Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Hindi ako mapanatag

Hunyo1bente

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Hello gusto ko lang po sana makahingi ng advice niyo hindi po kasi ako mapalagay.

May mahal kasi ako pero hindi official na naging kami pero ang turingan namin sa isa't isa ay parang kami, dahilan niya kaya hindi niyapa ako sinasagot ay kailngan daw muna maka graduate siya at nirerespeto ko naman yung reason niya. 2016 nung magkakilala kami masaya naman pero medyo magkalayo kasi kami ng bahay kaya hindi siya nakaka punta masyado sa amin pero napakilala ko na siya sa family ko at ok naman walang problema, pero sa kanila patago akong pag nag pupunta yung pag wala tito niya at tita niya pinsan niya lang nakaka alam tinatanong ko naman siya kung ok lang sa kahya na harapin ko yung kamag anak niya para mag pakilala ako sabi niya ok naman daw pero pag malapit na yung time na sasabihin ko hahatid ko siya hanggang sa kanila para makilala ko na sila palagi niyang sinasabi sa akin na wag muna darating din yung time, napaka daming pag kakataon na sana makikilala ko yung family niya pero pag andun na yung chance sinasabi niya na wag muna at nirerespeto ko din yung desisyon niya dahil mahal ko siya iniisip ko nalang nga na baka hindi pa ready.

Ok naman kami wala naman kaming problema nung 2019, nag resign ako sa work ko dahil na din sa gusto namin makapag tapos dalawa sa pag aaral kaya nag hanap ako ng bagong work na sure na makakapag araw ako sa hapon or gabi, at nakahanap ako nitong january lang pero malayo sa kanya.

2 months din kami hindi nakapag kita before lockdown, pero wala naman problema sa communication namin nagagawa ko pa nga mga assignments niya pag uwi ko sa work, tapos pag gising niya sa hapon gawa na mga assignments niya.

Tapos during lockdown dun ko na naramdaman na parang nanlalamig na siya sa akin kesyo ayaw na daw niya ng ganitong set up namin yung dun ako nag simulang kabahan, tapos sobrang tagal hindi na niya ako kinokontak pero ako tuloy parin ng pag memessage ko sa kanya nung mga panahon na yun, pag gising niya kung kakain na siya, pag pasok niya, hanggang sa work niya, at hanggang pag uwi at pag tulog. Puro seen lang sa una ok lang naman sa akin dahil alam ko nababasa pa niya, hanggang sa dumating na hindi na nga niya siniseen siguro inoff na niya yung notification sa messenger pero patuloy parin ako sa mga messages ko sa kanya.

Isang araw nitong Mayo nag message siya sa akin at tuwang tuwa naman ako dahil naalala niya ako ulit napag kwentuhan yung sa school niya dami nga daw pinapagawang assignment deadline may30 at sabi niya dahil sa work hindi niya masyado maasikaaso so sabi ko tulungan kita ginawa ko lahat ng assignment niya 2 to 3 days ko lang ginawa pag ka send ko reply niya salama daw sa effort ganun tapos mula nun puro seen nanaman at ilang araw lang parang inoff na niya ulit notification, isang gabi nag message siya ulit sa akin "May bf nako" biglang parang nilindol yung mundo ko hindi ko kasi ineexpect yung ganung message niya, pero sa akin baka lang binibiro niya lang ako kasi madalas niya gawin sakin yun dati pag lipas ng ilang oras tatawag siya sasabihin sorry biro lang daw yun miss niya lang daw kasi ako, pero nung mga time na yun walang ganung nangyari kinabahan na ako lalo.
Tapos bago mag may 30 nag message ulit siya may pahabol daw na assignment patulong daw, so ako naman siyempre ginawa ko agad dahil baka abutan ng deadline pag ka send ko sa kanya nung file salamat daw at seen nalang inabot ng mga susunod kong messages.

Dumating na yung June1 umaga nun 5am, may Bf na daw siya talaga pinapamuka na niya sa akin hindi na daw niya ako mahal ganun kilala na daw ng pamilya niya sa kanila, tapos mahal na mahal daw niya. Ako siyempre nag nag drama na ako sa kanya nag makaawa na ako, sabi ko kung binibiro mo lang ako tama na nasasaktan kasi ako, pero hindi daw biro yun totoo daw yun. Hindi alam ang gagawin ko ng mga oras na yun panay pag mamakaawa ko sa kanya, pinaalala ko sa kanya mga pangako namin sa isat isa pero parang wala na siyang pakielam iniiba niya yung topic, at sinabi niya lang sa akin "sorry"

Hanggang nung kinagabihan nakita ko nakapost picture nila nung lalaki dun na tuluyan nagunaw mundo ko, parang dun ko napaniwala sarili ko na may bf na nga talaga siya at kilala na sa kanila dahil naipost na niya sa fb samantalang mga pictures namin pag ka send niya sa messenger dinedelete na niya agad sa phone niya.

Mula nag send ako sa kanya ng mga tulang ginawa ko para sa kanya puno ng alala at lungkot, ang sabi niya lsng sa akin mahabang panunumbat daw yun ewan ko kung binasa niya, at hindi ko na din muna inopen ulit ang messenger ko at fb dahil nasasaktan talaga ako.

Tanong ko lang :

Dapat ba kalimutan ko na siya sa ginawa niya sa akin? Sa totoo lang mahal ko parin talaga siya, kung mag hihiwalay nga sila ng bf niya susuyuin ko ulit siya eh.

Dapat ko pa ba diyang antayin?

Pinagpalit niya ako sa mas malapit sa kanila natural lang ba yun?

Ang sabi niya sa akin guilty daw siya totoo kaya yun? Pero nakuha niya pang mag post para ipamuka sa akin na may bf na nga siya talaga.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi feeling ko binigay ko na sa kanya lahat tapos ginawa niya parin sa akin ito.
 
Dapat ba kalimutan ko na siya sa ginawa niya sa akin?

- Oo. Hindi pa ba sapat yang ginawa niya sayo para kalimutan mo na siya? At the fact na may boyfriend na din siya?

Sa totoo lang mahal ko parin talaga siya, kung mag hihiwalay nga sila ng bf niya susuyuin ko ulit siya eh.

- Di naman kita masisisi kung mahal mo pa siya eh. Natural lang yan dahil hindi naman agad-agad mawawla. Pero yung ganyang klase ng pag-iisip na susuyuin mo ulit siya kapag nag-hiwalay sila ng boyfriend niya, is just. Obsessed na labas mo nito, sir.

Dapat ko pa ba siyang antayin?

- Obviously, hindi. Pero based sa previous question mo, gusto mo pa siyang hintayin eh. Pati yung pag-dating ng panahon na magkakahiwalay sila para e-entrance ka ulit sa buhay nung babae. Grabe. Ganun ka ba ka-willing mag-aksaya ng panahon at oras sa isang babae na katulad niya?

Pinagpalit niya ako sa mas malapit sa kanila natural lang ba yun?

- Oo naman, natural lang yun. Bukod sa less pagod, tipid ka pa sa pamasahe. Anyways, seriously tho, wala naman yan kung malayo o malapit. Kung mahal mo talaga, walang kwenta yang distance. Nagkataon lang na yung naging boyfriend niya eh malapit sa kanya. Tsaka ang advantage lang ng malapit ay, well, malapit.

Ang sabi niya sa akin guilty daw siya totoo kaya yun?

- Even if she's really guilty or not, that won't change anything.

Pero nakuha niya pang mag post para ipamuka sa akin na may bf na nga siya talaga.

- Ganun talaga, especially if they want to get rid of something, or someone. Ginagawa niya yun on purpose. Para ano? Para magalit ka. Para tuluyan mo na siyang layuan at kalimutan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi feeling ko binigay ko na sa kanya lahat tapos ginawa niya parin sa akin ito.

- Alam mo naman ang dapat mong gawin. Pero nangingibabaw yung feelings mo ngayon. Okay lang yan, do it slowly. Wala ka naman na kasing ibang choice pa kundi ang mag-move on. Also, alam kong generic na 'tong linyahan na 'to pero, madami pa namang iba dyan.
 
Dapat ba kalimutan ko na siya sa ginawa niya sa akin?

- Oo. Hindi pa ba sapat yang ginawa niya sayo para kalimutan mo na siya? At the fact na may boyfriend na din siya?

Sa totoo lang mahal ko parin talaga siya, kung mag hihiwalay nga sila ng bf niya susuyuin ko ulit siya eh.

- Di naman kita masisisi kung mahal mo pa siya eh. Natural lang yan dahil hindi naman agad-agad mawawla. Pero yung ganyang klase ng pag-iisip na susuyuin mo ulit siya kapag nag-hiwalay sila ng boyfriend niya, is just. Obsessed na labas mo nito, sir.

Dapat ko pa ba siyang antayin?

- Obviously, hindi. Pero based sa previous question mo, gusto mo pa siyang hintayin eh. Pati yung pag-dating ng panahon na magkakahiwalay sila para e-entrance ka ulit sa buhay nung babae. Grabe. Ganun ka ba ka-willing mag-aksaya ng panahon at oras sa isang babae na katulad niya?

Pinagpalit niya ako sa mas malapit sa kanila natural lang ba yun?

- Oo naman, natural lang yun. Bukod sa less pagod, tipid ka pa sa pamasahe. Anyways, seriously tho, wala naman yan kung malayo o malapit. Kung mahal mo talaga, walang kwenta yang distance. Nagkataon lang na yung naging boyfriend niya eh malapit sa kanya. Tsaka ang advantage lang ng malapit ay, well, malapit.

Ang sabi niya sa akin guilty daw siya totoo kaya yun?

- Even if she's really guilty or not, that won't change anything.

Pero nakuha niya pang mag post para ipamuka sa akin na may bf na nga siya talaga.

- Ganun talaga, especially if they want to get rid of something, or someone. Ginagawa niya yun on purpose. Para ano? Para magalit ka. Para tuluyan mo na siyang layuan at kalimutan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi feeling ko binigay ko na sa kanya lahat tapos ginawa niya parin sa akin ito.

- Alam mo naman ang dapat mong gawin. Pero nangingibabaw yung feelings mo ngayon. Okay lang yan, do it slowly. Wala ka naman na kasing ibang choice pa kundi ang mag-move on. Also, alam kong generic na 'tong linyahan na 'to pero, madami pa namang iba dyan.


Maraming salamat po, naguguluhan lang kasi talaga ko sa sobrang sakit hindi ko kasi ineexpect na mangyayari sakin to kahit hindi naman ako gumawa ng kalokohan sa kanya at siguro na din ibinigay ko ang lahat. Salamat po
 
Unang una mahirap pumasok sa isang relationship na wala naman label. Tendency is, pag tuluyan na fall na yung isa, tapos yung isa naman is ayaw mag commit dun nagkakaron ng conflict. For me, yung ganyan setup dapat alam mo dapat boundaries kung hanggang san lang relationship nyo. Since walang commitment para lang kayo nagsayang ng oras. Tingin ko naman you have the right intentions kaso yung babae ayaw sayo, nag benefit lang sya while you were hanging around.

Sabi nga "There is more to life than love life."

Madami pa mas deserving na tao kaysa sa kanya @Hunyo1bente. Pero wag ka magtanim ng galit hayaan mo na lang sya and wish them well. Easier said than done pero ganun talaga kelangan mag move on. Hindi umiikot ang mundo sa isang tao lang. Improve yourself and love yourself. Makikita mo na hindi mo deserve isang tao na hindi ka pinahahalagahan. Ngayon kung talagang binigay mo na lahat effort mo for her, matauhan ka na sana dun at least wala ka regrets. Ikaw ang kawalan nya. Don't beg for love at kusang darating yan.

Mahirap mag move on. Take it one day at a time. Kalimutan mo na sya at kung babalikan ka nya alalahanin mo yung time na pano ka nya iniwan. Know your self worth buddy. God bless.
 
If you read your post I think you would realize that the only thing to do right now is to walk away fast and move on. The main point is she's not really into you and that's now too difficult to realize based on your story. First, if she's serious about you and if she's that into you then she would have introduced you to her family. Simple as that. See how she didn't have any problem introducing her BF to her new family? Next, she call the guy a boyfriend but in your post, you guys never went official.

I think she's just using you as a company - someone to talk to and hang out with or someone who helps her with her homework. She likes you for your effort and not as a person. She knows that you love her dearly thus she decided to exploit your love and kindness. This is similar to girls who loves a guy for his money and not for his dick.

So the question is, would you really like to have this kind of girl as a girlfriend? Perhaps, you'd say yes because you love her very much and no question about that but seriously, do you still want to? I wouldn't because as you can see, once you're no longer useful to her, she didn't have the decency to be polite in replying to your messages and all you get is "seen" until she turned off notification. It's as if she had forgotten all your good deeds. Being with that kind of girl is bad news, UNLESS if you are willing to just play around with her and she's up to it as well.

You don't deserve to be treated like this so better have some dignity and walk away once and for all. If she come running back for some urgent help then make sure you'd at least get a BJ if she's not willing to go all the way.
 
Yun nga po yung nahihirapan akong tanggapin ngayon eh na umasa ako pero ginamit lang pala ako. Parang tinapakan yung pagkatao ko hahaha.

Thanks po sa mga reply niyo, nakaka gaan po ng pakiramdam wala din kasi akong masabihan na iba.
 
for me, MU is not a basis for relationship, kasi one's foot is out of the door when things go wrong. yes nagamit ka kahit hindi mo aminin kasi obsess ka sa kanya and it will make you look like a bad person kapag siningil mo efforts mo sa kanya demanding give-and-take. pre hindi ka nagkulang sadyang nanlamig siya at nafall sa iba KASI her feelings weren't genuine for you (why!?) Kasi nagawa nga niyang magka bf at magladlad sa parents niyang meron siyang karelationship and to think hindi niya nagawa sayo means a big gap. It means she never really planned to get serious with you based on what she did like posting obviously like what they said na way yun para may patalsikin sa buhay nila.

I don't doubt na sabay niya kayo kausap at times kasi given sa situation parang ambilis masyado. Save all that disappointments, anger, pity and use it as a fuel to be better. Just live bro!

Kasi in the end, always be the better person kahit mahirap. Malay mo may parating na better na hindi mo na kailangan magpaphilantropist para pansinin. Success is the best revenge also. Mold yourself as someone na hindi dapat sinasideline.

kaya mo yan bro. Tiis lang at kalimutan mo na siya. #realtalk
 
Yun nga po yung nahihirapan akong tanggapin ngayon eh na umasa ako pero ginamit lang pala ako. Parang tinapakan yung pagkatao ko hahaha.

Thanks po sa mga reply niyo, nakaka gaan po ng pakiramdam wala din kasi akong masabihan na iba.

Wag ka na umasa. It's not worth it and for me, this is already a lost cause. The only right time para umasa is if she's your girlfriend but since she don't want to make your relationship official then there's no emotions involved on her part so she neither like you nor love you. It would be ok to hope if your relationship was official and her parents found out about it and now she's grounded. That, I would advice you to wait and hope but hoping for the present situation is like grabbing a hammer and hitting your own head with it. So better instill it in your mind that she's only after the benefits she's getting from you while you're not getting any in return. A user friendly if you must. From now on, stop thinking about what you had going together during happy times because those are not real.
 
Yun nga po yung nahihirapan akong tanggapin ngayon eh na umasa ako pero ginamit lang pala ako. Parang tinapakan yung pagkatao ko hahaha.

Thanks po sa mga reply niyo, nakaka gaan po ng pakiramdam wala din kasi akong masabihan na iba.

Nakakabasag man ng ego bilang lalaki yang ganyang result, wala na tayong magagawa. Choice mo din naman kasi eh. Nagpakabulag ka sa feelings mo para sa kanya na naging dahilan para makaligtaan mong tingnan yung mga 'red flags' sa inyong dalawa at kung ano man ang meron sa inyo. Maging aral sana sayo yang experience mo na yan. Hindi masamang maging wise. Don't waste another four years (or more) sa susunod na umibig ka ulit sakaling may ganitong scenario / red flags na naman.

For now, mag-focus ka na lang muna sa pag-mmove-on at sarili mo. Kalimutan mo na lahat ng yan. Kalimutan mo na siya ng tuluyan. Isipin mo na lang na parang masamang panaginip lang ang lahat. Alam kong hindi madali yung mga phases na kailangan mong pagdaanan para masabi mong 'okay' ka na. Karamihan din sa amin dito dumaan na sa ganyan. At oo, iba-iba tayo ng paraan kung paano i-handle ang mga ganitong situation. Pero isa lang ang sure dyan, you'll overcome this eventually. Hindi man agad-agad, but you will. Panigurado, sa susunod na may makilala ka na mas higit pa sa kanya, higit sa lahat ng bagay, yun bang complete opposite (or maybe not that complete basta opposite) ng babaeng nasa kwento mo, believe me tatawanan mo na lang 'tong nangyari na 'to ngayon sayo pag-dating ng time na yun. Kaya carry on lang with your life. Don't let this thing, this experience of yours, affect you. Tuloy lang ang buhay.
 
Ganun talaga sir lalu kung love mo yung nang ipot sayu. Titibay din yaang puso mo :yes:

Ilang beses na kaya ako niloko at pinaasa ng mga dati kong nobya at niligawan :laugh:
Pero parang wala na ako gaanong sakit na nararamdaman at madali lang sa akin ang maka move-on.
Eh dahil sa dating asawa ko pa nga lang eh wasak na ako :lol: grabi damage inabot ko sa bruhang yun :lmao:

Magaganda ang payo nila sir kaya goodluck po sa pag move-on.
 
Salamat po talaga sa inyo. Sobrang laking tulong sa akin ng mga payo ninyo. Pag naaalala ko siya at nasasaktan ako inuulit ulit ko lang po basahin mga payo niyo at gumagaan yung pakiramdam ko. Thank you so much!
 
Kalimutan mo na siya pre. Di naman siya serious sau eh. Mahirap talaga sa umpisa dahil masakit pa. Hanap ka na lang ng ibang pagkakaabalahan mo. Dami pa naman ibang babae dyan.
 
Back
Top Bottom