Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gastritis

ikuchan

Apprentice
Advanced Member
Messages
89
Reaction score
0
Points
26
Hi, ask ko lang kung sino may gastritis sainyo? gaano katagal bago nawala yung gastritis.

Sakin kasi nag start siya nung napadalas inom ko nung last august at nung nakaramdam ako nag take ako ng pain killer which is hindi pala ok sa tiyan at naging habbit ko yung after ko kumain humihiga ako agad.

kaya nag trigger na yung kirot sa tiyan ko habang tulog ako sa lower chest ko tapos pati mga tagiliran ko masakit na rin parang namimilipit or pinindot ng madiin laman ko.

nag pa check up ako sa dr at nag pa bloodtest at dun sinabi na may gastritis ako, ano nireseta sakin na gamot ay, amoxicillin, ormepazole at anti-acid.

after 1 week nawala naman yung kirot sa tiyan ko pero problema ko naman yung gas na parang abot hangang lalamunan ko, na minsan feeling ko na kailangan sumuka or nasusuka ako para lang ma release yung gas or acid pero d naman mawawala.

maraming bawal na food kaya no choice ako kundi kumain ng oatmeal palagi at water.

ok kaya ang salabat at kumain ng apple? kasi nung nag saging ako nag suka rin ako kasi maacid cia kahit low-acid na fruit.

ang hirap ng ganito first time nangyari sakin to hope gumaling na ako.
 
Ituloy mo lang omeprazole o any antacid. Tama ni reseta ng dr mo at usually mga two to three weeks gamutan dyan. Depende parin sa intake mo yan at lahat ng bawal alisin mo.
Mas maging aware kana sa mga kinakain mo kasi pabalik balik yan kung kakain ka ng bawal.

Ako teknik ko dyan pag malakas acid chew lang ako any biscuit at dapat palagi ka may baon. Tapos take ako kremil s yung pink. Tas omperazole o proton pump sa umaga bago mag breakfast.matagalan gamutan dyan at depende parin sa intake mo.
 
Ituloy mo lang omeprazole o any antacid. Tama ni reseta ng dr mo at usually mga two to three weeks gamutan dyan. Depende parin sa intake mo yan at lahat ng bawal alisin mo.
Mas maging aware kana sa mga kinakain mo kasi pabalik balik yan kung kakain ka ng bawal.

Ako teknik ko dyan pag malakas acid chew lang ako any biscuit at dapat palagi ka may baon. Tapos take ako kremil s yung pink. Tas omperazole o proton pump sa umaga bago mag breakfast.matagalan gamutan dyan at depende parin sa intake mo.

salamat tips sir, pa ubos na omeprazole ko kasi 14 days binigay sinabi sakin, pinaka problem k nlng talaga madali ako magka gas kaya egg at oatmeal lang muna kinakain ko, hindi ba masama n araw araw nag krekremil s? may times talaga na gusto k sumuka.

anong biscuit kinakain m sir.

lesson learned sakin to sobrang hirap ng ganitong sakit.
 
Last edited:
Water is the best neutralizer bro pag acidic ka at eat ka din banana. Oatmeal din ang eats ko pag may sumpong tummy ko. Para sakin di naman masama araw araw kremil s (pink) kahit 2-3x a day. Gaviscon medyo malakas nayun at pwede mo sya itake pag mahapdi na sa sa lamunan pag dumighay (heartburn). After meal ang take ng gaviscon o any antacid.

Ninipis kasi lining ng bituka mo pag palagi marami acid sa tyan at katagalan mauuwe sa ulcer yan. Neutralize mo muna using kremil or gaviscon. Stop mo muna proton o omeprazole kasi naka 14 days kana. Alalayan mo nalang sa kain at wag papa lipas ng gustom at lakas mag pa acid yan. Pag wala parin pagbabago visit your doctor para ma resetahan ka ng new meds.

- - - Updated - - -

Sky flakes po ok na o small biscuits. On time ka kumain o maaga.
 
thank you sa tips sir.

wala na yung inflamation sa tiyan ko problema ko nalang yung parang nag ststuck yung gas sa lalamunan ko at pinipilit k palagi mag dighay or burp, may times n nasusuka ako pero liquid lang lumabalabas, ganun rin b sainyo?
 
Last edited:
Oo kaso wala naman lumalabas sakin. Pag di kana nasusuka medyo pagaling nayan. Pag nagpalipas ako ng sunod sunod na araw dun ako nagiging acidic toda max. Continue nyo lang gamutan.
 
Back
Top Bottom