Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"Fake" Bavin Charger?

superflamer

Recruit
Basic Member
Messages
2
Reaction score
0
Points
16
Hello po, first time to post here.

Is there such a thing as "Fake" Bavin Chargers?

Meron po kasing tindahan si Bavin sa Quiapo, sa likod ng Nazarene Church. Meron din pong Bavin sellers dun sa building sa tabi, yung kilalang hub ng cellphone parts and accessories (Yung may Jollibee sa taas). Nagtingin din ako ng Bavin sa Lazada, malapit yung price nya sa benta ni Bavin sa Quiapo.

Bumili kasi ako ng Charger na 2.4A dun sa Building na may Jollibee. 200+ lang yung benta nila. Paglabas ko tinignan ko price dun sa tindahan ni Bavin. Same item, 425 pesos. Ngayon nagtataka lang ako, ibig sabihin ba kapag di dun sa store nila fake yun or mahal lang talaga ang benta ni Bavin sa Quiapo?

Thanks po!

ADD: Nag browse din ako sa ibat ibang page ng online resellers. It seems na halos parehas sila ng price ni Bavin sa Quiapo. Medyo nakakapagtaka lang kasi si Bavin Quiapo nag wewelcome din ng resellers (ibig sabihin may discount sa presyo kapag madami bibilhin) bukod dun sa tingi-tingi lang ang bibilhin. Does it mean pwedeng dito kumukuha yung ibang resellers then papatungan na lang para di malayo sa presyo ni Bavin Quiapo?

Pasensya na po if this query might irk the resellers or other people. Curious din lang kasi ako. Siguro maraming may ganitong tanong, so kung may nakaka alam po, please enlighten us.
 
Last edited:
Up ko lng to. Need ko din ng answers..
 

Try mo buksan, kung ang laman ng nabili mong bavin ay mga double A na battery, fake yun.
 

Try mo buksan, kung ang laman ng nabili mong bavin ay mga double A na battery, fake yun.

Code:

Sorry po, pero wala po kasing AA Batteries ang charger. Baka po powerbank sinasabi nyo.
 
Bka makatulong reference kung orig or not..
Bavin charger review

 
the best sa kiosk ka nalang ng malls bumili
 
maganda naman po ang products ng bavin, ako po gamit kong power bank Bavin ang brand pati yung micro usb cable. hanggang ngayon buhay pa
 
sa lazada ko nabili yung akin 380++ yata yung 2.1a dual usb charger hanggang ngayon gumagana pa naman almost 3 months na sabay ko pa chinacharge yung Romoss 20000 mah ko na power bank at cellphone. Pero napansin ko lang na parang may umaalog sa loob ng charger
 
Low quality ang bavin. Yan din gamit ko, 1 day lang nasira ang usb cable. Samsung charger maganda un 1a or 2.1a
 
Madali lang ito.

Mag install ka ng app sa android mo.

Yung battery charging app.

Pag mataas ang mA, usually 3000-3500 pag 2.4 A charger, eh di ayos.

Kapag mababa, naloko ka boi.
 
Madali lang ito.

Mag install ka ng app sa android mo.

Yung battery charging app.

Pag mataas ang mA, usually 3000-3500 pag 2.4 A charger, eh di ayos.

Kapag mababa, naloko ka boi.

mukang di natin alam ang conversion
1 ampere = 1000 milliampere
so kung 2.4a max output ng charger = 2400. tsaka max output nya yun. di naman laging ganyan kaya kung 3000-35000 hanapin mo iisipin mo talaga naloko ka :slap:
 
Last edited:
Madali lang ito.

Mag install ka ng app sa android mo.

Yung battery charging app.

Pag mataas ang mA, usually 3000-3500 pag 2.4 A charger, eh di ayos.

Kapag mababa, naloko ka boi.

Hindi accurate yan. Need hardware na usb amp meter.
 
Back
Top Bottom