- Messages
- 4
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Hello gusto ko lang po sana makahingi ng advice niyo hindi po kasi ako mapalagay.
May mahal kasi ako pero hindi official na naging kami pero ang turingan namin sa isa't isa ay parang kami, dahilan niya kaya hindi niyapa ako sinasagot ay kailngan daw muna maka graduate siya at nirerespeto ko naman yung reason niya. 2016 nung magkakilala kami masaya naman pero medyo magkalayo kasi kami ng bahay kaya hindi siya nakaka punta masyado sa amin pero napakilala ko na siya sa family ko at ok naman walang problema, pero sa kanila patago akong pag nag pupunta yung pag wala tito niya at tita niya pinsan niya lang nakaka alam tinatanong ko naman siya kung ok lang sa kahya na harapin ko yung kamag anak niya para mag pakilala ako sabi niya ok naman daw pero pag malapit na yung time na sasabihin ko hahatid ko siya hanggang sa kanila para makilala ko na sila palagi niyang sinasabi sa akin na wag muna darating din yung time, napaka daming pag kakataon na sana makikilala ko yung family niya pero pag andun na yung chance sinasabi niya na wag muna at nirerespeto ko din yung desisyon niya dahil mahal ko siya iniisip ko nalang nga na baka hindi pa ready.
Ok naman kami wala naman kaming problema nung 2019, nag resign ako sa work ko dahil na din sa gusto namin makapag tapos dalawa sa pag aaral kaya nag hanap ako ng bagong work na sure na makakapag araw ako sa hapon or gabi, at nakahanap ako nitong january lang pero malayo sa kanya.
2 months din kami hindi nakapag kita before lockdown, pero wala naman problema sa communication namin nagagawa ko pa nga mga assignments niya pag uwi ko sa work, tapos pag gising niya sa hapon gawa na mga assignments niya.
Tapos during lockdown dun ko na naramdaman na parang nanlalamig na siya sa akin kesyo ayaw na daw niya ng ganitong set up namin yung dun ako nag simulang kabahan, tapos sobrang tagal hindi na niya ako kinokontak pero ako tuloy parin ng pag memessage ko sa kanya nung mga panahon na yun, pag gising niya kung kakain na siya, pag pasok niya, hanggang sa work niya, at hanggang pag uwi at pag tulog. Puro seen lang sa una ok lang naman sa akin dahil alam ko nababasa pa niya, hanggang sa dumating na hindi na nga niya siniseen siguro inoff na niya yung notification sa messenger pero patuloy parin ako sa mga messages ko sa kanya.
Isang araw nitong Mayo nag message siya sa akin at tuwang tuwa naman ako dahil naalala niya ako ulit napag kwentuhan yung sa school niya dami nga daw pinapagawang assignment deadline may30 at sabi niya dahil sa work hindi niya masyado maasikaaso so sabi ko tulungan kita ginawa ko lahat ng assignment niya 2 to 3 days ko lang ginawa pag ka send ko reply niya salama daw sa effort ganun tapos mula nun puro seen nanaman at ilang araw lang parang inoff na niya ulit notification, isang gabi nag message siya ulit sa akin "May bf nako" biglang parang nilindol yung mundo ko hindi ko kasi ineexpect yung ganung message niya, pero sa akin baka lang binibiro niya lang ako kasi madalas niya gawin sakin yun dati pag lipas ng ilang oras tatawag siya sasabihin sorry biro lang daw yun miss niya lang daw kasi ako, pero nung mga time na yun walang ganung nangyari kinabahan na ako lalo.
Tapos bago mag may 30 nag message ulit siya may pahabol daw na assignment patulong daw, so ako naman siyempre ginawa ko agad dahil baka abutan ng deadline pag ka send ko sa kanya nung file salamat daw at seen nalang inabot ng mga susunod kong messages.
Dumating na yung June1 umaga nun 5am, may Bf na daw siya talaga pinapamuka na niya sa akin hindi na daw niya ako mahal ganun kilala na daw ng pamilya niya sa kanila, tapos mahal na mahal daw niya. Ako siyempre nag nag drama na ako sa kanya nag makaawa na ako, sabi ko kung binibiro mo lang ako tama na nasasaktan kasi ako, pero hindi daw biro yun totoo daw yun. Hindi alam ang gagawin ko ng mga oras na yun panay pag mamakaawa ko sa kanya, pinaalala ko sa kanya mga pangako namin sa isat isa pero parang wala na siyang pakielam iniiba niya yung topic, at sinabi niya lang sa akin "sorry"
Hanggang nung kinagabihan nakita ko nakapost picture nila nung lalaki dun na tuluyan nagunaw mundo ko, parang dun ko napaniwala sarili ko na may bf na nga talaga siya at kilala na sa kanila dahil naipost na niya sa fb samantalang mga pictures namin pag ka send niya sa messenger dinedelete na niya agad sa phone niya.
Mula nag send ako sa kanya ng mga tulang ginawa ko para sa kanya puno ng alala at lungkot, ang sabi niya lsng sa akin mahabang panunumbat daw yun ewan ko kung binasa niya, at hindi ko na din muna inopen ulit ang messenger ko at fb dahil nasasaktan talaga ako.
Tanong ko lang :
Dapat ba kalimutan ko na siya sa ginawa niya sa akin? Sa totoo lang mahal ko parin talaga siya, kung mag hihiwalay nga sila ng bf niya susuyuin ko ulit siya eh.
Dapat ko pa ba diyang antayin?
Pinagpalit niya ako sa mas malapit sa kanila natural lang ba yun?
Ang sabi niya sa akin guilty daw siya totoo kaya yun? Pero nakuha niya pang mag post para ipamuka sa akin na may bf na nga siya talaga.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi feeling ko binigay ko na sa kanya lahat tapos ginawa niya parin sa akin ito.