Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part 3

Dapat nakahiga pa ako at natutulog ng mahimbing dahil wala namang pasok ngayong araw. Bihirang pagkakataong maghiwalay kami ng aking unan pagsapit ng ala-sais ng umaga. Pero heto ako ngayon nakikipagbuno at kumukuha ng lakas sa dingding. Ewan ko ba kung bakit binigyan ako ng mahinang panunaw kaya kapag medyo ginahan o wala laman ang sikmura ay sira agad ang tyan. Napurnada tuloy ang continuation ng aking panaginip na malapit na sana sa climax. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan ng damsel na baka senyales ng tunay na pag-ibig. Malay mo di ba? Kung bakit ba naman mag-uumaga na saka dinalaw ng panaginip.

"Anak! Matagal ka pa ba dyan?" Sinlaki ng paminta ang aking pawis pero dinadaan lang ako sa padila-dila na tila nang-aasar.

"Sandali na lang po!" sigaw ko.

"Aba, tumatakbo ang oras. Kulang na lang ang cedula para maging residente ka dyan. Paspasan mo ng konte. May lakad pa kayo ng tatay mo."

Hindi naman ako mareklamo at batugan. Gusto ko lamang na nirerespeto ang aking seremonyas dahil hindi naman ako ang klase ng tao na kapag umupo ay larga agad. It takes time. May process! Minsan kasi nahihiya. Pasilip-silip lang. Kadalasan pa naman kapag masama ang aking gising ay hindi maganda ang kinalalabasan ng araw. Carry-over ang negative vibes hanggang hapon. Pwera na lamang kung tatama ang taya ko sa STL.

Birthday ni Kuring. Bilin ni Ermat huwag ko daw sisirain ang espesyal na araw na ito ni Ate. Hindi niya paborito ang kapatid ko baka lang daw kasi matauhan na this time at maisipang i-give up ang pangarap na maging flight attendant. Ginawa na lahat ni Ermat para i-discourage si Kuring pero hindi umubra. Binigyan ng sariling negosyo ngunit kahit tapak sa pintuan hindi nagawa. Wala din epekto ang paliwanag na kulang sa height ang lahi namin kaya binawi na lamang sa lusog. Isinabak naman ni Erpat ang statistics ng eroplano at bilang ng taong gustong maging flight attendant ay hindi proportion pero nagtaas lang ng balikat si Kuring. Keber tapos taas kilay. So what? Uso kay Kuring ang never give up na natutunan niya sa mga pinapanood na inspirational movies. Tipong against all odds tapos in the end success with teary-eyed pa. Minsan sinisisi ko ang school dahil obyus naman na kulang kami sa height pero pinayagan mag-enroll sa department nila.

Wala akong natatandaan na pwedeng maging dahilan ng pag-aalburuto ng aking tyan. Madaming chibog kagabi pero hindi ko trip kumain kaya walang laman ang aking sikmura maliban sa tubig na tinungga ko dahil sa pagkatalo sa pusoy. Mayroon kasing babaeng umubos ng atensyon ko buong gabi kaya wala ako sa konsentrasyon. Bago kami magpusoy naki-join muna ako sa mga naglalaro ng truth or consequence. Dahil ipinanganak yata akong kulang sa swerte ako ang buena mano. Para maging masaya at huwaran ng mga susunod na taya tinupad ko agad ang consequence. Give something valuable daw sa I find attractive sa venue. Bukod sa mukhang maton ang mga kalaro kong babae at takot akong makantyawan kapag si Abby ang nilapitan ko pumunta ako dun sa nakatalikod na babaeng malapit sa buffet. Medyo malayo pero hindi mata ang aking ginamit para malamang maganda sya. Mabango siya mula buhok hanggang sa iniwan niyang daan. Saken lang, ewan ko lang sa iba. Scent is beauty. Lumunok ako ng laway, kinuha ko sa wallet ang lumang 10-peso bill saka inabot sa kanya.

"Excuse me. Miss souvenir. Dadating ang panahon konting tao na lang ang meron nito."

"Bakit mo ako binibigyan nito," tanong niya.

Dahil hindi ako hokage. Tameme ako. "Baka magugustuhan mo lang. Kung hindi naman please keep it." Lumakad akong paatras at hindi na siya hinintay sumagot. Sa totoo lang sayang 'yun. Mahigit sampung taon na iyon sa wallet ko. Kung bakit ba naman walang valuable akong dala.

Kahit masarap ang pagkain ay hindi ko na naiisip bumisita sa buffet. Bukod sa takot ako sa komprontahan baka may lalaking lumapit sa akin para pagpaliwanagin ako. Mahirap na. Mahina pa naman ako sa impromptu at essay.

"Siya iyong lalaki."

"Ito ba? Bakit mo binigyan ng 10 pesos ang GF ko?"

"Ah e. Wala. Pinapahanap ko yung pusa."

Paranoid ako e.

Okay sana kung yun lang ang mangyayari e kung unahan ako ng suntok baka sa ilalim ng mesa kami magkita ng pusa. Medyo exag yung kwento ko kasi wala naman lalaki dun sa lugar maliban dun sa waiter pero mabuti na ang nag-iingat. Baka yung waiter kasi ang BF nga. Dapat nagstay na lang ako sa bahay.

Nakagflash back na ako ng nangyari kagabi pero hindi pa ako tapos sa arangkada. May pabugso-bugso at may tila bombang bumabagsak. Fire in a hole!

"Anak! Siguraduhin mong mabubuhay pa papasok dyan!" Tinalo pa ang amoy ng ginisa!"

Pambhira. Kasalanan ko ba kung uso sa design ng bahay ang malapit sa kusina ang banyo? Sa sunod dito na lang sa banyo maggisa ng bawang at sibuyas at sa labas ako. Ewan ko lang. Pero syempre biro lang.

"Suggestion lang, maggisa kayo ng bagoong. Nakatapos din." Pinisil ko ang ilong ni Ermat saka tumakbo palabas.

"Bastos ka! Hindi ka pa siguro naghugas ng kamay."

"Labyu Ma!"

Praning na naman ang langit. Kumukulog habang tirik na tirik ang sikat ng araw. Buti na lang nauso ang mga tindahan na may konting bubong sa dulo ng mga eskinita. Okay nga naman tambayan ng mga takot mabasa ng ulan tapos aaluking magmeryenda muna habang nagpapalipas ng ulan. Syempre kahit medyo busog mapipilitang bumili dahil sa free service ng bubong. Patok na negosyo, Eat While You Wait!

Umulan na nga.

Gaya ng dati, late si Bianca. Bihira naman talaga sa babae ang nasa oras. Kasama na siguro sa right nila pero bawal sila ang maghintay. Zero visibility na daw sa daan. Ako lang naman itong excited lumabas agad ng eskinita kahit alam kong kalhating oras ang byahe niya papunta sa lugar namin. Mahirap kasing makipagsapalaran sa mahaba at masikip na daan. Sabihin na nating umasenso ang mga tao sa amin kaya extended sa kalsada ang kusina, labahan, sampayan, tambayan at inuman. Kaya mag-isip muna bago magmadali baka madulas sa kalsadang amoy downy o maging target ng nagpipilantikang mantika. Worse mahuli sa lakad mo dahil sumasayaw na si Jollibee sa kalagitnaan ng birthday party.

Bibili kami ng halaman. Wala namang bago. Higit isang daang beses na namin itong ginagawa. Bukod sa magandang tingnan, okay din daw pangtanggal ng stress ang pag-aalaga ng halaman. Kesa makalbo sa pag-iisip, isang magandang breathing space daw ang garden. Ibig sabihin ang dami ng halaman niya ang directly proportional sa dami ng stress niya sa buhay.

"Tara!" sigaw ni Bianca. "Akala ko hindi na hihina ang ulan."

"Kahit naman malakas ang ulan hindi ka naman mapipigilan e," sagot ko.

"Natagalan tuloy ako. Bakit ba kasi ayaw mong mag-aral magdrive para ikaw na lang ang pumupunta sa bahay."

"Ah, may phobia kasi ako. Noong nag-aaral akong magbisikleta may nabundol akong aso. Pero sa summer mag-eenroll ako sa driving school."

"Wag na."

"O sige. Tipid yun."

"I mean, huwag ka na lang mag-enroll. Ako na ang magtuturo sa'yo."

"Baka masira ko ang auto mo."

"Problema ba 'yun. Eh di sa dump truck tayo mag-aral."

"Sige. Teka san ba tayo pupunta?"

"San nga ba? Maganda sana dun sa hindi pa natin nararating."

"Sa IRRI! Sa sobrang dami mong halaman, palay na lang ang wala sa koleksyon mo."

"Sige dun tayo! Basta ikaw ang magiging kalabaw."

"Ay! Naalala ko dumalaw dun si Bill Gates, binago niya ang synthesis ng palay. Sagot sa gutom. Isang kain lang busog na buong araw. Punung-puno ng bintamina from A to zinc ang butil ng palay."

"Seryoso?" Medyo gullible si Bianca madali siyang mapaniwala kahit obyus naman na kalokohan.

"Alin? Yung pagpunta natin sa IRRI?"

"Hindi. Yung palay na may vitamins."

"Syempre hindi. Naisip ko lang. Pahenyo lang. Dun na lang tayo sa Rose Botanicals may bagong breed ng bonsai ng kamatis."

"Seryoso na?"

"Syempre hindi pa din!"

"Bumaba ka na kaya!" sigaw niya.

"Seyoso?" balik ko.

"Oo. Wala ka kasing kwentang kausap."

"Alam mo naman wala akong alam sa halaman. Peace yoh! Nga pala may padalang pagkain si Ermat. Birthday ng paborito kong kapatid."

"Wow ha? Paborito e dalawa lang kayo parang may choices."

Galing si Bianca sa lahi ng mayayaman sa Laguna. Lahi nila ang tinatawag ng panginoong may lupa at kami ang aliping sagigilid. Hindi masyado malinaw sa akin ang family tree nila pero apo siya sa alipunga ng talampakan ng mga Yulo. Sabi ni lolo parte ng dating malawak ng sugar plantation ang lugar namin at ang mga dating magtutubo ang maswerteng naambunan ng lupa noong nagkaroon ng land distribution. Kaya kahit hindi na matunog ang pangalan ng mga Yulo tumatanaw pa din ang karamihan ng utang na loob lalo na sa angkan nina Bianca. Pero may ilan din galit dahil mas higit pa daw dapat doon ang matanggap nila. Kaya bilin ni Erpat huwag daw akong maiinlab kay Bianca dahil ayaw nilang pagmulan pa ng hidwaan ang higit isang daang taong pinagsamahan. Pero kung alam lang nila. Basta. Secret muna.

itutuloy...
 
Last edited:
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita)

ayown oh,,, pasabskrayb ako idol :pacute:
 
hehehehe ^_^ </3
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita)

astig ah!mukhang tga calamba c bianca:)..... intay sa kasunod boss
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

"Konrad Lorenz, huwag mong kalimutan ang bilin ko ha?" Sa totoo lang nawiwirduhan ako sa maling spelling ng aking pangalan na tunong singer pa. Palibhasa science teacher si Ermat kaya binigyan ako ng pangalan mula sa librong binabasa noong nalamang nagbubuntis siya.

"Yes pa." Tumawag si Erpat nang makarating sa kanya na sinundo ako ni Bianca.

Bukod kay Bianca, mahilig din sa garden si Erpat pero ang trip niyang gawin taniman ay ang ulo ko. Hindi na yun bago. May multo sa kanyang isip na gagawa ulit ako ng ikasisira ng pamilya namin. Sa dinami-dami nga naman ng tao sa lugar namin ay sa akin pa naging close ang anak ng dating bossing nya. Kaya itanim ko daw sa aking kokote na huwag gagawa ng masama o kahit konting pagnanasa sa tuwing kasama ko si Bianca. Madami siyang batas na kailangan ko daw isaisip sa lahat ng pagkakataon. Una, sa sobrang puti ni Bianca huwag ko daw masyado hawakan ng sobrang higpit dahil baka magkaroon ng pasa. Natural daw sa mga may malaporselanang kutis ang agad na pamamasa kapag may naipit na dugo dahil baka isipin ng magulang niya na sinaktan o pinuwersa ko. Pangalawa, medyo matangkad si Bianca kaya tumingala ako sa tuwing nakikipag-usap para maiwasan kong matukso sa mapuputi nitong hita lalo na kapag nakashorts. Pangatlo, huwag akong gagawa ng bagay na maiimpress si Bianca. Magmukha na akong engot kesa humanga siya upang maiwasan mahulog ang loob, mainlove at sa bandang huli ay sasaktan ko lang.

Sa totoo lang wala naman talagang dapat ikatakot si erpat. Kaya wala dapat ika-paranoid. Si Bianca ang tipo ng babaeng hindi papatol sa kahit sinong lalaki na magpapalipad hangin. She's so special. Oppss! Special friend. Wala akong lakas ng loob para sa kahit sinong babae para sabihin o i-express ang nararamdaman ko. Natatandaan ko pa, bumili ako noon ng gitara para mag-aral tumutog dahil iyon naisip kong outlet sa pagdiskarte sa isang chick pero walang nangyari. Ibinenta ko ulit ang gitara.

"Birthday ni Kuring? Ibig sabihin next month kay Estong na."

"Oo nga. Galing mo talaga."

Si Estong ang unang kaibigan ko. Kasama ko siya mula pagkabata. Katabi ko din sa upuan sa klase dahil pareho kami ng apelyido kaya siya ang madali kong nakagaan ng loob. Habang busy ako noon sa academics, abala naman siya sa kanyang NBA at baseball cards. Araw-araw niya iyon binibilang. Noong nga minsang lumindol una niyang sinagip ang mga cards kesa sa bunsong kapatid.

High School na kami nang nalaman kong magkapatid pala kami sa ama. Gulat na gulat ako noon, parang di ko matanggap na magagawang magloko ni erpat. Gusto kong magalit kay Estong dahil matagal na pala niyang alam ang lahat. Pero umurong ang tapang ko noong nalaman kong unang pamilya pala sila at nagkataon lang na si ermat ang pinakasalan. Parang ang bawat ngiti ko noon kapag kasama ko si erpat ay dumudurog naman sa puso ni Estong. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang lahat. Maaring tanggap ng ermat ni Estong ang set-up pero si Estong at kapatid nito? Hindi ko alam. Kwento pa n'ya huling regalo pala ng erpat ang NBA at baseball cards sa kanya kaya sobrang ingat na ingat.

Namiss ko bigla si Estong. Si utol. Si idol. Si tropa.

"Kung hindi kita kilala magdududa akong type mo siguro sa Estong?" balik ko kay Bianca.

"Huwag ka ngang ano! Aanuhin na talaga kita!"

"Ano? Anong aanuhin?"

"Basta! Pareho kayong may topak!"

Oo nga naman. Pareho kaming may topak. Noon. Dati 'yon. Noong nag-aaral pa kami.

Isang araw bago ang graduation nagkita kami ni Estong sa LV Square. Pareho kaming nakaitim. Siya relax at kabado. Sumakay kami ng van at isa-isang piniringan. De-numero ang tibok ng puso ko habang tumatagal ang aming byahe. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng aming sinasakyan. Maliban sa nagbibigay ng instruction, tahimik ang mga kasama ko sa loob at tanging buntong hininga lamang ang nadidinig sa bawat isa.

"Baba!" sigaw ng isa. Naramdaman ko ang hampas sa aking batok pagkatigil pa lamang ng sasakyan. Pinahawak ako sa likod ng isa kong kasama para maging guide papasok sa isang madulas na lugar. Halatang imbakan ng langis ang aming pinuntahan dahil sa nangingibawbaw na amoy nito.

"Sino ang walang bayag na gustong pang umurong? May isang minuto pa kayo para umurong!"

"Ikaw! Uurong ka?!" sigaw ng isa sa aking katabi.

"Hindi po master!" matigas na sigaw ng isa.

"Hindi ko nadinig! Uurong ka ba?"

"Hindi po master!" mas malakas niyang tugon. "Hindi!"

Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan palaging nagsisigawan kapag nag-uusap. Kailangan ba talagang nagsisigawan o tanda ng tunay na pagkalalaki kapag malakas ang boses.

"Ikaw may bayag ka ba?" sigaw naman niya sa akin.

"Meron po master!" sigaw ko sa kanya. Ngayon pa ba ako uurong kung kailan nandito na ako. Isa pa, kung aayaw ba ako papayag ba sila? Desidido na ako. Walang urungan.

"Galit ka ba? Bakit mo ako sinisigawan?" Isang malakas na suntok sa dumapo sa aking sikmura. Halos mapaupo ako sa sakit pero hindi ko ipinahalatang nasaktan ako. "Masakit ba?"

"Hindi po master!" sagot ko.

Tinanggal niya ang piring sa aking mga mata. Maliit lang ang lalaki sa aking harapan. Kung papatulan ko paniguradong hindi basta-basta ako malalamangan. Pero hindi pwede, sa mga ganitong samahan iginagalang ang nakatataas kahit kayang patumbahin sa isang tadyak lang.

Hinanap ko agad si Estong. Nasa sa may unahan siya. Magkadaop ang dalawang kamay niya sa may batok habang kausap ng isang lalaki. Bahagyang umurong ang lalaki at ikinumpas ang kanyang kamay. Lumapit ang isang lalaki na may dalang paddle. Ilang saglit pa ay tumanggap siya ng malakas na palo sa likod ng kanyang mga hita. Bahagyang nawalan ng balanse si Estong pero nakabawi din agad. Kumawala ulit ang isang palo na halos ikabuwal niya. Lumapit ang isang matabang lalaki at kinuha ang paddle sa kasama, napaluhod si Estong pinakawalang palo at hindi agad nakatayo.

Lumapit sa aking ang isang pang lalaki. Sunod-sunod ang lunok ko ng laway. Piniringan ako at pinalakad ng bahagya. Hindi ko na alam ang nangyayari. Dinig ko ang bawat daing ng aking mga kasama.

"Ahh!!!" Ramdam ko na ang bawat dampi ng kahoy sa aking mga binti at hita. Mapadhi. Nabibingi ako. Malakas ang bawat palo. Hindi ko na mabilang. Nakakaramdam ako ng hilo. Umaakyat ang dugo sa aking ulo. Hindi ganito ang inaasahan ko. Para akong binububog ng hindi man lang lumalaban.

"Tayo!" sigaw sa akin. Hindi ko na makayanan. Gustuhin man ng isip ko, hindi naman makaya ng binti ko. Isang tadyak ang nagpadapa sa aking sa mabahong lugar. Kumuha muna ako ng lakas sa muling bumangon. Inalis muli ang piring ko. Sa pagkakataong ito hindi ko na makita si Estong. Anim na lang kaming nanatiling nasa loob.

Pinalakad kami palabas ng imbakan ng langis. Inabot ko pa kung paano paglaruan ang isa naming kasama sa itaas ng isang stage. Halos mawalan na din siya ng lakas sa tindi ng hirap na nararamdaman.

"Ikot!" sigaw ng matabang lalaki. Kinakabahan ako. "Lakad!" Delikado ang ipinagagawa nila. "Talon!!!" Kailangan tumalon kapag sumigaw ang pinuno. Dalawa lang ang pwedeng mangyari kapag tumalon, ang manatili sa ibabaw ng stage o mahulog. Tawanan ang mga sa kolokoy sa kanilang pinaggagawa. Buti na lang at papapunta sa gitnang direction ang lakad ng kapwa ko apprentice.

Susunod na sana ako sa stage nang bigla akong lagyan ng sako sa ulo. Itinali ang parteng nasa may leeg. "Tatakbo ka hanggang kaya mo ha?" sabi ng isang lalaki sa akin. "Kapag inabutan kita yari ka. Takbo!"

Tumakbo naman agad ako. Dahil hindi ko alam ang aking dinadaanan at mahina na ang aking mga tuhod madali niya akong inabutan. Habang pinipilit kong tumakbo ay sunod-sunod din ang mga palong natatatanggap ko. Hindi ko na halos iniinda ang sakit. Pumuputi na ang paligid. Hindi na malinaw ang aking dinadaanan. Nakakaramdaman ako ng uhaw. Unti-unti kong naalala ang mga bagay na tinatamasa ko. Ang nakakainip kong buhay, ang mga nang-api sa akin noong bata ako. Ang aking gitara. Ang aking mga magulang. Ang mga sermon mula almusal hanggang hapunan. Si Bianca.

Tama ba ang pinasok kong ito? Hindi ko alam. Bumagsak ako sa lupa.

"Sana sinamahan na lang kita bumili ng halaman noon. Hindi sana ako bantay sarado ni Erpat ngayon."

Tinapik ako ni Bianca sa balikat. "Hayaan mo na, Konrad." Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. Ilang segundo. "Ang mahalaga naredeem mo na ang sarili mo. Nagbago ka na."

"Naredeem ko na ba talaga?"

Ngumiti si Bianca. "Tara na. Dito na tayo."

-itutuloy..."
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

Sa batangas,nagkakaintindihan kame kahet puro "ano" lamang ang laman ng usapan.

"Ah si ano? Ano na pala yun ano,grabe!"

"Ano? Mang-aano ka pa ha,aanuhin kita tamo nakakaano ka na!"

Husay nito,idol talaga. Abangers ako sa part 3.
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

Kung ako ang tatanungin ng mga nagbabalak magkolehiyo ay agad isasagot ko na pinakamahirap ang mag-aral sa Calamba. Hindi biro ang pag-aaral kung madaming magandang babae kahit sa pinakatahimik na sulok ng library, sangkatutak na hot spring resort na patok sa parehong taglamig at tag-araw at higit sa lahat non-stop na gimikan na umaabot ng madaling araw. Kaya bilib ako at medyo badtrip na din kay Kuring. Biruin mo nagagawa niyang balensehin ang pag-aaral, pagliliwaliw, pagpapa-good vibes at pag-iwas sa gawaing bahay. Hindi naman ako pabayang estudyante at hindi nagpapaiwan sa lesson dahil mas mahirap ang maghabol. Kung tutuusin busy ako sa academics pero sa tuwing magdecide akong magbulakbol ng konti upang maiba naman ang simoy ng hangin doon pa sumasablay.

"Pre fiesta kina Jorge. Samahan mo ko. Saglit lang naman tayo," yaya noon ni Aldrin.

"May exam ako mamayang 4pm e."

"Oh? May apat na oras pa. Vacant pa naman tayo. Saglit lang. Hindi tayo magtatagal." At ayun sumama ako.

Masarap ang kalderata lalo na ang pagkain hindi ko alam ang pangalan. Basta hugis embutido at may palaman itlog, hotdog at medyo lasang manok tapos prito ang pagkakaluto. Hinintay ko ang pangalawang bugso ng buko salad pero hindi naghain sa mesa. Naghihintay pa siguro ng espesyal na bisita. Kumanta ako ng isang Beatles at dalawang Rivermaya. Idol ko si Rico Blanco kahit paiba-iba ang trip n'ya sa itsura niya. Panatiko ako ng mensahe ng bawat kanta nya. Tinapos ko ang pamimista sa saliw ng kanta ni Ely Buendia. Napasarap kami pero pinilit naming umalis agad. Nilamon kami ng traffic sa Parian. Hindi ako nakakuha ng final exam.

Dalawang bumbay ang inutangan ni Ermat para makaexam ako. Kung kelan pa pasilip na ang graduation saka pa sumablay. Paano ko ipapaliwanag na kailangan ko ng special exam at may katumbas itong bayad? Mahirap umisip ng dahilan.

Amoy ginisang bawang at sibuyas ang eskinita papasok sa amin. Tumataas na ang buntot ng mga pusa habang naghihintay ng pwedeng mahulog sa hinahalong ulam ng kanilang amo. Maghahapunan na. Paniguradong tatanungin agad ang exam ko. Ayaw ko naman magsinungaling pa dahil sermon din naman ang uuwian kapag nagkabukingan lalo at alam nilang hindi naman ako pabaya.

"Aba may magandang bisita," wika ko sa sarili ko. Willing akong maghugas ng pinggan basta perfect view ang uuwian. Hindi iisang beses ginawang pangtakip ni Kuring ang mga group projects sa mga gala niya. Isang pasekretong bulakbol ang kapatid ko. Pakunswelo na lang na maganda ang mga kaklase niya. Masarap siguro kumuha ng minor subject sa Tourism class. Sayang late ko na naisipan.

"Kain ka, Konrad," alok ni Abby. Si Abby ang tipo ng babaeng hindi mo papansinin sa unang tingin. Medyo mukha siyang madungis dahil may kaitiman at mayroon siyang bigote. Pero kung tititigan napakanganda pala ng hugis ng labi niya at mapanukso ang mga mata. Tila ba nagyayang umupo ako sa tabi niya at mag-usap kami hanggang maging tandang ang itlog ng kapitbahay.

Ngumiti muna ako. "Dito ka ba matutulog, Abby?" Kumuha ako ng dalawang slice ng tasty bread. Pinisa ko muna bago pinatungan ng ham at ng natitirang lady's choice. "Laro tayo Playstation ha, after n'yan."

Simula nang makilala ko si Abby naging matagal na ako sa banyo at nakakumot na ako matulog. Kahit sigurong lalaki ay dumaan naman sa ganoong stage. Syempre medyo concious na kaya matagal maligo at nakatago sa kumot sa pagtetext para di mahalatang kinikilig.

"Pa, si Konrad. Nanakot na naman ng classmate ko. Ipadlock nyo nga mamaya." Napakabait talaga ni Kuring. Manyakis yata ng turing sa akin.

Hinila ako ni Erpat. "Lumayo ka nga dyan! At bakit amoy alak ka? Kailan ka pa naging lasenggo."

"Pinatagay ako ng tropa n'yo sa labas. Hinahanap nga kayo."

"Sinabi mo na andito ako?"

"Syempre po hindi."

"Buti naman. Kumain ka muna. At huwag mong kulitin ang bisita ng ate mo. Kumusta ang exam?"

Sobrang bait ng magulang ko kaya sobrang hirap sa loob umamin ng kasalanan at mas masakit naman kung magsisinungaling pa. Ikinuwento ko ang ginawa kong paglalakwatsa at humingi ng despensa. After ko aminin ang nangyari umiling lang si Erpat tapos konting sermon. Naluluha na siya dahil alam niyang hindi ako pabaya sa pag-aaral at hindi niya akalain magdedecide ako para sa isang saya kapalit ang mas matinding problema. Muntik na akong mawala sa mood nang biglang magpop-up ng message ni Abby. "Sige. after ng project."

"Ligo lang ako. 2 hours," reply ko. Namula akong parang kamatis.

Yon ang simula ng spice ng aking boring na college life. Sa sobrang kilig ko noon naigawa ko pa ng short story ang sarili ko na may title na "Me and Miss Tourism". Ibinigay ko kay Abby pero hindi ko nabalitaan kung binasa ba niya. Nagkikita kami ng madalas ni Abby pero palihim. Syempre hindi alam ni Kuring. Nagtetext. Chat at kung anu-ano pa. Hindi ko alam kung MU kami. Lalong wala kaming label. Hindi ko alam kung bakit okay sa kanya ang ganong set-up at hindi ko din alam kung kanino kami dapat maglihim. Basta. Ang mahalaga happy.

Sa kwento ni Abby hindi pa siya ready sa commitment. Malinaw na basted na 'yon pero may clause na kung makakahintay ako magtyaga lang. Minsan na siyang niloko kaya natatakot umulit.

"Gumanti ka na lang. I-boyfriend mo ako. Date tayo. Sine. Swimming dyan sa hot spring tapos lokohin mo ako."

"Loko ka! Hindi maganda yon."

"Ayos lang yon at least nagmahalan tayo. Tara na sa kwarto."

"Ano gagawin dun?"

"Ano bang ginagawa ng isang babae at isang lalaki sa kwarto?"

"Gago! Manyak! Bastos!"

"Ito naman. Alam namang biro lang. Maglalaro nga tayo, 'di ba? Inilipat na kasi ang playstation sa taas. Masyado daw kasing makalat kapag dito sa sala. Ayaw nila maniwala na ikaw ang makalat sa ating dalawa. Sobrang organized mo daw kasi kaya imposible."

"See kahit magulang mo hindi naniniwala sayo. Magbago ka na kasi." kantyaw ni Abby.

"Iniisip ko ngang ampunin ka na e. Para hindi na ako mapuna dito sa bahay."

"Oh may yearbook ka na! Patingin!"

"Ako pinakapogi d'yan. Kaya wala kang mahahanap na boyfriend material d'yan."

"Hindi ako desperado."

"Hindi ko sinabing desperado ka. Baka maisip mong maghanap lang. Sige ka baka mabulok 'yan. Lupa lang makikinabang. Sayang din."

"Bastos ka!" Hinampas niya ako ng yearbook sa braso.

"Tingnan mo na. Huwag lang itong isang to."

"Bakit? Cute naman siya ah."

"Huwag 'yan."

"Insecure ka siguro dito."

"Sige pumatol ka d'yan. Kapag nagsex kayo n'yan kasama pa nanay nya."

"Yuck! Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo sa akin? Isusumbong kita!"

"Biro nga lang. 'To naman oh."

"Baka kasi marinig nila, isipan ako ng masama."

"May punto ka. Next time itetext ko na lang." Tumawa ako ng malakas.

Sa ganitong pagkakataon kailangan ko si Estong. Kahit hindi niya aminin ay ilang beses na niyang napatunayan na isa siyang hokage. Nakapahirap magpalipad hangin. Gusto ko ibang level na kami ni Abby. Ilang buwan na kaming nagkikita pero hindi pa kami nagholding hands. Para matupad ng nais ko kailangang sumangguni sa expert.

"Turuan mo naman ako ng mga the moves mo sa mga babae mo," pilit ko kay Estong.

"Uy! uy! Loyal ako! Wala akong alam sa sinasabi mo. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na loyal akong magmahal." Siya siguro ang nakamana ng karisma ni Erpat sa babae. Sayang hindi man lang ako naambunan.

"Isang Andrei Soliman Flores, loyal? Si Trish? Sabay sila ni Queenie. Si Tetay kasabay ni Dhel. Tapos si Louise at si Reese. Ilan pa gusto mong i-enumerate ko?"

"Tol, loyal akong magmahal. Uulitin ko. Si Trish hindi kami naging so hindi ko niloko si Queenie noong nililigawan ko. Si Tetay naman narealize kong hindi ko mahal kaya noong dumating si Dhel dun ko naramdaman ang love kaso hindi pa nakakamove on sa dating bf kaya wala hinantungan. Si Louise hindi ko na kailangan ipaliwanag, alam mo naman siya ang may gusto sa akin. Si Reese friends lamang kami nun, ang mga tao lamang ang nagbibigay ng meaning."

"Linya talaga yan ng mga kolokoy."

"Ang usapan natin dito ay loyalty sa pagmamahal. Paano mo masasabing nagloloko ako kung hindi naman ako involve sa kahit kanino?"

"Ipagpapagawa pa kita ng tarpulin kapag loyal ka na. Take note ipagpapagawa. Personalized!"

"Malay mo si Bianca pala ang soulmate ko? Yung chick mo."

"Woh! Wag siya."

"Bakit type mo siya?"

Natawa ako. "Pati ba naman ikaw?" Gusto ko sanang ipaliwanag na ayaw ni Erpat ng may mabubuong relasyon sa amin dahil baka maging mitsa ng pagkasira ng pagkakaibigan na inalagaan ng ilang salinlahi. "Magkaibagan kami. Ayaw kong maging biktima mo siya."

"Yun naman pala. Hindi ko siya lolokohin. Sana maging close din kami para nakakasakay ako sa kotse niya."

"Turuan mo na lang akong dumiskarte. Trip ko kasi ang classmate ni ate."

"Libre mo muna ako ng meryenda. Para maikwento ko ang konting nalalaman ko kahit wala din naman ako idea."

"Umamin ka na!"

"Ano pangalan ng chick mo?"

"Abby."

Turo ni utol na alamin ko ang hilig, mood, background at oras. Sinibukan ko pero nawala ako sa focus. Naenjoy ko na kasama siya. Kung ano lang siya at kung ano lang kaya ko. Sinulit ko ang oras kasama siya kesa mahanapin kung ano siya.

Magtapat na lang siguro ako. Hindi pwede. Baka umiwas siya. Pero paano kung naghihintay lang siya? Bahala na.

Decided na ako. Handa na akong sabihin kay Abby na mahal ko siya. Hindi na ako papayag na mawala pa siya sa akin. Inaamin ko noong una ayaw kong sumugal lalo na't bawat pagkikita namin ay panakaw kaya hindi ko alam kung tatagal. Pero ngayon, iba na! Alam ko mahal ko na siya, 'yon naman ang mahalaga di ba?

"May sasabihin ako, Abby."

Naexcite ako! Ramdam ko sa buong katawan ang kilig. Hindi ko alam na pareho pa kaming magtatapat ngayon sa isa't isa. Kagabi pa lang magkausap na kami na may aamin sa isa't isa tungkol sa estado naming dalawa. Gusto niya personal kaya nagkakarera ngayon ang mga blood vessels ko sa pagtibok. Noong una talaga corny sa akin ang pagsasabi ng nararamdaman. Sa mga past relationships ko, never akong nanligaw lahat galing sa MU. Ngayon kakainin ko talaga ang pride ko e. Ganun talaga, ito na siguro ang tinatawag na true love. Tinamaan talaga ako. Sapul walang tutol!

"Ako din!" mabilis na sagot niya.

Hindi na kailangan pa ng rainbow para maging makulay ang paligid sapat na nga mata niya para kulayan ang lahat. Niyakap niya ako ng mahigpit. Matagal. Ayaw kong matapos ang sandaling iyon. Ito na siguro ang perfect timing. Hinawakan niya ako sa pisngi. Hinihintay ko na lang maglapat ang aming mga labi. Pumikit ako. "Aalis na kami. Tanggap na ako! Isa na akong ganap na flight steward! Kami ng ate mo!"

"Congrats!" maiki kong sagot.

"Ikaw ano sasabihin mo?"

"Wala. Sasabihin ko nga congrats. Kasi natupad na ang pangarap mo. Kayo ni Kuring." Niyakap niya ulit ako. Mas maikli sa nauna. Tapos hinalikan niya ako. Smack sa lips. Ewan ko kung bakit hindi matamis. Mapait.

...itutuloy

Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

kelan po ang continuation? heheh
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

ahaha.. basag si Konrad :giggle:

anlakas mo makabitin idol :naughty: ayheyt yu :beh:

waiting mode sa karugtong :blush:
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

pasubscribe :)
 
Re: Huwag mo akong anuhin (baka anuhin kita) part -2

TS! :upset:
 
Back
Top Bottom