Aba! Maganda po ang tanong nyo patungkol sa Driver's License, dahil, sa totoo lang po nung una ako kumuha ng eksamin na matagal na panahon na ay totoong bumagsak po ako magna 19 pa ako noon. Wala pang reviewer na available nuon sa amin sa probinsya, ang nangyayari ay aatend ka lang ng seminar sa LTO pero ang seminar nila ay kalimitan na nauuwi sa mga reklamo ng mga tsuper, kaya wala kang masyadong impormasyon na makukuha para maging gabay sana sa pagkuha ng eksam. Noong nagdaang mga taon ay kumuha po ako ulit ng licensya dahil kelangan, kaya pumunta po ako sa LTO at bumili ng reviewer nila tapos bumili pa din ako ng booklet sa bookstore patungkol naman sa aspeto ng trapiko. Ako po ay nag tyaga na aralin lahat bago po ako kumuha ng eksam. Kaya nung ako'y magtake ng eksam ay dalawa lamang ang aking mali na tandang tanda ko pa. Ang dalawang maling iyon ay sa kadahilanang wala naman yon sa 'reviewer', schedule of fees for violations ang tanong. Kaya, pumasa talaga po ako. Sa actual driving naman ay mas lalong madali dahil bihasa naman po ako dito. Totoo naman na halos lahat ng kumukuha ng lisensya sa LTO ay dumadaan sa lagayan o 'fixers' na karamihan ay jeepney at taxi drivers. Kaya nga dahil sa kalakarang ganyan, malimit nangyayari ang aksidente sa kalye dahil halos lahat ng tsuper ay walang alam sa batas trapiko at 'defensive driving'.
At hindi lang driver's license ang meron ako. Di naman po sa pinagyayabang, dalawa po ang lisensya ko sa PRC na sa awa naman po ng Maykapal ay pumasa ako. Kaya nga masakit isipin na ako po ay dumaan sa tamang proseso, nagpursige at nagsipag, pero, sa bandang huli, kung mag-aapply ka pala sa gobyerno e wala kang mapapala, hindi ka tatanggapin dahil nga may mga kanya-kanyang tao na pala sila, mga kamag-anak, kaibigan, ka partido, at posibleng may under the table deals pa. Isang ebidensya na dyan ay yong magpunta ako sa PRC para mag renew ng mga lisensya ko. Doon ko nakita na marami ang nag-aapply for exam registration, mga may edad na, na mga guro at tinanong ko nga sila, bakit kelangan pa nila mag take ng eksam gayong nagtuturo na sila sa public school? Ang sagot ay, 'istrikto na daw ang nagdaang administrasyon', nakita pala doon sa civil service commission na huwad o 'fake' pala ang kanilang mga lisensya, kaya inadvisan daw sila na mag take para ma rekonsider yong plantilla nila at kung hindi naman sila makapasa ay 'advise to resign' na syempre may kasamang pabaon na halaga dahil sa kanilang 'length of service'. Sa tingin ko di naman dapat sila bigyan ng 'second chance', dahil nga ilegal ang ginawa nila in the first place. Kung titingnan mo, marami naman tayong mga legitimate o board passer na mga teachers na wala pa ring trabaho hanggang ngayon, di makapasok dahil wala silang baker, kaya wala talagang hustisya at unfair pa rin. Ang nangyayari e kinokonsente pa yata ang mga kabuktotan. Gaya rin yan ngayon sa bagong administrasyon na puro 'war on drugs' lang ang alam at isinasantabi pa yong iba pang mga mahahalagang bagay.
Yong istatistika na sinasabi mong mga drug dependents na milyon milyon ay hindi ako buong-buo na sumasang-ayon na ganun na talaga ka lala. Kasi nga 'intel' reports lang yan, di yan dumaan sa masusing 'research and study'. Posibleng ang ibang datus ay na imbento, galing sa hinala at base sa tsismis lang. Posibleng thousands ang apektado pero hindi naman milyon milyon. Kasi sa 'intel reports' di naman kina classify kung anong uri ng droga ang nagamit ng mga suspetsado, maaaring shaabuu, marijuana, syrup, opium, ecstasy, atbp at ano rin ang level ng pagkalulong sa droga. Ang lagay e pag nakita ka lang na humithit ng marijuana kahit isang beses lang ay ituturing ka agad na drug dependent o di kaya'y drug addict. Tanong din ay kung saan ba nanggaling ang mga intel na yan, paliwang ni Digong ay samot-sari kaya labo-labo ang nangyayari na pwedeng dagdagan o bawasan. Kaya malabo ang intel na yan, maliban na lang kung ito ay tinututukan talaga ng PDEA na siya namang binigyan ng ating batas ng kapangyarihan para mag monitor nito. Ang problema din sa 'war on drugs' sa ngayon ay hindi nito natututukan ang tunay na kadahilanan ng problema, na ang ugat ay 'KAHIRAPAN', kahit mga pulis ay ito rin ang kanilang konklusyon. Kung lahat ba ay may trabaho, sino pa kaya ang gaganahang mag droga? Maliban na lang kung siya ay sawi, desperado o may matinding pinagdadaanan. Marami pa akong mga rason bakit di talaga 'realistic' ang sinasabing milyon-milyon daw ang mga drug addicts. Sa sususunod ikukwento ko sayo ang mga kadahilanan.
Papaniwalain? Nino? At ano? Baka nga po ikaw ang madaling nagpapaniwala. Galit? Kung may nagagalit man kay Digong ay dahil sa asal niya, na asal kalye, at ang proseso ng 'war on drugs' na nauuwi sa 'summary executions' na isang 'State sponsored'. Ang apektado naman talaga ay yong mga pobreng mga small time users na pwede pa sanang magbago at maging produktibo sa sosyedad. Pero ang hindi apektado sa gyera ni Digong ay yong mga kaibigan niyang mga Chinese na supplier naman ng mga droga na para bagang walang tigil ang pagsu supply nila. At ano namang klaseng lohika meron ka, na idinadawit mo pa mga pari, na ang katungkulan lamang nila ay mangaral at maghayag ng salita ng Dios. Wala silang kapangyarihan na makisawsaw sa pulitika. 'Separation of powers between State and the Church', yan ang nakalagay sa Saligang Batas, kaya nga hanggang komento na lang ang kaya nila kung may nakikita silang pagkakamali sa gobyerno. At marami din nagagawa ang mga pari sa totoo lang, parang bulag ka ata sa katotohanan, ang dami nilang mga 'orphanages' na itinayo, mga 'outreaches' para sa mga maralita. Kung nanghihingi man sila ng abuloy ay hindi naman yan pwersahan, kusa pong nagbibigay ang mga parokyano, di kagaya ng gobyerno na pwersahan kang kinakaltasan ng tax, at pag di ka pa magbayad ng tax ay kakasuhan ka ng 'tax evasion', na yong taxes na binabayad mo ay mapupunta lang pala sa mga korup at yong ibang walang ka kwenta kwentang programa ng gobyerno.
Yong sinasabi mong tumanggap sila ng sasakyan kay Gloria, ang tanong bakit naging kasalanan nila yon? Hindi naman sila nagnakaw at hindi naman silang lahat ay nakatanggap kundi yong mga ka alyado lang naman ni Gloria. Dapat di mo sisisihin yong mga pari, ang dapat mong sinisi ay yong nagbigay baka galing pera na yon sa kaban ng bayan na walang pahintulot sa mga tao. Kaya ang labo po ng lohika nyo.
Binanggit mo na naman si Parojinog at yong Albuera mayor. Totoo na hindi nga sila poor, pero ilan lang ba sila, kesa sa libo-libong namamatay? Ang problema e buti sana kung lahat ng mga namatay na yon ay drug lords o drug pusher ay posible pang okey lang. Paano ngayon kung may mga inosente at napagkamalan lamang at yong iba sa kanila ay gusto pang magbago? Wala na ba silang karapatang mabuhay? Paano naman ngayon yong sinasabi ni Digong na 'observance of the law is not optional' e para pala sa kanya ay optional pala?