sariling kaligayahan? yun na nga eh, kulang nga ang isang taon eh di sana hindi na lang sya tumakbo na presidente kung lovelife ang iniisip nya. madami na ngang problema ang pilipinas, idadagdag pa nya yung personal nya. at mistulang nagpapaka-showbiz pa ang presidente mo. sa lahat ng crisis sa pilipinas na dumadaan sa administrasyon nya, anong ginawa nyang aksyon? simula ng maupo sya bilang presidente, wala pang pagbabagong nangyari bukod sa pag appoint nya sa iba't ibang artista sa posisyon sa gobyerno. pag appoint sa sinasabi nyang HINDI CORRUPT na tauhan, ano ngayon ang nangyayari? bagkus, lalo pang lumala. Mas maigi pa kay gloria, kahit corrupt, may nagagawa, eh kay pnoy, may bahid korupsyon, pero walang ginagawa. history repeats itself. matutulad din ang gobyernong ito sa administrasyon ng nasira nyang ina. coup 'd etat. rebelyon etc. Ang mahirap kasi sa mga botanteng pinoy, maging sikat lang ang isang tao, may kakayahan na syang maging presidente ng pilipinas. hindi man lang tinitignan kung QUALIFY o hindi.
may tanung ako. Anu na ang mga nagawa mo para sa bayan?
nagbabayad ka ba ng tamang buwis ng walang reklamo?
tumatawid ka ba sa tamang tawiran?
nagtatapon ka ba sa tamang basurahan?
natulungan mo na ba ang kapwa mo Pilipino sa pamamagitan
ng pagbibigay ng trabaho sa kanila?
nakapag charity ka na ba sa mga mahihirap at sa mga nasalanta ng
kalamidad?
Gaano mo kamahal ang Pilipinas?
Kinaiinisan mo ba ang mga tiwali na Pilipino at ginagawan mo ng hakbang
para maparusahan sila ayon sa batas?
Naisasabuhay mo ba ang Panatang Makabayan?
Kung oo ang lahat ng sagot mo sa tanung ko sana ay maging honest ka..
Saka ipinagmamalaki mo si gloria eh dapat siya nga itong mahiya dahil sa loob ng 9 na taon, hindi man
lang niya nagawan ng paraan na magkaroon ng magandang buhay ang bawat pilipino... tapos isisisi mo
kay pnoy ang lahat na keyso iilang buwan pa lang siya?
Kinumpara mo ba ang buhay mo sa buhay ng mga naghihirap sa mga skwater:? o kahit sa mga
nayon at liblib na lugar?
Oo hindi mo siya ibinoto pero binoto siya ng mas nakararami kaya wala ka nang magagawa kungdi ang sumunod at gawin ang dapat mong gawin para makatulong. Hindi lang ang presidente ang bumubuo sa isang democratic country.
Isa lang ang bottom line diyan.., kung nasususnod mo ang lahat ng batas at tungkulin mo bilang isang
Pilipino.. may karapatan kang magreklamo at mag rant. Pero kung hindi, subukan mo nalang maging
isang tunay na Pilipino.