Hello mga kasymb.
Bago bago palang ako mag drive and manual gamit. Sana matulungan nyo ko. eheh
Meron ba kayong tips pag pataas/uphill? Hirap na hirap talaga ko. Naexperience ko, namatayan ako sa gitna, ayun naligo ako sa pawis at kaba. Nakailang atras ako pababa bago ko naitaas. Hahah
Saka, pano bang technique pag magchange gear pag paangat? Parang katulad din ba yun sa flat area?
Pano din yung pababa muna tapos pataas (mga 50-60 degrees angle)? Pede ba yung kunwari 2nd or third gear na ko agad pagbaba para malakas ang bwelo ko pagtaas? Or need kong i first gear pagbaba para hindi ako mahirapan sa pagbwelo pataas?
Tapos naeexperience ko din yung ang bigat nung clutch, yung nakatapak ako tapos hindi ko mabitawan, pag iaangat ko yung paa ko, hihinto sya kahit nakaapak ako sa accelerator. May problema kaya sa clutch ko or nasobrahan ako ng tapak sa clutch kaya ganon?
Salamat sa sasagot. Marami pa sana kong tanong pero eto muna.. hehe