Di nyo ba napansin? Isang taon nang lumipas pagkatpos ng elekyon para sa pagkapangulo. Marami ang masaya at nabuhayan ng loob - Kasi si PNOY daw ang magpapaunlad sa bansa. Sa tingin nyo, umunlad ba ng bahagya ang bansa natin ngayon?
Sa tingin ko, kailangang maging mas marunong ang Pilipino sa pagpili ng mamamahala sa atin. Hindi porke't nanay o tatay nya ay isang bayani, eh hindi na sya pwede maging trapo. Yung sa hacienda Luicita nga, ipinangako ni PNOY na ibibigay ang lupa sa mga naninirahan dito noong nangangampanya pa lang sya. Nung nanalo sya, may umalmang mga mayayamang kamag anak nya. Sa kahulihulihan - nagbigay sila ng kakarampot na stock value sa mga magsasaka. Ang hindi nila alam, pag nagdeclare ng bankruptcy ang hacienda, eh wala silang makukuha kahit singkong duling.
Ang mga patakaran, paiba iba. Ang toll, nagtaasan. Ang holiday pay ng mga worker, imbes na 100% na double pay eh ginawang mas mababa. Marami pa rin nangingibang bayan para doon maghanap ng trabaho. Ang mga political dynasty ng mga trapo, mas lalong dumadami. Ang mga kawatan sa gobyerno, hindi pa rin nakakasuhan. Ang mga mayayaman, may vip treatment sa kulungan (minsan pinapayagan pa nga lumabas para magexercise daw - GANON?!), Ang ilang ahensya ng gobyerno, binebenta sa mga private companies. At marami pa ring binabawian ng buhay sa mga daanan ng metro manila dahil sa kapalpakan ng pagkagawa nito.
Ano sa tingin nyo? Nasa tamang daan na ba ang Pilipino? O, naglalakad tayo ng paatras?