Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Guys Question About mga Teacher na nag aaral at nag tuturo ???

stupidlove123

Apprentice
Advanced Member
Messages
98
Reaction score
2
Points
28
Guys legal ba ? or allowed ba ang mga teacher or proffessor na Mag turo same time nag aaral ???

Yung pamangkin ko kasi sa school nila
meorn silang professor nag nag mamasteral thesis nag aaral sya ngayon adviser nila ito sa kanilang thesis ngayon palaging wala the same time busy
Baga sa ano ang hirap hagilapin.

Anyway public school to.


Gusto ko lang malaman kung allowed ba sa teacher yung ganung sistema ? kasi i mean diba sumusweldo pero wala sila sa school na dapat pwede sila
Kontakin ng mga studyante or kung may itatanong.


Dumadaing kasi sa akin ang aking pamangkin kaya gusto ko muna malaman kung rights ba ng mga professor yung ganun.

Salamat. :salute:
 
Kung may concerns ang students re: their thesis, dapat madaling lapitan si thesis adviser. kung feeling nila hindi helpful ang nakuha nilang adviser sa thesis, palitan na lang nila (sa university namin pwede yun eh) o kaya isangguni na nila sa dean or sa higher ups.
 
Kung may concerns ang students re: their thesis, dapat madaling lapitan si thesis adviser. kung feeling nila hindi helpful ang nakuha nilang adviser sa thesis, palitan na lang nila (sa university namin pwede yun eh) o kaya isangguni na nila sa dean or sa higher ups.

Yun nga problema mam yung adviser kasi nila na yun medyo mataas tas dun sa faculty ng office alam mo yung may medyo kampi kampihan sila.
Pag nag sumbong ka sa mga dean ikaw ang talo.

Gusto ko lang tlaga malaman kung may rights sila na mag aral same time na nagtuturo sa sa school minsan wala pa. e nagkakasweldo naman sila.
Public school yun.
.
Hindi ko kasi alam nag try ako mag messages sa deped at emails kaso wala sagot kaya gusto ko lang malaman kung may mga prof man dito sa mga public schools sana may makasagot maraming salamat.
 
Para makapagturo ka, you MUST be one step ahead sa mga students. Sa case nyan, college ang pamangkin mo, so dapat ang magiging instructor / professor nya ay may MASTERAL degree or higher, OR may units OR currently kumukuha ng MASTERAL DEGREE. Napakadaming cases na ganyan, at madami din ako kakilala na currently ay faculty member ng isang school, and at the same time ay nag-aaral ng masteral.

Now, hindi masama yung ganung scenario. Ang mali jan ay yung paga-allow ng school na mag-absent sya sa mga classes nya, OR mabigyan sya ng schedules sa mga araw na may "pasok" sya sa masteral nya. So sa side ng school, sya ang dapat sumagot sa behavior ng instructor sakaling maapektuhan ng pag-aaral nya yung mga araw na dapat ay may klase sya.

On the other side, required ang instructor na pumasok sya sa klase nya, PERO hindi sya required LAGING present sa mga oras na wala naman sya klase. Kung maging busy sya, natural lang un, nag-aaral sya. Kung para sa pagiging thesis adviser nya, privilege na yun ng estudyante kung makaharap nya ang instructor sa mga oras na hindi sya naka-schedule sa klase na yon. Kung kailangan komosulta ng estudyante sa teacher tungkol sa thesis nila, gawin nila yun sa oras ng klase, at hindi lang sa mga oras na convenient para sa estudyante. Makipag-kasundo sila, or makipag-set ng schedule sa instructor KUNG talagang kailangan sya makausap OUTSIDE the prescribed schedule ng section / klase nya.
 
I work as a faculty in a state U. Yes. Pwede kami mag aral while teaching. If I were the researchers, papalitan ko na lang adviser namin. Kame sa engineering, we let our students do their research tas ang mga advisers, tamang advise lang. Kaya nga thesis eh. Kase you have to do research, then apply what you learn, then come out with an output. Yung mga research advisers, usually, advise/suggest lang kung anong maganda, taga align sa students kung medyo nagdedeviate na sila sa research topic, at minsan yung mga advisers, taga check ng manuscript. During my time, walang limang beses kameng lumapit sa adviser namin. Yung adviser namin iniinvite lang namin pag may colloqium at pag defense. that's it.

if they really think that they badly need their thesis adviser for their research, better na maghanap na lang ng bagong adviser.
 
quasi-admin din po ako and allowed mag masteral sa university as long as labas sa official time saka teaching time mo..

aside from that, sana linawin din kung nakastudy leave un prof mo para malaman kung bakit hindi sya umaattend sa klase nyo and dapat hindi sya nabigyan ng teaching load kung hindi talaga sya umaattend. that is highly critical lalo na at thesis writing na yan. better na itanong nyo muna sa department nya kung anong oras sya nandun or ask your department head kung anong magandang gawin.

kung meron naman mahahanap na ibang adviser, the better. mahirap din kasi na ilang months na nakakalipas pero hindi pa din nagpoprogress un paper nyo. un nga lang, magkaiba ng gusto un mga advisers kaya kung ano sabihin, kung mas nakakabuti sa paper nyo, go~
 
Last edited:
Back
Top Bottom