Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help the next generation by educating please!!!!

macedonian

Proficient
Advanced Member
Messages
226
Reaction score
0
Points
26
Sa ikadalawampu't isang siglo nangangarap ang sambayanang pilipino na sana ay tayo'y umangat na mula sa pagkakalugmok....

ngunit sawimpalad pa rin tayo... kaya itong Thread na ito ay aking ginawa upang himukin lahat ng nandirito na simulan ang pagbabago sa tema ng impormasyon para sa mga susunod na salinlahi at mga umuusbong....

kaya nakikiusap ako.... isang hamon sa lahat ng mga tunay na pilipino na nandito na mula sa iba't ibang sektor ng industriya....


Siyensya, impormasyon, matematika, inhinyero, paggagamot, pulitika, agrikultura at sosyolohika....

mga industriyang nagsisilbing pundasyon sa pagunlad ng bansa....

ang hamon ang pakiusap ko ay ang isalin ang mga aklat na ginagamit sa paaralan, mula elementarya hanggang kolehiyo....

bakit? ang ginagamit nating wika sa pagtuturo ng mga bagay na nabanggit ko ay ingles, na sa katotohanan ay di natin ginagamit sa pang-araw araw....

maaring isa itong dahilan kung bakit nahihirapan tayong bumuo ng sariling atin...dahil di natin tunay naiintindhan ang mga konsepto na napapaluob sa mga subjects na ito....

mangyari lamang ay pakipost ang inyong nalikha at ang titulo ng mga aklat na inyong nagawa...
kung may mga anak, kapatid o pamangkin man tayo na kumukuha ng mga subject na ito mangyari lamang na subukan ipagamit at ng makita natin ang resulta ng kanilang performance sa paaralan...

kung hihintayin natin ang gobyerno, ang decs, mukhang malinaw pa sa sabaw ng pusit ito....
kaya simulan na natin dito at bakasakali ang mga susunod na henerasyon ay mas magiging magaling pa sa atin....

ayaw nilang gawin ito dahil mawawala ang titulong the largest english speaking country in asia... isang titulong walang laman, dahil sa totoo lang ang nagiging papel lamang nito sa atin ay upang matuto tayong maintindihan ang mga amo nating banyaga...
 
Aking kapawa Pilipino at kasama dito sa websayt na to. Maganda at may laman ang iyong mungkahi. Kaya ako ay nais na sumang ayon. Ngunit ako ay may katanungan. Kailan naten ito dapat simulan?, Sino-sino ang dapat magsimula?, Paano naten ito sisimulan?, Anu-ano ang mga balakid dito at Paano naten sasagutin ang mga balakid na iyon. Kung ako ang iyong tatanungin, mahihirapan akong ituro ang Pythagorean Theorem, Trigonometry, at kahit ang Algebra, sa paggamit ng wikang Pilipino lamang.
 
hindi ko naman sinabing bawat salita ay isalin... dahil alam kong imposible ito at magiimbento pa tayo ng bagong salita...

ang ibig ko lang sabihin ay kahit ang mga teknikal na term, equals, times, multiply, add, at kung anu ano pa ay pwede magstick sa ingles... ngunit ang buod ng isang talata at pangungusap ay imbes na ingles ay itagalog na lang...

ako? sinisimulan ko na gawin sa linya ng aking trabaho na di ko pwedeng banggitin dito... ako nagsimula na... kayo?? magsisimula na ba kayo?? o hihintayin nyo ang deped na gawin yan...

nabanggit ko lamang ito dahil ng aking ireview ang nagawa ko, napansin kong mas madali ng intindihin ang ibig sabihin ng sumulat ng aklat... mas aktibo na ang impormasyon dahil maari ko ng salungatin o lalo pang paigtingin ito... at ang mas nakakaenganyo ay paghusayin pa ito at dagdagan....
 
Back
Top Bottom