Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

GLOBE Help! Postpaid bill dumarating pa din!

dkillinglegend

Recruit
Basic Member
Messages
3
Reaction score
0
Points
16
Magandang umaga po. May post paid plan po ako sa globe na 1799/month. Ang problema po, nawala yung phone na kasama dun sa plan. Nanakaw sa PNR nung August pa po. Nireport ko na po sa globe yung insidente.

So ang ginawa ko, hindi ko na po binabayaran yung plan kasi di ko naman na ginagamit. Pero nagpadala po sila ng sulat galing daw sa Law firm na kelangan ko daw bayaran yung plan or they will take legal action. Tumatawag pa din po sila.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Makukulong po ba ako? Salamat po sa mga sasagot.
 
Last edited:
wag mo nalang pansinin. titigil din sila. ganan din ngyari saking . 3 wimax accounts ko pakabit tapos di ko na babayaran. nag sawa mga attorney nila wala sila napala. Wala po nakukulong sa pag UTANG.
 
wag mo nalang pansinin. titigil din sila. ganan din ngyari saking . 3 wimax accounts ko pakabit tapos di ko na babayaran. nag sawa mga attorney nila wala sila napala. Wala po nakukulong sa pag UTANG.

Ano po effect nito sa akin? Makakakuha pa ba ako ng NBI clearance?
 
Ano po effect nito sa akin? Makakakuha pa ba ako ng NBI clearance?

kung may naka file na kaso sayo.. malamang d ka makakakuha.. pero kung wala naman.. sa tingin ko OK lng. wala pa naman ako nabalitaan na d nakakuha ng NBI clearance dahil d nagbayad ng plan :salute:
 
naku, magkaiba po yung internet account na kahit di bayaran ok lang. yan mga plan po kasi may unit na binigay/pinahawak, kaya hahabulin po talaga kayo nyan. mas maganda nyan TS, pumunta ka sa service center nila, tapos paliwanag mo kung ano nangyari at itanong mo kung ano magandang solusyon sa problema mo. pero malamang yan papabayaran sayo yung unit tapos pa close account mo na.
 
Ano po effect nito sa akin? Makakakuha pa ba ako ng NBI clearance?

ang effect po niyan ay maba-blacklisted ka sa globe at hindi ka na ulit makaka-avail ng mga post-paid services nila. tungkol naman po sa atty. nila ay hindi po totoo yun. ang totoo po dun ay collection agency lang ang nagpadala sa'yo ng sulat at nagsasabing mag take sila ng legal action against you kapag hindi mo na settle ang unpaid bill mo.

kapag nagsawa na ang mga telecom provider sa kasisingil sa'yo ay ibibigay na nila yun sa collection agencies. ang mga collection agencies naman ang gumagawa ng paraan para maka-singil sa'yo. ang kanilang mga paraan para makasingil ay pananakot na ika'y makukulong kapag hindi ka nakabayad ng utang mo, pamamahiya, madalas na pagtawag o pagpunta sa bahay mo. pero, ang lahat ng mga yan ay walang silbi kung hindi ka naman matatakuting tao.

huwag mo na lamang pansinin ang mga sulat na galing o pananakot ng collection agency para hindi ka ma-stress. hindi ko naman sinasabi na magsaya ka na at nakaligtas ka sa di pagbabayad ng utang. ang gusto ko lang iparating sa'yo ay huwag kang matakot sa mga sinasabi ng collection agency dahil yun ay paraan lamang nila para maka-singil. kung magiging mahinahon nga naman sila ay lalong hindi sila makaka-singil at parang magmumukang nagmamaka-awa pa.

kung talagang gusto mo ng peace of mind ay pumunta ka sa globe business center at bayaran mo ang unpaid bill mo para ma-reactivate ang postpaid sim mo at tapusin mo lock-in period. pero, kung ang talagang problema mo ay sa kadahilanang wala kang pera na pambayad at ipangungutang mo pa ay huwag mo nang ituloy pa dahil mababaon ka lang sa utang.

may kasabihan nga tayo: kung gusto, may paraan. kung ayaw, may dahilan.
sana naman ay nakatulong ako sa'yo TS. :)
 
Back
Top Bottom