Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hindi ako Atheist!

sumaksidot

The Patriot
Advanced Member
Messages
628
Reaction score
0
Points
26

Hindi ako Atheist!

Sa palagian na lang may nakapalitan ako ng diskusyon patungkol sa relihiyon at sinasabi kong di ako naniniwala sa kanilang pinaniniwalaan. Ang itatawag agad sa akin ay wala kang Diyos at isa akong atheist. Hindi ko na pinahahaba pa ang paguusap namin dahil kahit kailanman ay hindi nila maiintindihan ang aking pansariling paniniwala dahil kapos din siya sa kaalaman o mas magandang pakinggan na kapos kami pareho ng kaisipan.

Naalala ko pa nung kolehiyo ako, masigasig ang isa kong kaklase na makipagdiskusyon pabor sa kanilang relihiyon ang Jehova's Witness, dahil sa ganda nyang taglay nakuha nya ang atensyon ko sumama ako isang beses sa kanilang pagsamba nag-long sleeves pa ako na puti hindi upang makisapi kundi para subukin ang kanilang pinaniniwalaan at kung bakit maraming sumasapi dito. Paglabas ko ng kanilang sambahan humingi ako ng maraming booklets at flyers para ipagpatuloy ang pagbabasa pag-uwi ng bahay.

Bawal ang magselebra ng okasyon. Bawal ganito. Bawal ganyan. Maraming bawal lalo na ang pag-akyat sa kalangitan. Eksaktong 144,000 lang ang makakaakyat sa langit. akalain mong may eksaktong bilang lang pala ang magkakasya sa bahay ni Ama. After kong malaman ito, hindi ko na muling binalikan pa ang kanilang sambahan. Hindi ko na rin masyadong kinakausap ang kaklase kong kasapi dito kahit pa kapag sumilay na ang ngiti sa kanyang mga labi ay gaganda ang masamang araw mo. Alam ko kasi na sa tuwing paglapit niya sa akin hindi ang kagwapuhan ko ang gusto nyang angkinin kundi ang baguhin ang paniniwala ko. Atheist daw ako at walang pinaniniwalaang Diyos ang sabi niya, hanggang matapos ang aming kolehiyo ay hindi siya nagtagumpay sa pag-imbitang muli na sumama at sumamba sa kanilang bahay-sambahan. Naiisip ko pa lang na pag naging gelpren ko siya, paano na ang mga monthsaries at anniversaries. Wala. Nganga.

Masisisi mo ba ako kung bakit hindi ako naniniwala sa relihiyon. Isipin mo na lang kung hindi nadiskubre ni Magellan ang Pilipinas, malamang sa malamang ang sinasamba natin ngayon ay ang mga anito o anita, baka nga pati puno at araw ay pinag-aalayan natin ngayon ng buhay na manok. Magkakaiba ang dahilan ng pagsakop sa atin ng mga walanghiyang pakialamero sa ating bansa. Sinakop tayo ng hapon para maging garrison ng kanilang sandatahang lakas at para may mapaglibangan at gawing parausan ang ating mga kababaihan, pinalayas nila ang mga kano dahil gusto nilang ipaalam sa buong daigdig na sila ang pinakamalakas na pwersa sa buong mundo. Eh etong si Mc Arthur ayaw pumayag ayun nag "I shall return", pinatakbo ng mabilis ang mga singkit pangbawi sa death march ng 1942. Ang mga kano naman ay napilitan tayong bilhin sa halagang bente milyong dolyares sa Espanya para hindi na dumanak pa ng maraming dugo sa gyera sa pagitan ng Amerika at Espanya. Take note sa Paris pa nag-usap ang dalawang panig para ibenta ang tirahan ni Juan. Kapangyarihan din ang dahilan ng Amerika kaya tayo sinakop at para sana maging soberanya ng USA tulad ng Hawaii, Guam at iba pang maliliit na pulo.

Baka nagtataka kayo kung bakit napalayo na ang ating usapan sa pagtanggi ko na hindi ako atheist. Uulitin ko, hindi ako atheist! Balik tayo sa Espanya. Sinakop tayo ng mga español para gamitin ang Kristiyanismo sa kanilang hangarin na sakupin ang buong mundo gamit ang relihiyon. In short dahil din sa pinag-aagawang kapangyarihan. Ang magkalaban noong mga panahon na yun ay ang Portugal at Espanya sa pagpapalawak ng kaalaman sa buong mundo gamit ang Kristiyanismo at ang pinakamabisang paraan noon ay ang mga ekspedisyon sa karagatan. sa katunayan nga si Ferdinand Magellan ay isang portuguese na explorer na sumapi sa Espanya dahil etsapwera siya sa kanyang sariling bansa. Ngunit sadyang maiitim ang budhi nitong mga español na to, dala-dala nila'y Krus ngunit matulis ang dulo. Hindi lang dagdag-kaalaman, hindi lang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at lalong hindi lang paghahanap ng mga pampalasa sa pagkain ang kanilang hangarin sa bawat ekspedisyon. Hindi tinidor kundi espada, hindi mapanlinlang na pananalita kundi dahas, hindi salita ng Diyos kundi poot at madugong labanan ang dala nila sa tuwinang nanakop sila ng mga bansa. Dahil diyan kaya malaki ang bilang ng mga Kristiyano-Katoliko sa Pilipinas. Nagtagumpay ang Apat na daang taon ng pananakop para palaganapin ang Kristiyanismo sa buong kapuluan ng bansa.

Hindi ako atheist! May mahigit apat na libong relihiyon sa buong mundo. Tatlo sa kanila ang pinakamalalaki. Ang Kristiyanismo ay may mahigit tatlong bilyon ang miyembro, sumunod ang Islam na may dalawang bilyon at sumunod ang Hinduismo na may 1.5 bilyong miyembro--- sa dami ba namang tao sa India ewan ko na lang kung hindi dumami ang adherents ng hinduism. Hindi lang tao ang nanganganak pati ang mga relihiyon. Nagkaroon ng mga sangay hindi kinatagalan naging independente ang mga ito. halimba ang mormons, born again, christian, Iglesia ni Cristo etc... etc... Sa dinami-daming relihiyon nalito na ako at hindi na ako sumali kahit saan.

Nakapasok na ako sa mosque na ilang beses. Nagturo na rin ako sa isang paaralan na ang lahat ng namumuno ay mga Christian. Nakikanta at nakiiyak sa mga sharings nila sa mga araw ng kanilang pagsamba. Nag-alive alive na rin ako sa Born Again. Sumali din ako sa PREX. Nakadalo na rin ako ng kasalan sa Iglesia ni Cristo. Nakadebate ko na rin ang halos lahat ng kakilala ko pagdating sa relihiyon. Hindi man ako naniniwala sa relihiyon pero hindi ako Atheist.

Iminulat ako sa pagiging Kristiyano ng aking mga magulang. Binyag sa katoliko. Nag first communion pero sa ikalawang kumunyon tinalikuran ako ng pari. Nag-aral at nakapagtapos sa La Consolacion na isang katolikong paaralan na puro madre ang namumuno. Ngunit nang ako ay nagkalakas na isatinig ang aking sariling paniniwala, tumayo ako sa sarili kong mga paa at pinagmalaking hindi ako atheist... Kundi isa akong DEIST. Wala kaming sekta, wala kaming relihiyon, wala rin kaming sambahan kundi nagkakasundo at nagkakaisa lamang sa iisang ideyolohiya--- ang Deism. Hindi man ako naniniwala sa relihiyon ngunit hindi ibig sabihin na hindi na rin ako naniniwala sa Creator. May Supreme Being na sinimulan ng lahat yan ang paniniwala ko. Ngunit hindi mo Siya kailangan gawan ng rebulto para mahawakan, hindi mo siya kailangan alayan ng bulaklak para bumango. Hindi mo kailangan sumamba sa hindi mo sigurado. Hindi siya nagpapakilala at nagpapakita para sambahin mo linggo-linggo. Ginawa ang relihiyon para sa iba't ibang interes. Ngunit karamihan sa mga miyembro o kasapi ng bawat sekta at ng bawat relihiyon kaya nagdarasal ay para sa kanilang pansariling interes o interes ng malalapit sa kanilang buhay. Hindi sila nagdarasal para ipagbunyi ang kanilang pananampalataya sa kanilang Diyos na pinaniniwalaan. Nagsisimba at sumasamba sila bawat linggo hindi upang gawing ritwal bagkus isang nakagawian para magsama-sama ang pamilya at hugasan kunwari ang kanilang isang linggong kasalanan. Uulitin ko, hindi ako Atheist kundi isa ako DEIST o DEISTA sa tagalog--- na naniniwala sa MAYKAPAL hindi sa mga relihiyon niyong kinabibilangan. Adios!


Disclaimer: Ang essay na ito ay hindi ginawa upang kalabanin ang mga nabanggit na relihiyon. Lahat ng relihiyong pinaniniwalaan ninyo ay ginagalang ko. Maraming salamat.
 

Attachments

  • 12121.png
    12121.png
    519.9 KB · Views: 0
God is Sovereign! He even acts in our everyday life

“His dominion is an eternal dominion; His kingdom endures from generation to generation. All the peoples of the earth are regarded as nothing. He does as He pleases with the powers of heaven and the peoples of the earth. No one can hold back His hand or say to Him: ‘What have you done?’”

Daniel 4:34-35
 
Last edited:
Just for correction

Hindi po Christianity ang Catholicism, they are just pretending to be a Christian, sa term pa lang makukuha mo na e.
I agree your not an atheist, kasi ang tawag sa iyo ay nagsusuri or naghahanap pa lang ng tama.

a friend(ly) advice, tuloy mo lang pagsusuri, magbasa basa ka lang.


Una sa lahat kasi kaibigan ang nagpako kay Kristo mga Romano. tapos magiging tama ROMAN CATHOLIC?

tyaka nasa israel yung Iglesia wala sa Roma
 
Last edited:
Catholic means "Universal Church" Iba ang Catholic sa Roman Catholic. Kapag nabanggit kasi ang " catholic" unang pumapasok sa isip is "the PLUS religion"

Marami kasing denomination din ang mga "Born Again" madami din nag kle-claim na sila ay Born Again. Now yung nabanggit mong "Alive-Alive" eh malamang sa mga Charismatic or Pentecostal denomination yun. Have you tried Baptist, Presbyterian, or "Reformed Churches?"
 
Last edited:
Just for correction

Hindi po Christianity ang Catholicism, they are just pretending to be a Christian, sa term pa lang makukuha mo na e. I agree your not an atheist, kasi ang tawag sa iyo ay nagsusuri or naghahanap pa lang ng tama.

a friend(ly) advice, tuloy mo lang pagsusuri, magbasa basa ka lang.


Una sa lahat kasi kaibigan ang nagpako kay Kristo mga Romano. tapos magiging tama ROMAN CATHOLIC?

tyaka nasa israel yung Iglesia wala sa Roma

Ah eh. Actually, kapag sinabi Christianity or Christian ay ang ibig sabihin ay ang itinuro, galing turo ni Jesus Christ. Iyon ang reason na bakit ang "Christ" ay itinawag na "Christian" or "Christianity" dahil sila ang nagpapalaganap ng teaching ni Jesus Christ.

Wala kilalaman ang Catholic na keyso nagpako kay Kristo ay taga Romano kaya hinde matatawag na "Christian". Oo. Ang mga Romano ang nagpapako kay Jesus Christ pero hinde naman ipinapalaganap ang teaching ng mga Romano dahil mga Pagano iyon.

Ang ipinapalaganap ng Roman Catholic church is teaching ni Jesus Christ, kaya itinawag na "Christian Roman Catholic church" at napapaloob pa rin ito sa itinatawag na CHRISTIAN DENOMINATION.

Basta ang the word Christian ay teaching ni Jesus Christ.

Kino correct ko lang sis' dahil baka ma misunderstood ng mga tao ang Christian sa Roman Catholic church.

Talaga lang. Eresearch siya sa list of Christian denomination na bumubuo ng thousand and thousand religions all over the world.

Ang Roman Catholic church is kabilang ito sa listahan ng denominasyon ng Christianity.

@ On Topic Tayo

Nakalimutan ko patungkol sa topic. Hehehe :thumbsup:

Agree ako sa nagsulat ng essay. Feel ko siya. Everytime na iba ang paniniwala ng tao ay 100% ang bintang agad ay Atheist! Ako nga, napagbibintangan na Atheist e. Minsan pa nga, ayaw maniwala ang tao na HINDI RAW ATHEIST ang tao nagsabi na meron siya God. Diba ang weird?! I mean, ano alam nila? Sabagay, limited knowledge naman din kase ang mga tao na lingid sa kaalaman nila ay meron Deism, Pantheism, Nudism at marami iba pa.

Siguro, ang mga tao nagbibintang ng Atheist ay ang mga tao na alam lang nila is Atheist sapagkat wala naman sila alam sa iba-iba relihiyon kungdi ang religion na kinakatayuan lang nila so, talaga lang, ano alam nila?

E mabuti ito nagsulat ay meron siya knowledge outside religion. Alam niya na marami relihiyon sa buo mundo so, sabi ko nga, mas mabuti ang maging Deist kaysa sa Atheist sapagkat at least, meron God pa rin.

Pwede na siya maging scientist. Haha. Joke. Karamihan sa mga scientist ay nabibilang either Atheist or Deist. Meron scientist na naniniwala kay God so, possible maging Deist pero I think, wala religious na scientist. I mean wala religious at pagkatapos scientist pa siya. Magiging conflict sa faith niya, kaya ang ilan scientist ay meron God but without religion.

Anyway, dito lang ako napa isip sa isinulat niya na " Alam ko kasi na sa tuwing paglapit niya sa akin, hindi ang kagwapuhan ko ang gusto niyang angkinin, kundi ang baguhin ang paniniwala ko. "

E kase, ano gusto niya mangyari? I mean hinde ko siya maunawaan dahil hindi ko malaman kung ano kilalaman sa kagwapuhan niya. Haha :lol: Hinde ko alam kung narcissistic ang nagsulat or hinde.
 
Last edited:
Back
Top Bottom