Paano ba mawala ang sakit? paano ba? makalimot.. dumaan nako sa ganto. pero iba toh sobra sakit sobra hirap na yung taong mahal mo iniwan ka pinagpalit kasa iba ng ganun ng ganun lang... yung ang tagal tagal nyo tinapon niya lang lahat binalewala niya.. dahil sa tingin niya hindi mo sya mabibigyan ng buhay na kawawa sya pag nabuntis mo siya tapos may nakilala siya lalaki na tingin niya eh kaya sya bigyan ng maganda buhay Aat matutulungan siya dahil breadwinner siya.. nagkagusto sya hanggang sa nainlove na siya dun sa maiikli panahon.. tapos ako eto parang basura iniwan nalang kasama mga ala ala niya .. ang sakit sakit ilang beses nako nasaktan sa pagibig pero iba to halos mamatay ako yung pride ko natapakan
hindi ko alam ko malalagpasan ko pato pakiramdam ko at nagdadasal ako ng kunin nalang ako ni GOD
Ramdam na ramdam kita, TS. Pero hindi ko din pwedeng sisihin si ex-girlfriend mo sa ginawa niyang decision. Mahal ka ng ex-girlfriend mo, minahal ka niya. Enough proof na siguro yung tinatagal ng relationship nyo. Kaso, may ganyang scenario talaga sa buhay ng tao na nag-woworry sila sa magiging future nila. Kasi, ang panahon at oras ay mabilis na lumilipas. Lahat tayo pa-tanda at hindi pa-bata. Dumating na siguro yung time na napa-isip sya na kung saan ba talaga kayo patungo, yung relationship nyo. At sadly (sorry), tingin ko hindi siya nakaramdam ng kahit na anong assurance mula mismo sayo nung mga panahon na kayo pa para sa future nyo, na siya naman niyang nakita sa iba at naging dahilan para mafall-out-of-love siya sayo (sorry ulit).
Anyways, paano mawala ang sakit at kung paano ba makalimot? Simple lang, unti-unti mo na siyang burahin sa puso at isipan mo, lalo na yung feelings mo sa kanya. Alam kong sasabihin mo na it's easier said than done. Oo, tama ka. Pero may choice ka ba? Ganyan din naman sinabi ko nung time na dumaan din ako sa ganyan. Pero ayun, wala din naman akong choice kasi sarili ko lang din naman ang pahihirapan ko. Ang dami-daming bagay na ang naaapektuhan dahil sa nangyari at sa kung paano ako nag-react. Oo, masakit, mahirap, at kung anu-ano pa. Kaso ganun talaga. Kapag natuto kang mag-mahal, dapat handa ka ding masaktan.
Ngayon, magpaka-busy ka muna para hindi mo sya madalas na maisip. Nangyari na ang nangyari. Pero instead na magmukmok ka dyan dahil sa nangyari sayo, gawin mong motivation yun para baguhin / ayusin ang buhay mo. Gamitin mong driving force to build a better you. Hindi para makita ng ex-girlfriend mo, hindi para sa future girlfriend / wife mo, kundi para sayo mismo. Para sa sarili mo. Malalagpasan mo yan. Hindi pa katapusan ng mundo para maisipan mo na kunin ka na ni God. Walangya, dinamay mo pa sya. Hahahaha. At gaya ng madalas na reply sa mga ganitong klase ng thread / topic. HINDI LANG SIYA ANG BABAE SA MUNDO.
May darating at darating na babae na para sayo talaga. Pero sana maging lesson na din yun. Dahil hindi sapat ang "LOVE" lang. Lalo na at assuming na nasa tamang edad ka na din para magka-family (based sa naging decision ng ex-girlfriend mo). Hindi na kasi katulad nung teenage days na all fun and games lang at walang kahit na anong commitment. Hahahaha.
So yun, TS. Kapit lang, walang bibitaw. Kayang-kaya mo yan. God Bless!