Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Duterte: Puro Utang ang Inaatupag

Sir... may free will ka nman po siguro,, kung ayaw nyo po s presidente at wala k narin naman tiwala s mga pilipino.. lipat k nalang po ng ibang bansa.. para po matapos n issue nyo sa kanya.. END OF THE LINE..
 
sakop din siguro ito ni delimaw trillanes at pinoy aquino member din ng yellowwish.
kung ano-ano na lang ang pinost para makaenganyo na iba para maging anti duterte
ang gawin mo brad suportahan mo na lang si duterte para sa ikauunlad ng pilipinas
ibang-iba si duterte sa mga nagdaang mga presidente na walang masyadong nagawa
 
Last edited:
Sir... may free will ka nman po siguro,, kung ayaw nyo po s presidente at wala k narin naman tiwala s mga pilipino.. lipat k nalang po ng ibang bansa.. para po matapos n issue nyo sa kanya.. END OF THE LINE..

Tama ka po may free will tayo. Hindi ko naman sinasabi na ayaw natin sa ating Presidente, may ginagawa naman siyang maganda. Pero pinapahayag lang naman natin yong ating mga saloobin tungkol sa mga nangyayari sa bansa natin. Ito po ay ginagarantiya ng ating Saligang Batas, ang malayang pagpapahayag. Ikaw ba kapag may nakikita kang nangungurakot, hindi ka na lang ba kikibo? Eh, para kang walang pakialam nyan. AT sayang yong mga ipinaglalaban ng ating mga bayaning Pilipino na lumalaban para sa bayan at sa iyong karapatan. Sabi nga ni Antonio Luna sa kanyang mga hugot lines (sa takilya), “May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.” at “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na anong bagay.”, at eto pa, “At ‘yan din ang sakit natin. Kaya nating magbuwis ng buhay para sa pamilya, pero para sa isang prinsipyong makabayan?”. Ano ang ibig ng mga hugot lines na yan? Ang ibig sabihin lang nyan eh tayong mga pinoy, inuuna natin ang ating mga damdamin, kesa sa pagmamalasakit sa bayan.

Wala akong sinabi na wala akong tiwala sa mga kababayan natin, ikaw lang po ang may sabi nyan. Baka nga po kasapi ka pa sa Iglesia ng Pangulo (IND), eh, kasi kung maka komento ka eh wagas. At wag nyo po ako pangunahan sa aking gagawin, kung ako po ay mangingibang bayan o hindi. Nirerespeto ko po ang yong karapatan at sana naman ay respetuhin mo rin yong sa akin. Ito po'y hindi isyu sa personal na buhay ng Pangulo, ito po'y isang isyu sa pamamahala niya na posibleng makaka apekto sa atin at sa ating bayan sa hinaharap.

Pero kung may kapangyarihan ka at pede mo po ako ipatapon sa US, aba, eh, payag na rin po ako. Kasi ayaw ko narin makisalamuha pa sa mga panatiko at mga taong may makitid ang pag-iisip. --END OF LINE--- :thumbsup:
 
sa akin naman ang tanong ko lang, bakit hindi nakakasuhan ang mga kurakot , bakit nalihis lang lahat sa droga..?
gusto ko rin si duterte kasi napakatapang kaya lang pagdating sa mga kurakot na pulitiko parang wala siyang pakialam
maraming kurakot na mayor kapitan kagawad ang magnanakaw, pero tahimik lang...
nagtatanong lang po..
dito kasi sa mandaluyong sa welfareville addition hills puro magnanakaw kagawad
 
sakop din siguro ito ni delimaw trillanes at pinoy aquino member din ng yellowwish.
kung ano-ano na lang ang pinost para makaenganyo na iba para maging anti duterte
ang gawin mo brad suportahan mo na lang si duterte para sa ikauunlad ng pilipinas
ibang-iba si duterte sa mga nagdaang mga presidente na walang masyadong nagawa

Ako po ay hindi nagpapasakop ninoman. At hindi po ako nagpo post na gaya ng mga ginagawa ng mga panatiko ni Pres. D, na mahilig mang bastos at mag troll sa mga forums. Ang akin pong pino post ay pagpapahayag lamang ng mga social issues na sigurado naman po akong may epekto ito sa atin. Sana ay respetuhin mo na lang yong thread at post ko. Kung ayaw nyo po sa post ko eh di fine pero kung may maganda kang pananaw tungkol sa topiko eh di i share mo para malaman natin. Malay mo may mga bagay kang nalalaman, na hindi ko alam o hindi namin alam, eh baka nga makakatulong ka pa. Kahit doon sa Amerika, eh, malayang malaya po sila nakakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon. Ganito dapat sa atin, kasi nga po tayo ay nasa malayang bansa basta ba wag lang bastosan.

Sinusuportahan ko naman ang pangulo, at itong paghahayag ko ay isa ring pag suporta para malaman din niya yong kanyang mga 'blindspots'. Malay natin baka nadedektahan lang siya ng mga galamay niya. Kaya nga paiba-iba ang sinasabi ng mga gabinete at ng kanyang mga sinasabi, na nakakalito talaga at hindi muna malalaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

In fairness, yong mga nagdaang mga Pangulo may nagawa naman, pero, hindi lang angkop sa panlasa ng tao o kaya'y sadyang kulang pa. Kanya kanya kasing estilo yan.
 
Hindi basehan ng conversion ng peso to dollar ang pag asenso ng bansa natin. Halimbawa na lang ay ang South Korea at Japan na napakababa ng money value compared sa Peso. Huwag kang masyadong magbasa ng article sa Facebook. US na mismo ang nagsabi na hindi maapektuhan ang US BPO companies sa Pilipinas. Kapag natapos lahat ng infrastractures na pinangako ng China, magiging mabilis ang pagpasok ng mga foreign investors sa bansa. Magiging madali na din and transportation natin sa iba't-ibang parte ng Pilipinas dahil sa pagkokonekta ng mga islands na kasama sa infrastracture plans. Kung may irerekomenda kang mas magaling na Presidente kang Digong, Sino? at Bakit?

matanong kulang bakit yung japan hindi kumalas sa us?
ang japan isa siya sa asenso
bakit? kasi alam kung us ang kinakatakutan ng china

bakit pa kasi kakalas kung pwede naman na hindi yun gawin kung makikipag kaibigan lang naman sa asian ang dahilan
tapos isa pato china ang kinakaibigan alam niyo ba wais ang china, inagaw na nga ang Scarborough Shoal hay nako nangutang pa
alam niyo ba ipekto niyan aagawin na lahat sa isla natin pag tatayuan. pano nayan?
ano ba naman tong president na napili natin. hindi ko siya gets, hindi ko naman ramdam na bully tayo sa US.
impact nang hihina na sa boracay umaangal na. pride kasi pina-iral ni digong siya naman ang nag umisa nang Trash-talk ha!

hindi niyo ba ito nakikita o naririnig?
bulag ba kayo o bingi? hay nako wag kayo mag bubulagbulagan patay tayo diyan,
 
Last edited:
sa akin naman ang tanong ko lang, bakit hindi nakakasuhan ang mga kurakot , bakit nalihis lang lahat sa droga..?
gusto ko rin si duterte kasi napakatapang kaya lang pagdating sa mga kurakot na pulitiko parang wala siyang pakialam
maraming kurakot na mayor kapitan kagawad ang magnanakaw, pero tahimik lang...
nagtatanong lang po..
dito kasi sa mandaluyong sa welfareville addition hills puro magnanakaw kagawad

Totoo po yang sinasabi nyo. Dito nga sa Davao, ang tagal niya na naging Mayor, eh, wala man lang siya pinatay na pulitikong kurakot. Yong namamatay dito ay yong tumutuligsa sa kanya na taga media. Di ko na lang babanggitin yong mga pangalan nila. Tapos may mga gabinete pa siyang, eh, kwestyonable din ang mga rekord nung mag silbi sila sa gobyerno. Isa na yang kaibigan ni Pacman na taga N Cotabato na ngayon ay sekretaryo na ng isang kagawaran, kasi, nung ma punta ako doon sa lugar nila, wala namang akong nakitang pagbabago at talamak din ang droga. Dami din jobless doon sa probinsya nila.

Sana lang, totohanin ni Du30 yong sinasabi niya na itutumba niya yong mga kurakot at gagawing pagkain ng mga isda sa Laguna de Bay.
 
Last edited:
sa nag sasabi na isisira ang yung call center malabong mangyari yan..kasi negosyo parin ya..kahit ng kainitan ang us at ang china tuloy parin negosyo yan..tingnan mo ang mga products ng us yung factory nila meron parin sa china.
 
Masyadong magaling ang nag Post na ito...akala mo nag aral ng Pulitika, malamang naki tsismis lang ito sa mga kapit Bahay niya. Bakit hindi ka na lang lumayas ng Pinas, kasi ang Kitid ng utak mo. o kya dapat ikaw na lang naging Pangulo magaling ka pa pala sa kanya. Kung tuusin ano ba mai ambag mo sa Pinas kung ganyan ang Utak mo... wag Galing galingan, d mo alam mga pinagsasabi mo Totoy ka pa. Ginagawa niya nga ng paraan na mapaganda ang Pinas, tapos ito ka parang kabuti, mahiya ka sa mga pinagsasabi...Bakit d natin siya makilala araw araw na sa pahayagan, ungas. Sabi na eh, gagamitin pagka pilosopo para mai angat ang Kagaguhan...kaawa ka naghahanap ka ng Kakampi dito...mag FB ka Unggoy...

Sensiya na kuya, pero, ang bastos po ng bunganga nyo. Halata po na wala kayong manners at hindi naturuan ng tama ng iyong mga magulang. At saka graduate po ako ng AB Pol Sci at sa ngayon po ay kumukuha na ng abogasya. Hindi po kakitiran ang ginagawa kong thread, ito naman po ay hindi lingid sa kaalaman natin at nababalita naman. Sana lang po ay manood kayo ng news sa tv o di kaya ay magbasa ng dyaryo.

In speaking of pag-aambag, lahat po tayo ay may ini aambag sa bansa natin, isa na yang pagbabayad ng buwis, pagsunod sa batas at paggawa ng mabuti sa kapwa, o di kaya'y manindigan para sa tama, sa karapatan ng iba at sa bayan. Hindi lang po ang pagiging Pangulo ay may mai aambag ka.

Sana lang po kung kayo ay mag kokomento ay dapat bukas ang iyong isipan at wag pairalin ang nag-aalab na damdamin at sana po ay may sustansiya tayong nakukuha sa sinasabi ninyo. Remember po, ang kinabukasan ng ating bayan ay hindi lamang nakatadhana sa iisang tao, tayo po lahat ay may responsibilidad. Kung wala po tayo paki-alam sa mga nangyayari sa ngayon, ay para na rin natin pinabayaan ang hinaharap at ang kapalaran ng ating susunod na henerasyon.

Ang sana po, ay iwasan nyo po ang pagiging bastos, parang nahawaan na rin po yata kayo ng maling asal. Ewan ko po kung kayo ay ipagmamalaki ng iyong mga anak o magulang sa ginagawa ninyo.
 
Wag naman banned agad brad. dapat closed thread na lang dahil wala yata sa tamang lugar ang TS
inaakusahan niya kase agad-agad si PRRD para marami siya maenganyo at magiging Anti Duterte
 
pakawala ng dilaw ito..

yung utang na sinasabi mo,nakikita natin kung saan napupunta.
yung utang na inuutang ng nagpakawala sa iyo,saan napupunta?

ilang buwan pa lang,may mga nagawa na si duterte..
yung nagpakawala sa iyo,ilang taon nakaupo,anong nagawa nila? mas lalong nabaon sa hirap ang pilipinas..

mag isip ka..
 
sa nag sasabi na isisira ang yung call center malabong mangyari yan..kasi negosyo parin ya..kahit ng kainitan ang us at ang china tuloy parin negosyo yan..tingnan mo ang mga products ng us yung factory nila meron parin sa china.

Posible nga naman na hindi magsasara yong mga call centers kasi nga negosyo yan, pero posible ding magkaroon ng balakid sa hinaharap. Atin pong pakatandaan na halos o karamihan ng mga kleyente ng call center industry ay mga Amerikano po. AT yong mga equity ownership ng mga foreign investors ay nasa 40% lang; 60% should be owned by the Filipinos, kung hindi ako nagkakamali, ito po ay nakasaad sa batas natin. Ito po yong sinasabi ng Saligang Batas, Sec. 11 Article XII Constitution of the Republic of the Philippines:

"No franchise, certificate, or any other form of authorization for the operation of a public utility shall be granted except to citizens of the Philippines or to corporations or associations organized under the laws of the Philippines, at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens; nor shall such franchise, certificate, or authorization be exclusive in character or for a longer period than fifty years. Neither shall any such franchise or right be granted except under the condition that it shall be subject to amendment, alteration, or repeal by the Congress when the common good so requires. The State shall encourage equity participation in public utilities by the general public. The participation of foreign investors in the governing body of any public utility enterprise shall be limited to their proportionate share in its capital, and all the executive and managing officers of such corporation or association must be citizens of the Philippines."

Kaya nga po noong nakipag meet si PDu30 sa mga investors/businessmen, sinabi niya na baka taasan niya yong equity ownership ng mga foreign investors sa 70% pero kailangan pa po ito maipasa sa Kongreso at ma amendahan ang Saligang Batas.

Ano po ang magiging impact ng panget na relasyon ng Pangulo sa Amerika? Sa akin pong palagay ay ito po ang mga posibleng mangyayari:

1. Dahil panget ang pakikitungo ng Pangulo sa Amerika at Australia, posibleng hindi na sila gaganahan pang mag-invest, sinabi pa nga ng Pangulo sa tv na, 'magsilayas na sila'.
2. Dahil nga panay ang pambabatikos ng Pangulo sa mga Amerikano at sinisisi pa niya ito sa mga digmaan naming mga Muslim, yong mga investors tuloy ay natatakot at nag-iisip ng umalis dahil nga sa concern sila sa kanilang seguridad. AT mahirap din iasa nila yong mga negosyo nila sa mga Pilipino.
3. Dahil po 40% lang yong ownership nila, posibleng ibenta nila ng dahan-dahan yong mga shares nila sa mga Pilipinong negosyante, kahit ma recover man lang nila yong capital nila. Maniniguro po ang mga iyan at ito po naman ay makikita natin sa performance ng Philippine Stock Exchange (PSE). Ito po kasi ang merkado ng mga malalaking negosyante. Kung unti-unting bumubulusok ang stocks ng merkado, ibig sabihin lang ay marami ang nagwi withdraw o nagbebenta kesa sa nag-iinvest.
4. Posible po na ang mga nag-aatrasang investors ay maghahanap ng mga bansa na 'friendly', maganda ang mga polisiya at atmosphere sa pagnenegosyo, gaya ng Malaysia. Ang Malaysia po ay naghahanda na sa BPO Industry at magaling din po sila sa English kasi naging kolonya din po sila ng mga British before. Naging issue nga last year or the other yata, na ang Malaysia ay sinisiraan tayo dahil sa pag-iimbeta nila ng mga outsourcing investors na mamuhunan sa kanila dahil sa wala daw sila bagyo, etc. kumpara sa atin. Pati nga po Vietnam ay nagsisimula na rin, kaya lang nasa Pilot stage pa sila.
5. Posible din po na ang mga investors na yan ay doon na lang mag-invest sa kanilang bansa, gaya ng mga Amerikano. Meron na kasing naipasang batas ang Amerika, na 'American Recovery and Reinvestment Act of 2009 o ARRA' na mamuhunan muli sa kanilang bansa para makapagbigay ng trabaho sa kanilang mga kababayan.

Yong paglalagay ng mga kumpanya ng US sa China ay may mga kadahilanan, ito po kasi ang naging polisiya ng dating Presidente na si Bill Clinton: 1) gusto nila masawata ang Piracy; 2) kumita sila ng malaki dahil sa low labor cost; 3) ma monitor nila ang human rights abuses ng China; 4) economic at military espionage.

Sa tingin ko, may hangganan yong trading ng China at mas mahihirapan sila ngayon na makapasok sa West, kasi nga sa laki ng impluwensiya ng US. At hindi lang yon, may programa ngayon ang US na tinatawag na Trans-Pacific Partnerships (TPP) na maganda ang mga incentibo ang ibinibigay, gaya na lang ng pagluwag sa mga bayarin ng tax para sa produkto ng US at iba pa. Maraming mga bansa sa West ang nakikisali dito. Ang ibang bansa dito sa Asia ay nakisali na rin gaya ng Vietnam, pero ang Pinas ewan ko lang kung makakasali pa kaya.

Sana nga lang ay tama ka sa iyong binanggit, at hari nawa na wag sana mangyari ang ating kinatatakutan, kasi, marami talaga ang mawawalan ng hanapbuhay.
 
Last edited:
Mga ka-sb, di naman sguro ung bumabatikos kay pres duterte eh yellowtards na, mostly kasi yan ung palagi ko nkikita d2, kundi dahil concern lang sila sa bansa natin. I vote pres duterte because i have faith that he will do everything for our country and i have no negative reactions sa mga ginagawa nya. he just on early stage ng implementation ng mga plans nya and i know base on my personal timeline he just doing ok. ang hrap kasi sa ating mga pilipino we are always reacting but we're never been proactive. maunlad ang ibang bansa because their citizens love their country and not their leaders and their leaders loves their country as a citizen, naniniwala po ako na mas mahal ni pres duterte ang bansa natin kaysa sa atin, he's doing everything for the country and we just have to do the same. and dont forget my duty rin po tyo sa bansa natin. marami po magandang opinions d2 nakaka-enjoy po magbasa :) peace to everyone.
 
Remember, tao lng po siya at hindi po siya perpekto.

yun naman pala e,alam mo pala,ano pa inaangal mo? di hamak na mas matimbang ang good side nya kesa bad side nya na kino-consider mo naman na tao lang. Eh ikumpara mo kaya sa mga nagdaang admin,mas matimbang yung pansariling interes nila kesa sa bayan.
 
Ako po ay hindi nagpapasakop ninoman. At hindi po ako nagpo post na gaya ng mga ginagawa ng mga panatiko ni Pres. D, na mahilig mang bastos at mag troll sa mga forums. Ang akin pong pino post ay pagpapahayag lamang ng mga social issues na sigurado naman po akong may epekto ito sa atin. Sana ay respetuhin mo na lang yong thread at post ko. Kung ayaw nyo po sa post ko eh di fine pero kung may maganda kang pananaw tungkol sa topiko eh di i share mo para malaman natin. Malay mo may mga bagay kang nalalaman, na hindi ko alam o hindi namin alam, eh baka nga makakatulong ka pa. Kahit doon sa Amerika, eh, malayang malaya po sila nakakapagpapahayag ng kanilang mga opinyon. Ganito dapat sa atin, kasi nga po tayo ay nasa malayang bansa basta ba wag lang bastosan.

Sinusuportahan ko naman ang pangulo, at itong paghahayag ko ay isa ring pag suporta para malaman din niya yong kanyang mga 'blindspots'. Malay natin baka nadedektahan lang siya ng mga galamay niya. Kaya nga paiba-iba ang sinasabi ng mga gabinete at ng kanyang mga sinasabi, na nakakalito talaga at hindi muna malalaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

In fairness, yong mga nagdaang mga Pangulo may nagawa naman, pero, hindi lang angkop sa panlasa ng tao o kaya'y sadyang kulang pa. Kanya kanya kasing estilo yan.
Marami ngang nagawa yung nakaraang administrasyon
katulad na lang ng paglaganap ng drug trade sa bilibid
na di nila masugpo dahil mga nasasakupan nila ang gumawa
merong tanim bala sa NAIA Airport, lalong dumami ang mga adik
nawawala ang ibang pondong pera na tulong sa yolanda victims
ang daming palpak na nagawa ang nakaraang administrasyon
dimo ba napansin o baka nabayaran ka lang or nakatira ka ng katol
sobra 100 days pa lang si PRRD pero meron kana kaagad batikos
na dami dami na utang ang pilipinas, wala ka yata sa lugar bumatikos
 
Last edited:
Masasabi ko lang. Di naman ganun kalaki ang budget ng Pilipinas para makapagsimula ng mga malalaking pagawain o proyekto dahil yung budget natin taon-taon sumasapat lang para sa mga pangunahing pangangailangan ng bansa. Parang sa pagnenegosyo lang yan. Sa una papatol ka muna sa mga pautang na may patubo. Lahat naman ng nagsisimula pa lang na negosyante halos dumaraan sa ganun. Taon ang bibilangin bago mo maramdaman yung malaking tutubuin mo sa negosyo mo. Tandaan natin na ang bansa natin kabilang sa 3rd World kung saan eto yung mga bansang mangungutang. Lahat ng alternatibo gawin para sa ikauunlad ng bansa. Ang bantayan natin wag yung pangungutang dahil kahit umangal tayo wala tayong magagawa baka sagutin ka pa ng gobyerno, bakit ka puna ng puna may maipapautang ka bang ganitong halaga ng walang interest? Ang bantayan nyo kung paano ito idistribute sa ibat-ibang sangay o ahensiya ng gobyerno at kung magagastos ba to sa tamang paraan at kung mararamdaman ba natin.
 
tama ka nast1 ito nga ang tunay na pagbabago san paba tayu mga dilawan o sino pang opisyal jan na sa tingin nyo na gumawa ng ganito, wala na ata kundi puro lang perea ang hanap nila. ito si tay digong lahat ang inisip nya kahit anung tribo Kaman. isantabi lang natin ang visaya ka tagalog kaml dahil yan ang magbibigay sati ng agwat magkaisa sana tayu sa pag usbong ng tunay na pagbabago......
 
Back
Top Bottom