Re: (CSC) CIVIL SERVICE EXAMINATION - The OFFICIAL Discussi
2 weeks before the April 6th Paper-&-Pencil Professional exam, naging visitor ako ng helpful thread na ito....
Back-read ako of course, lahat ng makita kong download address ng reviewer na binibigay ng mga nag-se-share nating kapatid, dina-download ko kse alam kong makakatulong...(kaya sa mga nanghihingi, please po back-read lang po, madami pong helpful tips and reviewers na ibinigay na po sa thread na to.)
Gusto ko din lang i-share ung ibang tips:
(1) 3hrs ang professional exam, 170 ang items. So importante na may relo ka kse simple ratio lang po, pwedeng 1 minute per question, e paano po kung madali lang ang question at kayang masagot ng seconds lang, so dagdag na ang na-save mong oras para sa mas mahirap, kaya wag mataranta. Make use of the time properly.;
(2) Baon ka ng snack bites na Cloud 9 o kahit anong chocolate.
After an hour of exam mahihilo, tatamarin at magugutom ka na, so need mo ng extra energy. Maganda ang effect ng chocolates dito. After 2 hours of exam, nauyam na ko sa math, hayun naubos ang chocolates ko. Bakit snack bites lang? Ung katabi ko kse nagbaon ng Toblerone na malaki, nakita nung CSC personnel
, pinatago kse bawal daw un baka may kodigo.
Mahigpit po kse sa exam baka ma-black list tau;
(3) Practice makes perfect po talaga. Hindi po exact na lalabas ang nasa reviewer sa exam proper. Gaya ng math: ang kabisaduhin nyo po eh ung formula hindi ung example. At kung papano lalaruin ang formula na un. Ung essence lang po ng question ang dapat nyong matutunan. Sa English, more on usage. (Has been, had been etc). Basa din ng konti sa constitution at environmental.
(4) Wag kang mag-pass ng question, pag may hindi mo alam ang sagot o hindi ka sigurado. Mag-mark ka ng tuldok o maliit na line sa itaas ng number pero sagutan mo pa din ang question na un ha. Tapos balikan mo na lang siya pag marami ka pang oras. That way hindi mauubos ang oras mo sa kanya. Tandaan mo 1minute=1question lang dapat.
(5) Alamin mo ang exam place before the exam day. Mas maaga, mas relax ka. Tandaan, walang matalino pag natataranta.
(6) Pray hard.
Try harder.
Congratulations sa mga fellow passers. 17 years ago nung pumasa ako sa sub-prof. 1st take ko ito sa prof. So wag nyo dapat isipin na fresh graduate o presently studying lang ang makakapasa sa exam. Think positive. Kaya nyo yan...
Cencia na TS, napahaba po yata. Salamat nga pala sa mga tulong nyo mga kapatid ko sa Symbian at sau TS, ma-po-promote na ulit ako.
God bless you all.