"Hokage" Pinakamataas na antas ng pagigigng ninja sa bayan ng Konoha.
"Hokage" maaring uri ng paggalaw/pambabastos/pag-iisip sa personal o sa pamamagitan ng ibang paraan gaya ng litrato, bagay na pagmamay-ari ng isang tao o Internet.
Internet Hokage
Bakit nga ba nauso ang pagiging Hokage? Ganun na lang ba talaga kababaw ang mga tao na kahit inosenteng tao ay babastusin para lamang sa kanilang pansariling kasiyahan. Nauso ang mentalidad ng pagiging "Hokage" dahil sa Internet. Facebook, Instagram, Twitter at sari-sari pang social networking sites kahit Symbianize ay pwede rin. Sa Internet pwede mo gawin kahit ano dahil hindi ka naman nila nakikita o kaya kilala. Sa likod ng monitor o cellphone ay nagkakaroon sila ng "sense of protection" o sa palagay ng seguridad kaya nagagawa nila ang mga ganitong bagay. Pero hindi mo rin naman sila masisisi dahil yung babae mismo nag post ng sexy at malaswa niyang picture sa Interent. Pero ang masama eh kahit inosente at maayos ang babae eh hindi parin sila makakalagpas sa mata ng mga Hokage. Minsan pa pag nakita nilang taga Catholic School yung babae mag sisigawan pa yan ng AMENNNNNN! o kaya naman pag nakita na taga U-belt tapos maganda. "Maganda nga di na naman virgin" sabay tawa.
Ninja
Naranasan mo na bang sumakay sa siksikan na MRT,LRT, o PNR. Siguro ay nakita mo na rin ang mga "ninja". Ito yung mga pasimple tsansing ,
palapat, yung humahawak, yung nansisisko at marami pang iba. Hindi gaya ng mga Internet Hokage ang mga ninja ay gumagawa ng kamanyakan sa personal. Sila yung mga tumatayo sa likod ng babae kapag siksikan na. Yung mga nag-aabot ng bayad sa jeep pero yung kamay sumasabit sa dibdib ng babae.
palapat, yung humahawak, yung nansisisko at marami pang iba. Hindi gaya ng mga Internet Hokage ang mga ninja ay gumagawa ng kamanyakan sa personal. Sila yung mga tumatayo sa likod ng babae kapag siksikan na. Yung mga nag-aabot ng bayad sa jeep pero yung kamay sumasabit sa dibdib ng babae.
Byakugan/Sharingan
Ito yung malulupit yung mata. Yung kapag nasa Mall lahat ng maganda nakikita. Kapag me labas yung cleavage alam na niya. Yung kapag may mabobosohan siya una nakakita. Yung pag me maganda sa harap niya sa jeep at tapos naka skirt na videohan na niya. Ganyan kalupit ang mga may sharingan at byakugan na ninja.Pero di gaya ng mga ibang ninja minsan hanggang tingin lang sila.
Mga taga Sound Village
Ito yung mga kahit walang ginagawa sayo eh nababastos ka sa pamamagitan ng pagsasalita/pagsipol/senyas. Isa ito sa mga pinaka nakakabastos na ninja dahil direkta talaga ang pangbabaastos ng mga ito. Yung mga nakatambay na pag me dumaan eh kung makasipol eh rinig sa kabilang kanto. O kaya naman yung mga makatawag ng "Miss" Miss" "Miss" at kapag di lumingon yung babae sagad maka mura.
Bakit nga ba tayo nagkaganito? San tayo nagkamali? Bakit dumadami ang manyak eh di naman yun namamana? Nakakahawa ba ito? Di ba nila naisip kung sa kapamilya nila ito mang yari sa Ina sa kapatid sa anak o sa kakilala nila. Isa lang ang sigurado merong KARMA. Kaya ikaw magiging HOKAGE ka pa ba?