SALAMAT
Salamat sa panandaliang saya,
akala ko totoo na,
mali pala ako ng hinala.
Kasalanan ko, wag kang mabahala.
Pasensya na kung ikaw ay naabala.
Hindi ko naman sinasadya.
Naramdaman ko na lang bigla.
Hayaan mo, ako'y lalayo na.
Tanggap ko na.
Huwag ka nang mag-alala.
Nauunawaan kita,
Kung hanggang doon lang talaga.
Huwag magtaka,
kung sayo'y nahulog bigla.
Hindi maipagkakaila,
isang kang natatanging obra.
Ayos lang ako.
Paulit-ulit kang sumasagi sa isip ko.
Hindi ko alam kung kailan ito hihinto.
Pero hayaan mo, masasanay din ako.
Sobrang dami kong "sana".
At isa ka sa kanila.
Kung dumating man ang araw na pwede na,
sana pwede pa.
Dahil baka kahit pwede na, ayoko na.
Salamat sa panandaliang saya,
akala ko totoo na,
mali pala ako ng hinala.
Kasalanan ko, wag kang mabahala.
Pasensya na kung ikaw ay naabala.
Hindi ko naman sinasadya.
Naramdaman ko na lang bigla.
Hayaan mo, ako'y lalayo na.
Tanggap ko na.
Huwag ka nang mag-alala.
Nauunawaan kita,
Kung hanggang doon lang talaga.
Huwag magtaka,
kung sayo'y nahulog bigla.
Hindi maipagkakaila,
isang kang natatanging obra.
Ayos lang ako.
Paulit-ulit kang sumasagi sa isip ko.
Hindi ko alam kung kailan ito hihinto.
Pero hayaan mo, masasanay din ako.
Sobrang dami kong "sana".
At isa ka sa kanila.
Kung dumating man ang araw na pwede na,
sana pwede pa.
Dahil baka kahit pwede na, ayoko na.