Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Di marunong mag basketball

kind

Apprentice
Advanced Member
Messages
56
Reaction score
0
Points
26
Yes. I'm guilty. Di ako maalam mag-basketball. Pero di ko matanggap e.
17 years old na ako ngayon. Nung highschool, kapag may PE kami di ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Ayoko ng mangyari ulit to ngayong college na ako lalo na't may PE kami next year na basketball.

San ba pwedeng magpaturo ng basketball dito? Laguna o kaya batangas. Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan ko, baka pagtawan lang nila ako. :(

Sana may makatulong sakin. Salamat!
 
Last edited:
pagtatawanan? part un ng magkaibigan wala namang malisya kung maglalaro kau kahit d ka marunong ung tipong papasahan ka ng bola tapos d mo alam ang gagawin mo hahahaha ganyan din ako dati
 
mahirap yan boss.., sa totoo lang mahirap matutong mag-basketball pag mdyo may edad na

dpat mga elementary ka pa lang marunong kna mag hawak ng bola.
 
Matuto ka tanggapin at tawanan ang pagkukulang mo. Ako nga di marunong magbasketball, pati mag-bike. Mag-28 na ako
 
shooting shooting ka muna mag isa. tapos pag wala na masyadong tao hamon ka ng one on one. sabihin mo unang maka 10 pts pero alam mo na matatalo ka at least matututo ka ng basic moves.
 
Kung malapit lang ako sa inyo.. ee tuturuan kita.. haha.

Try mo muna depensa tapos shooting. medyo dribbling ee magsarili aral ka dun.

Shooting ka muna. jumpshot. kapag matangkad ka mag wing ka.. SF wag ka mag centro. or ibabaw ka kapag maliit ka sa edad mo.
 
San ka ba sa Laguna? :)
San pablo o calamba pede ako sir.
 
tanauan batangas? mag lalaro kami sa jan 2, gusto mo sumama? text mo ako eto no. ko... 09998236796
 
Basa ka ng mga rules tapos lagi kang manood ng basketball sa tv..ganun lang tapos praktis din kaya moyan...:thumbsup:
 
Bumili ka ng bola ng basketball. Mahirap matuto ng walang bola. :P
Practice dribbling. Right & Left hand. Dribbling while looking at the ball afterwards dribbling without looking at the ball. Hand-Eye and Eye-Body coordination.

Tapos sabayan mo na rin makipaglaro sa mga kaibigan mo, kasama ang kantyawan at tawanan. Lahat naman dumaan dyan. Parang pagba-bike lang, walang natutong mag-bike na hindi sumemplang. :) Tapos manuod ka ng basketball games, alamin yung mga rules.
 
Matuto ka tanggapin at tawanan ang pagkukulang mo. Ako nga di marunong magbasketball, pati mag-bike. Mag-28 na ako

Same here at magkaedad din tayo. hahaha :lol: Marami ako hindi alam - sports: basketball (tangkad ko pa naman), volleyball, pingpong atbp. Hindi din ako marunong lumangoy at magbike (nakapagbike naman ako dati 15 years ago na yata). Tanggap ko naman at gusto ko pa din naman matuto kaso nauunahan ako ng hiya at anxiety. Medyo introvert kasi ako at lumaki na taong bahay lang - magaral, trabaho, computer games kaya sobra hirap lalo na at madaming nakatingin na tao.
Bata ka pa naman. Saka kung ang PE nyo ay tungkol sa basketball, wag ka mahiyang magtanong at magsabi na hindi ka marunong dahil aim nga ng subject na iyan na matuto kayo. Nagsisisi nga ako dahil hindi ko sineryoso yung PE namin na basketball dati e yan tuloy bano pa din ako hanggang ngayon. hehehe
 
Yes. I'm guilty. Di ako maalam mag-basketball. Pero di ko matanggap e.
17 years old na ako ngayon. Nung highschool, kapag may PE kami di ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Ayoko ng mangyari ulit to ngayong college na ako lalo na't may PE kami next year na basketball.

San ba pwedeng magpaturo ng basketball dito? Laguna o kaya batangas. Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan ko, baka pagtawan lang nila ako. :(

Sana may makatulong sakin. Salamat!

Makilaro ka lng ng makilaro kahit butaw ka gagaling ka din nyan.
 
Makilaro ka lng ng makilaro kahit butaw ka gagaling ka din nyan.

sa lahat ng advice eto ang pinaka accurate. makipaglaro ka lagi sa magagaling. wag sa butaw din kasi hindi ka matututo. challenge yourself always. wag ka mahiya. mag practice ka dribbling and shooting, at higit sa lahat dapat i build up mo ang confidence mo.
 
Turuan mo sarili mo jan Ts Ganyan dn ako hangang ngayon takot mag saksak hahaha
 
Dun ka sa mga kaibigan mo makipaglaro TS, kahit di ka marunong di ka mahihiya kasi kaibigan mo sila. Matututo ka rin nyan basta pursidido ka
 
buti pa sila marunong hahaha ako keyboard at pang repair ko lang ng cp at pc ang alam ko hawakan ...
 
Back
Top Bottom