Sir usually nag heat (menstruation) sila mga * months old above na, pero meron din nag heat naman ng mas maaga, pero mas maganda huwag mo muna pakasta sa first heat, karaniwan ang ginagawa sa 2nd heat na, nag heat naman po ang aso madalas twice a year or every 6 months (Depende sa dog din), Regular heat cycle ng dogs is 6 months, sa experience ko meron ako aso na nag heat ng twice a year meron din thrice a year, tapos meron din akong aso na nag heat naman siya ng once a year lang, yung isa ko dito 1 year na hindi pa nag heat ulit pero proven na sakin yun twice.
Mas maganda po if ever i-breed mo sa 2nd heat na lang para mas matured na din yung alaga niyo po.
Pag malapit naman po mag heat yung dog mapapansin niyo naman na medyo mamamaga na yung ari niya, minsan nag lalabas din ng liquid na parang sipon, hanggang sa mag heat na at lumabas na yung dugo (Take note po na me asong silent heater, hindi po lahat ay me blood na lumalabas, katulad po sa akin yung isang shihtzu ko po ay silent heater).
Then pag nakita mo na po yung blood eh bilang ka ng 9 days then ipa stud mo po siya alternately (2 to 3 studs will do). Yung iba minsan ang bilang nila is 7th or 11th day ng heat cycle. Mas maganda if pag heat na yung shihtzu mo pa smear test mo na lang po kung hindi ka sigurado. Siguro ang smear test nasa 200 - 350 pesos po, pero sa vet ko 250 pesos then sa citivet naman free lang..
HTH