- Messages
- 87
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Bali may nililigawan po ako na girl tapos ilang months ko narin siyang nililigawan at sa tingin ko naman eh may gusto sakin si girl at pakiramdam ko malapit na niya ako sagutin. Problema po ngayon is nagsinungaling po ako sa kanya. Hindi ko po nasabi sa kanya na may sakit po ako sa puso(RHD) Advice po sakin ng doctor ko na dapat di po ako dapat mastress or malungkot masyado kasi baka heart attack po ako. Dati po eh tinanong ako nung girl kung honest daw ako sa kanya and kung wala daw ako tinatago sa sekreto. Sabi ko naman honest ako sa kanya at seryoso po ako sa nararamdaman ko sa kanya, yun nga lang eh nagdadawalang isip ako kung sasabihin ko na meron ako sakit sa puso. Ngayon po nagkakamabutihan na kami hindi ko po alam kung sasabihin ko na sa kanya na may sakit ako sa puso kasi baka pag sinabi ko po eh mapressure siya or matakot siya na mahalin ako Ayaw ko po talaga magsinungaling sa kanya kasi mahal na mahal ko yung girl. Any advice po sa sitwasyon ko?
Last edited: