Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

drink Cobra Energy Drink everyday?

Dito sa trabaho ko sandamak mak ang STING energy drink! lalo na pag may production eh!bakit mga tao ko pag 10 to 6 inom ng inom ng sting tulog parin ayun puro suspendido!:ranting:
 
samin may namatay na dito eh sobraNG pagod hingal tapos tumugga ng 2 cobra ayun natulog paggising isa ng malamig na bangkay kaya ingat sa paginom nito nainum din ako nito pero bihira lang pag nanlalanta ako ang best drink ko talga eh ung tea o kaya kape lakas makapgboost ng metabolism bago mag buhat :D
 
ako first time kong ma-ospital dahil sa cobra hahaha ... pano kasi kada pupunta ako ng comp shop (bantay kasi) lagi ako bumibili nun. dahil na rin siguro buong araw nakaupo lang tapos puyatan pa minsan, ayun biglang nagkasakit nasugod sa ospital. gulat ako nung nagtanong kung umiinom ako ng cobra... sabi ko oo... banat pa sakin nung doktor, "nasobrahan ka sa energy iho" ahahaha XD kaya ayun di na ko umiinom nun hahaha
 
ok lang siguro uminom once a day lang...
 
basta iwasan mo nlng ung everyday na pag-inom ng cobra kasi lahat ng sobra nakakasama talaga!
 
once a day lang naman ako umiinom eh. minsan a day after tomorrow. hinahanap rin kasi ng panlasa ko ang cobra eh.
 
almost 2 weeks akong umiinom ng cobra tapos nagpost ako ng pic ng cobra sa fb ang daming nag comment. masama daw epekto ng cobra, ung isa sa nag comment may nabalitaan syang 2 tao namatay dahil sa cobra, kinwento ko naman sa jowa ko, sabi nya last week lang daw may namatay din sa place nila, sobra pagod tapos gutom tapos lagi umiinom ng cobra, na deads din. saka may nag comment pa dun nakakabaog din daw ung pag inom ng cobra palagi hehe. kaya itinigil ko na. natakot nako eh hehe :lol: just sharing
 
Sabi nila masama raw sa kalusugan ang ganitong drink na ito lalo na pag araw araw ka umiinom...

Totoo ba yun? may napabalita na bang ganun na masama raw sa kalusugan yun?

Wala naman pong masama sa pag-inom ng energy drink sir basta hindi ito aabusuhin. Sabi nga lahat ng sobra nakakasama at ganun din po ito. Ang energy drink po kasi, halimbawa Cobra, ay nagtataglay po yan ng caffeine (90 mg / 240 ml bottle) na kung aabusuhin ay maghahatid po sa tao ng mga negatibong epekto katulad ng anxiety, restlessness, insomnia, at tachycardia, at iba pa. Kaya nga po dun sa bote nito may mababasa po tayo na babala na kaparehas duon sa sinabi ko po sa itaas. Ngayon ligtas[SUP]1[/SUP] naman po ang caffeine (basta hindi aabusuhin at nasa mababang doses lang)[SUP]2[/SUP] at hindi rin naman po ito ikinakategorya na isang drug of dependence ng DSM-IV (APA, 1994). Sa maikling paliwanag, pwede po siyang konsumuhin basta iyong iinom ay hindi caffeine sensitive, buntis, o umiinom ng mga gamot na may interaksyon sa caffeine, o kaya may kondisyon na maaring lumala sa pag-inom nito.

Ngayon pagdating naman po sa iba pang ingredients ng mga energy drink katulad ng glucuronolactone, taurine, vitamins, at herbal extracts (hal., ginseng, guarana, at ginko biloba) ay wala naman pong ganung pag-aaral na nagsasabing nakitaan ang mga ito ng masamang epekto. Sa katunayan ang ilan pa nga daw po sa mga kasamang sangkap ng energy drink tulad nalang halimbawa ng taurine ay normal na makikita sa mga kinakain ng tao, hal., sa karne ng hayop, mga seafoods, at mga dairy products.[SUP]3[/SUP] Maging ang gatas din daw po ng ina ay nagtataglay ng taurine at iyong mga formula milk na ibinibigay sa mga sanggol ay meron din po nito. Noong 2009, ipinahayag din po ng European Food Safety Authority (EFSA) na nag-administer sila ng taurine (3-6 g) sa grupo ng mga pasyente, kabilang na ang mga matatanda, mga bata, at mga sanggol, na wala naman daw napaulat na adverse health effects sa mga taong nabigyan (EFSA, 2009). Sa madaling salita, iyon pong 105 mg na taurine na sangkap ng Cobra ay ligtas at walang magiging interaksyon sa caffeine, liban nalang kung hihigit sa isang bote ang iinumin o hindi kaya isasabay nya ang pag-inom ng ilang bote nito sa pag-eehersiyo na posibleng magkaroon ng delikadong resulta.[SUP]4[/SUP] Sa naging konklusyon naman po ni Stephen Schaffer ng University of South Alabama sa kanyang artikulong "Interaction between energy drink ingredients and caffeine" ay sinabi po niya na ang ilan sa nasabing ingredients na nabanggit ko po sa itaas ay iniinhibit pa daw po ang ilang potensyal na adverse effects ng caffeine. Ang ibig sabihin, pinipigilan pa po ng mga ito iyong mga posibleng hindi magandang maidulot ng caffeine sa katawan ng tao.

Sa kabuoan, kung may problema man po sa pag-inom ng energy drink tulad ng Cobra ay may koneksyon po iyan sa sangkap na caffeine, na marahil ay inaabuso po ng ilan sa pag-inom ng ilang bote nito. Sabi ko nga po kanina, lahat ng sobra nakakasama, iyan ay kahit sabihin pa po natin na ligtas ang pag-inom ng caffeine beverages kapag mababa ang dose ay hindi parin yan mabuti sa kalusugan lalo na kung susunod-sunodin naman ang gagawing pag-inom. Liban pa diyan, kapag ang isang tao ay nakakaranas ng arrhythmias,[SUP]5[/SUP] hypertension, insomnia, at iba pa, ay wag ng subukin pang uminom dahil baka lalo pa nitong palalain ang naturang mga kondisyon.



_____________________

[SUP]1[/SUP] Kinikilala ng FDA ang caffeine bilang GRAS (o Generally Recognized As Safe).
[SUP]2[/SUP] Ang toxic doses ng caffeine ay nagrerange mula 3 g sa mga kabataan hanggang 10 g sa mga nakatatanda (Iserson 1990; Nawrot et al., 2003), na ang katumbas ay ang pagkonsumo sa pagitan ng 28 at 93 8-ounce servings ng energy drinks kada araw.
[SUP]3[/SUP] Roberts, A., Rogerson, R., "Chinese approach on regulating food additives, novel foods, functional foods and dietary supplements," In Nutraceutical and functional food regulations in the United States and around the world, edited by D. Bagchi. New York: Elsevier (2008), pp. 291–303.
[SUP]4[/SUP] May isang naiulat po nun na kaso sa Australia na konektado sa isang 28-year-old motocross cycle rider, na kumukonsumo ng ilang bote ng energy drink sa isang buong araw, na nakaranas ng ventricular cardiac arrest (Berger, A. J., Alford, K., Cardiac arrest in a young man following excess consumption of caffeinated "energy drinks," Medical Journal of Australia 190, (2009), pp. 41–43). Sa isinagawang test dun sa tao ay napag-alaman na nakaexperience siya ng abnormal vascular functioning. Pinaniniwalaan ng mga sumuri nun na ang dahil daw ito kombinasyon ng ehersisyo at pagkonsumo ng caffeine- at taurine-containing beverage na nagkaroon ng interaksyon na humantong sa heart attack (J. P. Higgins, p. 136).
[SUP]5 [/SUP]Bagaman may mga napaulat na nagsasabi na hindi nakakaapekto ang caffeine sa mga taong may arrhythmias ay may mga kabaligtaran ding naging resulta nito na nagpapakita naman na iyong mga malalakas uminom ng kape (hal., lagpas siyam na baso kada araw) ay naapektuhan (Frost, L., Vestergaard, P., "Caffeine and risk of atrial fibrillation or flutter: The Danish diet, cancer, and health study," American Journal of Clinical Nutrition 81(3) (2005), pp. 578–582; Gronroos, N. N., Alonso, A., "Diet and risk of atrial fibrillation—epidemiological and clinical evidence," Circulation Journal 74 (2010), pp. 2029–2038).
 
Last edited:
Back
Top Bottom