- Messages
- 703
- Reaction score
- 2
- Points
- 28
Meron naba sa inyong naka-experience ng sleep paralysis? Last Sunday kasi naka-experience ako ng kakaiba bago matulog. Mga 12am na yon nakaramdam ako antok mula sa panonood ng tv series, so siguro sa pagod nadin kaya di ko na namalayan nakatulog na ako, kaso bigla akong nagising. Iniisip ko na inaatake na naman ako ng sleep paralysis, madalas nangyayari sakin yon kaya di na ako nagpa-panic pero this time hindi na sya katulad ng dati. This time may naririnig akong mga boses. Ang daming boses na naririnig ko na hindi ko maintindihan parang ang wavy ng dating hihina tapos lalakas pero may isang boses na narinig na parang anlapit lang sakin at naiintindihan ko talaga, boses bata siya di ko masabi kung babae o lalaki dahil may pagka-palceto yung boses, paulit-ulit niyang sibasabi "kuya tulungan mo ko." mga ilang beses yon na paulitulit na sinasabi. so medyo natakot na ako nung part na yon kasi parang andyan lang ang lapit ng boses, aware naman ako nung naririnig ko yung mga boses nakikita ko yung paligid pati yung paa ko, ginagalaw ko nga para magising ako e tapos sa right side ng paa ko may naaaninagan naman ako parang korte na ng bata, anino na talaga ng katawan ng bata. kaya natakot na ako pinilit ko na talaga gumising kahit gusto ko pang marinig or alamin yung naririnig kong boses. Then pag-gising ko matagal din ako nagisip, langya pina-process ko ng maigi yung nangyari. Gusto ko lang sana malaman kung ano yung voices narinig ko? nag-research din kasi ako that time pagkagising ko about doon kaso gusto ko din malaman base sa experience din ng iba, baka sakaling meron dito sa symbianize para ma-enlighten din ako.