Re: [H] * The Food Lover's Thread *
` chef parequest po ng masarap na recipe ng tacos kung pwede sana yung more on cheese,salamat
your wish is my command. step by step muna tau.
unahin ko muna yung home-made tortilla.
Recipe:
Home-made Corn Tortilla
Brief explanation: Mas masarap ang home-made kesa sa nabibili lang sa market or grocery. Madali lang gawin, at masarap.
Ingredients:
• 2 cups masa harina (
meron neto sa rustan's supermarket)
• 1 1/4 cup water (
depende kung anu gusto mong texture. kung hard texture - less water, kung smooth - more water)
• salt
Procedure:
• haluin lahat sa isang bowl at masahin.
• masahin hanggang sa maging smooth ang surface, pero dapat di rin xa sticky.
• after nun, hulmahin ng prang isang bolang maliit.
• pormahin na parang disk.
• i-pan fry ang tortilla sa isang skillet or teflon in medium heat. take note na dapat walang oil eto. i-flip ang sides kada 30 seconds to 1 minute. (
depende kung anu gusto nyong color - mas matagal, mas brown - madaliang fry, light brown)
• pagkatapos, palamigin. (
palamigin lang ng normal temp, wag mo ng i-ref)
Recipe:
Home-made Flour Tortilla
Brief explanation: Same lang to sa itaas, flour nga lang ginamit ko.
Ingredients:
• 4 cups all purpose flour (
any brand will do)
• 1 tsp baking powder
• 1 tsp iodized salt
• 1 cup warm tap water or warm milk (
for fluffier texture)
• 1/2 cup shortening (
bambi vegetable lard)
Procedure:
• haluin ang flour, baking powder at salt sa isang bowl.
• isunod ang shortening, haluin hanggang sa mawala yung lumps nya.
• gumawa ng bilog na butas sa gitna, hinay-hinay ilagay ang half-cup na tubig or gatas. masahin hanggang sa maging smooth ang texture ng dough. mag-add ng tubig or flour, depende sa preferences nyo. (
ang tubig is for smooth texture, ang flour para sa hard texture)
• pag-smooth na yung dough, i-set aside muna ng 5 - 10 minutes, takpan.
• after nun, gumawa ng small ball at i-shape na parang disk gamit ang rolling pin.
• after mo mahulma, i-pan fry sa isang skillet - take note dapat walang oil or anu pa man. lutuin ang tortilla ng 30 - 1 minute at i-flip into other side. (
wag pabayaang magbubble)
• yan tapos na, itago para sa future uses.
Note:
• pag nagluluto kayo ng tortilla, wag nyong hayaang magbubble eto.. lutuin nyo lang ng saktong sakto..
• dapat nasa medium-heat lang ang skillet para di masunog ang tortilla.