Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! PAG-USAPAN NATIN

Mga tol may problema ako paano ko siya lapitan at kausapin ?

kasi nahiya ako sa kanya gusto ko sana ligawan siya kaso hindi ko lang nasabi sa kanya ang totoo baka magalit yung babae

anu ang gagawin ko para makuha ko siya at maging kami na ?
 
Last edited:
Re: Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! P

Hi mga kapatid . I need some advice .. ganto kasi yon may my kapatid yung asawa ng tito ko :D we met siguro mga 8 yrs old pa lang ngayon naman bata pa rin ako 18 yrs old pa lang . :) Nagbabakasyon siya samin (girl ako tapos siya boy) typical na nagbabakasyon tsaka lagi siyang nasa kwarto lang ng mga titta ko di nga lumalabas yun e .. makakausap ko lang pag tatawagin ko para kumain na or aayain ko siyang magcoffee or milk pagkagising niya . To make the story short . Di naman kami close wala ngang pansinan e .. deadma lang ..tapos after 10 yrs mejo close kami ngayon nga close kami . Hilig ko lang mangulit sa kanya at lagi ko siyang inaasar kasi naman wala siyang girlfriend sabi ko pa nga sa kanya lagi hanap kita ng chicks . Yung maganda ,. good looking naman xia at alam kong madaming nagkakagusto sa kanya . ** Btw kaka23 niya pa lang naman . Still young ** sa pangungulit ko sa kanya meron siyang girl na kinukwento .. yun daw yung babaeng deserving na matagal niya ng kilala napansin niya lang daw yung girl nung graduation ng grade 6 ang cute cute daw kasi at ang bait bait and bastah daw iba yung girl na yun sa lahat then after 2 or 3 yrs naging first love niya daw yun ..and now 4 yrs and still counting na nga daw niyang mahal yung babae na yun.. gumagala nga daw siya dun sa my place ng babae kasi my kamag anak siya dun . Sagot ko pa nga . "paraparaan din ha? Yung totoo kamag anak ko dinadalaw mo o yung babae?" Sagot nia lang .. haha . "Siyempre" natutuwa kasi akong nadidinig yung boses niya at nakikita siya . Pero di ko naman kinakausap . Nung nagbakasyon nga ako sa kanila di ko naman din nakakausap .. sabi niya pa magg'gf daw siya pag may asawa na yung girl para alam niyang wala na siya talagang pag asa .. sabi ko pa nga sa kanya I will always envy that girl ang swerte swerte nia . Hindi deserving yun para sayo . 2014 na kaya di na uso ang martir hano? Ang sinasagot niya lang sakin . Wag daw akong makulit at pabayaan io lang daw siyang mahalin yung babaeng yun .. so, I investigate who's that girl and I found out na ako pala yung sinasabi nia .. at nalaman niyang alam ko na yung antagal tagal niyang itinago na sinabi niya lang sa kaisa isang tao na accidenteng nakita yung picture ko *na kinuha niya ng walang paalam sa bahy nmin pinakita ko daw kasi sa kanya nung 2010 yun, nun niya rin kinuha*

Ano po kaya ang magandang gawin? Nasanay na ko ng kuya ko siya e .. at hanggang ngayon kuya ko pa rin siya .
 
Re: Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! P

dapat cguro gumawa nlng kyo ng thread kesa pinopost nyo dito as comment. mahirap i follow up pag ganito.

@enerij

Nasanay kang kuya mo siya. Hanggang ngaun kuya mo parin siya. The fact na you tried isipin na he's someone other than a kuya is enough feelings to make It build up. Nanyare na sakin yan sa 1st GF ko, though mas shocking ung saken ksi she confessed to me. When all those time na magkasama kame, never talagang dumaan sa isip kong magiging couple kami. Bestfriend ko lang tlga siya pero we're soooo compatible on a very special level. On almost every aspect nagkakasundo kame, at ako lang ang sinasabihan nya ng mga stuff na she would not even tell her family. From that point nung nalaman kong iba na pagtingin nya, nung una tlga mejo awkward. Pero slowly but steadily we got back on track, then eventually nahulog narin ako sa kanya.

Masasabi kong nanyari lang yon, hindi dahil compatible kami or bestfriends kami, kung di simulat sapul kasi meron na tlga tayong feelings towards this person. It's just a matter of acceptance within you If you want them to be more close and intimate. Sa totoo lang wala namang masyadong nagbago kahit nung naging kami na, except meron na nung mga intimate parts. And the feeling of "need" sa isat isa.

All in all, maging tapat ka lang sa nararamdaman mo. But be prepared sa magiging future consequences. Yes, consequences talaga. Hindi ko pinapababa esteem mo pero alam naman nating lahat na relationships are always a double edged sword. You get more out of them, but you also lose more from them. Its built to be a high risk high reward set up.

Eto yan eh. Pag inaccept mo yung feelings nya, you could either win(pag tumagal kayo) or lose(pag hndi nagwork out). Pero pag tinanggi mo yung feelings nya, lose-lose situation lang. You gain nothing but awkwardness which will ultimately result na both you possibly parting ways forever.

PS: Mas maganda sana kung gumawa nalang kayo guys ng sarili nyong thread. Para mas maraming mag respond sa inyo at mas madaling i follow.
 
Re: Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! P

Pa help naman...tatanung kulang poba kung ok lang ba na kaibiganin ng gf ko yung mga ex bf nya? minsan nagkakatxt at nag chachat din sila ng mga ex nya, wala naman din xang ginagawa pero nagseselos ako eh. ung mga ex kasi nya makukulit ung iba gusto makipagkita ung iba gusto makipag balikan, ano po ba dapat gawin ko, hahayaan ko nalang poba or sasabihin ko nalang sa kanya na tigilan nya ang pakikipag chat sa kanila at pakikipagtxtsan sa kanila? Salamat and advance sa magbibigay ng kasagutan :)
 
Dapat lang na tantanan nya na mga ex nya. Lalo na ung mga nakikipagbalikan. Di tama yon, hindi na nirespeto na meron ng BF ung tao. Kaya nga anjan kna eh.

Kung hindi siya masabihan na tantanan nya tong mga ex nya, ikaw na mag step up at gumawa ng paraan. Mas mabuti pag ikaw na mismo lumapet sa mga ex na to at pag mumurahin mo. Lalake parin naman mga yan, matatauhan mga yan pag ikw na mismo umaksyon.
 
Re: Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! P

Hi po sir
I have a problem about love ganto po kc yan

We have a group in facebook named Pretty And Handsome group. Dun ko po nakilala si Honnedale
At first po naging close po kami sa isat isa, nagkakachat,nagkakatext,hanggang sa naging sweet kami sa isat isa. Hanggang sa nahulog po ako sa kanya. Nagkaroon po ako ng kebegan na lalaki sa group na malapit kay honnedale. Sya po ung naging tulay para malaman ko ang mga gusto ni honnedale sa isang lalaki. parang nagsspy ba. Merun din naman pong kaibigan si honnedale sa group namin sa facebook. itatago ko po sa pangalang lovely. si lovely naman po nagkagusto sa akin nung una palang akong sumali sa group.naging close po sila ni honnedale, naging malapit sa isat isa parang magkapatid ang turingan. Nakwento nya rin po kay honnedale na may gusto xia sa akin. ang mali ko lang miahal ko din si lovely. pero mas mahal ko si honnedale. wala po akung balak saktan si lovely. then isang araw umamin ako ng nararamdaman kay honnedale sa pamamagitan ng chat. After ko pong umamin, umiwas na po sa kin si honnedale magmula nun. hanggang sa nawalan na ko ng pag asa na balang araw mababalik ung pagsasamahan namin ni honnedale. naging kami ni lovely ng 2months minahal ko po xia pero di po tulad ng pagmamahal ko kay honnedale. Hanggang sa nagkahiwalay kami ni lovely.. Hanggang ngaun di parin ako maka move on kay honedale. ilang months narin ang nakakalipas. naging obsess ako sa kanya. tinetext ko xia every murning ng sweetmessages pero ni isang reply wala ako ng natanggap sa kanya. Until now na mag iisang taon na. kahit wala kaming pansinan sa group,walang communikasyon,kahit di ko pa xia nakikita sa personal. Mahal na mahal ko parin sia. Nasasaktan po ako kapag tuwing binabalik ko ung mga ala alang close pa kmi sa isat isa. kapag nakikita ko na napapasaya xia ng ibang tao na ako di ko man lang nagawa sa kanya. nasasaktan po ako na nakakalimutan nya na ako. Sobrang sakit po. di ko alam ang gagawin ko.Until nagtext po sa akin ung kebegang kung lalaki sa group. sabi nya the time na nakakatxt nya ako noon. nag ka gusto rin daw sa akin si honnedale noon. Laking panghihinayang ung naramdaman ko that time. inisip ko nappaka tanga ko. hinding hindi ko na mababalik yung dati.Hanggang ngayon nagsisisi padin ako sa nagawa ko. cguro kung di ako umamin sa kanya. di mangyayari to, cguro kung di naging kmi ni lovely, di xia iiwas sa akin. Sobrang sakit po. damang dama ko padin ung sakit. sa kanya lang po ako nagseryoso ng ganito. anuh pong gagawin ko? :(((
 
Re: Gusto mo ba ng advice sa PAG-IBIG / PROBLEMA? PASOK!!! P

Thanks sa sagot, ung gf ko muna pagsasabihan ko.
 
hellu po pwed po ba pa ADVICE!
kc ganito po. palagi nlng po kc kami nag aaaway kc LONG DISTANCE RELATIONSHIP po kc.
gxto kasi nya palagi kami mag communicate palagi pero d po ako kc ako mabigay lahat ng oras
my trabaho kc ako. tpos yon tuloy2x na ang awayan nmin. hanggan xa sya na ang na iba.
tntxt ko ko sya puro na ok. maoba. ang sinasabi nya tpos pagtatawag ako d na sya sasagot tpos off pa cp nya. at e cacancel na twag ko.
ano po ba ang tamang gawin ko??

NED LNG PO NG ADVICE!! :weep::help:
 
kasi po nililigawan ko po sya pumayag naman po sya
tapos parang turingan na po namin sa isat isa parang kami na nag kikiss na po kame holding hands at kilala na ko ng mga kaibigan nya
kaso after grad pa daw nya ako sasagutin e mahal na mahal ko po tapos kaka 2 months lang po namin
para wala na sya masyadong time sakin dami nyang dahilan miski ano miski ano daw
tapos un pinag kakatiwalaan ko naman po sya
tapos may nabasa po ako sa facebook nya na close friend nya daw po sinabi nya po dun sa boy na "kaw kasi friendzone mo ko e"
syempre po masakit po na mabasa ko po yan .
tapos po dumating na sa time na lagi na po kaming nag aaway ako na po nag papakababa
pero sinasabi nya parin sakin na mahal nya daw ako

pa advice naman po :(
 
Hi guys. Kailangan ko po ng advice. May girlfriend po ako at 3 months palang kami. Lagi kaming masaya nuon, nagkukulitan, naghaharutan at iba pa. Pero ngayon napansin ko nagiiba na siya at nalaman ko nalang na may gusto siya sa ibang lalaki at nafafall out na sa akin. Kasi sa tuwing sinasabi niya na about dun kay Jude (nagugustuhan niya) parang bali wala lang sakin pero sa loob nasasaktan ako. Hindi ko nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Lagi siya may katext pero hindi ko tinitignan, nagpakatanga kasi ako ehh. Nagseselos ako lagi pero indi ko sinasabi. So kanina kinausap ko yung kaibigan ko about sa girlfriend ko, sinasabi ko sa kanya na lagi akong nalulungkot, then hindi tulad nung dati lagi kami magkatabi at masaya, and ngayon bihira nalang kami magtabi then sa tuwing sumusunod ako sa kanya parang ayaw niya ako makasama, at namimiss ko na yung dati niya na lagi kaming masaya. Tapos nung may tinanong yung friend ko sa girlfriend ko (Pero hindi ko alam tinanong niya), tinawag naman ako ng girlfriend ko and then sabi ano ba problema mo?? Tapos yung friend niya, sabi niya gusto na niya makipagbreak dahil napapansin ko parang hindi na kayo ehh at may iba na siyang gusto at nafafall out na sayo. Then sabi ng girlfriend ko, gusto ko pa siya bigyan ng second chance ehh kaso naguguluhan ako ehh. Ayun tinatanong niya sakin kung ano ang gusto ko. Then hindi ako nakakakibo. Sinabi ko kasi sakanya na nagseselos ako lagi, kaso huli ko na nasabi ang lahat :( tapos sabi niya bakit ngayon mo lang sinabi mga nararamdaman mo?! Hindi mo ba alam na lagi akong umiiyak. Please pahelp :( di ko alam sasabihin ko sa tanong niya na kung ano ang gusto ko. Please help hindi ko alam sasabihin ko sa tanong niya na kung ano gusto ko. Nag cool off kami hanggang december 15. 15 ang monthsary namin. 11 days kami cool off. At nung tinatanong niya kung ano gusto ko, ang sinasabi ko naman ay "Magbabago na ako tapos sorry" Sabi niya, Ano ba talaga?!! Paulit ulit nalang tayo ganito. Tuwing nagaaway kasi kami lagi ko nasasabi yun. please Pahelp po :( hindi ko talaga alam sasabihin ko. Mahal na mahal ko oo siya at hindi po ako sawa sa kanya. Naalala ko pa po nung sinabi Niya nung monday, sabi ko nun "akin ka lang ha, mahal na mahal kita", sabi naman niya "Opo, Kanino naman ako mapupunta?"
 
Akshali kasalanan mo yan eh tuwing tinatanong ka ng gf mo kung anong gusto mo natatameme ka at di ka sumasagot if I were you pag tinatanong ka niya yung na yung gamitin mong pagkakataon to tell her everything yung hinanakit mo yung nararamdaman mo. Kasi pag di mo sinasabi wala mangyayari,di niyo masosolve ang problema tapos andyan pa na may nagugustuhan siyang iba, if you really want to save the relationship habang gf mo pa siya habang hawak mo pa siya habang sayo pa siya do something kasi pag nagbreak kayo at pumunta na siya sa Jude na yun wala ka ng magagawa. So tell her ano ang gusto mo mangyari sa relationship niyo and fix the problem hindi yung nageemote emote ka lang dyan. Ayaw mo pala siya mawala pero imbes na you do something about it eh di mo sinasagot tanong niya kaya naman nawawalan na ng gana sayo gf mo. Whatever your kasalanan is (panay sabi ka kasi na magbabago ka so may nagawa ka siguro) make up for it, bumawi ka, baka naman nagpapabaya ka kaya nababaling atensyon ng gf mo sa iba. Pagtuunan mo siya ng pansin para di siya masulot.
 
need ko lang po ng opinion/advice.

nawawalan na po ako ng gana sa bf ko kasi feeling ko, i am being taken for granted. mahal ko sya kaya lang, napansin ko whenever we had misuderstandings, ako na lang palagi gumagawa ng effort para magkaayos kame. it's as if wala lang sa kanya kung maging okay o hindi. and whenever worst comes to worst, he always give me an option na iwan ko na sya. ano ba ibig sabihin nun? is he just waiting na umayaw na ko? ayaw na ba nya? hindi na ba nya ko mahal?
 
if your boyfriend doesn't make an effort to fix your problems then there is something wrong, yung tipong kahit mali na niya ikaw pa rin ang nagrereach out para magkaayos kayo. it's time to assess if you still want to continue the relationship because clearly the way he acts it's as if you are not important to him. if mahal ka niyan di niya isusuggest na iwan mo na lang siya. you could be right na hinihintay ka na lang niya na ikaw umiwan sa kanya. if you feel na wala ng patutunguhan ang relationship there's no point in saving it nasasaktan ka lang tapos siya wala lang. relationships are hardwork and it takes two people to make it last pero kung isa lang sa inyo ang lumalaban mauuwi rin yan sa hiwalayan. think about it.
 
akala ko, it was just his fears and resentments coming from his past relationship. pero mukhang ganun na nga.
 
akala ko, it was just his fears and resentments coming from his past relationship. pero mukhang ganun na nga.

all i can say is if he really loves you. he will make you feel it, at least mafeel mo na he is making an effort not to lose you.
 
Magandang Araw po,

Ano po ba ang dabest na sasabihin kay Crush?? balak ko po kasing ligawan siya. sana po may mag rereply salamat. :)
 
Magandang Araw po,

Ano po ba ang dabest na sasabihin kay Crush?? balak ko po kasing ligawan siya. sana po may mag rereply salamat. :)

your TRUE feelings. as simple as that. pero dapat tanggap mo ang magiging result ng actions mo, kasi ang panliligaw, it's a matter of risk taking.
 
Good day ts..I'm 38 y/o and I don't have a gf since birth..pingsisihan ko ang bagay nato kasi nga bagaman may nagpaparamdam naman sakin na mga girl na may interest sakin eh di ko nman sila pinansin kasi ang katwiran ko eh manliligaw lang ako sa babaeng mahal ko at ayaw ko magsamantala sa kanila.. kaya lang pihikan ata ito puso ko kasi 2 beses pa lang ako nanligaw eh sawim palad pa..hehe at ito lately nung taong 2013 nadeveloped ako sa isang girl na kapitbahay nmin kaya lang npakabata pa nya sa edad na 16y/o para ligawan ko kaya ang plano ko sana eh pag 18 nya ko sya ligawan..panay lang patutsada at paramdam ng konti sa kanya kasi nga bata pa sya..to the effort ako maging good shot sa buong family nya at napalapit nman ako sa kanila to the point eh ipinaalam ko na rin sa nanay nya na gusto ko ang anak nya..kaya lng ito taon na to eh nasulot sya sakin ng nkababata ko kapatid..masakit! hanggang ngayon nagpipilit ako makapag move on alam ko time will come masasanay din ako at matanggap na tlagang wala na sya..super close kami nung di pa sila pero kelangang dumistansya at ipaubaya sya dun sa taong mahal nya masakit man sa part ko..sayang..ang problema ko ts eh panu ko sya mkalimutan kasi pag nakikita ko sya bumabalik yung feelings ko at madalas naiinis ako sa nkababata ko kapatid dala ng selos?panu nga ba ts mag move on kung madalas mo sila makita..?nakakahiya man na humingi ng payo sa edad ko nato eh inaamin ko na wala ko masyado karanasan sa larangan ng pag ibig kaya it really annoying to me to feel this kind of heartache..anyway so much for that..hehe..thanks ts for starting this thread and giving your time to read my short love story..:)
 
Last edited:
Salamat sir. :D

hi may problema ako. may kinakasama ako at 2 ang anak namin. madami akong sama ng loob sa kanya pero sa tuwing sinasabi ko lahat yun, nag eend up lang na ako ang mali - na di daw dapat sumasama ang loob ko. ex ng mga sama ng loob ang hindi nya madalas pagpansin sa akin, gaya ng sa pagtulog na pipilitin ko pa sya akapin, paglalambing, paggawa ng mga gawaing bahay, paglabas ng kaibigan nya na hindi magawa sa akin. hindi ko alam ang gagawin. sobrang sama ng loob ko to the point na hindi na ako makakain ng maayos at hindi na din makapag isip ng ayos. madalas kapag nagsasalita ako, mura at sigaw lang ang maririnig ko sa kanya. na kesyo nagger daw ako. ansakit ng dibdib ko na gusto ko ipaalam sa kanya pero hindi ko magawa.
 
Back
Top Bottom