Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay hamog

Andaming mga paslit na nagkalat sa kalsada, sa basal nilang katawan eh sila'y nakikibaka. Nakikipag patintero sa mga sasakyan tila bang walang kinatatakutan. Natutong pangalagaan ang kanilang sarili sapagkat walang ibang aasahan. Nasan ba ang mga magulang nila? Bakit sila iniwan? Ito ang mga katanungang umuukilkil sa kanilang batang kaisipan.

Kailangan nilang umasta na parang sila'y hindi musmos pa lamang. Dahil walang lugar ang kahinaan sa mundong kanilang kinagisnan. Kailangang matutong lumaban kahit sa maling paraan, ano nga ba ang mali at tama kung buhay ang pinaglalabanan? Masisi mo ba silang umaktong walang pakielam? Kung ang mundong kinamulatan ay tila sila'y tinakwil na rin lang.

Subalit sila ay tao rin lamang na may pakiramdam. Nasasaktan, Nagtatanong, Naghahanap ng kasagutan. Bakit ganito? Bakit ganoon? Ano nga bang dahilan at isinilang sila sa mundo? Bakit sila mag isa? Bakit sila nahihirapan? Bakit walang umaarugang magulang na di ba karapatan nilang maranasan? Bakit kailangan nilang lumaban gayung dili't bat yuon ay para sa matatanda lamang?

At sa kanilang isipan ay iisa lang ang nag susumigaw na katotohanan. Kailangan nilang makibaka, makipaglaban at harapin ang bawa't umaga. Sa kadahilanang kahit na masagot ang kanilang katanungan, mababago ba nito ang kanilang kinasadlakan? Hindi! Dahil anu man ang paliwang ang kanilang makamtan hindi nito maitatwa ang impyernong kanilang nararanasan. Hindi maipagkakaila na hindi pantay ang mundo at wala talagang totoong katarungan...
 
Back
Top Bottom