sir, sorry but it didn't answer my question, you've been posting that verses again and again.
eto po, question ko ulet. simpleng yes or no lang po ang sagot dito.
kasi your God is Jesus and Jesus doesn't know the end. tama po ba?
About po sa tanong nyo dito…
"Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito." --Marcos 13:32
Ito po ang aking sagot…
Totoo pong sinabi ito ng Panginoong Jesu-Cristo at ito ang aking pagkaunawa sa bagay na ito.
Ang paghuhukom po ay itinakda ng Diyos na mangyayari ngunit wala pang tiyak o eksaktong petsa ika nga kung kailan ito magaganap hanggat hindi pa natatapos ni Cristo ang Kanyang gawain dito sa lupa nung Siya ay tao pa.
Ang sabi po sa Biblia…
Sumagot si Jesus, "Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. --Gawa 1:7
Kung malalaman po ng tao ang eksaktong araw ng pagdating ng katapusan maari pong mawala ang "FAITH" ng mga tao kay Cristo na makapagliligtas sa tao. Logicaly maraming taong gagawa ng kasamaan dahil iyon po ang kadalasang madali para sa mga tao. Maaring ang mga tao ay magbabago o magsisisi nalamang 1 week before o kahit one day before nalang bago ang araw ng paghuhukom dahil ang tao ay pwedeng magsisi hanggat siya ay nabubuhay pa ayon sa kabutihan ng Diyos.
Ngunit ng si Jesu-Cristo ay nabuhay at bumalik sa dati Niyang kalagayan bilang Diyos, ito ang Kanyang sinabi…
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. –Mateo 28:18
Kaya't muling naibalik na sa Kanya ang lahat ng kakayahan, kaalaman at karunungan ng isang Diyos sa nakalipas sa kasalukuyan at sa darating pang mga panahon. Natitiyak kong alam na rin Niya ang eksaktong araw ng paghuhukom, dahil Siya mismo ang babalik para sa mga tutubusin.
Tungkol naman po sa pagiging Diyos ni Cristo…
Kung iisa-isahin ko po ang mga katibayan sa Biblia na si Cristo ay Diyos, eh napakarami po nun. I suggest nalang po in your own desire makikilala po ninyo si Christ sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia. Accessible naman po ang Biblia maging sa internet.
Ito naman po ang aking maiksing paniniwala ko na si Cristo ay Diyos…
Naniniwala po akong si Jesu-Cristo ay Diyos, dahil sa Kanyang pangalan napapalayas ang mga devil sa isang lugar o nasasaniban completely, Diyos lang po ang may ganung kapangyarihan. Dahil ang mga devil ay kinikilala ang pangalan at kapangyarihan ni Cristo at ang tawag sa Kanya maging ng mga devil ay Kataas-taasang Anak ng Diyos(
pdf). Kung isang tanyag na propeta lamang si Jesu-Cristo, ibig sabihin pwede rin nating gamitin ang pangalan nila Moises, David, Elias, Eliseo, Isaias, Jeremias, Daniel, Zacarias at marami pa sa pagpapalayas ng devil lalo na sa mga devil na sumasapi sa tao. Maaari din sigurong gamitin pati ang pangalan ni propeta Muhammad ng Islam sa pagpapalayas ng devil.
Hindi man ni Cristo inutos na tawagin Syang Diyos, hindi naman Niya hinahadlangan na kilalanin Sya ng tao bilang isang Diyos.
Marahil o siguro nung panahong Siya ay nasa lupa pa, Siya ay nasa katawang tao pa. Kaya’t tinawag Syang Panginoon sa halip na Diyos dahil ito ang angkop at tawag sa mga ginagalang na tao dito sa lupa. Bilang si Cristo ay nasa katawang lupa pa, Sya ay tinatawag na Panginoon hindi Diyos.
Nung si Cristo ay nabuhay pagkatapos mamatay, Sya po ay bumalik sa dati Nyang anyo o kalagayan bilang Diyos. Ang katawang lupa po ay namamatay at hindi nabubuhay, si Cristo po ay nabuhay sa Espiritu dahil ang Diyos po ay Espiritu.
Bukod po sa pagkabuhay ni Jesu-Cristo bilang patunay na Siya ay tunay na Diyos…
Ito pa po ang ilang katibayan sa Bilia na si Jesu-Cristo ay isa ngang tunay na Diyos!
Pede nyo po itong basahin sa ibaba, ngunit angkop lamang po ito sa mga taong naniniwala sa Biblia…
----
Nagalit kay Esteban ang buong Sanedrin nang marinig iyon at nagngitngit sila laban sa kanya. Ngunit si Esteban, na puspos ng Espiritu Santo, ay tumingala sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. Kaya't sinabi niya, "Nakikita kong bukas ang kalangitan, at ang Anak ng Tao(Jesu-Cristo) na nakatayo sa kanan ng Diyos." --Gawa 7:54-56
----
Naglakbay si Saulo papuntang Damasco, at nang siya'y malapit na sa lunsod, biglang kumislap sa paligid niya ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba siya sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi, "Saulo, Saulo! Bakit mo Ako inuusig?" "Sino kayo, Panginoon?" tanong niya. "Ako'y si Jesus, ang iyong inuusig," tugon ng tinig sa kanya. "Tumayo ka't pumasok sa lunsod, at doo'y sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin." Natigilan ang mga kasama ni Saulo nang marinig nila ang tinig ngunit wala naman silang makitang nagsasalita. Tumayo si Saulo at nang dumilat, hindi na siya makakita, kaya't siya'y inakay ng mga kasama niya hanggang sa Damasco. Hindi siya nakakita sa loob ng tatlong araw, hindi rin siya kumain ni uminom. –Gawa 9:3-9
----
At ang buong –
Revelation
----
God bless