5 Year na kami ni gf nung nagpakasal kami, mahigit 1 year na kaming kasal ngayon. Nung umpisa okay pa naman kami, pero pagdating ng April, lumabo ng lahat. Nalaman ko hindi na niya ko mahal, pinakasalan niya ako ng hindi siya sigurado kung mahal pa niya ako. Kasabay nito meron lalaking lagi niyang nakakausap, nagtry ako na kausapin siya kaibigan niya lang daw yun. Pero tinangalan niya ako ng access sa accounts niya at cellphone niya na dati pwedeng pwede kong basahin mga nilalaman anytime. Sinubukan ko siyang suyuin ulit, binigay ko lahat ng oras ko mas naging priority ko siya, minsan kahit wala akong tulog lumalabas kami pero wala eh ang lamig lamig niya. Akala ko natigil na silang magkausap nung sinabi niyang wala na at di na sila nagkakausap, pero neto lang na-access ko accounts niya and nabasa ko na hanggang ngaun nagkakausap pa din sila. Sinubukan ko siyang kausapin sinabi ko pakiramdam ko nagkakausap pa sila, mali daw ako at tamang hinala lang daw ako. Maging mature na daw ako dahil hindi na daw sila nagkakausap.
Nasasaktan ako kasi alam ko nagsisinungaling siya at nagkakausap pa din sila. Naiisip ko nalang bakit unfair parang pagka silang mga babae pinagbabawalan natin sa pinagseselosan natin mali tayo, pero sila gusto nila agad-agad tangalin sa buhay natin. Pero bakit ganun siya, di niya maunfriend, di niya magawang di kausapin? pinagsisinungalingan pa niya ko? minsan gumagawa ako ng paraan para magkatime kami, sagot niya lang tinatamad siya or pagod, minsan sinusubukan kong kausapin siya or magsalita pero sabi niya non-sense mga sinasabi ko, pero dun sa lalaki niya kahit non-sense. Dun nagagawa niyang mag-care, sakin hindi. Hirap na hirap na ako, gulong gulo din ako kasi minsan parang okay naman kami. Hindi ko alam kung palabas lang ba yun. Ano ba dapat kong gawin? dapat ko bang sabihin na nabubuksan ko accounts niya at nabasa ko na nagsisinungaling siya? or subukan ko pang gumawa ng paraan? or panahon na ba para tumigil na ako?