Hi guys. Kailangan ko po ng advice. May girlfriend po ako at 3 months palang kami. Lagi kaming masaya nuon, nagkukulitan, naghaharutan at iba pa. Pero ngayon napansin ko nagiiba na siya at nalaman ko nalang na may gusto siya sa ibang lalaki at nafafall out na sa akin. Kasi sa tuwing sinasabi niya na about dun kay Jude (nagugustuhan niya) parang bali wala lang sakin pero sa loob nasasaktan ako. Hindi ko nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Lagi siya may katext pero hindi ko tinitignan, nagpakatanga kasi ako ehh. Nagseselos ako lagi pero indi ko sinasabi. So kanina kinausap ko yung kaibigan ko about sa girlfriend ko, sinasabi ko sa kanya na lagi akong nalulungkot, then hindi tulad nung dati lagi kami magkatabi at masaya, and ngayon bihira nalang kami magtabi then sa tuwing sumusunod ako sa kanya parang ayaw niya ako makasama, at namimiss ko na yung dati niya na lagi kaming masaya. Tapos nung may tinanong yung friend ko sa girlfriend ko (Pero hindi ko alam tinanong niya), tinawag naman ako ng girlfriend ko and then sabi ano ba problema mo?? Tapos yung friend niya, sabi niya gusto na niya makipagbreak dahil napapansin ko parang hindi na kayo ehh at may iba na siyang gusto at nafafall out na sayo. Then sabi ng girlfriend ko, gusto ko pa siya bigyan ng second chance ehh kaso naguguluhan ako ehh. Ayun tinatanong niya sakin kung ano ang gusto ko. Then hindi ako nakakakibo. Sinabi ko kasi sakanya na nagseselos ako lagi, kaso huli ko na nasabi ang lahat
tapos sabi niya bakit ngayon mo lang sinabi mga nararamdaman mo?! Hindi mo ba alam na lagi akong umiiyak. Please pahelp
di ko alam sasabihin ko sa tanong niya na kung ano ang gusto ko. Please help hindi ko alam sasabihin ko sa tanong niya na kung ano gusto ko. Nag cool off kami hanggang december 15. 15 ang monthsary namin. 11 days kami cool off. At nung tinatanong niya kung ano gusto ko, ang sinasabi ko naman ay "Magbabago na ako tapos sorry" Sabi niya, Ano ba talaga?!! Paulit ulit nalang tayo ganito. Tuwing nagaaway kasi kami lagi ko nasasabi yun. please Pahelp po
hindi ko talaga alam sasabihin ko. Mahal na mahal ko oo siya at hindi po ako sawa sa kanya. Naalala ko pa po nung sinabi Niya nung monday, sabi ko nun "akin ka lang ha, mahal na mahal kita", sabi naman niya "Opo, Kanino naman ako mapupunta?"