo ay maaaring magresulta sa walang lunas at eternal na kaparusahan ng Diyos, nararapat lamang na ang mga ateista ay atasang maglabas ng mabigat at mahahalagang katibayan upang suportahan ang kanilang posisyon, ngunit hindi maaari. Hindi makakatagpo ang ateismo ng sapat na ebidensya na katumbas ng kabigatan ng kabayaran nito. Sa halip, ang isang ateista at ang kanyang mga mahihikayat sa kanyang posisyon ay walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa walang hanggan at umaasa na hindi matutuklasan ang hindi kanais-nais na katotohanan na totoong umiiral ang walang hanggan. Gaya ng sinabi ni Mortimer Adler, “Higit ang kahihinatnan sa buhay at susunod na hakbang mula sa pagsang-ayon o pagtanggi sa Diyos kaysa sa alinmang karaniwang katanungan.”

Kung gayon, may intelektwal na ebidensya ba ang paniniwala sa Diyos? Mayroon bang rasyonal, lohikal at makatwirang argumento sa pagkakaroon ng Diyos? Oo. Habang ang mga ateistang tulad ni Freud ay nagsasabing ang mga naniniwala sa Diyos ay nangangarap lamang, siya at kanyang mga tagasunod ay nagdurusa sa kanilang pagnanais na matupad ang kanilang hiling: ang pag-asa na walang Diyos, na wala silang pananagutan sa Kanya, at walang darating na paghuhukom. Ngunit ang nagpabulaan kay Freud ay ang Diyos mismo ng Bibliya na pinagtibay ang Kanyang pagiral at ang katotohanan na ang paghuhukom ay totoong darating para sa mga nakakaalam ng katotohanan na may Manlilikha ngunit tinatanggihan ito (Roma 1:20). Ngunit para sa mga naniniwala sa mga ebidensya na tunay na may Isang Manlilikha, Kanyang iniaalok sa kanila ang daan sa kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesu Kristo: “Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan; Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Diyos” (Juan 1:12-13).
 
Last edited:
Na merong Buhay na Diyos na lumikha sa lahat.
Share ko lang to sir yung nabasa ko mula sa (Gotquestion.org/tagalog).

Gusto ko pong humingi ng kasagutan mula sa inyo o sa ibang magbabasa about sa nabasa ko na to.
Salamat po :)


Ang tanong kung mayroon nga bang tiyak na argumento kung mayroong Diyos ay matagal ng pinagdedebatehan sa kasaysayan at may mga lubhang matatalinong tao sa magkabilang panig ng argumentong ito. Sa kasalukuyan, ang mga argumento laban sa pagkakaroon ng Diyos ay naging mas agresibo sa pag-aakusa na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay nahihibang at hindi maayos ang pangangatwiran. Iginiit ni Karl Marx na ang sinumang naniniwala sa Diyos ay may sakit sa pag-iisip na siyang sanhi kung bakit hindi sila nakakapag-isip ng tama. Isang doktor sa pag-iisip na si Siegmund Freud ay sumulat na ang taong naniniwala sa isang Diyos na Manlilikha ay nahihibang at kumakapit sa ganitong paniniwala upang mapunan ang kanilang hinahanap o tinatawag na “wish-fulfillment” isang dahilan na diumano ayon kay Freud ay maituturing na hindi makatwiran. Ayon naman sa isang pilosopo na si Frederick Nietzsche, ang pananampalataya ay pagtanggi sa pagkilala sa katotohanan. Ang mga pangungusap na ito mula sa tatlong kilalang tao sa kasaysayan (kasama ng iba pa) ay ginagaya ngayon ng mga bagong henerasyon ng mga ateista na nagpapahayag na hindi katanggap-tanggap ang paniniwala sa Diyos.

.............. etc., etc.,
.


Superficial na lamang ang philosophical considerations sa katanungan ng pag-iral ng isang maylikha or ng buong sansinukob. Subalit kung talagang interesado ka sa philosophical treatment ng mga nabanggit na paksa, ang may maitutulong na malaki sayo ay ang sistema ng pilosopiya ni Immanuel Kant. Ang masasabi ko kay Kant ay maraming theist at nontheist ang nagkakaisa na siya ang may pinakamaayos na pagtalakay sa paksang ito. At ipapayo ko rin na kung babasahin mo si Kant, bigyan mo ng espesyal na atensyon ang pagtalakay niya sa paksang antinomies.

Sa dakong physics naman, inaanyayahan kitang basahin ang post ko na ito, at duon ay pwede kang magtanong sa akin kung may karagdagang bagay na di malinaw sayo. Ang nasabing post ay tumatalakay kung paanong ang syensya ngayon ay may malinaw ng batayan para ipakita na ang sansinukob ay di kailangan ng isang magiciang maylikha upang siya (sansinukob: universe) ay umiral.


Ito pala bibigyan kita ng isang nakakatawang episode sa panahon na mainit na mainit na paksa kung ano ba talaga ang realidad natin—kung ito ba ay pawang matter lang o ito ay pawang likha lamang ng ating kaisipan—salin sa sistema ng epistemolohiya, at natural na ang paksa na yan ay tutulak sa mahaba at walang katapusang talakayan sa katanungan kung meron nga ba o walang diyos.

Sa kalaunan, humantong ang walang kamatayang talakayan na ito para sa isang nagmamasid para sabihin na tigilan na ang satsatan at magkasundo sa ganito: "No matter, never mind." :lol: Sino ang mga pilosopo na aktibo sa talakayang ito: sina Hume at Berkeley, at natigil lamang sila ng dumating si Kant. Ngunit halos huli na rin, at kung merong panahon na nakasira ng husto sa reputasyon ng pilosopiya, walang iba kundi ito mismong panahon na ito, dagdag pa ng nagsidatingan ang mga German metaphysicists na wala na halos maintindihan sa nagkalat na mga inakda nilang libro. Hanggang ngayon ay di na nakarecover ang pilosopiya dahil sa magulong yugto na ito ng kanyang kasaysayan.

- - - Updated - - -


Spot on! :)
 
Last edited:
Honestly sir hindi po ako agree sa mga nagsasabi na walang Dyios na manlilikha, pero po kung yan yung paniniwala ninyo nererespeto ko po yan.
Salamat po :)
Dun nalang ako magtatanong sa isa ninyong thread :)
 
Honestly sir hindi po ako agree sa mga nagsasabi na walang Dyios na manlilikha, pero po kung yan yung paniniwala ninyo nererespeto ko po yan.
Salamat po :)
Dun nalang ako magtatanong sa isa ninyong thread :)

Lilinawin ko lang din, ang ebolusyon ay di isang statement of belief, ito ay naglalahad ng mga karampatang paliwanag mula sa nakalap na ebidensya sa pangkalahatang pagsibol ng buhay sa planeta natin. Masyado ng malayo ang narating ng ebolusyon para iadvance ang tecknolohiya natin para pabulaanan pa ang kahit alin sa mga kritikal na findings nya. Specifically, sa field ng biology na pinagmulan ng sistema ng ebolusyon, kaya na ng tao manipulahin ang mismong ugat ng kanyang pag-iral gamit ang teknolohiya ng CRISPR editing tool. Dahil dito, hawak na ng tao ang kanyang biological destiny, at nasa kanya na ang kapangyarihan na dati ay pinapalagay natin na taglay ng isang maylalang. Idagdag mo pa dito ang cyborg tech at robotics, mga advances sa brain research, hindi na halos mawari kung anong porma na ang kalalabasan ng mga susunod na henerasyon ng sangkatauhan. Knowledge is power, sabi nga. Ang creation or intelligent design paradigm ay wala kailanman naiambag sa advancement ng nalalaman natin sa nature mismo ng ating pagkatao. Ang ebolusyon/biology ay di na kailangan ng paniniwala ninuman, bagkus makikita natin na ang mga bansa na nahuli sa larangan ng karunungan na ito ay lubhang napag-iiwanan lang ng mga bansa na involved sa field na ito.

- - - Updated - - -

Video: the Nye and Ham Debate:
The debate between Bill Nye and Ken Ham on the question "Is Creation A Viable Model of Origins?" was held February 4, 2014, at the Creation Museum in Petersburg, Kentucky.

Ham, founder and chief executive officer of the Young Earth creationist (YEC) ministry Answers in Genesis (AiG), challenged Nye, a science educator best known for hosting the 1990s television series Bill Nye the Science Guy, to the debate after taking exception to a YouTube video featuring Nye lamenting the refusal of a large segment of the U.S. population to accept the theory of evolution. Tickets to the event sold out within minutes, and according to a Christian public relations firm an estimated 3 million people viewed the event live via video streams on the Internet. During the debate, Ham advocated the legitimacy of a YEC model of the universe's origins, while Nye cited observations from a variety of scientific fields to defend the scientific consensus that the Earth is approximately 4.5 billion years old.

Many scientists were critical of Nye for accepting Ham's invitation, claiming his participation in the debate gave Ham's views undeserved legitimacy, but two humanist groups – the American Humanist Association and the Center for Inquiry praised Nye's decision. Scientists, both Christian and non-Christian, generally agreed that Nye won the debate, at least in terms of the science presented, although they debated how convincing the victory was.[1] Ham later announced that the publicity generated by the debate had spurred fundraising for AiG's planned Ark Encounter theme park, allowing the ministry to begin construction. A related book by Bill Nye, Undeniable: Evolution and the Science of Creation, was released on November 4, 2014.[2]


Bill Nye Ken Ham Debate Summed Up In Two Very Telling Answers
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom