Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Etiquette sa inuman- basahin at matuto

redgewafu

Amateur
Advanced Member
Messages
108
Reaction score
0
Points
26
:toast:Etiquette sa inuman- basahin at matuto:toast:

Sa inuman:
1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
"Dibale ng magtagal sa keps at suso wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera

Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.
Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom

Asal sa Mesa :

1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento.
3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.
Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.

After ng Inuman:

1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.

Suka Tips:

1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.

Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng:
tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag - alukin ang lahat ng bisita.

Sa Mga Manginginom:

1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.
2. Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema-


Mabuhay ang mga manginginom!!!:toast: Inuman na!!!?
 
ayos to, piprint ko at ilalagay ko sa garahe namin para sa mga barkada ko haha :lmao:
 
Mai-print nga din. :thumbsup: :lol:

oi amigong vandido, kumustamus? :D
 
meron na ako nakaprint nito sa bahay ng ate ko.. hahahah
lagi kasi may inuman sa bahay nya eh.. tawa nga sila ng tawa pag nakikita at nababasa
kaya nagkakaron ng kantiyawan habang nagiinom.. hahah
salamat po sa mga nagbasa.. :rock:
 
Last edited:
haha! galing... tanong lang po, di kasi ako manginginom talaga, pag po ba napa daan ka lang tapos inalok ka ng tagay, ano ang tamang Etiquette kung ayaw ko uminom? kelangan po ba pagbigyan ko sila? dapat din po ba mag ambag sa inuman nila kung pinag bigyan ko sila ng isang shot? dapat po ata kasama to sa naka print nyo... hehehe!
 
Makakatulong 'to sakin kahit hindi ako umiinom.. Hehe..

Magagamit kapag biglang napasabak.. Haha..

Salamat..

:yipee:
 
haha! galing... tanong lang po, di kasi ako manginginom talaga, pag po ba napa daan ka lang tapos inalok ka ng tagay, ano ang tamang Etiquette kung ayaw ko uminom? kelangan po ba pagbigyan ko sila? dapat din po ba mag ambag sa inuman nila kung pinag bigyan ko sila ng isang shot? dapat po ata kasama to sa naka print nyo... hehehe!

sabihin mo na lang "cge pass muna"
or
"di pa ako nakain eh, mamaya na lang pagbalik ko"
or
"kaiinom ko lang kagabi pre, nextime na lang"

mga ganun..
 
sabihin mo na lang "cge pass muna"
or
"di pa ako nakain eh, mamaya na lang pagbalik ko"
or
"kaiinom ko lang kagabi pre, nextime na lang"

mga ganun..

thanks! pero kung minsan na pinag bigyan ko sila ng isang shot, ok lang ba na di ako mag ambag? or dapat meron palagi kahit konte?
 
Ayos ts dami violation ng mga kainuman ko dyan :lol:
Di ko lang maintindihan mdami yung sa asal sa mesa, yung no. 3 po.
Sarap i-paprint :lol:
 
"Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha "

- ano yung kung-fu? malakas sa pulutan ganun ba yun?
 
Kung-fu mulutan ata un sir...ewan ko yung karugtong.
Kung-fu mulutan grabe???pede siguro di ko sure eh.basta yun na yun.:lol:
 
Ayos ts dami violation ng mga kainuman ko dyan :lol:
Di ko lang maintindihan mdami yung sa asal sa mesa, yung no. 3 po.
Sarap i-paprint :lol:

3. Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
meron kasing time na hindi mo kakilala yung ibang kainuman mo, makibagay ka sa kanila sakyan mo lang, ung "aalukin ka ng ilang beses pero wag mo aabusuhin" ay sa pag shot un dapat may kusa ka na, hindi ung parang isusubo pa sayo gaya ng sa sanggol.

tama ba? un ang pagkakaintindi ko jan eh.. hehehe xenxa na..

"Sa Pulutuan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha "

- ano yung kung-fu? malakas sa pulutan ganun ba yun?

Kung-fu mulutan ata un sir...ewan ko yung karugtong.
Kung-fu mulutan grabe???pede siguro di ko sure eh.basta yun na yun.:lol:

tama po. kung-fumulutan....
*sobra
*parang wala ng ibang mamumulutan
*grabe
*parang kanin
*etc.
 
Ayos! Wala pa ata akong nilalabag n rules jan, it comes naturally 4 me, joke, haha.. :D
 
hmmm.. kamusta na nga pala tong thread na to.. tagal ng tahimik ahh,,
 
Astig nito, parang lahat nakakarelate. Nakakamiss uminom!!!
 
Back
Top Bottom