Sige na nga sir, sama na natin Christianity. Ngayon, kunin natin yung example mo, base sa post mo applicable lang yung passage na sinabi ni God na lipulin ang isang tribo nung nagsisimula pa lang yung mga hebreo at ibinigay sa kanila ang palestina bilang kanilang tirahan. So sir, naniniwala ka sa isang Diyos na at one point in time nag-utos na ipapatay lahat na "pagano" na hindi naniniwala sa kanya dahil lang hindi sila naniniwala sa kanya? Di ba si Kristo at ang Diyos sa lumang tipan ay iisa? Papaanong iba ang sinasabi ng iisang Diyos tungkol sa mga kaaway sa lumang tipan tapos iba na naman sa bago? di ba tumutupad sa kanyang salita ang Diyos? Eh anung nangyari sa bagong tipan? Saka, kung lupa lang ang problema, di ba pwedeng gumawa na lang ang Diyos ng lupa? O di naman kaya gawing banal na lang yung ibang lupa sa mundo? O di kaya gumawa ng bagong mundo? Bakit kailangan pang ipapatay ng Diyos yung mga taong nakatira doon?
Di ba mahal ng Diyos lahat ng tao? Di ba special tayo sa kanya? More special than angels pa nga daw. Eh bakit sya nagpopromote ng genocide? Bakit sya may favorite? Kaya ba di nya nireveal ang sarili nya sa ibang mga lahi kasi favorite nya mga hebreo at sila lang maliligtas? So talagang hinayaan nya lang mapunta sa dagat dagatang apoy yung mga hindu muslim at iba pa?
Sabi mo applicable lang pag nagsisimula pa lang ang isang nasyon, di ba pamilyar? Di ba ganun din yung ginawa ng mga amerikano sa mga native americans? Ang pagkakaiba lang, ang sabi ng mga hebreo sinabi daw ng Diyos na gawin nila yun, kaya naging justified.
Eto sir, papano kung nakatira ka sa isang bansa, tapos may dumating na mga dayuhan, tapos pinagpapapatay kayo dahil pinangako daw sa kanila yung lupa na tinitirhan nyo, ayaw daw ng Diyos nila na may kasama silang may ibang paniniwala. Anong iisipin mo sir? Maniniwala ka ba? Di ba iisipin mo na baka gawa gawa lang nila yun? Di ba parang talagang gawa gawa lang nila?
una baguhin mo na lang ang thread na to... kasi sa huli't huli ang patutunguhan ng mga tanong mo ay kung may diyos o wala... mapakristiyano hudyo o muslim pa yan...
pero sabihin natin na naniniwala kang may diyos siyempre sasagutin kita bilang katoliko...
sa pagkakaalala ko
1.So sir, naniniwala ka sa isang Diyos na at one point in time nag-utos na ipapatay lahat na "pagano" na hindi naniniwala sa kanya dahil lang hindi sila naniniwala sa kanya?
as far as old testament is concerned yes
2. Di ba si Kristo at ang Diyos sa lumang tipan ay iisa?
oo dahil nga si kristo mismo ay isa rin hudyo
3.Papaanong iba ang sinasabi ng iisang Diyos tungkol sa mga kaaway sa lumang tipan tapos iba na naman sa bago? di ba tumutupad sa kanyang salita ang Diyos? Eh anung nangyari sa bagong tipan?
dahil ang mga tao sa lumang tipan aka hebreo ng panahon na sila ay napili ay walang lupa, remember galing sila from egypt freed from slavery at ang pangako nya ay bibgyan ng lupa "flowing with milk and honey" ang kanyang napiling mga tao....kaso may mga occupants na di ba, mga pagans with traditions and culture unclean in His eyes.
anong bang correlation ng old and new testament??
sa old we lost our grace from God following the fall of adam and eve... point one... napili nya ang israel to be a Priestly nation, a nation that will bring the truth about Him in the future and to bring salvation to mankind...
yun salvation na yun is encompassed in Jesus, for he is the fulfillment of that promise... bakit nag-iba na ang commandment nya?? because according to christian tradition, why would there be a need for violence when Jesus showed us how to live peacefully...
3.Saka, kung lupa lang ang problema, di ba pwedeng gumawa na lang ang Diyos ng lupa? O di naman kaya gawing banal na lang yung ibang lupa sa mundo? O di kaya gumawa ng bagong mundo? Bakit kailangan pang ipapatay ng Diyos yung mga taong nakatira doon?
pwede naman siguro di ba?? kaso di naman yun ang nangyari.. for a moment let's think na naniniwala ka nga ulit sa diyos.. do you think that he owes us an explanation on what he intended for those people?? being the Almighty and all that?? all those who interpreted the passage have only assumptions themselves.. it maybe that those people are beyond saving and instead of being converted themselves may contaminate his people...
pero yun tanong mo kasi is nasa standpoint ng isang atheist... which
have stated beforehand.. these questions will be best laid out as to the question as to God exists...
4.Di ba mahal ng Diyos lahat ng tao? Di ba special tayo sa kanya? More special than angels pa nga daw. Eh bakit sya nagpopromote ng genocide? Bakit sya may favorite? Kaya ba di nya nireveal ang sarili nya sa ibang mga lahi kasi favorite nya mga hebreo at sila lang maliligtas? So talagang hinayaan nya lang mapunta sa dagat dagatang apoy yung mga hindu muslim at iba pa?
sa konteksto ng katoliko, oo mahal nya ang tao... kaya nga pinadala nya ang anak nyang si Jesus bilang savior ng sanlibutan.not only to save jews but all who believes in the one true God...
again babalikan ko ang role ng israelites sa over-all plan nya to save mankind, they are to be the leaders, a priestly nation, of which dyan mangagaling ang manunubos... kaya nga sa OT napakaparticular niya about them (israelites) to remain pure and obedient to his commandments...
5.Sabi mo applicable lang pag nagsisimula pa lang ang isang nasyon, di ba pamilyar? Di ba ganun din yung ginawa ng mga amerikano sa mga native americans? Ang pagkakaiba lang, ang sabi ng mga hebreo sinabi daw ng Diyos na gawin nila yun, kaya naging justified.
yes I agree, ginamit nila ang Homestead act to claim the lands of the indians finally driving them to reservations...
I think its for biblical scholars to make a standpoint on the issue of their justification.. remember standpoint ito within the Judaeo-christian tradition... I will not make further comment except on what was taught to us in our catechisms kasi limited lang ang nakuha ko basing on their explanation on that passage in the bible... naalala ko natanong na din dati ito ng isang kasama kong seminarian, dahil yun events transpired after moses received the commandments from God... and kasama dun yun thou shalt not kill...
6.Eto sir, papano kung nakatira ka sa isang bansa, tapos may dumating na mga dayuhan, tapos pinagpapapatay kayo dahil pinangako daw sa kanila yung lupa na tinitirhan nyo, ayaw daw ng Diyos nila na may kasama silang may ibang paniniwala. Anong iisipin mo sir? Maniniwala ka ba? Di ba iisipin mo na baka gawa gawa lang nila yun? Di ba parang talagang gawa gawa lang nila?
which happened not only once in the jewish history but twice, remember after the establishment of israel as a country, pinalayas nila ang mga palestinians na tumitira sa ngayon ay israel na... hence ang gulo ay di pa rin nwawala...
but then again mr postman, ito ang pareparehong misconception ng tao sa religion nila at sa written scriptures... some take it too literally and some take the a very small portion of a passage, without reading or understanding the context in which it was written...
nwawala na tuloy kung ano ba ang pinakafundamental ng religion na yun... as christians we are called to be holy and to follow Jesus' example in life and to believe his salvation to mankind...
as muslims they are called to submit to the commandments of allah, they are also called to exert effort to be holy and live the five tenets of Islam..
ang gulo nagtratranspire when another religion imposes their belief on another and forces conversion...
natural di papayag ang sinumang indibidwal na ipilit bagkus either magpapakamartyr sya o papatay in defense of his faith...
pero ts standpoint ito ng isang theist to another...
para sa kin naman lalo na sa mga nagssabing confused ako sa religion ko hindi ko naman kailangan kumuha ng mga passages sa religion na yun para tirahin sila na mali paniniwala nila...
dahil kung talagang kaya ko na maging mabuting kristiyano makikita ito sa gawa at hindi sa salita, makikita nila ito na nagbibigay fulfillment at saya sa pagkatao ko... kaya kung maeenganyo sila na lumipat aba di maganda.... masaya ako para sa kanila...
pero bilang tao para mas mabuting makasalamuha ang ibang tao lalo na at ang iba or karamihan ay katrabaho at kaibigan ko pa mas mabuti na maintindihan ko rin paniniwala nila para nakakasigurado rin ako na narerespeto ko ang paniniwala nila... respect begets respect...